CHAPTER 73 : SELL

#SAT9S

DEDICATED TO : JHOEMARIE VIDAL

CHAPTER 73 : SELL

Ilang minuto ko siyang yakap. Naamoy ko sa kanya ang alak at pabango. Hindi pamilyar ang amoy. Hindi tulad ng dati. Sa dami ng nagbago sa amin, naisip kong baka hindi ko na siya kilala. I hope she could remember me despite the pain that I inflicted on her. I hope she would keep our memories even in the darkest corner of her mind. 'Coz that's what I would surely do. Place her in my memory.

I'm done taking risks. Who says it's easy to fight for what we've already lost? Alam ko sa sarili ko na kayang-kaya ko siyang ipaglaban pero sobrang takot na ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. Natatakot na akong masaktan ko na naman siya kung sakaling manatali pa ako nang masmatagal at magpakita sa kanya. Somehow, her brother is right. Kailangan niyang matutong maging matatag nang mag-isa dahil hindi sa lahat ng oras ay nandito ako o ang mga taong nagpapahalaga sa kanya para umalalay.

"Mapapatawad mo pa kaya ako?" Bulong ko. Hindi niya ako naririnig pero gusto ko ilabas kahit walang napapalang sagot. Malabo na ang paningin ko dahil sa luha kaya pumikit na lang.

"I'm sorry if I couldn't keep my promises." Sandali akong huminto dahil barang-bara na ang lalamunan ko. "I want you to be fine and I prefer you sane while living a normal life than have a mess life with me. I. . .I was the one who made you like this, right? I'm ready to pay for it. Maging maayos ka lang."

Ano ang silbi nito kung hindi siya naririnig? Pakunswelo ko sa sarili ko pagtapos ng ilang buwang pagtitiis? Siguro gano'n. I just have to release it all. This is gonna be my last time, right? Nilulubos ko lang. Pagtapos nito, hindi ko na naman alam kung saan ako pupulutin. Paniguradong malayo sa kanya.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang lalaking pinakilala bilang Shinn.

"Your time is over." Malamig ngunit may kasamang panunuya ang boses niya.

Hindi ko siya pinakinggan. Hindi siya importante para pakinggan. Ni hindi ko nga siya kilala. Nakakainis man ang tila panunubok niya, wala na akong pakialam.

Tumayo ako sa kama at inayos ang kumot ni Rhea. Tinitigan ko pa siya nang ilang sandali bago ako tuluyang makalabas. Naninikip na naman ang dibdib ko ngunit hindi ako patuloy na iiyak lalo na't may estrangherong nakamasid. Bago pa ako nakalabas ng kwarto ay nagsalita siyang muli na sandaling nagpatigil sa akin.

"You see what you just lost? That's so stupid of you. Get lost. She got over you. She doesn't need you anymore."

Of course, I know that's a bluff. Hindi ata siya aware na sa aming dalawa, siya ang mukhang tanga sa sinabi niya. Ang akala siguro ng lalaki ay wala talaga akong alam sa mga nangyari. He's really disgusting but I think he thinks the same about me, so we're probably quits.

If he could really help Rhea, I would be forever grateful to him. But if he could make Rhea's trauma worse, this disgust would surely transform into hate. Para sa ikabubuti ni Rhea, masmagandang huwag na umabot pa ro'n.

Hindi ko pinatulan ang sinabi niya sa akin. Pag nagsalita ako, lalala lang ang sitwasyon. Nakapanghihina ang gabing 'to para sa akin at hindi ko sasayingin ang oras ko sa mapapel at sinungaling na tao. Tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto at tinungo ang daan palabas ng bahay. Sa entrada ay nakahalukipkip si Kuya Roy at nakasandal sa pader. Tinanguan niya ako.

"Satisfied?" Bumalik siya sa malamig niyang aura.

I would never be satisfied by glancing but I have to nod. I don't have much choice as of now.

"Please, keep me updated 'til she's better. That's all I want to ask." Kapalit ng paglayo ko. Gusto ko malaman ang lahat. Kung epektibo ba ang gagawin kong paglayo. Kung hindi. . .

Damn. Hindi ko talaga mabitawan ang katiting na pag-asang meron ako,

"Sure."

Tumango ako. "Watch after her."

"We know what to do."

Sana nga ay dumating sa puntong hindi na nakasalalay ang kinabukasan ni Rhea sa desisyon ng iba. Sana, pag magaling na siya, makakaya niya na tumayo base sa kung ano ang paniniwalaan niya.

Pagdating ko sa hotel ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. Sobrang bilis makapang-ubos ng lakas ng mga nangyari kanina. Siguro ay 'yon na rin ang dahilan kung ba't mabilis akong nakatulog. Masama ang gising ko kinabukasan lalo na't naalimpungatan ako sa walang tigil na pagkatok. Napamura ako at hindi pinansin nung una.

Nang magsink in sa utak ko na kasama ko nga pala si Georgia ay napabalikwas ako ng bangon para buksan ang pinto. Nakabusangot niyang mukha ang bumungad sa akin.

"O? Ano na? Kagabi pa ako batong-bato rito sa hotel na 'to." Bigla siyang pumasok sa kwarto at hinayaan ko na lang siya. Napahilot ako sa aking noo. "Anong nangyari sa usapan niyo ng kuya niya? Maganda ba?"

Ilang sandali ang pinalipas ko bago siya sinagot. Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. "I think we should go back to Phil as soon as possible."

Nalaglag ang panga ni Georgia. Mukhang niya inaasahang gano'n ang sasabihin ko sa kanya. Nilapitan niya ako. "Nababaliw ka na ba? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Ren, sinasayang mo ang pagkakataon."

Hindi ko masabi sa kanyang wala ng pagkakataon. Yumuko ako, "Sorry."

Hindi bibilang ng tatlong segundo at isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nakamamanhid. Hindi na lang ako nagsalita kahit masakit. That slap is meant to shake me up.

"Wow. Thank you, Ren. Sinayang mo lang ang oras ko." Dinuro-duro niya ang dibdib ko. "So, display lang talaga ako, ha? Ni hindi ko man lang maayos na nakita yung ex mo! Hindi ko rin nakausap tulad ng gusto nating mangyari. Di ba 'yon ang dahilan kung ba't gusto mong mag-usap kami? Why are you going to back out? Ngayon pa talagang nandito na tayo at nagpapapatay ng oras? What the hell, Ren?"

"I'm tired, George. Let me rest for a bit." Mahina kong sambit.

"I'm also tired, Ren! I'm so tired of seeing you so down! Pang-ilang suko mo na 'to at hindi ko na makita ang sense ng pinaglalaban mo simula pa nung una. Inis na inis na ako sa mga desisyon mo!" Nanggagalaiti niyang sigaw.

"Me, too, George." Mahina kong sagot. "Pagod na talaga ako. I'm not usually like this. I don't listen to anyone before. Mostly, I only listened to myself. I relied on my own instincts. See where it leaves me. It made my life so messy. Na maski ako, hindi ko alam kung paano aayusin. So, I said, maybe this is the right time for me to listen to other people-"

"Which is not always right. Ren, if you want to get her again, you have to fight with all your might. Hindi dahil sa opinyon ng iba!"

"They make sense, Georgia."

"Sensible at first but nonsense in the end." She said drily.

"I've been selfish for a very long time at nagbayad ako sa ugali kong 'yon." At patuloy kong pagbabayaran 'yon. "Kasi akala ko kaya ko ang lahat. Yes, kaya ko. Pero yung taong pinaglalaban ko, tuluyan siyang bumigay. Ayoko na isiksik ang sarili ko kung hindi niya na ako kayang tanggapin."

I would stick on the old issue. Hindi na kailangang ipangalandakan sa mundo ang pangalawang rason. I don't think Georgia has to know Rhea's situation. It's a private matter. Tatanggapin ko na lang lahat ng masasakit na salita at akusasyon kaysa may masabi siya kay Rhea. Masgugustuhin kong isipin niya na sobrang hina ko, sobrang tanga at sobrang duwag.

"I can't believe you, Ren." Nagmartsa palabas si Georgia. Napahawak ako sa aking noo.

Simula palang, alam ko na kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin. Georgia wants me to chase because she naturally thinks girls crave for it. Pero hindi naman madadaan do'n lahat. Kailangan ko na i-consider ang iba. Simula nang maghiwalay kami ni Rhea, may karapatan na ang iba para manghimasok. Isa pa, they are part of the family. Paano ko tatanggihan? Kahit sa pinakamagalang o pinakabastos na paraan, hindi maipagkakailang mas may karapatan sila kaysa sa akin.

Nag-empake ako nung umagang 'yon at nagpabook na rin ng flight pabalik. Pinuntahan ko si Georgia pagkatapos. Nakita ko siyang nag-e-empake na rin. Sandali siyang natigilan nang makita ako. Umiwas siya ng tingin pagtapos.

"I know what to do. Hindi mo ako kailangang sabihan pa."

Tumango-tango ako at hindi na nagsalita. Ramdam ko pa rin ang sampal niya. Siguro ay inasahan talaga niyang makakapag-usap sila ni Rhea. Ako rin naman. Sa loob-loob ko kahit yung mga panahon na hindi pa ako pumapayag, umaasa ako na mangyari ang gusto niya at maging maganda ang resulta. Pero sa ngayon, malabo na 'yon. I can't let her. Georgia has a sharp tongue. Matalas pero may punto. In Rhea's case, she wouldn't take her lightly if George might have the chance to say her point of view.

"I'm sorry, George." Sambit ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pag-i-empake.

"Don't blame me after this." Tugon niya paglipas ng ilang sandali.

"Never."

Nakabalik kami ng Pilipinas na latang-lata. Nakalaro na ako sa game at kahit papaano ay may naiambag sa team. Georgia focus on her work. Kahit close kami ni Ervis ay hindi ko makwento sa kanya ng buo ang mga nangyari. So instead of spilling it to my friends, I reveal it to my Dad. I think he has to know it, too.

"But what about you?" Tanong niya sa akin pagtapos ko magkwento ng mga nangyari sa New Zealand.

Nagkibit-balikat ako at umiling para iparating na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"You've done so many sacrifices for just one girl."

"She's not just a girl, Dad." Pagtatama ako.

"And I'm sorry for that." Huminga siya nang malalim. "Bilang isang magulang na merong isang anak, hindi ko makakalimutan na minsan mo akong tinalikuran para sa kanya."

Napayuko. Guilty. Pero wala akong makapangpagsisisi nung panahon na 'yon. Kung mapupunta akong muli sa araw na 'yon, gano'n at gano'n pa rin ang magiging desisyon ko.

"Hindi ko rin makakalimutan na may kinalimutan mo lahat ng responsibilidad mo para kay Rhea. Sometimes, I wonder if she's really worth all the sacrifices that you've done. But who am I to question that? That describes how big your heart is, but you only let one girl to break it. Isn't that the best attribute of a real man?"

Ngumiti na lang ako. "You've raised me well."

"I'm glad I did." Bulong niya. "If your decision is final, the best advise you would get from me is find your happiness outside the cage of the past. Move on."

Do I have a better choice than that? Di ba wala naman? Alam ko namang hindi 'yon madali. Hindi ko nga alam kung paano magsisimula. Sa bawat araw na lumilipas, pinapakiramdaman ko ang sarili ko. Kung anong gusto kong gawin, kung meron pa bang mga bagay na makapagpapasaya sa akin.

"Kumusta na? Batong-bato ka na siguro sa buhay mo."

Nakapag-usap na ulit kami ni George. Nakapasok ang team ng semis kaya nagkaro'n ng maliit na party. As usual, imbitado si Georgia. Ilang linggo na rin ang lumipas nung nangibang bansa kami.

"Getting by." Umiling ako.

"Drop the topic. Lagi na lang ganyan ang usapan natin."

Natawa siya. "Sorry. Mukhang sa ating dalawa, ako ang hindi maka-move on sa nangyari. Hah! Akala mo babayaran pa kita?" Marahan akong natawa nang ipaalala niya 'yom.

Ngumisi siya at iniba ko ang usapan. Nabalitaan kong inaalok siyang lumipat sa Mavens pero tinanggihan niya. Mas kaya niya raw hawakan ang junior team kaysa sa amin.

"Nagtataka ako kung ba't nagdodorm ka pa rin. Sabi ni Orly, ikaw raw ang pinakanagbuburyo sa dorm niyo. Hello? Ang laki-laki ng bahay niyo tapos magtitiis ka sa dorm na may mga kasama kang kulugo?"

Napailing ako. "Wala naman akong kasama sa bahay." Paniguradong mag-iisip lang ako ng kung anu-ano pag nanatili ako ro'n. Bawat sulok ng bahay na 'yon ay may alaala niya. Mababaliw lang ako pag do'n ako umuwi araw-araw.

That reminds me to find a car buyer. I'm gonna sell my BMW. Sa tuwing natitempt ako na gamitin 'yon ay agad ring napapaatras at nagbabago ang isip ko. I want to buy a new one at ayoko iasa 'yon kay Dad. I guess, I would start from there.

"Ba't kasi ikaw kasama ko?" Nag-aalburoto si Georgia dahil ako ang sinabihan nina Marco na punta siya sa junios department. Birthday ng isa sa mga rookie at may party na magaganap. Pagbalik namin sa gym ay wala na silang lahat. Tinext sa akin nina Orly ang address at sumunod na lang daw kami. Iniwan na kami ng van.

"Ang tagal mo kasi." Reklamo ko.

"Ako pa ngayon ang sinisi mo-" Natigil sa pagsasalita si Georgia at natigilan rin ako. Tumiim ang bagang ko nang makita kung sino ang taong nakatayo ilang dipa mula sa kung nasaan kami.

Hindi ko sinasagot ang text ni Shai sa akin. Ni-reject ko ang mga tawag niya. Ayoko makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari, nakakaramdam pa rin ako ng galit at sobrang inis.

"Let's go, George." Hinila ko na siya bago pa siya makapagsalita.

"Hey!" Winasiwas niya ang braso ko pero hindi ko siya binitawan hanggang sa makaladkad ko siya sa sakayan. "You ruined my chance."

"Come on, George. Huwag mo na palakihin. It's done."

"Takot ka lang na masaktan ko yung pinsan mo. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa akin."

"It's time for you to forget it."

"Hindi ako tulad mo." Mariin niyang tugon.

Hindi na lang ako nagsalita. Bagama't parehas kami ng nararamdaman, hindi ko na gustong palalain pa ang galit niya sa pinsan. Kung magsasabi ako ng opinyon, it would only flame her up. Tama na yung minsan na silang nagpang-abot.

Pagkauwi ko sa bahay ay nando'n si Shai. Naghihintay sa sala at nakaupo sa sofa. Napatayo siya nang makita ako. Inasahan ko na dito siya pupunta. Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok at balak kong lagpasan ang pinsan ko nang magsalita siya.

"Ren, kausapin mo ako." Mahina niyang pakiusap.

Ano pang pag-uusapan? Kahit depensahan niya ang sarili niya ay nangyari na ang dapat mangyari. Kung isusuhestiyon niyang lapitan at kausapin si Rhea tulad nung binalak ni Georgia, masmaiging huwag na lang.

"Ren, I'm sorry."

Naiyak na siya sa harap ko at agad akong napaiwas ng tingin. Bahagyang nabawasan ang galit ko. Muling pumapasok sa isip ko ang rason niya. Tinanggap ko 'yon pero hindi ko kayang magpanggap na magiging tulad ng dati ang lahat. She's still my cousin. Walang magbabago ro'n. But I don't want to be close to her again.

Umakyat ako sa kwarto nang hindi siya pinapansin. Nakakabato ng puso. Dati, hindi ko siya matiis pero ngayon, hindi ko na alam. Kung hindi ako lalayo sa kanya, baka masaktan ko pa siya.

Ilang araw pagtapos no'n ay inabangan ako ni Georgia sa practice.

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na nag-usap kami ng magaling mong pinsan." Napatuwid ako ng tayo. Bago pa ako mapabulalas ay nagsalita na siya. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko siya binangasan kahit kating-kati akong basagin ang mukha niya."

"George." Napahawak ako sa noo ko. "I told you. Kalimutan mo na 'yon."

"Sorry, Mister. Siya ang lumapit sa akin. Anong gusto mong gawin ko? Huwag siyang pansinin at ma-misinterpret na naman ang actions ko? Di ba magkasama tayo kahapon? Baka isipin ng madumi niyang utak na talagang sinulot kita sa ex mo."

Natahimik ako. She has a point but I believe my cousin already learned her lesson. Tama na ang pandidiin sa kung kani-kanino. Tama na ang pandidiin sa sarili namin. Masmaayos na kami kaysa yung dati.

Ilang beses pa kaming nagkabangayan ni Georgia sa opinyon. Minsan ay ako na lang ang nananahimik para matigil siya. May araw na okay kami. May araw na hindi. May mga pagkakataong wala siyang tigil sa pang-aasar at napipikon naman ako. That's rare. Hanggang sa nasanay na lang ako.

"Binibenta mo ang sasakyan mo?" Nagtatakang tanong ni Dad. Tumango ako bilang sagot. "Why?"

"I'm planning to buy a new one. Wala pa akong budget. Kakasimula ko lang ulit sa trabaho."

"Yes, but I give your funds back, right?" Tila gulong-gulo siya akin.

Huminga ako nang malalim. "Wala akong balak galawin 'yon, Dad."

"Pwede ka namang magsabi. Ba't kailangan mo pang ibenta 'yon? Ilang taon na 'yan sa'yo at iyon ang unang sasakyan mo."

Hindi ko diretsahang masabi na I'm getting rid of my sentimental side pagdating sa mga bagay na nagreremind sa akin ng mga alaala niya. Paano ako makakausad kung itatago ko o kaya naman ay patuloy kong makikita? Uunti-untiin ko na ang pag-alis no'n sa sistema ko.

Pero nung araw na naproseso na ang lahat, parang gusto ko umurong. Napahilamos ako habang tinitignan ang kotse ko. Ilang sandali na lang ang nandito na ang buyer.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang makareceive ng text mula sa isang tao.

Roy Marval : Rhea is getting better. Nagrerespond siya sa mga treatments. She's working well. Mas okay siya compare to the previous months. Nakakausap na namin siya nang masmaayos. She's fine. Don't worry.

Roy Marval : I hope you're well, too.

Napasandal ako sa pader. She's fine while I'm trying to be fine. Talagang nakabuti sa kanya ang paglayo ko. Napapikit ako nang mariin. The pain strikes one again. Harder this time.

"Damn it."

Natuloy ang pagbenta ko sa sasakyan. Habang pinapanuod ko 'yon na lumayo ay nakatanaw lang ako. Napagtanto kong hindi pala talaga ako nakakausad. Siya ang umuusad. Ako ang naiwan. Ako ang lumayo pero ako ang parang walang mararating.

Ilang linggo pagtapos no'n ay humanap ako ng mapagkakaabalahan maliban sa basketball at pag-aaral. Pinagpatuloy ko ang pagtutor sa mga freshmen. I earned by it. Not that much but at least. Pinupuno ko ang schedule ko para wala na akong oras mag-isip ng kung anu-ano.

"Baka mabaliw ka niyang ginagawa mo." Naiiling na sabi ni George. "Kung hindi ka pa baliw ng lagay na 'yan."

Ngumisi ako sa sinabi niya. We became close. Aware ako ro'n. Sigurado akong aware din siya. Though, we're still on the line of friendship. Ervis got busy kaya si George ang last resort ko pag gusto ko makipag-usap. Total naman, marami rin siyang alam at hindi na lingid sa kaalaman niya kung sino ang totoong ako.

Tumingala ako at tinignan ang panghapon na araw. Hindi gaanong nakakasilaw, 'di tulad pag umaga.

"Ba't ka nga pala nadayo rito sa high school department?"

"Wala lang." Huminga ako nang malalim. "Nagpapapatay ng oras."

"So, past time mo na ang puntahan ako at istorbohin? Ayos ka, ah." Inirapan niya ako. Marahan akong natawa.

"Well, you have to bear with my presence a little longer. Wala naman akong matinong makakausap."

"Ang team?"

"Anong aasahan ko sa mga 'yon? Pambabara?" Ngumisi ako.

"Baka ma-misterpret na naman tayo at matawag akong rebound." Natigilan ako. "Are you dense? Don't tell me hindi mo naisip 'yan? For sure, ilan sa mga players ay 'yan ang iniisip."

Paglipas ng ilang sandali ay huminga ako nang malalim. "You're not a rebound."

Lumingon siya sa akin. "Then, what? A close friend you can run to whenever you feel lonely? A companion? Hindi naman tayo bulag at manhid para hindi malaman kung ano ang tingin sa atin ng iba." Matabang niyang sabi.

"Yeah. You're right." Tumango ako at muling tumingin sa langit. "But I think of you more than that. I think you're my lifeline." And I guess, it's time to count on Ervis' words.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top