BLUE-HAIRED FIFTEEN
NO
Hinayaan ko lang si Alyzza na hilahin ako palayo sa college building. Gulat at pagkadismaya ang tanging nararamdaman ko. Ni hindi ako nakabigkas ng kahit isang salita nang marating namin ang dorm.
Tahimik akong nahiga sa kama ko nang mapansin ko ang pagtabi saakin ni Alyzza. Naupo ako saka humarap sa kaniya upang pantayan ang tingin niya.
"I know what you are thinking. Hindi niya 'yon girlfriend." Aniya.
Tamad ko siyang nginitian bago tanguhan.
"Matutulog na muna ako." Tanging nasabi ko na lang.
Aapela pa sana siya pero sa huli, hindi na rin siya nagsalita nang nagtalukbong na ako ng kumot.
Kusang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha nang maramdaman ko ang pag-alis niya sa gilid ko.
Sobrang bigat nang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit. Sa pagkakaalam ko kasi, simpleng crush lang nararamdaman ko kay Jack. 'Yon lang.
Posible ba talagang masaktan ka kapag nalaman mong may girlfriend na ang crush mo? Kasi ako, sobrang nasasaktan ako.
Mas lalong tumulo ang luha ko nang sumagi sa utak ko ang imahe ng babae kanina.
Sobrang ganda niya. Ayaw ko man aminin pero bagay silang dalawa. Sobrang bagay nilang tingnan dalawa.
Anong laban ko do'n? Highschool lang ako, sila, college na. Ka-level na nila siya. Kahit anong pilit ko, iba pa rin ang mundo nila sa mundo ko.
We're not compatible. At 'yon ang masakit.
Suminghot ako saka ko binawasan ang unan ko. Mas mabuti pang itulog ko na lang 'to.
Marahas kong pinikit ang mata ko para piliting makatulog, ngunit wala pa rin. Nagpaikot-ikot pa ako sa higaan, pero sadyang ayaw makisama ng mata ko.
Napasimangot na lang ako nang masulyapan ko ang katabi kong kama. Sarap na sarap sa tulog si Alyzza, tila ba walang kapro-problema sa mundo.
Kung sana ganoon na lang din ako. Tamang sigaw at kilig lang. 'Di tulad ng sitwasyon ko ngayon, crush pa lang, iniiyakan na.
Suminghap ako nang mawalan na ako ng pag-asang makatulog. Hinawi ko ang kumot ko saka maingat na tumayo.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may pintuan. Sinulyapan ko muna ang lagay ni Alyzza bago ko tuluyang buksan ang pintuan.
Nakahinga ako nang maluwag nang matagumpay akong nakalabas na hindi siya nagigising.
Malamig na hangin ang sumalubong saakin. Niyakap ko ang sarili ko habang palingon-lingon sa paligid. Nang masiguro kong wala ng tao ay saka ako nagsimulang maglakad.
Alam kong bawal lumabas ng ganitong oras, sa kadahilanang may curfew kami pero gusto kong maglakad-lakad muna. Pampa antok lang.
Tahimik lang akong naglalakad sa walang katao-taong hall way. Alas dose ng madaling araw ngayon kaya hindi na nakapagtataka kung lahat ay tulog na.
Abala ako sa pagmumuni-muni, nang may narinig na lang akong kaluskos. Saglit akong tumigil para pakinggan kung saan nanggagaling ang ingay.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang puno malapit sa kinatatayuan kong building.
"Dito ko naririnig, eh." Bulong ko sa sarili.
Takot at pangamba ang naramdaman ko nang nasa madilim na parte ako.
"Ahh!" Napasigaw ako nang may kumaripas ng takbo na isang kulay puting pusa. "Bwesit kang pusa ka!"
"Stay still."
I frozed as I heard an elegant voice spoke behind me. Nakahinga ako nang maluwag nang malingunan ko kung sino.
"Daniel."
"What are you doing here?"
Natikom ko ang bibig ko sa paraan nang pagtatanong niya saakin. Hindi ko maaninag ang hitsura niya dahil sa dilim, pero ramdam na ramdam ko ang inis sa boses niya.
"Hi..Hindi kasi ako makatulog kaya ano..Uhh--"
"Mikaela," he cut me off. Kalmado na ang boses niya. "Has anyone ever told you that this is the perfect spot for the two person to kiss?"
"Don't tell me--"
Before I could finish speaking, I suddenly felt his lips touched mine.
Again and again, my whole body frozed. Tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko sa paligid at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Walang gumagalaw saamin. Parehong gulat at titig na titig sa isa't isa.
He is kissing me again. .
Hinahalikan ulit ako ni Daniel..
It wasn't the first time he kissed me but I felt like, he meant something the way how his lips touch mine.
I gulped as he broke the kiss. We both staring at each other. Walang naglakas loob na magsalita.
I was busy composing my words in my mind, when he suddenly touched my nape. My eyes widened as he grabbed me and kiss me again.
Oh my!
Malakas ko siyang naitulak nang magsimulang gumalaw ang labi niya.
Nakaawang ang bibig kong nakatingin sa kaniya. Maski siya ay kita sa mukha ang pagkagulat.
Naputol lang ang titigan namin nang biglang dumapo sa kanang balikat niya yung puting pusa.
I was given a chance to kick his private part when he turned his atention to the cat. Napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang nasa gitna niya.
Kinabahan ako nang makita ko ang pagdaing niya sa sakit. Shit.
"Ikaw kasi, eh..ba't mo ba kasi ako ulit hinalikan? Na..sipa ka pa tuloy." I stammered. Shit, nasobrahan ko ata.
Lumapit ako sa kaniya saka ko pinantayan ang posisyon niya. Hinawakan ko siya sa balikat nang hindi siya nagsalita.
"Uyy. Are you okay?" Yugyog ko sa balikat niya.
Nakayuko niya akong inilingan.
"Hindi ka naman siguro mababaog diba?" May pag-aalala sa boses ko.
Baka kasi iyon ang inaalala niya eh.
"Magsalita ka naman, oh. Hindi ko naman masyadong nilakasan, eh."
Gano'n pa rin ang posisyon niya. Nakayuko at hindi nagsasalita. Seryoso na talaga siya. Shit. Naiiyak na ako sa hindi niya paggalaw.
"Ikaw naman kasi, eh.." Napapahikbi na ako. "..Bakit mo kasi ako hinalikan ulit? Nasipa pa tuloy kita,"
"So..sorry na Daniel." Nanginginig na ang labi ko sa pagpipigil ko sa paghikbi.
Shit. Napalakas nga ako ng sipa sa kaniya. Baka ito pa ang maging sanhi ng pagkabaog niya.
Sinira ko ang future niya..
Hindi ko na napigilan at kusang rumagasa pababa ang mga luha ko. Napakagat ako saaking labi nang bigla siyang tumawa nang malakas.
I stared at him intently to guess what is going on. I snorted and pushed him so hard as I realized his doing. Akala ko pa naman, nasaktan na talaga.
Padabog akong tumayo nang hindi na siya natigil sa pagtawa. Kagat-kagat ang labi ko, tinalikuran ko siya saka diretsong pinagsisipa ang puno.
"Bwesit!" Mura ko sa puno.
Mas lalo ko pa diniinan ang pagsipa nang lalong lumalakas ang halakhak niya.
Bakit ko ba naisip na masasaktan talaga siya sa sipa ko? Ano bang pumasok sa isip ko? Bwesit!
Gustuhin ko man siyang tadyakan ng paulit-ulit, hindi ko magagawa. Hindi ko pwedeng gawin. Baka maging baog na talaga siya.
Malalaki ang paghinga ko nang tumigil ako. Bumuntong-hininga ako saka ko siya nilingon.
"I didn't know you were very sadistic," naiiling siyang nakangisi. "But I like it." Halakhak niya ulit.
"Why are you doing this again?" Matalim kong tingin sa kaniya.
Agad kong tinampal ang kamay niya nang umamba siyang hawakan ako. Hindi siya nagpapigil at tinuloy pa rin ang paghawak niya sa braso ko.
"I'm planning to court you, Mikaela." Kalmado niyang sabi.
Sarkastiko akong tumawa saka hinawi ulit ang kamay niya.
Grabe. Nauna pa niya akong halikan bago manligaw. Bwesit na playboy!
"Then I won't allow you. It's a no." Madiin kong sabi bago ko siya tinalikuran.
"I'm not asking for your approval. I'm just here to inform you." Pigil niya sa braso ko.
Kumawala ako sa kaniya saka ko siya tuluyang tinalikuran. Mabuti na lang at 'di na niya ako pinigilan pa. Baka hindi na ako makapagpigil pa't matadyakan ko pa siya ulit.
Ang lakas din ng loob niyang makapagsabi ng manliligaw siya. Ano 'yon? May Girlfriend na siyang mukhang turon tapos manliligaw siya? Ang swerte naman niya.
How dare him too for kissing me again! Namimihasa na siya, ah. Ligawin niya mukha niya!
Tahimik na lang akong nahiga sa kama saka nagtalukbong.
Mabuti na lang at tulog pa si Alyzza. Baka magpapakwento na naman kung nahuli niya akong galing sa labas.
Kinabukasan, nagising ako nang may naririnig akong ingay. Medyo kumirot pa ang ulo ko sa sakit nang idilat ko ang mata ko.
Ilang oras ba tinulog ko? Pakiramdam ko kasi hindi pa nag-iisang oras.
Hinawi ko ang kumot ko saka tinupi bago tumayo. Nadatnan kong nag-aalmusal si Alyzza at suot na niya ang Uniform namin.
"Okay ka na ba?" Tanong niya saakin nang makita niya akong papalapit sa kaniya.
Umupo ako sa tabi niya saka kumuha muna ng tubig.
"Yeah," I nodded as I drunk the glass of water. "May gamot ka ba para sa sakit ng ulo?"
"Meron," sagot niya saka napatingin sa ulo ko sa pagmasahe ko nito. "Kunin ko lang."
Tinanguhan ko siya saka nginitian. Kumuha muna siya ng toasted bread bago tumayo.
Wala sa sarili akong napangiti nang mapagmasdan ko siya na hinahalungkat ang lagyanan ng gamot habang nakasalampak pa rin ang bread sa bibig niya.
How lucky I am to have this kind of friend. Hindi ko alam kung masu-survive ko pa ang paglipat ko dito kung wala siya.
Alam kong kakasimula pa lang ng school year at gano'n na rin ang pagkakakilala ko sa kaniya, pero pakiramdam ko, sobrang thankful ako na siya ang una kong naging kaibigan dito.
Siguro, kaya medyo ilag sa kaniya ang mga estudyante dahil sa katarayan niya, pero ang hindi nila alam, sobrang bait pala niya tapos ang jolly pa. Ang swerte-swerte ko.
"Nag-ngingiti ka d'yan mag isa?"
Napakurap ako sa biglaang pagsalita niya. Hindi ko napansin ang paglapit niya.
"Wala lang 'to." Ngiti ko sa kaniya.
Nginitian niya rin ako saka inabot ang paracetamol.
Pinauna ko na siya sa room matapos kong maligo. Para, kung sakaling mahuli man ako ng dating ay makakapagdahilan siya sa teacher.
Sinigurado kong dala ko lahat ng kailangan ko para sa gagawin naming experiment mamaya bago lumabas ng kwarto.
"Hi, Mikaela. Good morning."
Namilog ang mata ko sa gulat nang bumungad saakin si Daniel. Abot-tenga ang ngiti at may hawak-hawak pang bulaklak na mukhang mamahalin.
"This is for you." Inabot niya saakin ang dalang bulaklak.
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay inikutan ko lang siya ng mata saka tinalikuran para ikandado ang pintuan.
Hinarap ko siya na nakataas ang kilay ko. Gano'n pa rin ang ngiti niya na akala'y makukuha ako ng gano'n-gano'n na lang. Hell no!
For nth times, inikutan ko siya ulit ng mata saka nilagpasan. Dire-diretso lang ang lakad ko. Naramdam ko ang pagsunod niya saakin dahil rinig na rinig ko ang mga yapak niya sa likod ko.
"Huwag mo nga akong sundan. Hindi ako nagpapaligaw, Daniel." Sabi ko na hindi siya nililingon.
Narinig ko ang pagsinghap niya bago magsalita.
"I told you, I'm not asking your approval, Mikaela."
I looked at him with disbelief. Galit ko siyang pinalo sa balikat.
"Iba ka rin manligaw, ano?!"
He smirked. "That's me, Mikaela. I'll take everything I want and no one can stop me."
Napawi agad ang ngisi niya nang sapilitan kong hinablot ang hawak niyang bulaklak saka ko pinalo sa kaniya.
Muli siyang ngumisi nang mahuli niya ang kamay ko.
"Not again, Mikaela."
Agad kong binawi ang kamay ko saka siya tiningnan nang matalim.
"Well, no one can stop me too for turning you down over and over again." I rolled my eyes before I turned away and start walking.
Asan na ba yung Scarlet the turon na 'yon at hinahayaan na lang lumandi ang boyfriend niya?! Napaka-pabaya niyang jowa.
Hindi pa ako nakakapasok sa room nang matanaw kong nagsisipaglabasan ang mga kaklase ko.
"Diretso daw tayo sa lab." Lapit saakin ni Alyzza.
Medyo may pagtataka sa mga tingin niya habang nakatingin siya sa mata ko. Nagtataka na siguro ito kung bakit parang laging off ang mukha ko.
Tumango na lang ako saka siya nginitian.
"Tara na." Anyaya ko.
Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming naglakad patungo sa lab.
Lumingon-lingon ako sa mga kasabayan naming kaklase at wala akong asul na naaninag. Tanging yung apat lang niyang kasamahan ang nandito na halatang may seryosong pinag-uusapan.
Nagpunta na siguro ang isang 'yon sa turon niyang jowa. Psh.
"Because we're taking up about frogs, I want everyone to bring frogs tomorrow. Yung buhay na buhay. We'll be conducting a surgery tomorrow. This will serves as your first grading examination. No frog tomorrow, no operation. Understand?" Sir Calib said.
At saan naman kami kukuha ng palaka?
"Wala na bang tanong mga Inday?"
Everyone agreed. Hindi na lang din ako nagtanong. Takot ko na lang kay Sir. Ang hilig pa naman niya mambagsak.
Tahimik namin iniwan sa assigned table ang mga medical gloves namin nang ibilin niya saamin ito. Yes na lang kami sa lahat utos niya.
"Saan naman tayo kukuha ng palaka aber?" Ani Alyzza. Pareho pala kami nang pinoproblema.
"Tutulog muna ako ng ilang oras tapos hanap tayo mamayang gabi." Lingon ko sa kaniya habang isa-isa kong nililigpit ang gamit ko, gano'n din siya.
"Eh, paano? May curfew ang lahat."
I zipped my bag and faced her.
"Hahanapan natin 'yan ng paraan." Ngisi ko sa kaniya bago ko nilibot ang tingin sa paligid.
Wala paring Daniel, sila Vincent lang.
Plano ko kasing samantalahin ang panliligaw kuno niya. Total, mapilit naman siya. Isa pa, singil ko na din 'to sa kaniya sa lahat nang ginawa niya saakin.
Manliligaw pala, huh?
Ngayon pa lang, naiisip ko na ang hitsura niyang diring-diri habang hinahabol ang tumatalon-talon na palaka. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang pagiging siga mo.
"Saan tayo maglalunch--"
Napahinto sa pagsasalita si Alyzza nang mabuksan niya ang pintuan palabas ng room. Nagtataka naman akong napalingon sa tinitingnan niya.
Namilog ang mata ko nang makita si Jack na nakatayo. Wala siyang suot na mask kaya kitang-kita ko ang pagngiti niya saakin. Naniningkit ang mala-anime niyang mata habang hugis kahon ang dala niyang ngiti saakin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bulaklak na halatang mamahalin din.
"Ano 'yan, Prince?" Turo ni Alyzza sa bulaklak.
"Para 'to kay Baby." Ngiti niyang saakin saka maingat na inabot saakin ito.
Wala sa sarili kong tinanggap ito. Nabingi ako nang lahat ay sabay-sabay na naghiyawan. Nakikikantyaw pa sa kanila si Alyzza na ngayon ay parang uod na nabudburan ng Asin.
"Patay." Rinig kong bulong ni David.
Hindi na ako nagsayang pa ng ilang minuto at hinigit ko na si Jack palayo. Tumigil kami nang masiguro kong wala ng makakarinig saamin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tiningnan sa mata.
"Anong trip niyong magkapatid, Jack?" Mahinahon kong boses.
Kumunot ang noo niya na para bang hindi nakuha ang tanong ko.
"Bakit may paganto ka pang nalalaman?" Paglilinaw ko sa tanong ko.
Baka kasi ako ang mali nang pagkakaunawa. Eh, 'di pahiya pa ako.
"I'm here to Apologize," Damn, mabuti naman. Akala ko kung ano na. "Baka kasi nabastusan ka kay Serine...And I'm here also to ask you if I can be your suitor? 'Yon ay kung hahayaan mo ako na--"
"No!" I cut him off. Sinasabi ko na nga ba, eh!
Mabilis siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya ako tinitigan na may pagsusumamo sa mga mata niya.
"I know it's too fast, Baby, But I like you. Kakikilala ko pa lang sa 'yo pero crush na kita." Dire-diretso at kinakabahan niyang sabi.
"It's still no, Jack. I'm sorry." Hawi ko sa kamay niya saka ko siya tinalikuran.
Kakapal ng mga mukha nilang magkapatid para ligawan ako. Mga playboy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top