CHAPTER 75 : YOUR EX

#SAT9R

DEDICATED TO : MARCHY HECHENOVA

(Note : Fast phase again. Don't mind my errors.)

CHAPTER 75 : YOUR EX

"Uy, congrats!" Nakipag-apir sa akin ang mga teammates ko at ngisi ang isinagot ko sa kanila.

"Balita ko ama ka na?" Tawa ni Marco ang nangingibabaw sa lahat. Iniilingan ko siya habang papalapit siya sa akin. "Napabilis ata? Akala ko graduation pa?"

Nagkibit-balikat ako. Malakas niyang tinapik ang balikat ko kaya binawian ko siya ng pabirong suntok.

"Kanina lang naging kayo, di ba? Paano ka sinagot?" Natatawang tanong ni Jeoff. "Damn. Hindi ko ma-imagine. Siguro may sapak na kasama."

Nauwi sa biruan ang kwentuhan namin. Hindi ko alam kung paano nila nalalaman ng mabilis ang  mga pangyayari sa amin ni Georgia. Ewan ko kung meron ba silang espiya o may nanlalaglag sa amin. Isa lang naman ang mapagbibintangan kung sino ang nanlalaglag. Of course, it's obviously Ervis.

Lumapit sa akin si Kenedic at nakipag-fist bump. "Congrats, man."

Ngumiti ako. "Salamat."

"Kung maka-congrats tayo parang mauunang gagraduate sa atin si Ren!" Sigaw ni Orly na nagpapaikot ng towel.

"Grumaduate na nga, dude! May diploma na kay Georgia." Ani  Lenard na nakipag-apir sa tawang-tawa na si Orly.

"Sunod na kay Ervis 'yan." Ani Trav.

Tinawanan ko lang ang panunukso nila. Nagkayayaang magbar pero tumanggi ako kaya inulan na naman nila ako ng kantyaw.

"Ay, tangina. Ba-bye goodtime talaga pag may girlfriend." Atungal ni Marco.

"Bukas na lang. May plano kasi kami mamayang gabi."

Nagngisihan sila na parang mga aso sabay tayo sa akin ng towel. Patawa ko silang minura habang binabato sa kanila pabalik ang mga towel. "Baboy ng utak niyo."

"Kakasagot lang sa'yo, may agenda ka na agad? Huwag gano'n, dude." Sabi pa ni Marco na agad niya ring binawi. "Joke lang! Joke lang!"

Nag-schedule na lang kami. Napagkasunduan namin nd mag-bar na lang kaysa sa bahay. Tinapos ko ang dalawa kong klase para sa araw na 'yon. Tinignan ko ang relo ko. Kalahating oras na lang at out na rin ni George. Pumunta muna ako sa pinakamalapit na flowershop at bumili ng bulaklak. She'll fret for sure. Ayaw niya ng binibilihan ko siya ng kung anu-ano. But I think this day should be an exception. We're officially on.

Hinintay ko siyang lumabas ng campus. Ngumuso ako habang binabasa ang convo naming dalawa.

George : Kaka-out ko lang. Uuwi ba tayo agad?

Ako : Nah. I'll take you somewhere else. :)

George : Saan na naman 'yan?

Ako : Basta. Nasa labas ako ng campus. Puntahan mo ako, please?

George : Bakit ka nandyan? 'Di ka na lang pumasok. Papagurin mo pa ako. Kainis, ha,

Napatingin ako sa hawak kong bulaklak. Madadaanan ko ang faculty kapag sa loob ko siya hinintay. Sa dala kong 'to, siguradong matsitsismis kami. She's a trainer of junior team but still part of the faculty and I'm still a student. It's against the policy. Graduating na ako at mas dapat kong iwasan ang offense na makapagpapa-alanganin ng pag-graduate ko. Nagreply ako sa huling text niya.

Ako : Please?

Huminga ako nang malalim at hinintay siya. Hindi na siya nagreply sa text ko. Mahigit limang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na siya. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko at nanatiling nakapangalumbaba. Nagkunwaring nainip. Samantalang siya ay napanganga at nakatingin sa dala kong bouquet.

"A-Ano 'yan?" Gagad niya.

"Pagkain." Huminga ako nang malalim. "Hindi ba halatang roses?"

Namula ang mukha niya at tinuro ako. "Huwag mo nga akong tinatabla dyan. Ba't ka may dalang ganyan?"

"Uhh? 'Coz I want to give it to you?"

"Di ba, nag-usap na tayo-" Pinutol ko ang protesta niya.

"I still thinks it's necessary 'coz this isn't just an ordinary day of argument with you." Inabot ko sa kanya ang roses. "Come on, George. You know that I don't like kapag nasasayang ang efforts ko, di ba? Just for this day. . ." Nginisihan ko siya at lalo siyang namula.

Kinuha niya sa akin ang bulaklak. "S-Saan mo binili 'to?"

Natawa ako. "Pharmacy." Akmang ihahampas niya sa akin ang bouquet kaya tinaas ko ang braso ko habang tumatawa. "Dyan lang sa tabi-tabi."

"Saan mo pa ba balak pumunta?"

"Sa bahay?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Kasi nando'n si Dad. Ipapakilala kita."

Namutla bigla ang mukha niya. "Ha? K-Kilala na ako ng Daddy mo, ah?"

"Yeah. Pero di bilang girlfriend ko." I shrugged.

"Yeah, but. . ." Napakagat siya sa labi niya. "Hindi ko inakalang ngayong araw agad."

Huminga ako nang malalim. "Ayaw mo pa?"

"Hindi naman." Napabuntong hininga rin siya. "Okay, fine. Pero pwede? I-inform ako nang masmaaga next time para naman nakakapaghanda ako?"

Natawa ako. "I thought you're always ready."

Refreshing. That's what I'm feeling. Yung nagsisimula ulit sa umpisa na walang alinlangan, walang inaalala. Hindi ko inakalang posible 'to sa nung panahon na baon na baon ako.

"Ren." Nilingon ko si Georgia. "Hindi ka ba nabibilisan?" Tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya. Sumasagi 'yan sa isip ko pero napapatanong ako kung nasa bilis ba 'yon ng pangyayari. Kapag ba mabilis na nakaahon, mababaw lang ang pagmamahal? Natatantya nga ba 'yon? O masyado kong sineryoso ang bigat ng mga bagay kaya binitawan ko ng isang bitawan lang.

"Masyado bang mabilis para sa'yo 'to?"

"Hindi ka ba nag-aalala? Paano kung pansamantala lang pala?"

"Kakaumpisa palang natin, nag-aalala ka na." Tinuro ko ang noo niya at dinutdot. "Hindi ba pwedeng isipin mo na lang kung ano tayo ngayon?"

"Nang hindi nag-aalala?" Huminga siya nang malalim. "Parang imposible."

Hindi ko siya masisi. I know, talagang may pag-aalinlangan siya. Hindi ko 'yon maalis sa kanya kaya pinupunan ko na lang ang makikita niyang butas. I'm trying to be a better man. Hindi ko siya pwedeng idamay sa kung anong issue noon. Iba ang ngayon.

"Dapat ba laging kinikwestyon kung gaano katagal ang pagmomove on? 'Di ba pwedeng naramdaman ko na lang na okay na ako? Di ba 'yon naman ang importante ro'n?"

"Nakalimot ka na?"

"I told you I won't try forget anything, right? Nung kasal ni Ervis."

Umiwas siya ng tingin. "Yes. 'Coz she had the best part of you."

"Which was wasted." I said drily. "And I believe, it's already forgotten. On my part, it wasn't. I kept it, George, pero hindi para ma-insecure ka or what. I told you, hindi mo kailangang makipagkompitensya sa kanya."

"Yeah." Tumango siya. "As if I would let those insecurities eat me."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Give me good memories. That's all I want."

Hindi ako nakalimot. Natutunan ko lang na sa lahat ng bagay ay may kailangan akong unahin. I learned on my own failures. What I had with Rhea was the best and, at the same time, the worst. Lahat ng sobra ay nakakasama. Hindi dapat sinasagad ang damdamin. Hindi lang pagod ang mararamdaman. It would reach the point of exhaustion. I hope she's doing fine. Mahalaga siya, sobrang halaga. Pero sa puntong 'to ay mayro'n na akong dapat pahalagahan.

"Let's go." Hinila ko na si Georgia sa sakayan.

Nakarating kami sa bahay. Inaasar ko siya dahil pinagtitinginan kami kanina sa jeep lalo na't may dala-dala siyang malaking bouquet.

"Ayaw mo kasing magtaxi."

"Masmura sa jeep, okay?"

"Akin na nga 'yan. Nilalamog mo lang." Kinuha ko ang mga bulaklak dahil nararamdaman kong malapit na siyang mapikon at malamang sa malamang ay ihahampas niya lang 'yon sa akin. Sakto namang nakita kong papalabas si Manang Luz sa kusina. Nanlaki ang mata niya at naglipat-lipat ang tingin sa amin ni Georgia.

"R-Ren."

"Manang, si Dad?"

"N-Nasa library." Napangiwi ang katulong. "Pupuntahan mo ba?"

"Oho. Thanks, Manang." Hinila kong muli si Georgia na pinagpapalo na ako sa braso.

"Baka may ginagawa yung Daddy mo! Mahiya ka naman."

"'Di 'yon. Sandali lang naman tayo."

"Kailangan ko umuwi ng umaga, ha? Saka, finals mo bukas, di ba? Dito ka ba matutulog o uuwi ka sa apartment mo?"

Umiling ako. "Wala akong uniform rito. Nasa apartment lahat."

"Hindi ko talaga maintindihan kung ba't kailangan mo pa mag-apartment, malaki naman 'tong bahay niyo."

"Nakakapag-isip ako ng mabuti pag mag-isa ako."

"Eh pag hindi ka mag-isa, puro kabulastugan nasa isip mo?" Inirapan niya ako at tinawanan ko siya. Binuksan ko ang pinto ng library.

Fate is a badass wrecker. May mga pagkakataong hindi ko inakalang mangyayari o masmagandang sabihin na alam kong may posibilidad pero hindi agad-agad.

I saw my Dad talking to the girl who was once my everything. Natigilan ako. She frozed when she finally saw me. Then, our eyes met. Why is she here?

Nalito ako. Hindi nakagalaw at nakapag-react agad. Pero naging mabilis ang takbo ng isip ko. Agad kong pinakiramdaman ang sarili ko.

Wala akong maramdaman. Wala na.

"Hijo." Saka lang ako nakawala sa titig niya nang magsalita si Dad. Bumaling ako sa kanya.

"May bisita ka pala, Dad." Hindi ko naitago ang tabang sa boses ko. He should've called me. Damn. Sa ganito pa talagang pagkakataon. Sa unang araw na sinagot ako ni George, do'n dumating si Rhea. Fuck. "Mamaya na lang kami ni George."

Do'n ko lang napansin na hindi nag-iisa si Rhea. She's with Coby. I suddenly felt confuse. Is she okay now? I guess, yes. Pero ang kabilang parte ng utak ko ay nagpapaalala na hindi maganda ang nangyayari. Hindi dapat kami nagkita. Hindi niya na dapat ako nakita. Dapat nanatili na lang siya sa New Zealand.

"No, hijo. May kailangan tayong pag-usupan. Umupo na muna kayo ni George." Ngumiti si Dad kay George.

"Hi po." Sagot ni George.

"Galing ba kayong school?"

"Yes." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Georgia nang hilahin ko siya sa tapat nila.

"Hindi ko pa nasasabi sayo ang tungkol sa pag-uusapan natin ngayon pero tungkol ito sa institute na binili natin, Ren."

"What about it, Pa?" Napabuntong hininga ako nang may maalala. "I'm sorry. Naalala kong inutusan mo akong pumili ng firm. I'm working on it. Busy lang ako ngayon."

"No need, Ren. Rhea will work with us." Nakangiti nitong sagot. What?

Napasulyap ako kay Rhea bago bumaling kay Dad. "Are you sure with this, Pa?"

No, I don't think that's a good idea. If she's going to be a part of that project, then she'll be working with me. Nasabi na sa akin ni Dad na pupunta siya sa Spain sa kasagsagan ng project na gagawin. Ilang mura ang lumabas sa isip ko. What is he thingking? Is Dad playing Cupid? Huli na para ro'n. Damn. Kung kailan nananahimik na.

"Of course. Rhea wouldn't pass the board for nothing. Ayaw mo ba?" Tanong ni Dad sa tono na tila naghahamon at mas lalong tumining ang hinala ko.

"Not really." But I totally disagree to work with her. Sa dami ng architect na pwedeng kunin, ba't siya pa? Pasimple akong kinurot ni Georgia sa braso. Pinanlakihan niya ako ng mata at ngumisi na lang ako. We're fucked up. Napakagandang araw para sa aming dalawa.

"Oh, pardon me. I forgot to introduce George. George, this is Rhea. My son's childhood friend. Same with Coby." Pagpapakilala ni Dad kina Coby at Rhea. "Rhea, Coby, she's George. My son's friend."

"Hi." Ani Coby. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang matatalas niyang titig. Hindi ko na lang inalam kung para sa'n 'yon. Hindi siya importante.

Naramdaman kong gusto kumawala ng kamay ni Georgia pero hinigpitan ko ang hawak ro'n. Hindi ko kailangang magpanggap. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nila. They would probably think that I'm just using the girl beside me.

Marami akong nagawang mali sa buhay ko pero hindi ko kailangang manggamit ng tao, least of all, babae. Hindi ko kinakahiya ang mga desisyon ko dahil natanggap kong ako 'to. At ang mga taong hindi tumatanggap sa akin at pinagduduhan ako, aalis at aalisin ko sa landas ko. Ang matitira ay yung hindi ako iniwan at binitiwan. Life is too short to waste my time for those people who made me feel so worthless despite my efforts to make everything right. This is where it led me. Why would I feel shame? I already made my own choices.

"She's my girlfriend, Dad." I corrected him.

Dad froze. Tinapakan ni Georgia ang paa ko at tinakip ko sa namumula niyang mukha ang mga bulaklak. Hindi ko na pinagkaabalahang tignan ang dalawang nasa harap.

"Kailan pa?"

"Kanina lang." Nakangisi kong sagot.

"Congrats." Bumati si Coby at napataas ang kilay ko. Masyado akong okupado para pag-aksayahan ng oras sa pag-iisip kung taos sa puso niya ang pagbating 'yon o labas sa ilong.

"Salamat." Hinila ko na si George patayo. "Dad, sa kusina lang kami. Usap na lang tayo ulit mamaya."

"Sige, hijo."

Inakay ko palabas ng library si Georgia. Nagkatinginan kami nang makalabas. Tumitig siya sa akin ng matagal. Hinintay ko siyang magsalita matapos niyang bumuntong hininga. "Paano ba 'yan? Unang araw palang, sablay na. Your ex is back."

"Sorry. Hindi ko rin alam. Hindi ko nabalitaang bumalik na siya." At ayoko na makibalita pa. Pinutol ko na ang koneksyon ko sa mga Marval. Pinanatili ko ang respeto ko sa kanila at inipon ang katiting na respetong mero'n ako para sa sarili ko.

"Do you changed your mind?" Mahina niyang tanong.

"No, George." Ngumiti ako. "I've already done my part. Hindi na ako ang dapat ang mag-adjust ngayon para sa ibang tao. Not again. Never again." Tumango siya at pilit na ngumiti.

I don't want to make her feel insecure. Siguro ay nature talaga 'yon ng mga babae at hindi iyon naaalis sa kanila. Sa kaso ni George, nasa kanya lahat ng rason para makaramdam ng gano'n. I keep my intention honorable kahit mukhang iba ang iisipin ng ibang tao.

Kinausap ko si Dad tungkol sa nangyari kanina at humingi agad siya ng paumanhin.

"I'm sorry, hijo."

"Dad, please, don't play Cupid. Alam niyo naman yung nangyari dati, di ba? Baka this time, tuluyang masira ang pagkakaibigan niyo ni Tito Robi dahil sa ginagawa mo." Matabang kong sabi. "Bakit siya pa ang kinuha mo?"

"She promised me, Ren. Gusto ko lang na tuparin niya ang sinabi niya sa akin." Tumikhim si Dad. "Or maybe, 'yon ang nakita kong paraan para mapabalik ka rito sa bahay. Ayaw mo rito dahil naalala mo siya. Tama ako, di ba?"

Napaungol ako. "Dad, yes, I admit. Ayoko rito dahil naaalala ko siya. Ayoko manatili  rito dahil ayokong magtanim ng galit." Pinasadahan ko ang buhok ko. "Alam mo naman na malabo na kaming magkabalikan. Don't you have a little consideration about her condition na dapat ay gambalain mo pa siya sa NZ para sa project ng institute? And Dad, I already moved on." Humina ang boses ko sa huling pangungusap. "Dad, I have George now."

"I know. You made it clear. I get your point and the rest is my fault. I'm sorry, anak. I was just trying to help. Gusto ko lang na bumalik ka rito. Iyon lang."

"And you used Rhea as the bait?" Napailing ako. "That wouldn't work."

Siguro ay ubos na talaga ang lahat ng pakialam ko sa mundo pagtapos ng mga nangyari. I set my priorities. I realigned my life. Pakiramdam ko ay nasa maayos na akong lagay.

"Congratulations!" Niyakap ako ni Georgia nang makababa ako ng stage. Finally, nakagraduate na ako. "Nakakaproud ka."

"Na ano?" Nakangisi kong sagot.

Inirapan niya ako. Natawa si Dad sa aming dalawa. May mga lumapit rin sa aming mga kaibigan at bumati.

"Hey, maya na lang. I have to go back to my sit."

Years ago, hindi ganito ang in-imagine kong mangyayari sa graduation ko. At least, hindi naging huli ang lahat para makatapos ako. Na-delay lang ng isang taon.

Nagkaro'n ng salo-salo sa bahay. Dumalo ang mga tita at tito ko pati ang ilang pinsan. Iilan lang ang nakapunta sa mga teammates ko. Lima ang kasabayan kong grumaduate sa team na may kanya-kanyang party. Ervis is present, though.

"Nakita ko yung ex mo sa parking kanina. Nakabangga ko." Natigilan ako. "Nagpapabati. Sabi i-congrats raw kita. Nag-usap na ba kayo no'n?"

"Tingin ko, maliban sa trabaho, wala na kaming dapat pag-usapan."

"You sound bitter." Tumawa si Ervis. "Hey, what do you mean 'maliban sa trabaho?' She's working with you?"

"Will be working with us. Sa institute." Personal kong kinuha si Ervis para maging main engineer ng project.

"Ohh." Napailing siya. "That sounds bad. Anong sabi ni George?"

"She's silent."

Tumawa si Ervis at siniko ako. Parehas kaming nakatingin kay George na nakikipag-usap sa isa sa mga pinsan ko. "She must be jealous."

"I don't think so." Mahina kong sagot,

Bago ang presentation para sa project na 'yon ay napagpasyahan kong umuwi na sa bahay dahil sa hiling ni Dad. Dalawa kami ni George na naghalungkat ng gamit sa apartment ko.

"Ba't kasi ang dami mong gamit rito? Di ata kasya ang mga 'to sa kotse mo. Dapat siguro nag-arkila ka na lang truck." Sabi niya habang hinahalungkat ang mga box sa cabinet ko. Binubuhat ko naman ang malalaking gamit at ilalagay sa sasakyan. Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakatingin sa isang papel. Natigilan ako.

"George?"

Agad niyang tiniklop ang papel nang mapansing nasa silid na ulit ako. Tumikhim siya at nilagay ang papel sa box. I know what it is. That was Rhea's draft. Yung regalo niya sa akin dati.

"Sorry. Akala ko kasi kung ano. Akala ko calendar kasi ang laki ng papel. Itatapon ko sana."

Umiwas ako ng tingin. "Throw it if you want."

Siguro ay ito na ang panahon para itapon 'yon. Dati ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga 'yon pero sa tingin ko ay wala ng silbi 'yon ngayon. That draft was a dream school that I want to build with Rhea. Pero wala na kami at malabo ng magkabalikan pa. That particular dream was destroyed the day we drifted apart.

"It has been a month since we got official." Sabi sa akin ni George habang binibigay sa akin ang isang tuta. Pulang-pula ang mukha niya at tulala naman ako.

Nang makabawi ay natawa ako. "What!" She snapped.

"Do lovers celebrate monthly?"

Inirapan niya ako. "Na para namang baguhan ka sa mga relasyon! Hello?"

Ngumuso ako at hinaplos ang tuta. It's cute. Kulay brown at mabalbon. Hindi ko alam kung anong breed. "To tell you frankly, hindi ko pa naranasan 'to."

"Ha?" Gagad niya na tila 'di makapaniwala. "Alin? Ang mabigyan ng tuta?"

"No." Tumikhim ako. "Ang magcelebrate ng ganito. What do you call this? Monthsary?"

"Seryoso ka ba?" Sambit niya na parang naabnormalan na sa akin. Natawa ako.

"It's true."

"H-Hindi kayo nagsi-celebrate ni Rhea?"

Umiling ako.

"Eh ano lang? Anong klase 'yon?"

"I don't know. Nung una kasi lagi naman kaming magkasama, so we consider that a reason to celebrate everyday hanggang sa nasanay. But not anniversaries. Kahit nung nasa ibang bansa na siya." Bumaling ako sa kanya. "And why am I explaining that? Hindi naman na siya ang girlfriend ko ngayon."

Napaiwas ng tingin si Georgia. "So, this. . .is your first?"

"Yeah." Ngumiti ako sa kawalan at napailing. "And I thought, she already got all my first. Hindi pa pala. I guess, na-preserve ko ang iba para sa nararapat."

"Happy Monthasary." Bulong niya. "Huwag kang umasang may breed 'yang aso. Askal lang 'yan."

"Askal?"

"Asong kalye at ang pangalan niya dapat ay Bogart." Ngumisi siya.

"Bogart?" Bulalas ko. "No way. Ang baho mo magpangalan. Palitan mo."

Umirap siyang muli. "Okay, fine! Penny! Penny na lang."

"Bakit Penny?"

"Kasi naubos ang pera ko nung binili ko sa kapitbahay kong mahilig sa aso." Sinamaan niya ako ng tingin. "At bakit ang dami mong tanong? Ikaw na nga niregaluhan."

"Last na. Bakit aso?"

Ngumisi siya. "Kasi kamukha mo."

Natawa ako nang malakas at pagtapos ay hinalikan siya sa pisngi. "Happy Monthsary."

Kinabukasan, binilihan ko siya ng pusa. Ewan ko kung ba't pusa ang binili ko kung pwede rin namang tuta. Iniwan ko 'yon sa apartment niya bago ako pumasok sa trabaho. Tinadtad niya ako nang text nang magising siya.

Georgia : Seriously, Ren?! I could get the logic kung ba't pusa ang binigay mo pero bakit Pussy ang pangalan nito? Ako lang ba ang madumi ang isip o talagang inuuod 'yang utak mo kaya wala kang ibang naisip na pangalan? Mygad.

Georgia : Saka, may hika ako. Ano ba. . .

Georgia : But this is cute. Siamese?

Georgia : Thank you. Thank you so much. :)

Nakangiti ako habang papasok sa elevator. Hinintay ko kung iba pang may papasok. Namataan ko si Rhea na paparating. Nakabangga pa niya ang isa sa mga empleyado dahil tila tulala siyang maglakad. Unti-unting sumara ang elevator bago pa niya ako makita. Parang may sumuntok sa sikmura ko.

I know. Sobrang samang ideya na bumalik siya. Napasandal ako sa elevator at mariing pumikit. I'll see what I can do para mapabalik siya sa NZ kahit mahirap na 'yon gawin. Hindi siya pwedeng manatili ng matagal rito. Sino ba ang nagtulak sa kanyang bumalik? Una palang, kaya niya na tanggihan ang offer.

Kaya kahit labag sa loob ko ay tinawagan ko ulit si Kuya Roy at nagulat siya nang malamang nasa Pilipinas na ulit si Rhea at nagtatrabaho sa ilalim ng kumpanya namin.

"Damn it. She didn't tell me! All this time I thought she was with Shinn! That bastard."

Tumiim ang bagang ko. "You told me you would look after her. Bakit parang pinaubaya niyo ang kapatid niyo sa ibang tao? Kapatid niyo siya. Diniin niyo 'yan sa akin dati, di ba? Ngayon, bakit ganito?"

"Maayos na siya-"

"Hindi gano'n ang nakikita ko. Sana man lang pinigilan niyo siya bumalik. Pinalayo niyo ako dahil sabi niyo makakabuti 'yon sa kanya. Kung papayagam niyo naman palang magtagpo ulit ang landas naming dalawa, anong silbi ng hiningi niyong pabor?"

"Don't ever use that tone on me." Galit nitong sabi sa kabilang linya.

"Then, act like a responsible brother!" Binagsakan ko siya ng telepono sa sobrang galit ko. What now? Ako na naman ang mamomroblema? Ako na naman ang gagawan ng paraan? Pagtapos ano? Ako na naman ang ituturong nakakasakit sa kanya?

Ilang araw na ang lumipas matapos ang pag-uusap na 'yon ng aksidente kong makita ang draft ni Rhea. Same as the old one. Nagulat ako at nagtaka kung paano 'yon napunta sa kanya. Naisip ko si George. Did she give it back to Rhea instead of throwing it?

"Why?"

Inalis niya ang kamay ko sa papel. Una kong naramdaman ang nanlalamig niyang palad. Sa nanginginig niyang kamay ay nagmamadali niyang ni-roll ang papel. She's tense. Lihim akong napamura. This is already a bad sign.

"This is mine." Sagot niya at akmang tatalikuran ako para kunin ang kanyang gamit.

"That's not yours anymore. That's already mine. Your gift, remember? Paano napunta 'yan sayo?" Sinubukan kong huwag ipahalata ang emosyon. Ang galit at frustration na nasa harap ko siya at nagkakaganito.

Her brother told me she's fine. That she's getting by. Ngayon ay hindi ko matiyak kung nagsinungaling si Roy Marval o temporary lang ang pagiging okay ni Rhea sa New Zealand.

"Binigay ni Tito. Hindi ko 'to kinuha, okay? Binigay niya 'to at ang sabi niya, ganito ang gusto niyang design. I'm just doing my job."

"Hindi ko 'yan binigay sa kanya." Wala sa loob kong sambit,

"I know." Bulong niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi niya 'to pinaalam sa akin."

"Sorry. Hindi ko alam na hindi niya sinabi sayo." Kagat niya ang kanyang labi.

Tinitigan ko siyang mabuti. For a moment, I thought she's a stranger. Na hindi ko na siya kilala. Na hindi na siya yung Rhea na kilala ko. Naging mahina siya sa paningin ko at kailangan ko humakbang palayo para hindi siya yakapin dahil tila anumang oras ay bibigay siya.

Huwag ko lang malalaman na pinilit siya ng Shinn na 'yon na umuwi. Fuck it. Kung talagang concern siya kay Rhea, hindi niya gagawin 'yon! It was as if he's playing a game with Rhea's emotions. Bakit hindi na lang nila kami patahimikin?

"Nakausap ko siya, Ren."

Natigilan ako nang aminin sa akin ni George na kinausap niya si Rhea.

"George. . ." Napamaang ako. "Pinagsalitaan mo ba siya ng masama?"

"Gusto ko lang na matauhan siya."

Napahilamos ako. No. Fuck. Sirang-sira na. Ang gulo-gulo na. "You shouldn't have done that-"

"And what, Ren? Wala siyang alam! Galit ako sa kanya! Galit na galit ako sa kanya. Kasi ang dami niyang sinayang. Pati, ikaw!"

"George, tapos na 'yon." Pinilit kong maging mahinahon kahit na nagkakagulo na ang isipan ko. I understand, George, but damn it, hindi ko alam kung ano ang naging epekto ng mga salita niya kay Rhea.

"Hindi mo ako maiintindihan. Na sa tuwing nagiging mabuti ka sa akin, mas lalo akong nagagalit sa kanya kasi hindi niya alam. . ." Nanginig ang boses niya. "Na ang swerte-swerte niya na sa'yo. And I hate her even more."

I want to advise to stop hating Rhea but it would only add more fuel on the flame. Hanggang sa nakikita ko na ang epekto. Hindi ko na kailangang magtanong dahil halatang-halata ko na.

"Nag-usap ba kayo ni George?" It was so stupid of me to ask that kahit alam ko na ang sagot. Naisip ko kasing buksan ang usapan sa gano'ng paraan pero agad ko ring binawi dahil baka mas lalo ko lang siyang masaktan. "Nevermind."

Tumalikod ako at akmang lalabas na nang opisina niya.

"Ren." Natigilan ako sa paghakbang. "Are you happy with her?"

Pinagpasalamat kong binawi niya rin ang sarili niyang tanong dahil natakot akong sumagot. Natakot akong sumagot ng 'oo' kahit iyon ang totoo. Natakot akong humindi dahil may masasaktan at masasaktan ako.

Muli kaming nagharap nang iabot niya sa akin ang kontrata. Nagkasugat siya sa kamay dahil nabali niya ang binder. Pinapasok ko siya sa opisina ni Dad para magamot ang sugat niya.

"Dapat iniingatan mo ang sarili mo." Marahan kong payo sa kanya habang pinupunasan ang kanyang kamay. Titig na titig ako ro'n at marami akong napansin. Hindi na 'yon kasing bigat ng dati. Malamig ang palad niya. Mapayat at maliit na ang hugis. May kalyo rin siya marahil ay sa pagdi-drawing. "Sabihin mo kung masakit."

Nang mapapikit siya ay napatingala agad ako. "Masakit?"

Napaiwas ako ng tingin nang dumilat siya at pinagtuunan muli ng pansin ang kanyang sugat.
Nang maramdaman ko ang pagtango niya ay muli akong bumaling. I wish I didn't because I saw how tears slowly filled her eyes.

"I know you're happy. I can see that. It was so stupid of me to ask the obvious and I know I deserve to be happy, too. Pero ba't sa ating dalawa, ikaw lang ang masaya? How can you be happy with her while I am not happy with own life? You told me you want me stuck. I am, Ren, but you moved on and I was left alone."

Yes, hiniling ko 'yon dati. Ngayon ay gusto ko na bawiin, only if it would make her feel better. Dahil natatakot akong sumagot ng 'oo' kahit iyon ang totoo at pag humindi ako ay may masasaktan pa rin. But I lied to her before. Hindi ko na maaatim na gawin ulit, so I'd rather tell her the truth.

"Pain made me contented. I got enough it. Yes, I am happy with George but you know that my happiest moments were with you, right? I treasure it. I'll keep it 'til my last day of living."

Nagbara ang lalamunan ko. It's unfair on me but very unfair on her part.

"This time, it's a matter of priorities. This is the fate you chose for the both of us. I told you I would always give you the choice no matter how painful it is."

Nag-init na rin ang mata ko nang marinig ang paghikbi niya. Ano pa ba? Ano pa bang dapat gawin? Kahit naman balikan ko siya ay hindi na mababalik sa dati ang lahat. This is what I chose for myself. I choose to move on. I choose to be happy. While this is where her decision led us. She suffers in the consequence. . .alone.

"I care for you, Rhea. I still do. You made high. You made me feel love for the first time. You were my first." Hinalikan ko ang kamay niya dahil hindi ko na alam kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam niya. "And I'm so sorry that we didn't last."

"Ren, n-no. . ." Umiling siya. Pumikit ako. Mas gusto kong sisihin niya ako kaysa magmakaawa siya sa akin. Magalit siya. Saktan niya ako. Mas kakayanin ko 'yon kaysa makita siyang walang magawa para sa sarili niya.

"Put all the blame on me. I won't mind. If the circumstance is not complicated, I would still choose you."

But I want her to heal and she won't know her self-worth if she stays with me. Dahil ngayon ko lang napagtanto na nakadepende pa rin siya iba. Sa akin.

Tumiim ang bagang ko sa pagpipigil ng emosyon. Mero'n na akong dapat unahin kaysa sa kanya. At masakit mang aminin sa kanya na nakaahon na ako nang tuluyan, kailangan ko sabihing hindi na siya ang una.

"But George is now my priority. You'll find yours, beh. You'll find yours." This might be the last time that I'm going to call her like like that. "Fight, Rhea. For yourself alone. You don't need me or anyone else. You. . .just need yourself."

"I only need the old us, Ren." Sumubsob siya sa dibdib ko. I got immobilized. "I'll survive anything. Just let me have it again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top