LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE

#SAT9S

DEDICATED TO : MARIEL GERODIAS ESTAMPA

(Note : 5 parts ang Last Chapter. The first part will be George's last point of view. The rest is for the other POVs. I bet you already know the sequence. Fast phase.)

LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE

Kumakalma ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa dagat. First time ko sumakay ng ferry. Hindi gaanong marami ang tao rito sa deck. May iilan lang akong kasama na sumusungaw sa dagat at malayo ang distansya ng mga pasahero sa akin. Napatingin ako sa kanang bahagi at nakita kong mag-asawa ata ang nando'n. Napaiwas ako ng tingin at muling bumaling sa dagat.

Hindi na dapat ako naninibago mag-isa. Ilang taon na akong ganito, di ba? Independent. Pero mahirap lokohin ang sarili. Hindi ko kailangang magsinungaling na kahit papaano ay dumipende rin ako sa iba. Hindi ko nga lang magawang ibigay ang sarili ko sa iisang tao ng buo dahil naniniwala akong kapag ginawa ko 'yon, mawawasak ako. Tinatak ko sa isip ko na sarili ko lang ang meron ako at pag nasaktan ako ng sobra, ako lang din ang lalaban para sa sarili kong kapakanan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko maibaba ang pride ko. Hindi ko gustong iyakan ang mga bagay na nakakasakit sa akin pero minsan, hindi talaga maiiwasan.

Tinukod ko ang siko ko sa rills. Huminga ako nang malalim at pumikit. Marami akong iniisip. Simula sa mga nangyari nitong nakaraang buwan hanggang sa nangyari nitong linggo lang. Inaalala ko si Ren. Nakaalis na kaya siya? Tumuloy ba siya o naging sila ulit ni Rhea?

Napadilat ako sa pag-atake ng panibagong sakit. Muli akong napahinga nang malalim. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko siya. Hindi ko pinagkait sa sarili ko ang mahalin si Ren. Alam ko sa sarili ko na minahal ko siya. Napahawak ako sa rills nang mahigpit. Biglang nanghina ang tuhod ko.

Nakaiinis mang isipin na hindi ako masyadong nag-expect sa una. Ayokong mag-expect ng mataas sa kanya kaya nilimitahan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Mahirap kasing aminin na ako pa ata ang mababaw magmahal sa naging relasyon naming dalawa. 'Coz I have doubts, too. Hindi 'yon nawawala. Pero siya?

Napakagat ako sa aking labi at muling pumikit. Sumingit na naman ang mga alaala. Yung araw na sinabi niya sa akin na nag-usap sila ni Rhea, nanlamig ang katawan ko. Do'n kumawala lahat ng pag-aalinlangan ko. Na kahit hindi siya nagkukulang sa oras sa akin at hindi siya nagpapakita ng pag-aalinlangan, may pakiramdam ako na darating yung panahon na iiwan niya pa rin ako. Akala ko 'yon na 'yon.

"Babalik ka na ba sa kanya?" Nilabas ko ang lamig na aking nararamdaman. Nakita ko siyang pumikit nang tanungin ko siya at mas lalo lang lumakas ang kutob ko. Iiwan niya na ako.

"Why are you asking me that? Bibitawan mo rin ba ako?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napaharap ako. Alam ko na ayaw niya ng gano'n. Ayaw niya na ulit maranasan ang gano'n. Na binibitawan siya basta-basta at iiwanang lumaban mag-isa. Pero ako? Anong silbi ko rito?

"Kapag naoobliga ka na lang na manatili sa akin, masmagandang sabihin mo sa akin agad na ayaw mo na kaysa maramdaman ko na mahal mo pa rin siya." Naiiyak na ako pero pinipigilan ko.

At the first place, ba't nga ba ako pumasok sa relasyong 'to? Easy. Wala na, eh. Nahulog na nang tuluyan. Sinalo niya ako pero ayoko ng ganitong pakiramdam. Na kahit wala naman akong nakikitang mali sa relasyon namin ay nararamdaman kong may kakompetensya ako. Kahit ilang beses niyang sabihing walang kumpemtisyon na nangyayari.

"Did I make you feel like that? Tingin mo ba mahal ko pa rin siya?"

"Ako ba ang sasagot ng tanong na 'yan para sa'yo?" Umiwas ako ng tingin. Shit. Ayoko marinig dahil magmumukhang kawawa. Masmatatanggap ko pa na masama ako sa paningin ng lahat kaysa maging gano'n. Hindi ko kailangan ng awa.

"I don't think I would be able to stand in front of you if that's the case. Have I told you I love you?"

Nagulat ako ng sabihin niya 'yon. Hindi naman ako nagmadaling marinig ang mga salitang 'yon sa kanya dahil alam ko ang sitwasyon naming dalawa. Ngayong narinig ko na, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko rin alam kung ginamit niya lang ang mga salitang 'yon para lumuwag ang pakiramdam ko o talagang seryoso siya. Hindi ko matantya.

"It takes time for me to say the words 'coz I have to show my gratitude first. I don't want to commit the same mistakes. I don't want to give you promises. I don't want to tell it to you yet dahil alam kong magdududa ka. Instead, I've shown you the real me and the things that I could do, the things that I could give up for us. So, I hope. . .I hope you'll stay, so we could make this work. Nandito na tayo, eh."

Taliwas ang mga sinabi niya sa inakala ko kaya hindi ako makapaniwala. He asked me to stay when I thought he's going to leave me right away. He's giving us a chance to make this work. I felt relief but the pain never subsided. Posible bang masaktan kapag sobrang saya? I guess so.

Hindi ako magiging hipokrita. Sino ba ang ang aayaw kapag ikaw na ang pinili ng taong mahal mo? Pinigilan ko. Pinigilan niya ang sarili niya. Hindi mahirap mahalin si Ren. Kahit sinong babae na mapalapit sa kanya, sigurado ako na malaki ang posibilidad na mahalin rin siya. Nagkataon lang na ako ang nakasama niya nung panahon na walang wala siya. Who wouldn't fall?

Ilang tao na ang nakaharap ko. Inuusig ako dahil sa relasyong meron kami. Pinamumukha sa akin na second choice lang ako, rebound, panakip-butas. 'Yon yung mga pagkakataong kung wala lang akong pagtitimpi ay napakasarap atang maging kriminal.

"See? Tama ako. Sinulot mo ang pinsan ko sa kaibigan ko." Naniningkit ang mata ng pinsan ni Ren habang nakatingin sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi patuyang ngumisi. Sino ba siya sa akala niya? Porke ba pinsan niya si Ren ay may karapatan na siyang pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ko ata 'to mapapalampas. At mukhang hindi siya aware sa kasalanan niya noon. Pathetic.

"Ang tapang mo naman atang humarap sa akin pagtapos ng ginawa mo."

Sandali siyang natigilan ngunit agad ring dumiretso ng tayo. Kating-kati na ang kamay ko na sampalin siya pero gusto kong magsalita muna. Gusto ko ibalik sa kanya ang mga paratang.

"Ikaw yung klase ng tao na naniniwala sa kung ano ang nakikita mo. Ang galing mo ngang mag-conclude, di ba? Bakit hindi ka na lang maging manghuhula? Total naman mukhang masaya ka kapag ginagawa mo 'yan."

Tumiim ang bagang niya at humigpit ang hawak niya sa kanyang bag. Sarkastiko ko siyang nginitian.

"Bakit? Galit ka na? Mahirap bang tanggapin na ikaw ang nakasira sa relasyon ng pinsan mo at sa tinuturing mong kaibigan? Ang papel mo kasi. Pakiramdam mo ata porke't malapit ka sa kanilang dalawa, pwede ka na makialam? Ano ka? Councilor? Chaperon nila Ren at Rhea?"

"Kahit ano pang sabihin mo, naging kayo pa rin ni Ren." Mariin niyang sambit.

"Yes." Unti-unting numinipis ang pasensya ko. "Pero sana naisip mo na kahit naging kami man o hindi, ikaw pa rin ang unang sumira sa kanila. And you call yourself Ren's cousin when you didn't even let him explain? I bet you poisoned his ex-girlfriend's mind. Mukhang proud na proud ka pa, ha? I wonder if he feels the same na pinsan siyang ubod ng sawsawera. Kung hindi mo pinairal ang gano'ng ugali, di sana ay sila pa rin at walang kami."

Namula ang mukha niya at kumislap ang kanyang mata. Akmang hahakbang siya papunta sa akin at inunahan ko na ng salita.

"Ano? Nasaktan ka na? Nag-sink na ba sa'yo kaya gusto mo na akong saktan ng pisikal? Ikaw na nga ang may atraso, ikaw pa ang galit? Nakakaawa ka. Galit rin ako at hindi ako takot na bangasan ang mukha mo but that's just a waste of time. Bakit pa ako magsasayang ng lakas para sa mga tulad mong hindi maka-move on?"

Tumalim ang mata ko at humakbang ng isa para makalapit sa kanya. "Mas bitter ka pa sa iniwan."

Si Shai ang pinakasinisi ko noon kung bakit nangyari 'yon. Yes, wala kami ni Ren kung hindi niya pinangunahan ang pinsan niya. Though, wala akong makapang pagsisi sa desisyon kong sagutin si Ren, may mga instances na naisip kong okay lang sa akin kahit hindi naging kami. Kung hindi sila naghiwalay ni Rhea, hindi siya hihinto sa pag-aaral, hindi niya kailangang talikuran ang pagiging Delgado, hindi niya kailangang magtrabaho, hindi niya kailangang mag-isa, hindi niya kailangang mamuhay sa hindi niya nakasanayan, hindi niya kailangang magtiis, hindi siya mabugbog, at hindi siya mahuhusgahan. Yet, he manage to stand alone and I couldn't deny that I still look up to him, then and now. Hindi siya perpekto pero tingin ko, ang mga tulad niya ang pinakamahirap hanapin.

Nung una, naiintindihan ko pa si Rhea. Nung hindi pa kami ni Ren, ilang beses kaming nag-away dahil magkaiba kami ng opinyon sa mga bagay-bagay. I hate men and I could say that sometimes, I'm hating Ren. Dala na rin siguro ng pagkababae ko pero habang umuusad ang relasyon naming dalawa at nakikita kong seryoso siya, parang may bumubulong sa akin na ingatan si Ren. My hate slowly diverted to Rhea. Dahil kahit sa pinakamalabong rason ay hindi ko na maintindihan kung ba't nagawa niyang pakawalan si Ren.

Kaya nung nagkaro'n na ng pagkakataong makapag-usap kami ay binuhos ko ro'n ang lahat ng nararamdaman ko. Nangyari 'yon bago pa sila nag-usap ni Ren.

"Hindi ko nga alam kung ba't mo ako kinausap. Kaya naman kitang iwasan." Sabi niya.

"Umiiwas ka dahil ayaw mo nang gulo o dahil ayaw mong makita ng iba na nasasaktan ka?  You can't escape pain. You can hide but not for a long period of time. Besides, you're as transparent of glass. Someone is bound to break you."

Well, that's irony. Maski ako ay may tinatakasan. Ang pinagkaiba lang namin ay walang humahabol sa akin. Siya? Hindi lang siya tumatakas. She hides and lies to herself. That makes her so pitiful.

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kanyang mga gamit. "If were on your place, hindi ako hahawak ng mahigpit sa isang bagay para pipiin 'yon nang dahil sa inis. I would definitely slap the person in front of me."

Naningkit ang mata niya. "Sinasabi mo ba na gusto mong saktan kita?"

"No but I want you to fight. Sometimes, being kind will get you nowhere."

I maybe silly for having such thoughts. Para ko na ring sinabi na labanan niya ako. Well, that's the bottom line. Fight should be fair on both sides. Hindi ko kayang tahasang sabihin na kaya ko ibigay ulit si Ren. Kung sasaya si Ren sa kanya, bakit hindi? But I believe the damage cannot be easily fixed by talking with each other and I doubt if Ren would be willing to go back to her with no hesitations. He maybe an idiot but not inconsiderate. Gano'n pa man, gusto ko ilabas ang mga hinaing ko mula pa ro'n sa hindi ko nasabi nung sumadya kami sa NZ ni Ren. That was the perfect timing to release it all.

"Sana nga hindi ka na lang dumating. Sana kami pa rin kung wala ka." Sambit niya.

Ngumisi ako. Ngising nagpapakita ng matinding pagkainis. This time, hindi ko na tinago sa kanya ang hinanakit at galit na nararamdaman ko.

"Ang sakit, di ba? But that's your choice. Pagbaliktarin mo man ang kwento, kumampi man lahat ng tao sayo, alam mo kung sino ang mali. Sad to say, I didn't steal him from you. You let him go. You wasted his efforts. You pushed him away and you're the one who keeps on hurting yourself. Hindi si Ren at mas lalong hindi ako. So, don't you dare point a finger on me." Napapikit siya nang sinabi ko 'yon. Hindi ako tumigil. "And to answer your question, yes, I hate you. Sana hindi ka na lang bumalik."

Why did I say the last part? Para malaman niyang wala na siyang babalikan. This girl is fooling herself. Sinabi niya, di ba? Hiniling niya na sana ay sila pa rin. It's obvious that he wants him back. Can I just let her? Obviously, no. Gusto ko ring maramdaman niya ang naramdaman ni Ren noon at kung gaano siya katanga. Sayang. Tiningala ko pa naman siya nung una.

"Do you know the reason why I hate you? Sinayang mo ang relasyon na gusto kong mangyari sa akin. Sinaktan mo yung taong iniwasan ko para lang maging tahimik ulit kayo."

Umiiyak na siya sa harap ko pero wala akong pakialam. Sabihan na nila ako ng masama sa pagprovoke sa kanya pero hindi ko kayang kunsintihan ang mga taong ganito katanga. Natawa na lang ako.

"Gusto ko sana siyang ibalik sayo, eh. Kasi alam ko naman na sa ating dalawa, lamang ka. Ano bang binatbat ng 4 years sa 4 months? Hindi pa kasama ro'n yung panahon na ginugol niya para makuha ka. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit napakadali sayo na bitiwan siya dahil lang sa isang pagkakamali. Imagine, isang pagkakamali lang pero pinutol mo lahat! You destroyed all his plans with you, even his future. Hindi mo naisip 'yon, di ba? Kasi awang-awa ka sa sarili mo. So, I've changed my mind. If you think Ren doesn't deserve you, it's the other way around. Ikaw ang hindi deserving sa kanya."

Georgia, Georgia. Ang sama mo talaga. Ahh! Oo nga pala. Sa mundong 'to, martyr at mga tanga ang bida. Ang mga taong sumasalungat sa kanila ay tinuturing na kontrabida. Ang mga taong sumusulsol sa kanilang katangahan ay tinatawag na kakampi at ang mga taong naaapakan nila ay tinatawag na walang kwenta. Ang sarap talagang gumawa ng sariling mundo. Ang lakas pa namang makahawa ng katangahan kahit hindi 'yon uri ng epidemya. Ang sarap niyang sampalin para matauhan.

"Tama na." Bulong niya. "I've heard enough."

"Enough? That's enough for you? Eh, wala pa nga ako sa kalahati. Hindi mo ba gustong malaman kung anong nangyari kay Ren pagtapos mo siyang itaboy? Kung anong nangyari sa kanya bago siya nakamove-on sa'yo? Naduduwag ka na bang malaman ang epekto no'n sa kanya?"

Nakakatawa talaga. Suko na siya? Wala pa ako sa kalahati! Hindi ko pa nga nasasabing binugbog ng pinsan niya si Ren. Hindi ko pa sinasabing pinalayo si Ren ng mga kapatid niya. Hindi ko pa napapaalam sa kanyang tinalikuran ni Ren ang sarili niyang ama para sa isang tangang tulad niya. Tapos pinapahinto niya na ako? That's a little bit unfair for someone who witness Ren's sufferings.

"Tama na, okay? I get it, Georgia! Na sa'yo na siya. Masaya siya sa'yo. Etsepwera na ako. Naka-move on siya sa akin. Nakalimutan niya na ako. Masmahal ka na niya. I get it. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin 'yan kasi nakikita ko naman. Kitang-kita ko. Mahal na mahal ko siya and it took me many months before I realized that I still need him. Hindi  ko siya masisi kung naghanap siya ng iba o binaling niya ang pagtingin niya sa'yo dahil ako yung bumasag sa kanya. I thought I already gave my best. Hindi pa pala. Natakot lang akong sumugal."

Hindi ko alam kung sadyang bato ako o talagang wala akong awang makapa para sa kanya kahit humihikbi siya sa harap. Siguro ay wala ng natira. Natuyo na sa tagal ng paghihintay ng pagkakataong makausap siya. Sana gumawa siya ng paraan para sa sarili niya at sana ay hindi niya pinatagal ng ganito.

"'Yang takot mo ang nagpatalo sayo. While I bet my all to Ren, kahit hindi sure win sumugal ako. Sana ikaw yung panalo kung tinaya mo na lahat. I got him with all the good reasons, disregarding our complicated situation. Gusto mong magkabalikan kayo, di ba?"

Hindi siya sumagot. Hindi rin siya gumalaw. Nakatingin lang siya sa akin na tila sising-sisi sa nangyari.

"I can't give him to you unless he choose you again over me."

Isang malaking sampal 'yon pag nagkataon. Kaya nakikiramdam ako kay Ren. Kung ayaw na niya, uunahan ko na. Pero hindi pala gano'n kadali. Madaling isipin. Madaling sabihin. I underestimated him. Hindi nga pala siya gano'n. Ako lang ang may pag-aalinlangan sa kanya. Siya, hindi niya pinarating sa akin na may pag-aalinlangan siya. Saka ko natandaang ayaw nga pala ni Ren na pinamimigay siya.

Ang akala ko ay si Rhea lang ang dapat kong harapan. Inakala kong siya na ang pinakamahirap kausapin. Pansamantalang nawala sa isip kong meron nga pala siyang mga kakampi hanggang sa isa-isa na silang umatake.

"Ba't ka pumayag na maging rebound ni Ren?" Tanong sa akin ng lalaking nagngangalang Coby. Nakakatawa ang tanong na 'yon. Here we go again. I'm facing another fool who knows nothing.

"What makes you think that I'm just a rebound?" Mataray kong tugon.

"What made you so confident? What if it's true?"

"You're invading a wrong territory, Mister. Don't you think your questions are too personal? Mukhang naliligaw ka ata. Na-try mo na bang itanong sa sarili mo ang mga tanong  na 'yan? Baka makita mo ang sagot."

"What do you know?"

Nagkibit balikat ako. "Marami. Masmarami sa nalalaman mo."

Nung panahon na 'yon, kampante ako na alam ko ang lahat. Kampante ako na alam ko ang nangyari kina Rhea at Ren. Lalo na kay Ren. Hindi ko nagawang mag-alinlangan na may nakatago pang ibang rason sa paghihiwalay nila o kaya naman ay may tinago pa sa aking detalye si Ren.

Muli kaming nagkita ni Rhea sa Nuvali. Ren joined in Triathlon event na dapat ako ang sasali pero hindi siya pumayag. Well, his concern is my stamina kahit ang tingin ko naman ay makakaya ko. Hinayaan ko na lang siya kaysa masayang ang pagpunta namin ro'n.

Namataan ko siyang kausap ang isang lalaki. Namumukhaan ko 'yon. Pamilyar. Yung lalaking nakita namin ni Ren na kahalikan niya. Nakasabay ko siya sa pagsakay sa speedboat. Masmadaling mararating ang spot ng finish line pag sumakay ro'n. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako.

"Hi." Ngumiti siya. Muntik na akong mapairap. Hindi ko alam. Siguro'y hindi lang ako sanay. Naiisip ko kasing pinaplastik niya lang ako sa tuwing gagawin niya 'yan. Come on. Who smiles at the current girlfriend of your ex? That's not genuine.

Tumango na lang ako at umupo. Pinagtaka kong sa tabi ko siya pumwesto. Hindi  ko na lang ginawang big deal.

"You have a company?"

Well, I'm with your ex. Ang sarap sabihin no'n. "I'm with Ren."

"I see. I-I'm with my friends. Sumali si Ren sa event?"

Why does she want to know? And why is she talking to me? Hindi ba pwedeng manahimik na lang kami at umaktong hindi magkakilala? Mahirap ba para sa kanya na gawin 'yon?

"Yes." Walang interes kong sagot.

Nanahimik rin siya sa ilang minutong byahe. Wala na akong balak pansinin siya pero nung nakababa na kami ay muli niya akong kinausap.

"Georgia, sa university ka ba nagtatrabaho?"

Napataas ang kilay ko. "Bakit?"

"Gusto sana kita puntahan ro'n."

"Bakit naman?"

"Trainer ka ba ro'n? Coach or staff ng basketball team?"

Tuluyan ko siyang hinarap. Naguguluhan ako. Nagtataka kung ba't tinatanong niya ako.

"Trainer ako ng junior bastketball team." Tinitigan ko siya nang mabuti. "Hindi ko makita ang punto kung bakit ka nagtatanong ng ganyan."

"I just want to visit you some other time?"

"Hindi tayo magkaibigan para bisitahin mo ako." Malamig kong tugon.

"Yes, but. . ." Huminga siya nang malalim. Kinagat niya ang kanyang labi. "You told me once that you want me to fight and kindness will get me nowhere."

Natigilan ako. Ngayon pa niya maiisip 'yan? Napakagaling niya talaga sa timing. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, masyado na siyang huli para ro'n. "Don't you think it's too late for that?"

Umiwas siya ng tingin. "It's never too late to fight my frustrations as a woman. I think that's the same thing when I have enough determination to get the man I want."

"Close enough to desperation."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "At least, I've tried. That's the most important thing, isn't it?"

"At ano namang paglalabanan nating dalawa?" I know what she wants as a prize. Hindi ako tanga at uto-uto para ibigay 'yon nang madalian sa kanya. Pero hindi ako tumatalikod pag ako ang hinahamon. I could feel the challenge.

"Pupuntahan kita bukas. Hindi ka trainer ng basketball team kung hindi ka marunong maglaro. I miss playing that sport."

Kumunot ang kilay ko. She plays basketball? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ako naniniwala. Parang isang balyahan lang ang katawan niya.

"I'm free tomorrow afternoon. Kung seryoso ka, pumunta ka lang. Kung hindi," nagkibit balikat ako. "Wala namang mawawala."

Tinalikuran ko siya pagtapos no'n. Hindi ko muna masyadong inisip kung seryoso siya ro'n. Sinabi ko kay Ren na nagkita kami ni Rhea pero hindi ko nagawang sabihin ang pinag-usapan namin.

Hinintay ko siya kinabukasan pero walang Rhea na pumumta. Natawa na lang ako sa sarili ko. Ba't nga ba ako umasa na pupunta siya? Baka nga hindi siya seryoso sa mga sinabi niya. Binalewala ko na lang hanggang sa ilang araw ang lumipas, lumitaw siya sa university gym nang patapos na ako sa pagmamanage ng try-out. Naka-office attire siya no'n. Long-sleeve at pencil cut na palda. Nakasuot pa ng stiletto.

Nilapitan ko siya at ayan na naman ang ngiti niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ngayon ang usapan natin."

"I know. Sorry. Nagkasakit kasi ako." Tumingin siya sa mga naglalaro sa court. "Mukhang busx ka."

"Patapos na." Humalukipkip ako. "Seryoso ka ba talaga?"

"Kung seseryosohin mo rin."

"Kaya mo?"

"Kakayanin."

"With that attire?" Muli ko siyang hinagod ng tingin. Natigilan siya at napatingin sa sarili. Napailing ako. Hindi ba siya aware?

"Sorry. Hindi ako nakapagpalit. Nagmamadali kasi ako pumunta rito. Baka hindi kita maabutan."

Nakapagtataka na nung araw na 'yon, masyadong magaan ang pakikitungo namin sa isa't-isa kumpara sa mga una naming pagkikita. I hate it when she's trying to be nice. Na parang nagpapatay malisya. Pero sinakyan ko na lang rin. Ayoko sirain ang mood ko.

Pinahiram ko siya ng spare joggers at shirt ko. Yung lumang pulang converse ko na nabulok na sa locker ay pinahiram ko rin kaysa naman maglaro kami sa court nang naka-takong siya.

"Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo." Nagsalita ako habang nagsisintas sa bench. "At hindi ko rin maintindihan kung ba't pinagbibigyan ko ang kahibangan mo."

Ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mata. "Hindi naman talaga ako pumunta rito para makipaglaban sa'yo. Gusto ko lang namang makausap ka ulit."

"Makausap o makiusap?" Makahulugan kong dugtong.

"Parang gano'n na rin." Sagot niya paglipas ng mahabang sandali. "Para na rin mabawasan yung tensyon sa pagitan natin. I know you hate me and I admit I used to hate you, too."

"May nagbago ba?" Malamig kong tugon.

"Hindi mo na kailangang maging sarcastic." Tumayo siya at kinuha ang bola sa lapag. Nagsimula siyang magdribble at napatuwid ako ng tayo nang makitang marunong nga siya no'n. "I'm not here for Ren. I'm here for myself. Lumalaban ako para sa sarili ko. I hope you'll fight me well. Let's give our best."

Hindi ako na-thrill nang gano'n sa mahabang panahon. Madalang ako makipag-one-on-one. Umikot ang pag-aaral at pagtatrabaho ko sa basketball at masasabi kong mas lamang ako sa kanya but I have to admit that I underestimated Rhea Marval.

Nung una ay nagbibilang ako ng puntos pero kalaunan ay nakalimutan ko. Ilang beses ako bumagsak sa pagdepensa niya at gano'n rin siya sa akin. Kung mero'n man akong napansin sa laro niya, she always she shoots on the wing. Hanggang sa may napagtanto akong isang bagay. She plays like Ren.

Natapos ang laro na nakalugmok kaming pareho sa bench. Hingal na hingal. Matagal na panahon na nang maglaro ako nang gano'n katagal. Napatingin ako sa kanya at naghahabol rin siya nang hininga. Pinunas niya ang laylayan ng t-shirt sa kanyang mukha pagtapos ay tumingin siya sa akin. Muli siyang ngumiti.

This time, I smiled back. Hindi ko alam kung bakit. Inabot ko ang tubigan ko at pinagulong sa kanya.

"Tinuruan ka ba ni Ren maglaro ng basketball nung kayo pa?"

Nagulat siya sa tanong kong 'yon. Umawang ang kanyang bibig at ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalitang muli. "No. Naglalaro talaga ako dati nung high school ako. Nahinto lang nung mag-college. B-Bakit?"

Napaiwas ako ng tingin. Tinignan ko ang ring. "You play like him."

"Lagi ko siyang kalaban sa lahat ng bagay." Napabaling akong muli sa kanya at nakayuko na lang siya.  "Lagi akong natatalo. Isang beses lang akong nanalo sa kanya pero dinaya niya ako at huli ko na nalaman. Tuso siya. Bully. Gago. Manyak. Magaling mang-asar, mamikon. That's the Ren I know."

"Why are you telling me those things?"

"I'm actually reminiscing, Georgia. I'm telling it to myself. Pinapaalala ko lang sa sarili ko kung sino yung Ren na minahal ko noon." Nilingon niya ulit ako. "Naniniwala akong wala pa ring nagbabago sa kanya hanggang ngayon."

"Paano mo naman nasabi? Change is the only constant in this world."

"I just feel it." Bumuntong hininga siya. "By the way, thanks sa game. I enjoyed it. Ang tagal ko na kasi talagang hindi naglalaro."

"Now, who won?" Ngumuso ako. "Hindi ko na nasundan ang score."

Natawa siya. "Ako rin naman."

Nagpalit na siya pagtapos no'n. Nakaramdam naman ako ng pagod. Binalik niya rin sa akin ang mga pinahiram ko. Paglabas niya ay mukha na naman siyang karespe-respetong babae na walang alam sa kahit anong sports. Masyado siyang fragile tignan. Nakapanlilinlang.

Bago siya umalis ay muli niya akong hinarap.

"I'm not here for the win. May gusto lang talaga akong ibigay sa'yo." Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay ro'ng papel. Napatingin ako sa kanya. "I wish you would understand. I just can't give up. I gave up once. Hindi ko na kayang gawin ulit."

Pinanatili kong blanko ang mukha ko kahit nagsisimula na siyang maluha. Wala na ba siyang ibang gagawin sa buhay niya kundi ang umiyak?

"Hindi ko siya aagawin sa'yo. I won't beg you to let him go. I just want you to know. . ." Pumikit siya. "Na makita ko lang siya, malapitan, makausap ng sandali, masaya na ako. Sana hindi mo pagbawalan. Hayaan mo na lang ako hanggang sa mapagod ako sa ginagawa ko kagaya ng nangyari sa kanya."

Tulala ako nang umalis siya. Natauhan na lang ako na wala na siya sa harap ko. Tinignan ko ang papel na iniwan niya. Maliit lang 'yon at hindi nakatupi. Nakasulat ro'n ang isang blog site. Naguluhan ako bigla. Ano ang gusto niyang ipahiwatig?

Pagdating ko sa bahay, kahit pagod ay pinapatay ako ng curiosity ko. Imbis na matulog ay kinuha ko ang laptop at hinanap ang blog site. Bumungad sa akin ang isang puting background na may lay-out na butterfly.

• RLM Blog • Girl Thought • Woman's Online Diary •

Hinanap ko ang pinakaunang post na nando'n at medyo natagalan dahil marami-rami. It was posted almost 6 years ago.

'October 2. Don't know what should I write. Hindi ko alam kung paano ko i-e-express ang sarili ko. I'm not really good in words. I'm a lady wanna be. I have this weird ten steps guide to be a lady made by my not-so-awesome-and-ugly enemy (dati) who is now my (err) boyfriend. Lol. I'm currently doing the step 6. Kakaumpisa lang , uhm, minutes ago? Meron akong instructor na nag-utos sa aking gumawa ng blog. So, I made this. Eto na nga, nagtatype ng kung anu-ano. Hoping that I'm making sense. Hanggang dito na lang. Tinatamad na ako. Bye.'

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Is this Rhea's? Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Para nga itong diary ngunit tila sa kalagitnan nag-umpisa. May na-mention rito na 10 Steps pero nasa Step 6 na raw siya nang masimulan ang blog. Merong mga guides, tips, at sarili niyang opinyon. Halo-halo. Nawili ako sa pagbabasa hanggang sa malowbat ang laptop.

May ilan akong nalaman. Hindi niya nilalagay ang buong pangalan niya pero kumbinsido ako na kay Rhea nga 'to. Hindi ako nakatulog. Nag-charge lang ako ng laptop at nagbasa na ulit.

'College na ako! Kami ng boyfriend ko. Excited ako, at the same time, medyo kinakabahan. Wala na yung best friend ko, eh. Nasa US na at do'n nag-aaral. Arki ang course na kukunin ko. Tulad ng sa pangalawa kong kuya. Sana makaya ko. Ayoko maging disappointment kina Papa at sa tatlo kong kuya.'

Nakatulog ako sa harap ng laptop ko. Paggising ko ay hirap na akong huminga. Shit. Sinumpong ako ng hika. Napatingin ako sa phone kong tadtad ng message ni Ren. Tanghali na pala at malabong makapasok pa ako. Napatingin ako sa laptop ko at huminga nang malalim. Hindi ko sinabi kay Ren na may sakit ako. Naglaan ako ng oras sa pagbabasa. Hindi ako palabasa pero hindi ko alam kung anong mero'n dito at parang may nag-u-udyok sa aking tapusin 'to. In-skip ko ang iba hanggang sa makakita ako ng post na nakaagaw ng atensyon ko.

'He cheated on me. I saw him with a girl and he lied. He lied. I couldn't believe it.'

Napalunok ako. Pinagpawisan ang kamay ko habang binabasa ang nakapost ro'n. Maiikli lang karamihan at malalayo ang pagitan ng mga dates 'di tulad nung sa umpisa na halos araw-araw. Kumakalabog ang puso ko hanggang sa napilitan ako tumigil sa pagbabasa. Sumakit ang ulo ko. Ngayon lang ako nakabasa ng diary ng isang tao at napagtanto kong mahirap pala. Hindi ito tulad ng mga nasa kwento dahil nasa isip kong buhay ang sumulat at buhay niya ang sinusulat niya rito. Makakatotohanan at talagang mangyari. Nahirapan ako i-absord dahil halo-halo ang emosyon ko at idagdag pang hindi maganda ang pakiramdam ko pero nagpatuloy pa rin.

'Today is my graduation day. I should be happy. Finally, right? Nakatapos na rin. My three years in the city wasn't wasted. I should be crying in joy. Hindi ko magawa. I'm wasted. Umakyat ako ng stage na parang walang nakikita. Hinanap ko siya pero wala. Wala na siya ro'n. Hindi niya hinintay ang graduation ko. He left me a note with a few words and a greeting. Yes, I let him go but I never knew that pain is unbearable 'til he finally slipped away and I couldn't anything about it. Wala na. I already lost him and our dreams together.'

Huminga ako nang malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. This too dramatic. Pinilit ko na lang ang sarili ko na basahin ang kasunod.

'I consider this as my last post. I feel so useless. I never thought I would reach this point. Parang ayoko na. Hindi ko na kaya. Dati, ang akala ko mababaw yung mga taong pinipiling tapusin ang buhay nila. Kung totoo man, kasama pala ako ro'n-'

Napasinghap ako nang mabasa ko 'yon. Literal akong kinilabutan. Lahat ata ng dugo ko ay napunta sa talampakan. No. I-Is this. . .a suicide letter? Her suicide letter? Nasabi sa akin ni Ren 'to dati pero ang makabasa ng ganito ay hindi ko ata kakayanin.

Nanginginig ang mga daliri ko habang nag-i-scroll down. Nanlalabo ang paningin ko. Mas kinapos ako sa paghinga dahil sa bayolenteng pagtibok ng puso ko.

'-I love my family. I love my Dad and my brothers. At kung masaktan ko man sila sa gagawin ko, humihingi ako ng tawad. I just want to escape reality. Wala na akong madagdag na salita. Mahal ko naman silang lahat pero wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko-'

Sinara ko nang mabilis ang laptop. Hindi ko kayang basahin nang tuloy-tuloy. Pumunta ako sa kama at kailangan kong pigilan ang sarili kong umiyak. Kung ba't ako umiiyak sa nabasa ko ay hindi ko na kayang isipin pa. Hindi halos ako makahinga. Hindi na ako nagkaro'n ng lakas ng loob na ituloy ang pagbabasa nung araw na 'yon. Masgusto ko na lang itatak sa isip ko na buhay pa si Rhea.

Pag nakikita ko si Ren, kusang naninikip ang dibdib ko. Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa gumaling ako pero parang gusto ko na lang mapag-isa pagtapos no'n.

"George, are you okay now?" Nakangiti niyang tanong. Para sa akin ba talaga 'yon? Gusto ko rin siyang tanungin.  Are you okay now, Ren?

Ilang araw pa ang lumipas bago ko nakumbinsi ang sarili ko na magbasa ulit. Nalinawan ako, nabigla ngunit nakahanap ng sagot sa mga tanong. Yung mga pinagdaanan ni Rhea Marval ang tingin niya sa mundo. Lahat ay nando'n. Tumakas siya, bumalik, hinanap ang sarili, nagsinungaling at ngayon palang lumalaban.

Ako? Paano ko lulusutan 'to? Ano ang dapat kong gawin?

Hindi pa ako nakakaget-over sa mga nalaman ko ay nakatanggap ako ng tawag kay Celine.

"Georgia! Pabalik-balik rito si Oliver! Pwede ba? Kausapin mo na 'yon? Ako ang napiperwisyo, eh."

Oliver? Natatandaan ko pa siya pero hindi ko na matandaan ang naramdaman ko sa kanya noon. Kung tuluyang nawala o natabunan ng nararamdaman ko kay Ren ay hindi ko na inalam. Para saan pa? Isa rin siyang parte ng nakaraan. Hindi ko na siya kailangan. Hanggang sa nakatanggap ako ng text sa kanya.

Unknown Number : Let's talk. Ilang linggo na akong nakikiusap kay Celine. Nakulitan siya sa akin kaya binigay niya ang number mo. Oliver 'to.

Unknown Number : Please, George. Gusto ko lang makausap ka.

Napabuntong hininga ako. Okay. Fine. Iisa-isahin ko 'to pagtapos ay aalis ako. Pakiramdam ko ay kailangan ko umalis.

Ako : Okay. Where?

Ang dapat sa nakaraan ay binabaon pero nakalimutan kong ang dapat na binabaon ay mga damdaming patay na. Wala ng saysay. Nakaharap ko ulit yung pinakaunang lalaking nanakit sa akin. Naalala ko ang mga ginawa niya pero manhid na siguro ako sa kakaisip ng mga 'yon mula pa dati. Ang gusto ko na lang ngayon ay matapos ito at makabawi ng konti sa pang-aabuso niya sa pagmamahal ko.

Nang makita niya ako, nagulat ako dahil niyakap niya ako nang mahigpit. Kung tulad lang 'to ng dati, matutuwa ako. Ako siguro ang pinakamasayang babae sa mundo. Pero ngayon? Ang unang-una kong naisip ay itulak siya palayo. Para saan pa ang yakapang 'to? Hindi ko na 'to kailangan. Tinulak ko siya nang marahan at humakbang ako paatras.

"Anong sasabihin mo?" Malamig kong sambit.

"Georgia. . ."

Umiling ako. "Hindi naging tayo kaya huwag na tayong masyadong madrama. Ano pa bang kailangan mo sa akin?"

"Gusto ko lang magsorry." Maamo niyang sabi.

Sorry? Napangiti ako ng mapait. People got used to it. Nasaan ang saysay ng sorry kung wala na akong makapang sakit? Dati, iniiyakan ko pa 'to. Ngayon? Wala na. Ayoko na.

Ang swerte ko pa kay Ren. Hindi siya tulad ng taong 'to. Naramdaman kong may kakumpetensya ako, oo. Pero naramdaman ko lang 'yon sa sarili ko. Si Ren? Hindi siya nagkulang. Hindi siyang nang-abuso tulad ng taong 'to. Si Oliver ang taong dapat iniiwan sa ere.

"It's okay. Napatawad na kita." Nagliwanag ang mukha niya na parang nabuhayan ng pag-asa. Gano'n nga ba o mali lang ako ng nakikita? Umiling ako at ngumiti. "Pero sana hanggang do'n na lang."

Napawi ang ngiti sa mukha niya. Tumalikod ako para iwan na siya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi siya humabol. Dapat lang. Ayoko na nang may naghahabol. Napakagat ako sa aking labi. Ganito rin ba ang dapat kong gawin kay Ren?

Nang malaman 'yon ni Ren kinabukasan ay binato niya sa akin ang isang masakit na tanong. "Are you cheating on me?"

"I was about to tell you what happened last night."

"You were out last night? Then, why didn't you tell me?"

"It was an old issue about myself. Nangyari 'yon bago pa kita makilala kaya inisip kong hindi maganda kung idadamay kita. But I'm about to share it. Hindi ko naman ipagkakait na hindi mo malaman." Kinagat ko ang aking labi. "Kumuha lang ako ng bwelo."

"Tungkol saan ba 'yan? I already know your past with Oliver-"

"Alam mo naman na hindi naging kami. But before I answer your first question, I'd like to know something. . .What if I am? What if I am cheating on you?"

Dahil natitempt akong um-oo kahit sobrang lame. Gusto kong gawing excuse 'yon para makatakas pero napatigil ako nang magsalita siya.

"That's bullshit, George. You know that's something that I wouldn't tolerate. I've been accuse of being a cheater when I never did. Alam mo 'yan. And that false accusation doesn't give you a reason to cheat on me."

Pumikit ako nang mariin. Of all people, ako pa ba ang gagawa no'n sa kanya? I do'nt want to repeat the history. Sirang-sira na siya. Sisirain ko pang lalo?

"I don't." Sa huli ay 'yon ang naging sagot ko.

Akala ko ay naharap ko na ang lahat ng dapat kong harapin. May isa pa pala. Isang taong malakas ang loob na makisali sa issue ng iba. Sinama ako ni Ren sa induction party ng institute. Hindi niya pinakinggan ang pagtanggi ko at nagpilit pa ring isama ako sa party. Then, I met him again. The guy in NZ. Ang lalaking nakikita ko kung saan-saan.

"Where's your boyfriend?"

Natigilan ako nang makita ang lalaki sa aking harapan. "Nice to see you again. Do you remember me?"

"Shinn Aslejo." Tamad kong sagot.

Humalukipkip siya sa harap ko. "Great. You have a good memory. Georgia, right?"

"Hindi kita gustong makausap. Excuse me." Akmang aalis ako nang pigilan niya.

"What about me? I want to talk to you. You can't escape me, my dear. Nakatakas kayo nung una. That's not going to happen again."

Pilit akong kumawala. "Bitawan mo ako."

Hinila niya ako palapit at bumulong sa tainga ko. "I know your secrets. Beware."

Napatiim ako ng bagang. Paanong hindi? Nakakasiguro ako na siya yung taong naglulustay ng pera sa pag-iimbistega. Nakita ko siya sa gym nung araw na nagbasketball kami ni Rhea. Nakita ko rin siya nung araw na nag-usap kami ni Oliver. I don't believe that's just a mere coincidence.

"Kung ano man ang alam mo, masmagandang sarilinin mo na lang."

"Why? You're afraid that I might tell it to Rhea? To Ren? Tell me why."

"Why would I? Hindi kita kilala maliban sa pangalan. Huwag kang umasta na parang alam mo ang buong pagkatao ko dahil lang sa konting impormasyon na nalalaman mo." Hindi ako natatakot sa isisiwalat niya. If that's the issue I had with Oliver, tapos na 'yon. Ba't ba may mga taong magagaling maghalukay ng walang kinalaman sa kanila?

"I have proof. Isn't that enough for you to fear me?"

Iwinisik ko ang braso ko para bumitaw siya. "You're not some god. Huwag kang umasta na parang pag-aari mo ang mundo dahil lang may kakarampot kang alam. That's one stupid move."

"You know what stupid, my dear? You fighting against me. You might regret it." Ngumisi siya sa akin kaya nginisihan ko rin siya.

"Regrets? That's not for me."

"Really? Hindi ka nagsisising nagpagamit ka sa isang tao?"

Tumiim ang bagang ko. Iyon ata ang hindi ko hahayaang marinig sa kanya. It's about Ren. "Are you pertaining to me and Ren?"

"Isn't it obvious? Where's your common sense? You know what? You two are perfectly matched. Isang abusado at isang nagpapaabuso."

Sinampal ko siya. There. Napuno ako. Ayoko ng makarinig ng kahit ano sa kahit kaninong tao. Kailangan ko unahin ulit ang sarili ko dahil mukhang nagpapabaya na ako. I have to leave as soon as possible.

Masakit mang abandonahin si Ren, naisip kong may kailangan akong panindigan. Wala akong kakampi rito kahit pa sabihing lagi siyang nandyan. Kung sino pa ang inaasahan niyang masasandalan niya, iyon din pala ang mang-iiwan. Tingin ko rin ay kailangan niyang mag-isip muna. Hindi ako yung tipong nagpaparaya pero tingin ko'y hindi ako ang dapat na magdesisyon no'n. Kung sa pag-alis ko, babalik siya kay Rhea, sana maging masaya sila. Kung maghihintay man siya, bahala na. Nag-iwan naman ako ng simpleng sulat. Sana ay do'o mag-umpisa ang desisyon niya.

Dumilat ako at nakita kong muli ang dagat. Hindi ko na gusto pang isipin yung araw na natapos sa amin ang lahat. Tingin ko rin ay hindi ako ang dapat magkwento no'n sa iba. Natuldukan na. Ang mahalaga ngayon, malaya na siya, malaya na ako. Masakit pero balik sa dating gawi.

Sayang. Hindi ko na nagawang makausap pa si Rhea. Pare-parehas naming option ang lumayo at mag-isip isip. Sana nga makatulong.

Kung mararanasan ko ulit ang ganitong uri ng sakit, please lang, sana sa tamang tao na. Para naman worth it yung sakit na ininda ko. Though, masasabi kong worth it naman si Ren pero natitiyak kong hindi siya para sa akin. Sana naman, yung taong susunod kong mamahalin, wala na akong mararamdamang kumpetisyon. Hindi masakit yung wala kang alam pero masakit yung mararamdaman mo na lang na parang may kulang.

Nangyari na ang nangyari. Iisipin ko man ng isipin, hindi ko na 'yon mababawi. Tinutungtungan ko pa rin ang mga pinaniniwalaan ko at hindi ako magbabago dahil lang sa marami silang nasasabi. Sana lang, yung taong para sa akin ay tanggap ako kahit ganito ako ka-pride at katigas. Sana ay hindi ay hindi niya maisipang baguhin ako sa anumang paraan. Ayoko matulad kay Rhea gaano man kaganda ang istorya niya sa una. I want to have my own story worth-telling.

Nagbuntong hininga ako at inayos ang buhok kong sobrang gulo na dahil kanina pa nililipad ng hangin. Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod.

"George."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top