CHAPTER 80 : TAUGHT

#SAT9S

DEDICATED TO : KAREN BRAZA JACINTO

CHAPTER 80 : TAUGHT

Pagtapos kong matauhan ay pinilit kong tumayo. Hinila ko rin patayo si Rhea at mabilis siyang nilayo kay Shinn na nakatulala na lang din.

Dinala ko siya sa villa ko. Hindi ko alam kung paano ko pa kakalmahin ang sarili. Pakiramdam ko ay isa akong bomba na ilang segundo na lang ang natitira at sasabog na. Lahat ng emosyon ko ay naipon sa dibdib ko. Gusto ko manuntok. Gusto ko magwala at sumigaw. Gusto manakit. But I'm Rhea and I have to clear things with her. Nang masara ko ang pinto ay sinandal ko siya ro'n.

Kagat niya ang labi niya at mariing siyang nakapikit. Basang-basa kaming pareho. Wala siyang ibang suot maliban sa bikini. Nararadaman ko na ang lamig sa suot kong t-shirt at board short pero kabaliktaran no'n ang init ng ulo ko.

Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa pinto at  dinantay ang noo ko sa noo niya. Nang magkaro'n ako ng lakas ng loob ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Basa 'yon ng luha. Kailan ba siya titigil sa kaiiyak?

"You don't have to do that. I swear. I'd rather be killed than to see you kneeling in front of anyone." Nag-init ang mata ko.

Masakit tanggapin. Nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko kung anong ginawa niya. Masakit aminin sa sarili na kasalanan ko talaga. Na yung babaeng iningatan ko ng ilang taon, minahal ko ng ilang taon, iniwan ko at nilayuan ko ng isang taon ay lumuhod sa isang lalaki at nagmakaawa. Hindi ko siya iniwan para lang maging gano'n. Hindi ko hiniling 'to para sa aming dalawa. Least of all, para sa kanya. Gusto ko man humingi ng tawad sa nangyari ay nangyari na.

"Tama na, please. Tama na 'yon. Isipin mo yung sarili mo. Huwag na ako. Huwag na sila. Ikaw na lang." Hindi ko siya matignan sa mata. Minura ko ang sarili ko. Nakakaduwag. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, akala ko wala ng mas sasakit pa ro'n. Then, ano 'to? Para akong binibiyak sa gitna pero buhay pa rin.

Wala akong masabing tamang salita para sa nararamdaman ko. Akala ko nabigyang kahulugan ko na sa lahat paraan ang salitang 'sakit.' Naubos ko na pala at wala ng natira. Parang ako na unti-unting nauupos.

"Ang babaw babaw ko na ba, Ren?" Mahina niyang tanong. Mabilis akong umiling pero nanatiling nakapikit. Hindi ko siya kayang tignan ulit. Kailangan ko pang sumandal sa kanya para kumuha ng lakas.

Hindi siya mababaw. Iyon lang ang masasabi ko. Nasa isip ko ang sagot pero nanatili akong hindi nagsasalita. Gusto ko humiling na sana maglaho na lang akong parang bula. Hindi ko kayang humarap sa kanya. Naririnig ko siya, nararamdaman pero bakit parang magkalayo pa rin kaming dalawa.

"I have every reason to do it, Ren. Hindi ko lang masabi sa'yo kasi pakiramdam ko masbaba ang tingin mo sa akin."

Bumaba ang ulo ko sa balikat niya dahil parang ayoko makinig. Dahil alam ko na makakasakit lang 'yon sa akin, sa aming dalawa. Pero hindi ko naman siya kayang pigilan na magsalita kaya wala ibang option kundi makinig at indahin ng paulit-ulit ang sakit.

"Nung sinabi na magmumukha akong tanga at desperada sa paghahabol sa'yo, nasaktan ako." Nanginginig ang boses niya at napatiim ako ng bagang. "Nasaktan ako kasi alam kong hindi ako 'yon, eh. Hindi ako 'to. But you said to me, you don't mind the changes. You love me despite the changes. But that time, you mind it. And it made me think that your love was gone and it's impossible for me to gain it back."

"Nung wala ka sa graduation ko, ayoko na umattend. Pero nilunok ko, tiniis ko kasi that was my choice. I was the one who let go. Siguro punung-puno ka na sa kaartehan ko, sa immaturity ko, sa lahat ng insecurities ko. I couldn't blame you kung ba't ka umalis. Hanggang sa hindi ko na kaya. I tried to escape the pain in so many ways. In so many ways."

Nasuntok ko ang pinto nang wala sa oras. Naramdaman kong nagitla siya. Sumagi sa utak ko kung ano ang tinutukoy niya pero hindi ko kayang isipin kung paano niya ginawa 'yon. Ngayong pinapaalala niya laha  sa akin 'to, nasasaktan akong lalo. Yung pambubugbog sa akin ni Luke at pakikiusap ng kapatid niya na layuan ko siya, I think I deserve it at kulang pa 'yon para matanggap ng konsensya ko ang nangyari.

I just wish I had a great will to stay and see it all. Mahirap umaming duwag pag nagmamatapang ka. Na parang kahit ilang milyong beses akong humingi ng tawad ay hindi sapat.

"Nung grumaduate ka at kasama mo siya, do'n ko lang nakita kung anong pinakawalan ko. Pinakawalan ko yung taong bumubuo sa akin. Sising-sisi ako kasi nahuli ako ng dating. Masaya ka na sa kanya."

"Hindi ko ginusto maging desperada o martyr pero kung iyon yung tawag sa klase ng pagmamahal na mero'n ako para sa'yo, ba't ako mahihiya? Ba't ko ikakahiya na nagmamahal ako? Though, it hurts to know that we're not on the same page anymore because you feel ashamed to be loved with a desperate and selfish woman, I won't back. I can't back out. Kahit man lang ito, mapanindigan ko, di ba? Kahit man lang sa ganitong paraan, makabawi ako sa'yo."

"And you would hate, Ren, I know you would hate me kasi marami akong nagawang mali. Pero ito lang kasi yung nakikita kong paraan para maging masaya ulit ako. I'm so sorry kung ang selfish ko. Kasi hindi ko inisip na nahihirapan ka rin, masisira ko kayo ni George, masasaktan ko si Shinn. . .si Coby. . ."

"Ren, you taught me everything. Everything. Pero hindi mo ko tinuruan na maging masaya na hindi ka kasama. Hindi mo ako tinuruan na makuntento ng wala ka." My shoulders shake in agony as she said those words.

Yes. Bakit nga ba mukhang ako pa ang nakalimot? I questioned her once if she remembered the steps. She failed in some parts, she achieved the rest. Lalo na ro'n sa pang-siyam. How could have thought that she love like this? 'Di ba dapat ay ako ang nakaalam ng mga naituro at hindi ko naituro sa kanya? 'Di ba dapat alam ko ang weakest point niya? Malakas lang siya pag ako ang kalaban niya. Malakas lang siya pag ako ang kasama niya. Ilang taon kaming nagsama pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay napaka-iresponsable ko?

"If those reasons weren't enough for me to chase the man I love, I'm willing to give more. I don't care about their accusations. If that's enough for them to call me a whore or your mistress, even it's so disgusting to hear, I would swallow all the insults." Yumakap siya sa leeg ko. "I love you that much."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa lahat ng sinabi niya. Na kahit ganito ako kagago ay darating pa rin yung isang taong hindi nahihiyang mahalin ako kahit anong kapalit. Am I going to be happy just because I got this kind of girl or I have to be ashamed of myself dahil hindi ko alam kung kaya kong pantayan ang pagmamahal niya sa akin.

Sumagi sa isip ko si George. Eto ba ang ibig niyang sabihin? Ito ba ang gusto niyang mangyari? Ang matauhan ako sa ganitong paraan?

Hindi ko pa rin alam kung ba't siya umalis. Siguro ay may kinalaman rin rito? Ayoko na. Pagod na ako manghula.

"I'm sorry." Niyakap ko siya nang mahigpit. Malamig ang balat niya. Natuyo na kaming dalawa at nakabakat na sa balat namin ang mga suot namin.

Kakawala na sana ako nang maramdaman ang halik niya sa leeg ko. Para akong nakuryente at tuluyang nanghina.

"Shit." Ilang hingang malalim ang ginawa ko. Hindi siya tumigil sa paghalik at nag-ipon ako ng lakas para ilayo ang magkadikit naming katawan. The coldness that I felt seconds ago was gone.

"We'll regret this tomorrow if you continue to tempt me." Paalala ko sa kanya. 'Coz I don't think I'll be able to restrain myself if she push me to the hilt. Ngayon pa nga lang ay wala na akong kwenta. Paano pa kung-

Napaatras ako nang bigla niya akong siilin ng halik. That's it. I lost it all. "I don't care if I regret this forever." She murmured.

Kissing her back is one of the greatest pleasure but I'm afraid to touch her more. Parang pag hindi ko dinahan-dahan ay masasaktan ko siya. Napahinga ako nang malalim nang maramdaman ang init ng kamay niya sa balikat ko.

I put my hands to her waist, caressing it gently. Umakyat 'yon sa likod niya para kalasin ang bikini top. Kinalas niya ang tali sa kanyang leeg at naramdaman kong bumagsak 'yon sa paanan ko. My hands go back to her waist at dinaanan ang strap ng bikini bottom niya. She moaned. Lumalim ang tiyan ko nang maramdaman ang kamay niya sa ilalim ng t-shirt ko.

Hindi ko na nasundan kung paano kami napunta sa kwarto. I was preoccupied while devouring her lips. Namamanhid na ang labi ko pero wala akong balak tumigil. Mula kanina nung nasa pinto pa kami ay hindi pa naghihiwalay ang labi namin. Who taught her to be a good kisser?

Well, damn it. Ayoko na lang isipin kung may iba pang nakahalik sa kanya kahit alam ko na ang sagot. We never go beyond this. Halos mapigtal na ang ugat ko sa leeg sa pagpipigil nung kami pa. Ngayon, I don't think I can hold it any longer.

We disregard all our clothes. It happened too sudden. Parang kanina lang dinadahan-dahan ko pa pero para na kaming buhawi na gustong madaliin ang lahat. She shivered when she felt the wind. Napatingin ako sa veranda na nakabukas at may pumapasok na hangin. Babangon sana ako para isara 'yon pero hindi ako binitawan ni Rhea.

Kinuha ko na lang ang comforter at kinumot sa aming dalawa. Then, we go back to kissing.

"Why?" She asked.

"Hmm. . ." I kissed her neck down to her collarbones, then her shoulders. "You're cold."

Hindi siya sumagot. We got busy exploring each other's body. Hers was sensitive. I go back to the gentle phase. I might hurt her if we get hurry. Kinakapos kaming pareho sa paghinga. The unison was overwhelming, though we both have to endure the pain. Beads of perspiration formed in my forehead as I thrust. I fight the urge to close my eyes. I want the expression that she's making.

Nang dumilat siya ay idinantay ko ang noo ko sa kanya. I drive deeper than the usual phase. I felt her nails on my arms as it digs. Napakagat ako sa labi ko nang impit siyang sumigaw. I tried to hold it but the heat inside us demands a release. So, I did.

Whatever happens tomorrow, I'll treasure this. I'll preserve this on my memory.

Nagising ako na yakap siya at nangangalay ang braso ko kung saan siya nakaunan. Mahigpit siyang nakayakap sa katawan ko. Pinanuod ko siyang matulog at napansin ko ang pamamaga ng kanyang mata. Inayos ko ang buhok niya at nilagay 'yon sa kanyang likod.

Tumitig ako sa kisame ng matagal. Now, what? I just cheat, didn't I? Binigyan ko na ng lisensya ang mga umaakusa sa akin. Pag nagising si Rhea, paano ko siya haharapin? Kung sakaling magkita na ulit kami ni George pagkabalik ko sa Manila, anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Nag-init ang mata ko at muli akong napapikit. I don't regret what happened between me and Rhea but I regret hurting so many people just because I can't stand the choices that I made. Tama nga si Dad. I am a boy who got lost in my own choices.

"Ren." Napabaling ako kay Rhea nang marinig ko ang pagtawag niya. She's finally awake. Nakangiti siyang tumingala sa akin. I've never seen her this happy since the day we met again. Ang pinapakita ng mata niya ay sapat na para masabi kong masaya siya.

But what about me? Masaya ba ako?

Masaya ako na nakikita siyang masaya. Pero yung saya na para sa sarili ko, sa tingin ko ay may kulang pa. Sa tingin ko ay matatahimik lang ako kapag nakausap ko na ang dapat kong kausapin.

May ganito pala talagang sitwasyon na kailangan mo munang pumili ng mali bago mo malaman kung ano ang tama. Parang kailangan mo muna isugal ang pangalan mo bago ko mabansagang matapang.

"Listen, beh." Hinawakan ko ang kamay ni Rhea at pinisil iyon. Kita ko ang kaba sa kanyang mukha at pinipilit kong alisin 'yon sa kanya. "I still have something to finish pagbalik natin sa Manila."

Umiwas siya ng tingin bago tumango. "I know."

Mahabang sandali ang lumipas bago siya muling tumingin sa akin. Ngumiti siya at kumislap ang kanyang mata. "Ihingi mo ako ng tawad kay Georgia."

She's aware. Hindi kami nagpatay malisya sa nagawa namin. Kasalanan 'yon. Kabawasan ng dignidad sa parte ko dahil ako ang nakatali. Kung anuman ang mangyayari sa Manila, bahala na.

Hinalikan ko si Rhea sa noo. "And I feel like I have to find myself."

Tumingala siya sa akin. Bumalik ang takot sa kanyang mga mata. "Ren. . ."

"Sshh, don't beg. I won't let you say it again."

Yumakap siya nang mahigpit sa katawan ko at kailangan ko lunukin ang bara sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Shinn pagtapos ng nangyari sa Bellarocca. Nang umuwi kami ni Rhea ay kaming dalawa lang ang magkasama.

Nang makita ulit kami ni George, walang salitang lumabas sa bibig ko. Tumingin lang ako ng matagal sa kanya at malungkot na ngumiti. Nang yumakap siya sa akin, do'n ko naramdaman lahat ng lungkot.

Nagkausap kami, nagkaayos. Hindi siya tulad ko na walang paninindigan sa desisyon. Hindi ko masabing pinagsisihan ko ang makilala siya. Hindi lang siya basta malakas kundi may sariling disposisyon. Wala siyang pakialam kung mag-isa siya sa paniniwala niya. She doesn't let anyone influence the way she thinks. Naniniwala ako na lahat ng desisyon niya ay galing mismo sa isip niya at hindi dahil sa kagustuhan ng iba.

Sa huling pagkakataon, hinayaan ko ang sarili kong timbangin ang klase ng pagmamahal na binigay ko kay Rhea at George. What I had with Rhea is very possessive. Nakakulong kami sa isa't-isa dahil na rin sa kagustuhan namin. It's passionate, dominating yet destructive and it left us no choice in the end. While the love that I had with George was subtle. There's freedom. There was so many choices. Sa sobrang dami ay do'n ako nalito. It sets me free. Pero nagising na lang ako na wala na akong babalikan.

I think that's life. Hindi ka makakapagdesisyon ng mabilisan. Pag pinilit mong madaliin ang mga bagay, mas lalo ka lang maliligaw, malilito at mahihirapa. Mahirap matuto pero ,at least, next time pag narasan ulit, hindi na mangangapa sa kung ano ang dapat na gawin.

Siguro ay kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nawasak ang pagkatao dahil sa mga nangyari. Ayoko na magmadali. Gusto ko muna hanapin ang totoong ako. Gusto ko munang patunayan ang sarili ko na wala akong naapakang tao, walang nasasaktan at walang nag-aalala kung ano ang lagay ko. Kung para sa akin, kahit gaano katagal, para sa akin talaga. Pero kung hindi, karma ko na rin siguro.

Ilang linggo kong pinagdesisyunan kung ano ang gagawin ko. Hindi naman siguro masama kung magdedesisyon ako para sa sarili ko, walang sabit.

"Are you sure about this?" Tanong ni Dad.

"Did you confirm it, Dad?"

"Your Tito San wants to reconsider you, so that's already an easy guess. The offer still stands."

Tumango ako at tinignan ang mga bagaheng inayos ko kanina lang. I'm going back to Spain. Do'n muna ako mag-aaral at magtatrabaho depende sa kontratang ibibigay sa akin. Kung ba't gusto ko pa ring lumayo pagtapos ng lahat, gusto ko lang may mapatunayan ako. Na hindi lang ako hanggang dito. Na may mukha pa akong ihaharap sa babaeng gusto ko dalhin sa altar.

Nakaharap ko ulit si Rhea tatlong araw bago ako umalis ng Pilipinas.

"That's a nice ring." Puna ko sa singsing na suot niya. Pinilit ko ngumiti kahit parang pinipigatang puso ko.

Kinagat niya ang labi niya at tumango. Yumuko siya at sinipat ang singsing sa kanyang daliri. "Coby gave it to me."

"He proposed to you."

Hindi siya nagsalita. Ayoko magdagdag ng pangungusap dahil ayokong umasa siya sa akin. Sayang. Siguro ay sagad-sagaran ang pagiging mabagal ko kaya tuluyan akong naunahan.

But Coby is good guy. A real man. Kung mero'n man akong kakumpentensya na dapat katakutan, siya 'yon. Dahil hindi siya pumalya sa pagmamahal kay Rhea. Hindi tulad ko na maraming maling desisyon at kagahamanang ginawa. Maybe, this is my karma.

"Alam mo na hindi kita pipigilang umalis." Sabi ni Rhea nang hindi ako tinitignan. "Pero sabihin mo lang na babalikan mo ako, maghihintay ako kahit gaano katagal."

Ngumiti ako kahit bugbog na bugbog na ang puso ko. "Ayoko na mangako. Ayokong umasa ka sa wala. Babalik ako pero hindi ko alam kung kailan. Ayoko na paghintayin ka sa panahong dapat masaya ka na."

Kinuha ko ang kamay niyang may singsing. "If you're going to accept him and love him, I will understand."

Nagbara ang lalamunan ko. Kailangan ko pumikit sandali para pigilan ang kumakawalang emosyon. "You know, I will always give you the choice, right?" Basag kong sambit.

"Yes." Mahina niyang bulong. "No matter how painful it is."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top