BLUE-HAIRED NINE

CURIOSITY

It took minutes before we parted our hugs. Ako lang pala, bigla ko kasi siyang naitulak mula sa pagkakayakap dahil may biglang napadaan na tatlong grupo ng mga babae.

Nagmadali akong maglakad paalis, kinakabahan man ay dumiretso pa rin ako sa tabi ni Alyzza na kausap pa rin si David, mukhang nagkakatuwaan. Maayos na ata silang dalawa.

Hindi nila napansin ang pagdating ko.

"Ano ng ganap dito?" Tanong ko kay Alyzza.

"Oh, nand'yan ka na pala," medyo gulat niyang lingon saakin.  "Saan ka ba pumunta?"

"D'yan lang, nag cr." I lied.

Thanks god at wala atang nakapansin sa paghila saakin ni Daniel kanina.

"Kayong dalawa ni King? Wala rin siya kanina, eh." May bahid ng pagdududa sa boses.

"So, 'pag wala siya, ako agad kasama?"

"Aba! Malay ko. Kayo lang naman dalawa ang wala dito. Who knows, magkasama nga talaga kayo sa cr." Then she laughed.

"Ikaw!" Umilag siya nang kukurutin ko na sana siya sa gilid. "Tigilan mo nga 'yang nasa isip mo. Ang bata-bata pa natin, eh," pangaral ko. "Hindi kami magkasama, okay?"

"Kalma," itinaas ang dalawang kamay bilang pag-surrender. "You sounds defensive."

Jusme! 'Di 'ko na alam ang gagawin ko sa babaeng 'to. Eh ba't ba saakin hinahanap ang mukong na 'yon? Well, oo magkasama kami pero magkamatayan muna bago ako umamin. Kung ito nga, binibigyan na niya ng ibang meaning, what more kung malaman niyang nagyakapan kami do'n? No way.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan kong magkulitan ang dalawa. Sa likod ako ni Alyzza habang kaharap naman niya si David.

Iginala ko ang paningin sa venue. Maganda ang ginawang decor dito. Halatang professional ang nag-organize. From a plain pool area to an enchanted place. Wow.

Naagaw ng pansin ko ang mga balloon at petals na nakapaibabaw sa tubig ng pool. Nilingon ko si Alyzza na busy pa rin sa pakikipagkulitan kay David. Hindi ko na lang siya inabala at dumiretso na ako sa tabi ng pool.

Ang ganda naman dito. Parang gusto ko tuloy maligo, kaso baka isipin nilang may sira ako sa utak kung bigla na lang ako tatalon. Maybe next time.

Humalukipkip na lang ako saka tiningnan ang paggalaw ng tubig, kasabay nang mahinang pag-alon ng balloons at petals.

Gustong-gusto ko talagang nakakakita ng tubig, nakakarelax. Lalo na kapag marami akong iniisip, sobrang nakakagaan ng loob.

May mga oras kasi na nadadatnan kong nag-aaway sina mommy at daddy tungkol sa isang bagay kaya ang ginagawa ko, sinusubsob ko na lang ang sarili sa bath tub. In that way, medyo gumagaan na ang pakiramdam ko.

Magmamartsa na sana ako paalis, nang may pumatong na braso sa balikat ko.

"You like it?"

Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay niya sakin. Tiningnan ko ang paligid, nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang nakatingin saamin.

Binalingan ko siya saka tiningnan nang matalim.

"Bakit ka ba nang-aakbay? Baka may makakita. Ayaw ko ng issue."

Hindi siya nagsalita, sa halip ay umakbay ulit sya. Seryoso at diretso lang ang tingin niya sa pool. Masyadong mahigpit ang hawak niya kaya hindi maalis nang sinubukan ko ulit hawiin.

"You know what I can do with your love letter, right?" Tumingin siya saakin habang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Naguguluhan kong tanong.

"I'm just giving you a warning, not to take off my arm."

Psh.

"Hindi.ako.natatakot,"
pilit kong inaalis ang akbay niya saakin. "Yung pagyakap ko sa 'yo kanina, wala lang 'yon!"

"Wanna try?" Panghahamon niya.

"Do what you want, I don't care!" Sigaw ko. Siniko ko siya sa gilid dahilan nang pagkawala ko sa kaniya.

Natauhan na ako habang nagmumuni-muni dito kanina. Naisip ko na bakit pa ako natatakot sa kaniya? Eh, pareho lang naman kaming estudyante dito?

I also have rich parents. Alam kong hindi maganda na abusuhin ang kakayahan ng mga magulang ko, pero kung kinakailangan, why not? So, bakit ako ulit matatakot sa kaniya?

"You can't really messed with Suarez clan, Daniel."

Iniwan ko siyang nakahawak sa gilid niya at mukhang tulala pa rin sa ginawa ko.

Bumalik ako kina Alyzza na hanggang ngayon, nakikipagkulitan pa rin kay David. 

Ano bang meron sa pinag-uusapan ng dalawang 'to? Kanina pa sila tawa nang tawa ah.

Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol kay Daniel nang naki-join ako sa tawanan nila. Tawa lang kami nang tawa habang kinukwento ni David  kung ilang beses nang pinlanong itapon ng apat niyang kasama ang mga collection niyang staffed toy. Sa sobrang inis daw niya, muntik na niyang sunugin ang hideouts nila.

Grabe din pala magalit ang isang 'to. Nakakatawa na nakakatakot. No wonder, siya ang pinakabata sa kanila.

Natigil lang kami nang may nagsalitang babae sa stage.

Katulad ng pool, 'di rin pinalagpas ng organizer ang pagdisenyo sa stage. Balloons, streamer and banner na mas lalong nagpaganda nito.

"Hindi na muna ako magpapakaformal sa ngayon, tayo-tayo lang din naman ang nandito," sabi ng nasa harap. Kung 'di ako nagkakamali, fourth year student siya.

"Actually, late talaga ang emcee para bukas. Si Ms. president. Kilala naman siguro natin lahat siya, diba?"

Nagsipag-'Yes' ang lahat.

Ako lang ata ang hindi nakakakilala sa sinasabi nilang Ms. president namin. Pero, siguradong estudyante din siya. Wala naman kasing pupunta bukas na mga teachers or boarders.

"Sa ngayon, get your partners dahil ipa-practice natin ang sayaw."

Nagsipagtabi na ang lahat sa kani-kanilang partners habang ako'y pumunta sa gilid ng pool kung saan ko iniwan yung partner ko upang i-check siya, kaso wala na siya do'n.

Halos malibot ko na ang buong venue, kaso 'di ko parin talaga siya mahanap.

Saan ba iyon nagsususuot?

Bumalik ako sa dance floor dahil nagmumukha na akong tanga kakalakad. Nakita kong natatawa pa rin si Alyzza kasama si David, sila ata ang magka-partner.

Napatingin ako sa may entrance nang lahat ay doon tumingin. May lalaking kulay asul ang buhok na nakatayo doon habang may kausap na babae.

Tingnan mo nga naman ang isang 'to.
Napagod ako kakahanap sa kaniya tapos hito siya't nakikipaglandian lang? Bwesit talaga.

Mabilis akong naglakad papunta sa entrance. Pakiramdam ko, may lumalabas na usok galing sa butas ng ilong ko sa sobrang inis. Nagagalit ako sa hindi malamang dahilan.

Natigil ako nang lumingon silang dalawa saakin.

Wait, anong ginagawa nila dito?

Gulat man, nagawa ko pa rin makalapit sa gawi nila. Agad akong nginitian ni Far pagkalapit ko sa kanila.

"Uy, Baby, ikaw pala 'yan. " Yakap niya saakin.

"Hi po," nahihiya ko siyang nginitian.  "Ano pong ginagawa niyo dito?" Lipat ko ng tingin kay Jack na ngayon ay sobrang seryoso kung makatingin saakin.

"Napadaan lang ako. Tiningnan ko lang ang kapatid ko, kasali kasi siya dito, eh." Sagot ni Far.

"Ah, eh, siya?" Turo ko kay Jack habang nanatili ang tingin ko kay far.

"Napadaan lang din ako." Kay Far ako nagtanong pero siya ang sumagot.

Galit ba 'to o ano. Ang seryoso naman kasi masyado.

"Oh, Daniel." Ngiti ni Far habang lagpas sa likod ko ang tinitingnan niya.

Shit.

Pareho na silang nakatingin sa likod ko habang ako ay parang naistatwa sa kinatatayuan. Parang ayaw kong lumingon.

Abala ako sa pagkurot sa sarili, nang naramdaman ko na lang ang isang mabigat na braso sa balikat ko. Naubo ako nang may usok na umalingawngaw sa gilid ko. He's smoking again!

"Wait..." 'di makapaniwalang sabi ni Far.  "Is there something between you two?" Papalit-palit ang turo niya saaming dalawa.

Sa hindi malamang rason, kusa akong napayuko sa tanong niya. Hindi makapagsalita.

Ano bang nangyayari saakin?

"Anong ginagawa niyo dito?" Walang ganang tanong ng katabi ko, hindi inalintana ang tanong ni Far.

"Napadaan lang ako, si Jack ganoon rin."

"You may leave now. You both not allowed here." Maawtoridad na sagot ng katabi ko.

"Ikaw talagang bata ka. Ang bastos mo pa rin." Madiing boses ni Far.

Nakayuko pa rin ako kaya hindi ko alam kung anong reakyon meron sila. Pero sa boses pa lang ni Far, halatang naiinis na sa katabi ko. Boses bastos naman kasi ng isang 'to.

"Parang 'di mo kuya si Jack, ha!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Napaangat ako ng tingin sa dalawang kaharap ko.

Unang napako ang tingin ko kay Jack. Seryoso at mukhang wala na naman sa mood na nakatingin saakin. Sunod kong tiningnan si Far na mukhang iretang-ireta.

Huli kong tiningnan ang lalaking nagsisigarilyo sa tabi ko.

"Kuya mo si Jack?" Turo ko kay Jack habang ang tingin ko ay sa katabi ko.

'Di niya ako sinagot, sa halip ay hinulog na lang niya sa sahig ang sigarilyo saka ito tinapakan.

"Hindi ba halata, Baby?" Singit ni Far. "Mukha pa lang, halatang halata na, oh." Hinawakan niya ang panga ni Jack na agad din niyang iniwas.

Ba't 'di ko ba napansin 'to? Magkamukha nga talaga sila, plus the factor na magkapareha pa ng buhok. Ang kay Daniel lang ay minsan nagiging navy blue 'pag sa madilim.

Kung hindi ako nagkakamali ng tanda, hindi ito alam ni Alyzza. Masyadong pribado ang buhay ni Jack according to her. If its possible, secret ba 'to?

"Far. Leave now. You two." Madiing sabi ni Daniel, more like utos.

Hindi makapaniwalang umiling si Far habang tahimik lang na nakatingin saakin si Jack. Great.

"I can't believed you." Saad ni Far bago niya inabot ang kamay ni Jack saka hinila palabas.

Hindi pa rin nagpo-proseso sa utak ko ang nalaman. Hindi imposibleng magkapatid sila pero ba't hindi alam ni Alyzza ito, knowing na may pagkalahing tsismosa 'yon. O baka naman, buong school na ang walang may alam, pero ba't alam ni Far?

Ang dami kong gustong itanong at gustong malaman.

"I've been looking for you then I found out, you're just here, talking with that bastard."

Isa pa 'to. Ang pagtawag nang bastardo sa kuya niya. Gano'n na ba talaga siya kabastos? Kakaiba siya, ha.

"Kuya mo ba talaga si Jack?" Hawi ko sa nakapatong niyang balikat saakin.

"Do I need to repeat what Far said?" Then he rolled his eyes. Ugh!

"So, magkapatid nga talaga kayo?"

"Yes. Why? Are you thinking of doing good to me because I'm Jack's brother?" Tiningnan niya ako na may pagdududa sa mata.

"Ha!" Singhal ko. "Alam mo kung anong iniisip ko?" Tiningnan ko siya sa mata. "I'm thinking, is Jack really your brother. Magkaibang-magkaiba kasi kayo. Ugali pa lang, dead end ka na."

Iniinis ko man siya pero hindi ko maiwasang isipin na totoo din naman kasi. Kung anong sing-gentleman ni Jack, gano'n naman kataliwas ang isang 'to.

"I'm more handsome than him, Mikaela." Seryoso niyang sabi bago nag-walk out.

Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o maiinis na lang. Shocked. Napaka-childish kasi nang pagkakasabi niya.

Alam kong presko na ang siya, pero ang sabihin ang gano'n? That.was.so.funny!

Natatawa na lang akong tumabi kina Alyzza. Kita sa mukha ng kaibigan ko ang pagtataka, ngunit sa huli ay ipinagkibit-balikat na lang niya.

Hanggang sa pag-uwi, pigil na pigil ko pa rin ang tawa ko. Nagsilbing sirang plaka ang kaninang pagkakabigkas niya ng "I'm more handsome than him" sa utak ko. Paulit-ulit na nagpe-play.

"Para kang baliw. Ano bang nangyari?" Si Alyzza nang hindi na nakatiis.

"Wala." Natatawa kong iling.

Magtatanong pa sana siya kung hindi lang dumating ang aming sundo.

"Kwento ka bukas, Baby!" Sigaw niya nang papasok na kami sa kaniya-kaniyang sasakyan.

Natatawa ko na lang siyang tinanguhan saka kinawayan.

Dumating ako sa bahay na wala ulit akong nadatnan na mommy at daddy. Anyway, malalaman ko naman kung nandito sila. Unang pasok pa lang sa bahay, kita mo na silang nakaupo sa may sofa. Doing their business.

"Ma'am, may nagtatanong po sa inyo sa labas. Daniel daw ho ang pangalan." Katok ng katulong sa pintuan.

Tumayo ako sa kama ko saka ko binuksan ang pintuan

"Bakit daw, ho?"

"Ayaw pong sabihin, eh. Papaalisin ko na lang po." Tatalikod na sana siya nang pigilan ko ito.

"No. Kilala ko siya. He's my friend."

"Oh sige po. Papasukin ko na po." Magalang niyang yuko bago tumalikod.

Mabilis kong tiningnan ang hitsura ko sa salamin. Siniguradong maayos ang pagmumukha. Huminga ako nang malalim pagkatapos saka dumiretsong bumaba.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa. May dalang paper bag.

"Paano mo nalaman ang bahay namin--?"

He cut me off by handing me the paper bag.

"I'm going." He then turned away without letting me to speak.

"Bastos ka talaga!" Sigaw ko nang nasa pintuan na siya.

Agad akong bumalik sa kwarto saka binuksan ang bigay niya. Nagulat ako nang makitang isang cellphone ang laman nito.

Mabuti naman at naisipan niyang palitan ang cellphone ko. Sa mas latest pa!

Agad na may pumasok na mensahe pagkabukas ko pa lang nito. Napaismid ako nang makita ko kung kanino galing.

Daniel Ferez:

"I'm reminding you, Mikaela. I'm more handsome and cooler than him."

Muli na naman akong natawa pagkabasa ko pa lang. Mali. Napahalakhak na ako sa kawalan.

Hindi ba niya ito titigilan? Daniel ka talaga kahit kailan.

Kinabukasan, nagising ako ng mga Alas nuebe ng umaga. Nag-almusal muna bago naisipang maligo.

Balak kong pumunta sa mall para maglibang-libang habang hinihintay ang pagdating ng make up artist ni mommy.

Boring kung dito lang ako sa bahay maghihintay. Puro mga katulong at guwardya lang ang nandito. I need a fresh air. A different fresh air.

Yayayain ko sana si Alyzza, kaso alam kong abala siya sa pagpapaganda o kahit hindi man, hindi ko kabisado ang number niya. Bukod kasi sa number ni Daniel, eh, wala ng ibang naka-save sa phone na bigay niya.

Na-trip kong pumasok sa library pagkarating ko pa lang. Kinuha ko ang dalawang libro na isinuggest ng sales lady. Patok daw kasi saaming kabataan. Baka makatulong saakin.

Pumunta ako sa counter saka binayaran na ito. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa Tea house na pinuntahan namin ni Alyzza no'ng nakaraan. Gusto ko kasi, dito na basahin ang isa sa nabiling libro.

Naupo ako sa dati naming inupuan. Sinimulan ko nang buklatin ang isa sa librong dala ko, ngunit sa unang pahina pa lang ay parang ayaw ko na tapusin.

Sumipsip muna ako ng tsaa saka ulit bumuklat ng isa pang beses, magbabakasaling magka-interest, pero wala talaga.

Padabog kong nilapag sa lamesa ang libro saka nagpakawala nang matinding hininga.

Wala na. Wala na talaga akong pag-asa sa libro.

Muli na sana akong sisipsip sa tsaa, nang mapansin kong may umupong lalaki sa harap ko.

Inaakala kong si Daniel ito dahil may pagka-kabute ang isang yun, ngunit laking gulat ko na lang nang iangat ko ang tingin ko.

It's Jack.

Ilang araw na rin simula nang hindi kami madalas magkita. Huling kita ko sa kaniya no'ng namali ako ng bigay ng loveletter.

"Hi." I greeted him first.

"Ba't nandito ka? Diba may party pa kayo mamaya?" Nakangiti niyang tingin saakin. May dala din siyang libro.

"Naglilibang lang. Boring kasi sa bahay, eh."

"Nasaan ba ang parents mo?"

"Business trip." Tipid kong ngiti sa kaniya.

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa pagiging magkapatid nila ni Daniel kaso baka isipin niya, na may pagkatsismosa ako. Next time na lang.

"Ah. . Sayang at 'di pwedeng outsider sa party niyo no?" He pouted.

Aw. He's so cute.

"Ikaw sana yayayain kong maka-date kaso iyon nga, 'di pwede." I pouted too.

"Really?" Gulat niyang tanong.

"Oo."

"I..didn't know." Iling niya.

"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.

"That, you want me as your date. "

"Paano mo malalaman, eh, hindi ka nagpapakita saakin. Kung magkita man tayo, ang seryoso mo masyado."

Naalala ko kung paano niya ako iniwasan no'ng time na namali ako ng bigay kay Daniel at yung mga time na hindi ko na siya nakikita.

"You weren't replying my texts and chats."

Napatakip ako sa bibig ko nang maalala kong nag-wave nga pala ako sa kaniya no'ng huli kong online.

Don't tell me nagreply siya no'n? Shit.

"Nasira phone ko,"sinira ng demonyo mong kapatid. "Hindi na rin ako naka-online, eh." Half lied, totoo naman kasing hindi na ulit ako naka-online after no'n.

Pero nagi-guilty pa rin ako, nakalimutan ko ba naman i-check kung may reply ba siya o wala.

Bwesit ka talagang Daniel ka! Kasalanan mo talaga 'to!

"Ah." Simpleng tango niya habang nanatili ang tingin niya sa gilid ko.

Muntik ko nang masabunotan ang sarili ko nang makita kong cellphone ko pala ang tinitingnan niya.

Shit. Baka isipin niya, sinungaling akong tao.

"I bought one." Pakunware kong tawa.

"But, you were online that time. I waited your reply."

Oh great.

"Ahh..Baka nakatulog ako no'n habang bukas ang laptop ko."

God, Baby! Huling-huli ka na. Shit.

Sabay kaming napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito. Mas lalong umakyat ang guilt sa katawan ko nang malingunan ko ang caller.

Shit na shit.

"I think, I have to go. May pupuntahan pa kasi ako, eh." Nakangiti niyang sabi.

Naalarma ako sa biglaa niyang pagtayo.  Agad kong kinansela ang tawag saka siya hinarap.

"Gano'n ba?" Sinimangutan ko siya. "Importante ba 'yang lakad mo?"

Nakagat ko na lang ang sarili kong labi nang muli na naman tumunog ang phone ko. Naman!

"Yes. I really have to go." Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko saka nagmartsang umalis.

I'm doomed.

Kung meron man akong hidden talents, iyon ay ang madali kong maramdaman kung badtrip ba ang isang tao o kaya hindi na komportable saakin.

Ang lungkot lang, kasi gano'n ang nararamdaman ko ngayon kay Jack. He seems disappointed at alam kong dahil saakin.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya malapit sa exit.

"Anak ng--!"

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang makita ko si Daniel na nakapamulsang nakatayo sa may entrance habang may ngisi sa labi na nakatingin saakin.

Natigil saglit sa paglalakad si Jack nang malingunan niya ang kaniyang kapatid.

Muntik ko nang maibato ang phone ko kay Daniel nang nakangisi niyang nilingon ang kuya niya. Demonyo talaga!

Knowing Jack, akala ko papansinin niya si Daniel ngunit, taliwas sa inaasahan ko ang kaniyang ginawa. Sa halip ay iniwas lang niya ang mata niya sa kapatid saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Oh. So, why they acted like they didn't know each other?

Can someone explain me what kind of brotherhood they have?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top