CHAPTER 77 : CHEATING

#SAT9S

DEDICATED TO : PRECIOUS GERARDO

CHAPTER 77 : CHEATING

"Chase?" Gagad ko. "Do you know what you're talking about?"

Do'n siya napaiwas ng tingin. Tumalikod siya sa akin at naghalukay sa bag niya.

"Rhea." Pagtawag ko sa kanyang hindi niya pinansin. Muli ko siyang hinarap at nakita ko siyang nagkakabit ng headset sa phone niya. Nagtaka ako sa ginagawa niya. "Rhea, listen."

Umiling siya at nilagay sa kanyang tainga ang headset. Umupo muli sa swivel chair at humarap sa kanyang laptop. What the-

Tinanggal ko ang headset sa tainga niya. "We're not done talking."

"We're done." Nagulat ako sa pinakitang iritasyon ng kanyang mata. "For today."

Muli niyang binalik sa tainga niya ang headset at muli ko ring tinanggal 'yon. "Not yet. We're going to finish this now."

Nagpakawala siya ng naiiritang paghinga. "I'm telling you this, Ren. This won't stop even when I get you again. I'm fixing myself and I couldn't see purpose of not having you with me-"

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?" Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to. I never imagined her on verge of desperation to have me again. "Alam mo ba kung anong iisipin ng ibang tao?"

"Why would I care about them? Sila ba nagmamahal?" Pinaningkitan niya ako ng mata. "Kung ikaw nga pumayag na saluhin lahat ng sisi kahit ang sama-sama na ng tingin sa'yo ng ibang tao, ba't mo ako pinagbabawalan?"

"Because this is a different case!" Frustrated kong sigaw. "This is very different to what I've done, Rhea. Okay. Fine. I'm still concern at kahit iyon man lang ay maibigay ko ng maayos sa'yo-"

Umiwas siya ng tingin. "Hindi lang concern mo ang kailangan ko. I know sobrang nakakababa 'to ng tingin pero kung dito ako sasaya, ba't mo ako pipigilan?" Nanginig ang boses niya pero agad siyang tumikhim.

Itinulos ako sa kinatatayuan ko matapos mabigla sa sinabi niya. Yes, that's what I want, right? That's what everybody wants for her. To be happy. Pero hindi sa ganitong paraan. Hindi man lang 'to sumagi sa isip ko. That she would go this far.

Muli niyang nilagay ang headset sa kanyang tainga. Napahilamos ako ng mukha. Kanina ay isa lang ang ipapakiusap ko sa kanya. Ngayon, mukhang hindi sapat ang isang araw para masermunan siya. Tinanggal ko ulit ang nakasalpak sa kanyang tainga. Hinila niya 'yon at nabuhol sa daliri ko kaya naputol. Parehas kaming natigilan.

"I'm sorry. Papalitan ko na lang."

Tumingala siya sa akin. "Ren, please."

"Please what? Hayaan kitang magmukhang desperada? Magmukhang tanga? Rhea, marami akong maling nagawa pero hindi ako gano'n kasama. Iniingatan pa rin kita, okay? At iniiwasan ko lang na masaktan ulit kita-"

"Don't blame yourself too much kung masaktan man ako." Putol niya sa sasabihin ko. "This is my choice and I maybe a damned masochist for doing this. So what? I still love you. Pinagbibigyan ko lang ang sarili hangga't kaya ko pa."

"But what about me? Do I have to watch you and die with guilt?" Gagad ko.

"You don't have to return it kung wala talaga." Pumikit siya nang mariin. "Ang akin lang, hayaan mo ako dahil sa ngayon, dito lang ako sumasaya. Ngayon na lang ulit ako sumaya."

And there. I give up. She gave me enough reasons. Kahit hindi ko gusto ay wala na akong nasabi pabalik. Tinitigan ko lang siya.

"Don't worry. I won't ask you to cheat with me and leave George."

Bumigat ang pakiramdam ko. Kung gano'n, ano ang nais niya? Ipakita lang sa akin na kaya niya ring gawin ang nagawa ko noon? Damn it.

Sa sobrang gulo ng isip ko ay agad akong lumabas ng opisina niya nang walang napapala. Imbis na maayos ay mas lalo lang naging komplikado. How would I open this up to George? Or do I really have to open it up?

Of course, she needs to know! But I don't know how I would do it. What about her brothers? May nakakaalam ba nito maliban sa kanya? Nanakit lang ang ulo ko kakaisip. Wala na akong natapos na trabaho magmula nang mag-usap kami ni Rhea kaya naisipan kong umuwi agad.

Then, I received a call from Dad. Nasa ibang bansa pa rin siya hanggang ngayon.

"You done with the files I sent you the other night?"

Huminga ako nang malalim. "Not yet, Dad. Baka bukas ko pa ma-i-send sa'yo ang data. Why? Rush ba 'yon?"

"No, hijo. Hindi naman. Nagtataka lang ako na medyo mabagal ka ngayong linggo magtrabaho. May sakit pa rin ba si Georgia?"

"George is fine, Dad." But I have another problem with Rhea. Napailing ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba ipaalam kay Dad. "Masyado lang talagang marami ang trabaho ngayon kaysa nung nakaraan."

"Is that so?" Sambit niya. "Gusto mo ba magbakasyon pagtapos? Plano mo na ba magturo sa susunod na pasukan o mag-aaral ka ulit?"

"No definite plans. I'm still thinking about it."

"But I think you should go to vacation after ma-polish ng project na inaasikaso natin."

"Pag-iisipan ko rin 'yan, Dad." Tumikhim ako. "Anything else?"

"Gusto sana kitang kumustahin pero mukhang pagod ka na. Get some rest." Nang maibaba ni Dad ang linya ay naramdaman ko na ang pagod sa araw na 'to gayong wala naman akong natapos na trabaho.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Shai ro'n. Nakabalik na rin pala siya. Tumikhim siya at ngumiti sa akin. Tumango na lang din ako bilang pagbati.

"Ren!" Tinawag niya ako nang papaakyat na ako sa hagdan.

Nilingon ko siya pero wala akong sinabi. Ayoko magsalita. Wala na akong nakakapanggalit at pagkairita para sa kanya. Nakakapanibago lang na kausapin muli siya matapos ang lahat.

"I. . ." Naging alanganin ang kanyang tingin. "I just want to ask for permission kung pwedeng dito ako magpalipas ng gabi?"

Tumango ako bilang sagot. "Okay."

Hindi naman niya kailangang magtanong. Hindi ko naman siya kayang itaboy. She's still my cousin. Kung anuman ang nagawa niya dati ay kinalimutan ko na lang. Nakaraan na 'yon. Hindi na kailangang balik-balikan.

Tinext ko si George pagkahiga ko sa kama.

Ako : Busy?

Matagal siyang nagreply. Natapos na ako sa pagligo at dinner ay wala pa rin siyang text. Ano ba ang ginagawa niya? Wala naman na siyang pinagkakaabalahan pag gabi.

Ako : George?

George : Sorry. Nakatulog ako. Nakauwi ka na?

Nakahinga ako nang maluwag nang mag-reply siya. Imbis na magreply sa text ay tumawag na lang ako.

"Hello."

"Napagod ka ba kaya ang haba ng tulog mo?" Tanong ko. "Pupunta sana ako dyan."

"Bukas na. Wala akong pasok."

"Ako, mero'n."

"May sinabi ba akong wala kang pasok?"

"Baka lang naman gusto mong huwag na lang ako pumasok para makalabas tayo ulit." Pabiro kong tugon.

"No. Huwag na." Bumuntong hininga siya. "Dito na lang tayo sa bahay. Wala pang gastos. Hihintayin na lang kita umuwi."

Natawa ako. "Kuripot talaga."

"Dalhin mo si Penny, ha?"

"Okay." Muli kong naalala ang usapan namin ni Rhea. Napakagat ako sa aking labi. Iniisip mabuti kung babangitin ko ba ngayon sa kanya.  Hanggang sa nakumbinsi ko ang sarili kong bukas na lang kami mag-uusap.

"George. . ."

"Hmm?"

"Kailan tayo pwede pumunta sa mga magulang mo?"

Hindi agad siya sumagot sa kabilang linya. I know she has her own family problem. Minsan niyang na-open 'yon sa akin. Ilang taon na ang lumilipas at hindi pa rin sila okay ng mga magulang niya. Hinayaan ko na lang muna.

"Alam mo namang malabo 'yan sa ngayon." Sambit niya.

"We could talk to them. Initiate."

"Huwag na. Baka may iba pa silang masabi sa'yo at mas lalo lang sumama ang loob ko sa kanila. Tanggap kong nag-iisa na lang ako ngayon. Independent." Medyo paos ang boses niya.

"Hey, you have me." Paalala ko sa kanya. "May ubo ka ba?"

"Wala. Kagagaling ko lang kasi sa tulog kaya ganito boses ko. Come on. Kwentuhan mo na lang ako. How's your day?"

Nakatulugan ko ang pag-uusap namin sa phone nung gabing 'yon. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho para marami akong matapos. Papasok ako ng elevator nang mamataan ko si Rhea na nagmamadali at tumatakbo. Papasara na ang elevator ngunit pinigilan ko at hinintay siyang makapasok

"Good morning!" Nakangiti niyang bati sa akin.

Bahagya rin akong ngumiti at binati siya pabalik.

"Ang aga mo, ah?" Magkasabay naming tanong sa isa't-isa. Natigilan kaming pareho at napalingon ng sabay. Tumikhim siya at napaiwas naman ako agad ng tingin.

Nang malapit na sa floor niya ay bigla niyang hinampas sa dibdib ko ang hawak niyang paperbag.

"Breakfast and lunch 'yan." Sabi niya bago nagmamadaling lumabas ng elevator. Napatingin ako sa paperbag at napabuntong hininga na lang. Wala na akong magagawa.

Pagdating ko ng opisina ay natigilan ako. Paano niya nalamang hindi pa ako nagbibreakfast? Napailing ako sa naisip kong 'yon. Pakiramdam ko ay may nangyayaring hindi ko alam.

Tinignan ko ang listahan ng mga dadalo sa nalalapit na induction. Nando'n ang pangalang Eliscent Aslejo at bigla akong nairita. Kung pwede ko lang alisin ang pangalan niya ro'n ay ginawa ko na. His investment is a big help on our project pero ayokong tanawin ng utang na loob 'yon sa kanya. This is purely business. Natitiyak ko rin namang may plano siya kaya niya ginagawa 'to.

Nang magbreaktime ay inutusan ko ang secretary na bumili ng bagong headset. Nasira ko ang kay Rhea kahapon kaya dapat lang na palitan. Kapalit na rin ng binigay niya sa akin kaninang umaga.

I still think we should stop this. Pero paano ko siya mapapatigil kung ang dinahilan niya ay masaya siya kahit ganito lang? I know she's expecting more than this. Sinasabi niya lang na maayos siya kahit ganito lang. I think I should call her brothers. Pag tingin ko ay sobra na, iyon ang huli kong choice.

Ang hirap magdesisyon. Bakit kasi hindi umaayon sa amin ang pagkakataon? Hindi ba pwedeng parehas na lang kami ng pananaw at mga desisyon para maiwas naming saktan ang isa't-isa?

"Magkikita-kita kami nina Leo mamaya sa Chaos? Sama ka?" Yaya sa akin ni Ervis nang pauwi na siya.

"Hindi na. May usapan kami ni George, eh."

"Pwede mo namang isama si George." Pagpipilit niya.

"Next time na lang. Pakibati na lang ako sa kanila." Ngumisi ako.

"Lagi na lang kayong MIA ng girlfriend mo. Minsan lang naman mag-set na magkita-kita ulit." Tila nangongonsensya pa siya.

"Minsan? Ang dalas niyo nga, eh."

"Next time, ha?"

Tumango ako sa kanya bago siya lumabas ng opisina ko. Dalawang oras pa akong nagtrabaho bago ko napilit ang sarili kong umuwi.

Pagbaba ko sa ground floor ay do'n ko lang napansin ang malakas na ulan sa labas. Napahinga ako nang malalim. Damn. Kung kailan hindi ko naisipang magdala ng kotse. Napaka-wrong timing. Napadaan ako sa lobby at nakita ko si Rhea na nakaupo ro'n. Hawak niya ang phone niya at payong. Ba't hindi pa siya umaalis?

Naisip kong baka may susundo sa kanya. Napatagal ata ang pagtitig ko at napansin niya ang presensya ko. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nginitian ako.

Napabuntong hininga ako. That smile is so familiar. The one she used to wear when we're still together. Pinilig ko ang aking ulo para alisin 'yon sa utak ko.

"Uuwi ka na?" Tanong niya nang makalapit ako. Tumango ako bilang sagot.

"May susundo sa'yo?"

Umiling siya at agad akong nagtaka kung ba't nandito pa siya gayong magkasabay lang ang uwi nila ni Ervis.

"Magtataxi ako. Ikaw?"

"Train."

"Train?" Gulat niyang tanong. Malapit ang apartment ni George sa dati naming university kaya masconvenient kapag nag-train. Minabuti kong huwag na ipaliwanag iyon kay Rhea.

"Sigurado kang walang susundo sa'yo?" Tumango siya. "Come on. Magpatawag na tayo ng taxi para makauwi ka na."

Nagliwanag ang mukha niya at nanikip ang dibdib ko. How? Paano niya napapakita sa akin na masaya sa ganito siya ganito? That smile, the sincerity in her eyes, parang ang hirap maniwala na nakuntento siya sa ganito. Mahirap sabihin na nagpapanggap lang siya at hindi ito totoo. Paano kung ako pala ang mali sa akala?

Pinapasok ko siya sa taxi. "Hey, salamat sa headset. Hindi mo naman kailangang palitan."

"It's okay. Ako naman ang nakasira." Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya ang kamay ko.

"H-Hindi ka sasabay?"

"No. I still have an appoint-" Lumapit siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi pagtapos ay mabilis siyang umusog sa pinakadulong upuan.

Ilang segundo akong natigagal bago naisipang isara ang pinto ng taxi. She's driving me insane. Kailangan ko huminga nang malalim para makahinga nang maayos. I have to go. I have to go to George.

Mahaba ang pila sa train at hindi pa ako nakakaakyat ay natatanaw ko na ang dulo ng pila. Bago ako umakyat ay natanaw ko ang taxi na sinasakyan ni Rhea. Traffic at huminto iyon mismo malapit sa aakyatan ko. Nakatingin siya sa akin. Medyo malakas pa rin ang ulan pero nakikita ko pa rin siya sa loob.

Nakita kong hinipan niya ang bintana ng taxi. Lumabo 'yon. Maya-maya ay nakita kong may sinulat siya sa bintana gamit ang daliri niya.

'INGAT KA'

Muling umusad ang taxi. Nakatanaw pa rin ako kahit malayo na 'yon. Malungkot akong napangiti.

Siksikan sa train at pero hindi ko ininda dahil nahulog na naman ako sa matinding pag-iisip. Muntik pa akong lumagpas ng station.

Medyo basa na ako ng ulan ng marating ang apartment ni George. Mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako.

"N-Nagtext ako sa'yo, ah? Ang lakas ng ulan. Dapat hindi ka na lang tumuloy."

"Nandito na ako pero parang gusto mo pa akong paalisin." Naghubad ako ng polo at inabutan niya ako ng towel.

"Maligo ka na. Magkasakit ka pa niyan." Tinulak niya ako sa banyo. "Teka, nasa'n si Penny?"

"Hindi ko nadala." Ngumisi ako. Inirapan niya ako at tuluyan akong natawa. "What the? Mas inaasahan mo pa yung aso kaysa sa akin?"

"Maligo ka na nga!" Nagmartsa siya papuntang sala at napailing ako. Nagsusungit na naman.

Pagtapos ko maligo ay dumiretso ako sa kwarto niya. Nag-iiwan ako ng damit dito. Naiinis si Georgia kapag pasimple akong nag-iiwan ng mga gamit rito sa apartment niya. Nagbibihis ako nang marinig ko ang pamilyar na beep ng kanyang cellphone.

Tinignan ko kung sino ang magtitext sa kanya ng ganitong oras. Nang matapos ako sa pagbibihis ay binasa ko ang bagong text. Unknown number.

Unknown number : Thanks, Georgia, for last night.

Kumunot ang noo ko nang makita ang huling text. Last night? May pinuntahan pa siya kagabi?

Nag-scroll ako at napahigpit ang hawak ko sa phone.

Unknown Number : Let's talk. Ilang linggo na akong nakikiusap kay Celine. Nakulitan siya sa akin kaya binigay niya ang number mo. Oliver 'to.

Unknown Number : Please, George. Gusto ko lang makausap ka.

George : Okay. Where?

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa marinig ko ang pagkatok ni George sa kwarto. Hindi ako sumagot. Nakatiim ang bagang ko at mariin akong napapikit. Shit.

"Ren?"

Hindi ko siya maatim na sagutin. Wala siyang nasabi sa akin. Sa aming dalawa, hindi ko inakalang siya pa ang makakagawa nito. Sunod-sunod na paghinga ang ginawa ko para kumalma. Saktong bumukas ang pinto at nagsalita si George sa likod ko.

"Ba't hindi ka sumasagot?" Aniya.

Humarap ako sabay tapon ko sa kama ang phone niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Sa mahina at nakikiusap na boses ay binitawan ko ang tanong. Kasama na ang pakiusap kong sana ay sagutin niya ako ng maayos at sana may sapat na rason.

"Are you cheating on me?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top