CHAPTER 76 : SICK

#SAT9S

DEDICATED TO : DIAHNE HAZARENO

CHAPTER 76 : SICK

"Don't beg for it, Rhea."

Mariin kong bulong. If she begs for it, mas lalo ko lang siyang mabibigo dahil hindi ko talaga siya mapagbibigyan. I know what she wants. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay mapapaboran ko siya. Especially, now that I'm committed to someone.

"Is there no chance for us?" Sabi niya habang nasa dibdib ko siya. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat at napilitan akong alisin ang kamay ko ro'n. Bumigat ang aking pahinga.

I never thought she would ask me this question. Nung araw na naghiwalay kami, nasaktan ako pero gaano man kabigat ang sakit na dinamdam ko nung mga panahon, kahit kailan hindi ko hiniling na magsisi siya sa ginawa niya. Ang hiniling ko ay sana maging masaya siya kapag wala na ako sa buhay niya ngunit nangyari lang 'yon pansamantala.

"Nawala na ba talaga kita?"

Pumikit ako at tumingala. "I was the one who lost you, Rhea. Gaano man kasakit, tinanggap ko. Your doubts took you away from me, and I lost the battle when you finally let go."

"And I regret it." Mahigpit niyang nilamukos ang polo ko at mas sumubsob pa sa aking dibdib. Nanginginig pa rin ang kanyang balikat ngunit pinipigilan niya na humikbi ng malakas.

"Don't." Mahina kong sagot na maski ako ay nag-alangan kung narinig niya. Isinandal ko ang aking ulo. Nang buksan ko ang mata ko ay nanlalabo na 'yon. It stings. "Someday, when you found the right person, you're going to be thankful of your decision back then."

"I believe I already found the right person and that person was the one I let go." Hinang-hina niyang sabi. "I can fight, Ren. Everybody wants me to fight. I just don't know how."

"I'm sorry. . ." For hurting you. For choosing myself over you. For saving the last chance for myself. For listening to other people. For trusting your sake to them and for hurting you even more. There's so many reasons for me to apologize and those are also the reason why I couldn't take you back. I would only hurt her more.

I would understand if she hated me after all the bad choices that I picked but she didn't. Here, she is. She chose to beg. She instantly remind me of myself back then. Siguro ay ganito rin ang naramdaman niya nung panahon na 'yon kung hindi niya ako mapagbigyan. Siguro, nung mga panahon na 'yon ay wala na rin siyang maramdaman. Lumagpas na sa ulo ko ang pagod at kahit gusto ng maliit na parte sa damdamin ko ay hindi ko na siya kayang pagbigyan.

Kailangan ko maging matatag sa desisyon ko para gano'n rin ang gawin niya. Kahit nakapanghihina ng loob ay hindi ko kayang maging mahina ngayong mahina rin siya. Kung anong mangyayari sa mga susunod na araw ay hindi ko na hawak ngayon.

Nang humina ang paghikbi niya ay marahan kong hinaplos ang kanyang likod. Nakasubsob pa rin siya sa dibdib ko ngunit hindi ko magawang tignan siya sa gano'ng ayos. Nang maging steady ang paghinga niya ay saka lang ako nakaramdam ng pangangalay. Dahan-dahan akong gumalaw at napagtanto kong nakatulog siya sa kaiiyak. Maingat ko siyang nilayo sa akin at hiniga sa kama.

Basang-basa ang polo ko ng luha niya. Nilibot ko ang aking paningin sa silid at kinuha ang jacket ko pagtapos ay kinumot iyon sa payat niyang katawan. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang basa niyang mukha bago pa matuyo iyon. Napahinto ako nang matitigan siyang mabuti. She'd grown into someone who's far from the Rhea I knew. Kasabay ng pagtanda namin ay isang malaking pagbabago. If I knew that this is going to happen to her, I would've prefer the childish and war-freak Rhea. But she's a lady now. She became a lady but a weak one. I wonder if she still remember the steps.

Nasa gano'ng ayos ako nang mag-ring ang phone ko. Dali-dali kong sinagot iyon dahil baka magising si Rhea. Bumigat ang pakiramdam ko nang makitang si George iyon.

"Hello, George?"

"Nakauwi ka na?" Marahan niyang tanong.

"Not yet." Napalunok ako at napatingin kay Rhea. Pumikit muli ako nang mariin at hinilot ang aking sintido. "I. . .just had a talk with Rhea."

Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Napakagat ako sa aking labi. "George, can I come to your apartment tonight?"

"Bakit?" Pabulong niyang tanong,

"We have to talk, too." Matagal siya bago sumagot at muntik ko pang akalain na wala na siya sa linya. "George?"

"Okay." Huminga siya nang malalim, "Hihintayin kita." Bago pa ako makapagsalita ay naibaba na niya ang linya.

Muling may nag-ring na phone at hindi akin 'yon. Hinanap ko ang pinagmulan ng tulog at nakitang sa bulsa ng blazer ni Rhea nagmumula iyon. Marahan kong kinuha ang phone at pinindot para tumigil sa pag-ring ngunit agad ring tumawag muli kaya napilitan akong sagutin. I just answered the phone call of Coby Ramirez.

"Rhea? Are you done? Papunta na ako dyan." Iyon ang una kong narinig.

Tumikhim ako at sumagot. "Coby."

"Who's this?"

"It's Ren. Nasa office ni Dad si Rhea. She's asleep. Dito mo na siya sunduin."  Pinatay ko na agad ang linya pagtapos no'n.

Tinungo ko ang intercom at tinawagan ang secretary ni Dad. "Meilrose."

"Yes, Sir Ren?"

"Pag may hanap sa akin na Coby Ramirez, papasukin mo rito sa opisina ni Dad."

"Yes, Sir." Binaba ko ang intercom. Nakaramdam ako ng pagod. Umupo muli ako sa couch kung sa'n nakahiga si Rhea. Sana ay matauhan na rin siya pagkagising niya. Sa mahabang sandali ay nakatitig lang ako sa kanya at sa bawat minutong lumilipas, napapatanong ako kung kailan siya magiging maayos.

Nang bumukas ang pinto ng opisina ay alam ko na kung sino 'yon. Matalas na tingin ang pinukol sa akin ni Coby matapos niyang makita si Rhea.

"What did you do to her?" Mahina ngunit mariin niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. Sa haba ng pag-uusap namin ni Rhea ay hindi ko masasabi 'yon sa kanya. "I'm sorry."

Bigla niya akong kinwelyuhan. "Sorry? After all the shits you've done, sorry lang? Fuck you, Ren! I swear you'll never have a chance get her back."

I've never seen him this mad. Of course, who wouldn't be? I took his chance away a long time ago. Kung isa 'yon sa dahilan kung ba't nagagalit siya, maaaring hindi pa rin nagbabago ang tingin niya kay Rhea. And if that's case, sa pagkakataong 'to ay masgugustuhin kong mapunta si Rhea sa lalaking minsan niyang nagustuhan kaysa sa akin o sa kahit na sinong lalaki. I couldn't trust her to any men that I didn't know and I couldn't trust her, too, to myself.

"I won't take her back." Sagot ko. Mahigpit kong hinawakan ang pulso niya at inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kwelyo ko. Tinitigan ko siya nang malamig. "Go get her if you want. That's not my business anymore."

Patuya siyang natawa. "How could you say that, huh? You've been with her for years. Pagtapos ano? Ganyan lang? Wala kang pakialam? Tinatrato mo siya na parang wala kayong pinagsamahan?"

"Tapos na kami."

"With no proper closure. Sana naman binigyan mo siya ng magandang rason. You cheated. You didn't even chase her-"

Here we go again. So fucking tired of explaining. Idinaan ko na lang sa tawa ang inis.

"I cheated? I don't know if your misinformed or what. Chase? I'm done with that."

"For a year? Sapat na 'yon sayo?"

Easy for him to say that. I want to put him to my shoes, so he would have a single idea what I felt.

"Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa isang taon na 'yon. Wala ka ro'n. Mas lalong hindi mo alam kung ano ang nangyari pagtapos no'n kaya huwag kang makisawsaw. That was not your issue, Coby. It's already done. And I don't need to explain myself to anyone who's not involve. Who are you anyway?"

"Pinagkatiwala ko si Rhea sayo."

"Pinagkatiwala ko rin ang sarili ko sa kanya at hindi ko kailangan ng opinyon mo at ng ibang tao lalo na kung hindi niyo alam lahat. Put all the blame on me if that satisfies you. That's one common act for stupids like you."

"Damn you." He hissed.

"Hindi ko kailangang makipag-usap sayo. Kunin mo na siya."

"Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya?" Pahabol niya.

"Sa kanya, meron. Sa mga tulad mo, wala." Malamig kong tugon.

"You're a coward, Ren."

Natawa ako. "Then, what the term left for you? Chicken? Ilayo mo siya kung gusto mo. I'm not desperate like you."

"Sana hindi mo 'to pagsisihan. Matatauhan ka rin, Ren."

"Matagal na akong natauhan." That's a sad truth. Mahirap para sa kanilang intindigin 'yon dahil gusto nila akong ibaon sa nakaraan. Dahil hanggang ngayon ay sa akin nila binubunton ang sisi.

And you know what's the tricky thing? Ang mga taong walang alam ang naninisi. I could understand if it's Rhea. But Coby? I don't need to hear his whines.

Dumiretso ako sa apartment ni George pagtapos ng usapang 'yon. Nang makaalis ako ng building ay marami akong iniisip ngunit nang marating ko ang apartment niya ay bigla itong nablanko. Kumatok ako. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at sumungaw siya. Wala siyang sinabi at binuksan lang ang pinto. Pumasok ako at ako na rin ang nagsara. Tinitigan ko siya nang matagal.

"Nagluluto ako ng dinner." Nag-iwas siya sa akin ng tingin at pumunta ng kusina. Ilang segundo akong napatda sa kinalalagyan ko bago ko naisipang sundan siya.

Pumunta ako sa kusina. Niyakap ko siya mula sa likod. Natigil siya sa paghihiwa ng karne. Sumubsob ako sa kanyang leeg.

"Galit ka sa akin?"

Hindi siya sumagot agad. Nakakarinding katahimikan ang pumailanlang. Nagsalita siya ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Ginatungan niya 'yon ng isa pang tanong na nagpatigil sa kanya?

"Babalik ka na ba sa kanya?"

Pumikit ako. Nanghina ako sa tanong na 'yon. "Why are you asking me that? Bibitawan mo rin ba ako?"

Binitawan niya ang kanyang hawak at humarap sa akin. "Kapag naoobliga ka na lang na manatili sa akin, masmagandang sabihin mo sa akin agad na ayaw mo na kaysa maramdaman ko na mahal mo pa rin siya."

Napatitig ako sa mata niyang namumula. "Did I make you feel like that? Tingin mo ba mahal ko pa rin siya?"

"Ako ba ang sasagot ng tanong na 'yan para sa'yo?" Umiwas siya ng tingin.

"I don't think I would be able to stand in front of you if that's the case." Kinagat niya ang kanyang labi. Ngumiti ako. "Have I told you I love you?"

Napaangat siya ng tingin at sa kaniyang mata ay nasalamin ko ang pagkagulat.

"It takes time for me to say the words 'coz I have to show my gratitude first. I don't want to commit the same mistakes. I don't want to give you promises. I don't want to tell it to you yet dahil alam kong magdududa ka. Instead, I've shown you the real me and the things that I could do, the things that I could give up for us. So, I hope. . .I hope you'll stay, so we could make this work. Nandito na tayo, eh."

Napahawak siya sa kanyang bibig at mariing pumikit kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"I made two girls cry today. I'm such an asshole, aren't I? But I have to choose." Yumuko ako. "And I chose the one who made me a person again, the one who accepted me when have nothing and despite my wrong doings. You gambled with me, George, so I hope we could win together."

Idinantay ko ang noo ko sa balikat niya dahil tuluyan akong nawalan ng lakas. My shoulders shook in overflowing emotions. Hinawakan ni George ang braso ko dahil nasa kanya ang bigat ko. I wonder if she can feel me. I hope she feels that I'm sincere.

"God knows I never wanted to hurt anyone. Least of all, her." Bulong ako.

"Magiging maayos din lahat." Naramdaman ko ang pagtango niya. "And I'm sorry for doubting you."

Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. Natawa siya at pinunasan ang mukha ko. Hinapit ko siya at marahang hinalikan. Seconds later, she kissed me back.

Napagtanto kong hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa iba. Kailangan ko lang makuntento sa sarili ko. Kailangan kong maging masusi sa pagpili ng taong ipaglalaban. Hindi ko alam kung saan mauuwi 'to pero sana. . .sana do'n sa masaya kaming lahat.

"Let's date?" Aya ko kay George. Ilang linggo na ang nakalipas at kahit medyo abala ako ay gusto ko pa ring lumabas kami kahit paminsan-minsan.

"Ren, sasali ako rito." Pinakita niya sa akin ang isang registered entry ng Triathlon sa Nuvali. Inagaw ko 'yon sa kanya.

"Triathlon?"

"Oo."

"As if naman kaya mo 'to."

"Of course!" Sabi niya habang iniirapan ako.

"Come on. Alam mong hindi pwede."

"Pero sayang 'yan! Bigay 'yan sa akin ng co-trainer ko. Sa gusto ko makapunta sa Nuvali."

Umiling ako. "Then, we'll go to Nuvali but no Triathlon experience for you."

"Sayang naman!" Reklamo niya.

"Edi ako na lang ang sasali."

Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "As if naman marunong ka nyan?"

Natawa ako at inakbayan siya. "You're underestimating me."

So, we got back to normal. Less drama, less hassle. In-enjoy ko na lang ang araw. Sinamantala ko ang bakasyon para sa kumpanya pero plano ko na magturo next year. Gusto kong mag-try muna sa ibang school for experience. The schools we own are out of my list. George and I are getting better.

Iba nga lang ang atmosphere pag nasa institute ako. Pakiramdam ko ay may palagi akong dapat iwasan at dapat ay lagi rin akong malamig. Tinatawanan na lang ako ni
Ervis.

"Loosen up. Ang pakiramdam tuloy ng ibang empleyado nangangain ka. Ang akala pa naman nila masmaluwag ka sa Daddy mo."

Napailing ako. May mga pagkakataong nakakasalubong ko si Rhea. Madalas ay yuyuko siya o iiwas ng tingin. Masmaganda ngang gano'n para maayos ang kalabasan ng trabaho naming dalawa. Sapat na ang pag-uusap namin nung gabing 'yon para tuldukan ang nakaraan.

Ilang araw ang lumipas ay may sumalubong sa akin na bisitang hindi ko inaasahan. Papauwi na ako no'n. Maliban sa pangalan niyang 'Shinn' at kaibigan siya ng kuya ni Rhea ay wala na akong alam sa taong 'to. Hindi ko inaasahang magkikita pa kami matapos ng huling beses sa New Zealand.

"Finally." Aniya.

"What do you want?" Sagot ko sa malamig na tono.

"Put you in misery. You got a new one, huh? A reserved girl?"

"Anong kinalaman no'n sayo?" Hindi ko pinahalata ang inis ko. Bakit ba maraming sawsawero sa mundo?

"Want me to steal your girl? Kayang kaya kong gawin 'yon." Tumiim ang bagang ko.

"Para saan?"

"To put you on Rhea's place. Yung iniiwan sa ere at dinidispatsa na may agarang pamalit."

Kumuyom ang kamao ko. Kung kaya niya mandamay ng ibang tao ay hindi ako magdadalawang isip na kalabanin siya. "You can't do that. Isa pa anong alam mo?"

"Believe me I can. I'm smarter. Masmarami akong alam kaysa sa inaakala mo."

Ngumisi ako. I doubt that. Hindi ako naniniwalang masmarami siyang alam kaysa sa akin. Kung totoo man, it doesn't man that he'd would get an easy match. "Matalino ka lang. Tuso ako. You'll never win."

And I'll bet on that.

Nakapasok siya sa institute gamit ang ibang pangalan. Eliscent Aslejo. I don't know if that's his real name or what. Nalaman ko lang ang impormasyon sa kanya nang mapilitan ako mag-usisa. Wala na akong pakialam at ubos oras lang ang gagawin ko kung ipapaterminate ko ang kanya dahil si Dad mismo at ang board ang nag-approve. He invest millions.

Muli ko siyang nakaengkwentro sa Nuvali. I had this feeling that he's purposely pushing me to the hilt.

"I don't believe in coincidence."

"Really? Should I be happy that we believe in one idea?"

Bumaba ako ng bike nang bumaba siya.  "You invest in our institute. What for?"

"To waste some coins."

"That's millions of peso investment."

"That's my money. Ako ang magdedecide kung saan ko ilalaan ang pera. I'm a businessman, too. Natanggap ko na ang invitation sa induction party. I'll be there."

"I don't think you do that for business." Mariin kong sabi.

"Nice instincts but I'm smarter. I already told you."

And that's the start. I know he's up to something. Nang marating ko ang finish line ay sinalubong ako ni George.

"Ren, she's here." Kumunot ang noo ko. Huminga nang malalim si George. "Rhea. Nakasabay ko siya sa speedboat kanina."

Napatango na lang ako. "She's with the guy in New Zealand."

"Ha?"

"The one she was kissing nung pumunta tayo sa NZ." Nanlaki ang mata ni George. "That's a mad man. Rhea should hang-out with Coby instead."

"Your old friend?" Gagad niya. Tumango ako. "And why are we talking about them?"

Tumaas ang kilay niya at natawa. Ngumisi na lang ako.

Do'n palang ay may hinala na ako kung ano ang balak gawin ng Shinn na 'yon. He wants to take me down pero mukhang hindi lang ako ang pupuntiryahin. Mukhang walang pakialam kung may madadamay siyang ibang tao sa plano niya. Hindi niya ba alam na maaapektuhan rin si Rhea pag ginawa niya 'yon? She's under our project.

"Miss Panaguiton." Tawag ko sa secretary ni Dad na may kausap sa intercom. Naghintay kong maibaba niya 'yon.

"Sir?"

"Be sure that everything is set before the presentation."

"Sir, katatawag lang po ni Architect Marval. May sakit daw po kaya hindi makakapasok. Ipapaabot na lang daw po niya ang file."

Napatuwid ako ng tayo. Paglipas ng ilang segundo ay napabuntong hininga na lang. "Okay. Sino raw ang magdadala?"

"Hindi po binanggit."

Napatiim ang bagang ko nang maisip na baka si Shinn ang mag-abot. Wala pang labing limang minuto ay nagpakita na si Coby sa labas ng opisina. Huminga ako nang malalim nang makita ko siya.

"That's from Rhea. She said you'll be needing it. Hindi siya makapapasok. She caught a flu."

Tumikhim ako at inabot ang flashdrive. "I see."

"Kung wala ka nang kailangan, aalis na ako."

"Do you a few minutes to spare?I have to talk with you."

"About what?"

"Does a name Shinn Aslejo ring a bell?"

Napatuwid siya ng tayo. "How. . .did you know him?"

So, I was right. Wala talagang kaalam-alam ang isang 'to. Damn it.

"It doesn't matter."

"Then, anong silbi ng usapang 'to?"

"Don't ever give Rhea to that asshole." Dahil hanggang ngayon ay umaalingawngaw sa isip ko ang sinabi sa akin ni Roy Marval dati.

'With the kind of behavior he has, Shinn could also make her case worse.'

'I won't let that asshole get into her.'

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung ba't wala pa ring ginagawa ang mga Marval o baka naman inaasa na naman sa akin ang parte na 'yon?

"Why do you care? It has nothing to do with you. Ang sabi mo wala kang pakialam kay Rhea." Nagtataka niyang tanong.

Tumiim ang bagang ko. "I didn't say anything like that."

"But your actions clarifies it. Alin do'n ang totoo?"

"Akala ko ba mahal mo?"

"Akala ko rin mahal mo kaya nga pinaubaya ko sayo, di ba? That's how I remembered it. And now, what are you trying to imply? Parang inuutusan mo akong bakuran ang dating teritoryo mo."

"Dati." Pagtatama ko.

Patuya siyang ngumiti. "Why don't you just drop your rebound and give yourself a chance with Rhea? You're so stupid, Ren."

Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya at konting tulak na lang ay baka gumawa na ako ng eksena. "You don't know the whole story, Coby. Don't drag George into this mess. Kung ano man ang nalalaman mo, sinisiguro ko sayo na wala pa 'yan sa kalahati ng kwento. This isn't about my relationship with her, neither my past with Rhea. This is about Rhea alone. I'm giving you a warning but you're too skeptical to notice it that way. Who's more stupid?"

"I can't trust anyone, Ren. Not Shinn, not even you. I only have myself. I can be independent and I can protect Rhea in my own ways. I don't need your so called 'warnings.' Don't tell me what to do. Sana hindi ka magsisi na hindi siya ang pinili mo." Mariin niyang sabi.

"Fine. Do it in your own. You know who to blame if her trauma got worse."

'Yon lang tumalikod na ako. Ang hirap ipaintindi sa kanya kaya sa tingin ko ay wala na akong aasahan kay Coby.

Ilang araw ang lumipas. Si George naman ang nagkasakit. I was about to make a leave but she stopped me. "Pumasok ka na."

"You're sick and you want me to leave? Akala ko ba hindi mabigat ang try-outs sa junior team? Come on, George." Hinahaplos ko ang likod niya. Nakabaluktot siya at nakayakap sa unan. Hirap siyang huminga at kinakabahan ako dahil ang huling pagkakataon na nakita ko siyang nagkasakit ay nung bago palang ako sa varsity team nung college. "Ospital na kaya kita ideretso?"

"Mild lang 'to. Ano ba? Nakasagap lang siguro ako ng maduming hangin. Maya-maya, wala na 'to."

"Tinatamad na ako pumasok." Umupo ako sa kama niya. Hinampas niya ako ng unan. Nagalit siya at nagsermon. May sakit na nga, may lakas pa rin magalit. Napailing na lang ako at ininda ang kaingayan niya hanggang sa tuluyan akong 'di nakapasok sa trabaho.

Dalawang araw akong hindi nakapasok at santambak ang trabahong nakaabang sa mesa ko. Hindi ko na napansin ang oras sa kagustuhang mabawasan ang mga papel sa table ko.

"Sir?" Boses ng secretary ni Dad 'yon.

"Come in." Narinig ko ang pagpasok nito ngunit hindi ako nag-abalang magtaas ng tingin.

"Sir, late lunch po?"

Do'n lang ako nag-abalang tignan ang sekretarya. May dala siyang paper bag.

"What's that?"

"Ahm, sir, kasi si Architect Marval." Napakagat sa labi ang sekretarya. "Pinapabigay po niya."

"Ano 'yan?" Pag-uulit ko.

"Lunch po, Sir."

Napatuwid ako ng upo kasabay ng pagkunot ng aking noo. "Bakit niya ako bibigyan ng ganyan?"

"H-Hindi ko po alam. Actually, Sir, pangatlong beses na po dapat. Eh, dalawang araw po kayong absent kaya sa akin niya na lang po binigay yung dalawa." Napahinto ang sekratarya nang titigan ko siya nang matagal. Ngumiti na lang ito. "Sir, tatanggapin niyo po ba?"

Huminga ako nang malalim. It's just a lunch. "Paki-lagay na lang sa table."

"Okay, Sir." Pagtapos niyang ilagay ang paper bag sa table ay lumabas na si Meilrose.

Bumalik naman ako sa pagtatrabaho ngunit na-distract ako at napapasulyap sa paper bag. Nakapagtatakang hindi naman ako nagugutom kanina pero kumakalam ang sikmura ko ngayon.

"Damn." Frustrated akong tumayo sa swivel chair at pumunta sa dining. Tinignan ko ang laman ng paper bag. May dalawang Tupperware at isang soda in can. Nilabas ko ang mga 'yon at binuksan.

Nang paghiwalayin ko ang Tupperware ay may nakita akong note.

'Did you got sick in the last two days? Uso ang flu ngayon. I made you lunch. Actually, dalawang araw na. And sana, kainin mo 'to. Huwag mo na lang ipaalam na itinapon mo kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo. I hope you're well. - RHEA'

Tinitigan ko ang pagkain. Hindi ko nga ata maatim na itapon kahit hindi ako gutom. Napanguso ako nang makita kung anong ulam ang nando'n. Grilled pork.

Ilang beses pa akong nakatanggap ng lunch kay Rhea sa linggong 'to. Hindi ko magawang magpatay malisya kaya minabuti kong kausapin siya.

Hindi na ako nag-abalang kumatok sa opisinang nilaan para sa kanya. Nakita ko siyang focus sa laptop niya. Sumulyap lang siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Mabilis siyang napatayo.

"Ren." Hindi na ako nag-abalang lumapit pa. Nanatili ako sa pinto. Nilibot ko ng tingin ang opisina niya. "M-May kailangan ka?"

Tumitig lang ulit ako sa kanya matapos suriin ang buong silid. Walang nagbago ro'n. Tumikhim ako. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi na siya kasing stress ng dati. Kung anuman ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay nakakabuti sa kanya.

"You look fine."

"I-I'm doing fine." Tumango siya. Umiwas naman ako ng tingin at nilagay ang kamay ko sa bulsa ng aking slacks.

"That's good." Napabuntong hininga ako. "Mukhang may pinagkakaabalahan ka ngayon. You should keep doing that."

"I'm into cooking this past few days." Muling dumiretso ang mata ko sa kanya at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. Wala akong naging reaksyon kundi ngumanga.

What the heck? Why I have this feeling na ang nakakabuti sa kanya ay nakakasama sa akin?

Pinasadahan ko ang aking buhok. "Rhea." Frustrated kong sambit.

"I. . .I know what you're going to say." Pumikit siya. "Humag mo na ituloy kasi hindi ako makikinig."

Hindi ko napigilang lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at napatingala siya sa akin. "You know that this is not what I meant when I advise you to fight for yourself, right? Rhea, this is beyond selfishness. We must not complicate things and you know that I have-"

"I know what you have and please don't dare to remind me that." Huminga siya nang malalim at nilabanan niya ang titig ko. "This is not what you meant but this is how I get it and whether you like it or not, I'll chase you, Ren. I'll get you back."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top