CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
#SAT9S
DEDICATED TO : Sofia Marie D. Ceballos
(Note : Don't mind my errors)
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
Official akong napasok sa team. Hindi mahirap makisama pero hindi naitago ng ilang players ang lamig at tabang dahil sa agarang pag-approve sa akin ni Coach Dren. Binalewala ko 'yon at maspinagtuunan ng pansin ang dapat kong iambag sa team. Alam kong pressured ang team captain dahil siya ang nagpasok sa akin. I don't feel the same level of pressure though.
"Hayaan mo na lang muna ang mga naririnig mo. Huwag mo na lang pansinin." Sabi ni Ervis sa akin.
Wala naman talaga akong naririnig pero hindi ako manhid para hindi mapansin ang sama ng loob nila.
"I think you have to prove yourself." Payo ni Kenedic Mortejo. Kahit papaano ay maayos ang trato niya sa akin. Tahimik lang ang isang 'to kaya hindi ko inakalang may masasabi rin siya.
What do I expect? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkakaibigan ang mga nasa team at ako ang outsider.
"I will." Simple at maikli kong sagot. Iyon ang pinakamagandang gawin sa sitwasyon ngayon. Hindi na kailangang magpayabangan kung sino ang masmagaling. I just have to prove that I'm worth the spot.
Lahat ng lamig ay pansamantala lang. Hindi sila gano'n ka-pride para pairalin ang inggit. Hindi nagtagal ay unti-unti ko silang nakilala. Ang barrier sa pagitan ko at ng ibang players ay unti-unting nagiba.
"Okay ka na siguro sa amin?" Nakangising sabi ni Ervis bago ang shooting drill. Ngumisi ako pabalik.
"Hindi ko lang alam sa iba."
Napailing siya. "Nonsense. Wala na 'yon. Magkakaro'n ng team bonding before mag-opening. Gano'n lagi every year. Mahalaga ang team building kay Coach Dren."
Tumango ako. "I'll be there."
Natawa siya. "Natural. Kasama ka talaga ro'n. Bawal ang absent."
Napatingin si Ervis kay Kenedic at Natahaniel na nagtatawanan. Napailing ang team captain.
"Mga gago talaga. Pinagtitripan na naman si Manager."
Kumunot ang noo ko at napatingin sa babaeng pinanlilisakan ng mata ang dalawang nagtatawanan. Hindi ko siya madalas na napapansin kahit hindi nawawala ang presensya niya sa practice. Alam kong mahalaga siya sa team pero parang hindi siya bagay sa trabaho niya.
"Wala bang makukuhang lalaking assistant ang Manager?"
Napalingon ulit sa akin si Ervis. "Ba't mo natanong?"
Nagkibit ako ng balikat. "Nagatataka lang ako kung ba't babae ang assistant. Don't get me wrong. I have nothing against Georgia but I think her job is not suitable for girls."
Bahagyang natawa si Ervis. "We actually have the same thought nung kunin siya ng Manager. But do not underestimate her, Ren. She's a good instructor. Pinapakinggan din namin siya. Kahit pa nga ba babae 'yan, napapasunod niya kami. Wala, eh. May pagkamaton rin kasi. Saka kahit hindi halata, may alam talaga siya sa basketball. Try mo iparinig sa kanya ang sinabi mo kanina at paniguradong raratratin ka no'n."
Muntik na akong matawa sa sinabi ni Ervis. Sakto namang lumingon sa amin si Georgia. Ngumiti na lang ako at nagdribble. Agad ring nagbawi ng tingin ang babae.
"Natunugan ata tayo." Pahabol ni Ervis habang nagshu-shoot.
"Ikaw lang." Sagot ko at nagshoot rin.
"Nakikinig ka naman kaya kasama ka." Naiiling nitong sagot. "Lately, napapansin kong stress 'yang si Manager. Dati, palaging mainit ang dugo niyan. Ngayon, medyo tumatahimik. That's weird."
Hindi ako sumagot kahit may opinyon ako tungkol ro'n. I still think she should give up her job.
"Perfect shooting! Nice!" Nginitian ko lang ang pinaghalong kantyaw at puri ng mga kakampi ko nang matapos ang practice.
"Keep it up, man." Nakipagfistbump sa akin si Kenedic na naka-perfect rin sa shooting drill.
Natapos ang practice. Bago kami lumabas ng locker room ay nagtatalo si Ervis, Kenedic at Nathaniel.
"Bigay niyo na 'yan. Kayo ang may atraso, eh." Ani Ervis,
"Tss. Wala kaming atraso ro'n. Pakiramdam mo lang meron." Inis na sagot ni Kenedic.
"Oo nga. Hindi naman talaga si George yung pinagtatawanan namin kanina." Segunda ni Nathaniel.
"Siya man o hindi, anong kaso no'n? Mahirap bang magbigay ng chocolates?"
"Eh, ba't hindi ikaw ang gumawa?" Hamon ni Kenedic sa team captain.
"I was expecting you to be considerate. Hilig niyo kasing pagtripan. Simpleng pagbawi lang, di pa magawa. Stress na nga yung tao, dadagdagan mo pa."
Inis na kinuha ni Kenedic kay Ervis ang isang box ng toblerone. Napailing na lang ako at akmang aalis. Iiwanan ko sana silang nagtatalo nang biglang ilagay ni Kenedic sa kamay ko ang box.
"Dude, bigay mo kay Georgia para manahimik 'yang team captain natin."
"Ang gago mo, Kenedic." Asik ni Ervis. Humagalpak ng tawa si Nathaniel at napangisi si Kenedic sa akin.
Bumuntong hininga na lang ako. May klase pa ako at wala akong oras para makipagsabayan sa trip nilang tatlo. Lumabas ako ng gym at do'n hinintay si Georgia. If these guys keep on treating her like this, ba't nananatili pa rin siya sa team? From what I've observed, ginagawa lang siyang laughingstock ng ibang players. Gano'n ba siya ka-devoted sa basketball para manatili?
"Manager." Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papalabas. Sandali siyang natigilan.
"Ikaw pala 'yan. Papasok ka na rin?"
"Oo. Ikaw?" Alanganin siyang tumayo."Saang building ka, Manager?"
"Sa SV." Naramdaman ko ang pagbeep ng phone ko at tinignan 'yon. Rhea messaged me.
Rhea : Tapos na practice niyo?
"Ahh. Parehas pala tayo." Wala sa loob kong sagot habang nagrereply sa text ng girlfriend ko. Naalala ko yung kailangan kong ibigay.
Ako : Yup. Perfect ako sa shooting. Paano ba 'yan?
"Sabay na tayo?"
"Wala ka bang kasabay na iba?"
Umiling ako. Kaya ko namang pumunta ro'n sa isip. Kung iisipin, pwede ko na ibigay 'yon ngayon pero napatingin ako sa mga players na nasa loob na baka mag-isip ng kung ano pag nakita nila.
"Mukhang komportable sayo ang buong team. Matagal mo na ba silang nakakasama?" I asked out of curiosity. Naglalakad na kami papunta sa kabilang building.
Tumikhim siya. "Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Hindi lang sila nauubusan ng trip. Nine months na akong assistant ng manager nila."
"Pero parang ikaw na ang Manager nila. Iyon ang tawag nila sayo, eh." Biglang nag-beep ang phone ko at may reply na ulit si Rhea.
Rhea : Weh? Joke lang ata 'yan. Nasa'n ang video nang maniwala ako?
Agad akong nagcompose ng reply.
Ako : It's true, beh. Wala nga lang video. Di bale, next time.
"Mukhang mahilig ka magtext." Sabi niya.
"Hindi naman." Tanggi ko.
"Weh? Mukha ngang tadtad ka ng katextmate."
Natawa ako. "Iisa lang ang katext ko. Kung hindi lang kailangan, hindi ko kahihiligan."
Narating namin ang 2nd floor at diretso na dapat siya sa pag-akyat nang maalala ko ang dapat kong ibigay. Damn. I was preoccupied. Muntik ko na makalimuan.
"Manager." Lumingon siya at inabot ko ang box ng chocolate. "Sabi ng team captain, mukhang stress ka na raw. Nakakatanggal ng stress ang chocolates."
Natulala siya sa loob ng ilang sandali bago natauhan. "H-Huwag na. Nakakahiya naman sayo. Saka, h-hindi naman ako stress."
"Tanggapin mo na. Pag nagkasakit ka, mahihirapan ang buong team."
Sa wakas ay inabot na niya. "S-salamat."
Sumaludo ako at tinalikuran siya. I hope she'll quit on the team. Tingin ko ay hindi niya rin matatagalan ang Mavens. I was tempted to give her a piece of advise but I hold it. It has nothing to do with me. Hindi dapat ako makialam.
But as time goes by, nangyayari ang mga naisip kong possibility kung magtitiis siya sa team. Nakita ko kung paano siya hinagis sa pool nina Kenedic at Marco. Natigilan ako nang magtawanan ang buong team. No one saved Georgia from humiliation. Inahon niya ang sarili niya at pilit na pinipigaan ang malaki niyang t-shirt. No one noticed her pale face. Kung gaano kaputla ang mukha niya, gano'n kapula ang kanyang mga mata. Walang nakapansin dahil lahat sila ay nananakit ang tiyan sa pagtawa. The girl is on the verge of crying. She tried so hard to keep her tears at bay which she successfully did.
I stared at the players. Kay Kenedic na mukhang tuwang-tuwa sa ginawa niya. Kay Ervis na akala ko ay may pakialam sa babaeng 'to. Pakitang tao lang pala. It's disgusting. But for one moment, I could see myself on them. Yung dating ako. Ganyan din ako dati and I've done worse to the girl I love. I was also disgusted on myself.
Kinuha ko ang towel sa malapit at tinungo ko si Georgia na pilit na ngumingiti. Stupid girl. Akala ko ba ay maton isang 'to? Why she can't fight them?
Tiim bagang kong inabot sa kanya ang towel. "Magbihis ka na. Baka magkasakit ka."
Hindi ko kailanman binalak na kausapin siya, not until that moment. Nadatnan ko siyang umiiyak sa CR. That time I can't keep my opinion to myself.
"Ba't hinahayaan mo silang tratuhin ka ng gano'n? Wala ako sa lugar para magtanong ng ganito pero bakit?"
"H-hindi ko alam kung ano ang-"
"Kaya mo mang makipagsabayan sa kanila, huwag mo kalimutan na babae ka and girls don't deserve to be treated like that." Napaawang ang bibig niya. "Hindi ka dapat sila sinasanay na ganunin ka."
Kung ba't ko 'to sinasabi ay dahil natuto ako. I was never bullied. Ako ang bully. Nakita ko kung ano ang epekto ng mga ginagawa ko sa isang tao. Ang makita 'yon kay Georgia ay nagpapabalik sa lahat ng kasalanan ko. Boys will learn if girls are strong enough to correct their wrong doings.
Umiwas siya ng tingin. "Gano'n na talaga sila. Kapag lumaban ako, mas lumalala sila."
Sumandal ako sa sink. "Hindi mo sila kaya. Mag-isa ka lang at babae pa. Can't you leave the team?"
Umiling siya. "Mahal ko ang trabaho ko."
So, I was right? Dahil lang sa basketball kaya siya nananatili sa team? I thinks it's a lame excuse for a girl. Siguro ay mahal na mahal niya ang sport na 'to.
"Pero inaabuso mo ata ang sarili mo kaya kayang-kaya ka rin abusuhin ng iba. Hindi ko ata kayang makita ang ibang babae na nasa sitwasyon mo."
And that's a warning for me. A bad warning.
"Coach, nasa'n si Manager?"
Rinig kong tanong ni Trav kay Coach Dren. Nagpatuloy ako sa pagdribble kahit napahinto ang iba nang sumagot si Coach.
"May sakit."
Nanatili akong tahimik kahit kanya-kanyang reaksyon na ang mga players.
"Tinatablan pala ng sakit 'yon? Akala ko hindi siya tao."
"Gago mo, Kenedic." Tatawa-tawa ang ibang players.
Napatigil ako sa narinig ko at lumingon sa bench. Nagkukumpulan sila ro'n at tumatawa.
"Tss." Sunod-sunod akong nagshoot ng bola sa ring.
"I-text niyo. Kunyari concern kayo." Sabi ni Marco.
Napailing na lang ako sa kalyong pag-uugali nila. I texted Georgia and I'm glad she didn't reply. She didn't reply to anyone. I hope she learned her lesson. Dalawa lang naman 'yan. Aalis siya ng team o mananatili siyang katatawanan. Sana ay matauhan siya at kusang umalis.
Nagyaya si Ervis na puntahan si Georgia pagtapos ng practice. Hindi sana ako sasama pero naki-hitch ang ibang players sa kotse ko.
"May tao?" Kanina pa katok nang katok sina Ervis pero walang sumasagot.
"Baka wala naman talagang sakit 'yon?" Sabi ni Marco.
"Tignan niyo na lang kaya kung bukas ang pinto." Singit ni Nathaniel. Tahimik lang kami ni Trav at ang dalawang freshmen.
Gano'n na lang ang gulat naming lahat nang makita namin kung ano ang lagay niya. Sobrang pulat ng mukha, nangingitim ang ilalim ng mata, namamalat ang labi at mabilis ang paghingi. Nakayupyop siya sa kama at tila hindi komportable sa posisyon.
"Pre, ayos lang ba 'yan si Manager?" Namumutlang tanong ni Marco.
"Shit! Ba't ba walang kasama 'to?" Ani Nathaniel habang hinahalughog ang buong bahay,
"Sugod na natin sa ospital dali!" Binuhat ni Kenedic si Georgia pero agad na pinasa sa akin habang nagmumura sa taas ng temperatura ng babae. "Shit! Ang init!"
"Tangina! Naghihingalo na ata! Bilisan na natin." Natatarantang sigaw ni Marco. Si Ervis naman ay agad na may tinawagan. Lahat sila ay nagpanik maliban sa aming tatlo nina Ervis at Trav.
Nakaramdam ako ng inis sa kanila. Kung hindi pa hahantong sa ganito, hindi sila mag-aalala?
Habang kabado at nag-aalala ang mga players, hindi ko maiwasang konsensyahin sila habang tinitignan ng mga doktor si Georgia.
"Nagkasakit siguro siya nung tinapon siya sa pool." Napatingin silang lahat sa akin. Namutla ang mukha ni Marco at kumunot naman ang noo ni Kenedic.
"Sinisisi mo ba kami?" Maangas na tanong ni Kenedic. Hindi ako nagpatalo sa titig niya.
"Binanggit ko ba ang pangalan mo?" Malamig kong sagot. "Ang tingin niyo ata sa assistant ng manager ay asong pwede niyo pagtripan kapag bored kayo. Isa pa, why do you sound so defensive? Are you guilty?"
Hindi nakasagot si Kenedic at tiim bagang na nag-iwas ng tingin.
"Ren." Pumagitna si Ervis.
"You should make her quit. Ba't hindi niyo na lang ireklamo kay coach na ayaw niyong may babae sa staff? O baka naman gusto niyo talagang meron kayong laruan? She's working with the team for how long? 10 months? Ang laki kasi ng pakinabang kaya hindi niyo magawang bitawan?" Ngumisi ako. "Continue what you're doing. Magandang gawain 'yan."
I said it. Sana ay pumasok sa kokote nila ang sinabi ko. Iniwan ko sila sa gano'ng estado. Hindi ako agad ako nakadalaw kay Georgia. Nakapunta na ulit ako sa ospital nung papalabas na siya.
"Kumusta ka, Manager?"
"A-ayos na."
Tumango ako. "Mabuti naman. Dinalaw ka na ng ibang players?"
"Sina Ervis lang. Yung iba, hindi pa."
Bahagya akong natawa. "You gave us a scare. Baka na-trauma sayo. Nagpapanik silang lahat ng makita ang lagay mo." Sumeryoso ako. "You didn't tell us na hirap na hirap ka palang huminga. Ba't hindi ka nagpaospital agad?"
Tumikhim siya bago sumagot. "Normal na sa akin ang sakit ko."
Tinitigan ko siya nang matagal. "Akala mo lang normal kasi paulit-ulit mong tinitiis. Medyo sinisinat ka na nung binuhat kita. Ang sabi ng nurse, iti-test raw nila kung may pneumonia ka."
"Gagaling naman agad ako."
"Pero hindi ka dapat nagtitiis."
"Pero sanay na ako."
"Hindi ka pa rin dapat nagtitiis." Napayuko siya. "Nag-alala sila sayo."
"Pakitang-tao lang ang mga 'yon."
"I doubt it." Iyan din ang akala ko nung una pero hindi naman siguro sila magpapanik kung hindi sila nag-aalala. Kahit papaano, meron silang pakialam kay Georgia.
"Paano mo nasabi?"
"Hindi mo kasi nakita ang reaksyon nila nung dumalaw kami sayo kanina. I talked to them."
"Huh?"
"Sinabihan ko sila."
Nanlaki ang mata niya. "A-anong sinabi mo?"
"Na dapat inaalala nilang babae ka at hindi ka nila pinagtitripan ng sobra."
"Dapat hinayaan mo na lang sila."
"Kaya ka inaabuso kasi hinahayaan mo. Dapat pinaparealize mo sa kanila na mali sila. Yung matatamaan sila ng sagad at hindi makakaimik."
Iyon ang pinakamainam na dapat gawin.
"Hindi ka ba nag-alala na baka pag-initan ka nila dahil dyan sa sinabi mo?"
"Walang masama sa ginawa ko. Isa pa, hindi nila ako kilala."
Dahil kung sakaling nalaman nila kung sino ako dati, paniguradong meron silang masusumbat sa akin. Paniguradong wala akong mukhang mahaharap sa kanila dahil masmalala ako noon. Napangisi na lang ako sa aking naisip,
Nang nasa bahay na ako, nakatanggap ako ng text galing kay Ervis.
Ervis : Dude, thank you. Sorry rin nga pala. Hindi ko alam kung paano kami magsosorry kay Manager kaya nag-iwan na lang kami ng kung anu-ano sa sa dorm niya.
Ako : Ayos lang.
Ervis : Sayang. Ikaw lang wala kanina nung nagplano kami.
Ako : Okay lang siguro. Wala naman akong atraso. Kayo lang.
Ervis : Haha. Gago,
I texted Georgia about it minutes later. Masmaganda na ang malinaw.
Ako : Sorry. Wala akong nabigay sayo. Nagplano sila nung nasa ospital ako. I assume na nakita mo na.
Nagreply siya kaagad.
Georgia : Oo. Saka, you've done enough. Salamat sayo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang dami ng mga 'to kaya lang ayoko ng mga bulaklak. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Karamihan kasi puti. Kung pagkain na lang sana o pera, magpapasalamat ako sa kanila. Pero. . .thank you talaga, ah?
Natigilan ako nang mabasa ang reply niya at natagpuan ko na lang ang sarili ko na natatawa.
Ako : Haha. You know what? May naaalala ako sayo.
Georgia : Sino?
Ren Delgado : Secret.
Alam ko sa sarili ko kung sino. Humiga ako nang maayos nang maputol ang usapan namin. Hinintay kong mag-log in si Rhea sa Skype para makapag-usap naman kami.
No time for comparison. Hindi ko gustong pagtuunan 'yon ng pansin. It's unnecessary. Isa pa, wala akong makitang sapat na rason para ikumpara ang dalawa. George has nothing to do with me while Rhea is my everything. That makes a lot of difference.
Sumapit ang opening at ang first game. Ang sabi ng mga players ay iba ang pakiramdam pag sa live game ang laban. Parang hindi naman. Walang masyadong pinagkaiba maliban sa dami ng taong nanunuod mula sa iba't-ibang university.
Tinapik ako ni Coach Dren sa balikat. "Watch for now. I hope you'll get the trick after this."
Nabigla ako sa una pero nang maintindihan ko ang gusto niyang sabihin ay napatango na lang ako. Hindi ginamit ang bagong strategy at napagod ng husto ang malalaking player namin. Inasahan ko na ibabangko ako at hindi na nagtaka nang matalo kami. Frustrated ang mga kakampi ko at kalmado ang mga staff. This is just a trick para hindi mag-expect sa amin ang mga susunod naming kalaban.
Nakatanggap ako ng text kay Rhea pagtapos na pagtapos ng game.
Rhea : Ren, it's okay. Bawi kayo, ha? Dapat maglaro ka na next game.
Nagulat ako. Paano niya napanuod?
Ren : Did you watch?
Rhea : Yeah. Sa live stream sa internet. I want to support you. Ba't ka binangko?
Ren : It was just a tactic. Mananalo na kami next game.
Ako lang ang mukhang hindi apektado sa larong 'yon. Lahat sila ay nakayuko sa dugout. No one dared to talk. Ako ang pinakaunang natapos sa pagbibihis at lumabas ng dugout. Nadatnan ko sa labas si George na mukhang nanghinayang din. Hindi maipinta ang mukha. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Tila katapusan na ng mundo. What's wrong with this girl?
"Ren." Umalis siya sa pagkakasandal sa pader.
"Hindi ka pa ba uuwi, Manager?"
"S-sila Ervis?"
"Nagbibihis na sila sa loob. Hintayin mo na lang sila lumabas."
"O-okay ka lang ba?"
"Oo naman."
Tumiim ang bagang niya sa sagot ko. Pinigilan ko namang mapangisi. Dinaig pa niya ako sa pagiging affected. "Frustrated?"
"Ikaw ba hindi? Parang okay lang sayo na talo tayo." Gulong-gulo niyang tanong,
"Hindi lang halata. Kasama talaga 'yon. But if your own frustration is bigger than your will, you would lost your way to your the main goal."
Hindi siya nakasagot.
"Oh, before I forgot. . ." Kinuha ko ang isang maliit na bear sa bag ko na nasungkit ko sa machine ng Timezone. Hindi niya 'yon makuha-kuha dati. Isang maliit na bagay.
"Here. My gift. Better late than never. Unfair ata na buong team, may nabigay sayo tapos ako, wala. Mananalo na tayo next game."
Nagkatotoo ang sinabi ko. Walang sablay ang panalo namin pagdating ng quarterfinals. Nagkaro'n ng party at lahat sila ay lasing na lasing. Iilan na lang kaming natirang nasa huwisyo pa. Katext ko si Rhea habang hinihintay na bumagsak ang lahat ng players.
Rhea : Don't drink too much. Magdadrive ka pa.
Ako : Yes, my lady. Hinihintay ko lang matumba 'tong mga kasama ko.
Rhea : Sinong mga kasama mo?
Ako : Players lang saka mga staff.
Rhea : No girls.
Napangiti ako nang mabasa ko 'yon. I really like the possessive Rhea.
Ako : Meron. Isa. Kasama sa staff.
Kinalabit ako ni Ervis at tinuro ang mga nakasubsob na sa mesa. "Paano natin iuuwi 'yang mga 'yan?"
"Dorm." Simple kong sagot. Lasing na talaga ang isang 'to. Lahat naman kami sa dorm tumutuloy.
"Si George?"
"Alam mo naman dorm niya, di ba?"
Nagkalat si Georgia ng suka sa kotse ko. Muntik na akong matuyuan ng dugo sa inis. Lahat sila ay bagsak. Si Orly na lang ang natitirang matibay. Hindi rin masyadong uminom ang isang 'to. Si Ervis ay nagsasalitang mag-isa at hindi maintindihan ang sinasabi. Hindi rin namin naihatid si Georgia sa dorm nito dahil hindi namin alam kung nasaan ang susi niya. Sa bahay ang bagsak naming lahat.
Kinabukasan ay puro kantyaw ang nangyari habang inaalala ang nangyari nung nakaraang gabi.
Tinuro ako ni Marco. "Akala mo mabait 'to? Mukha lang 'tong hindi gumagawa ng kalokohan pero mas matindi pa 'yan sa amin. Nagising kami na magkakapatong at sigurado akong siya ang may sala!"
Tinawanan ko lang si Marco. Something they have to pay. Ginawa nila akong common driver, alalay at tagabuhat.
"Fuck." Sabay-sabay kaming napalingon kay Kenedic. "Ba't nakatali ang paa ko?"
Naghagalpakan na naman ang mga teammates sabay turo sa akin.
"Na-fifty shades ka niya sa katulong nila, pre!" Sigaw ni Ervis.
Habang napapasarap ang kwentuhan namin ay napansin kong nawala si Georgia. Hinanap ko siya sa kwarto pero wala siya ro'n. Kumuha na rin ako ng mga dating damit ni Rhea na nakatago sa cabinet ko. Ipapahiram ko muna dahil naalala kong nagsuka siya kagabi at wala siyang pamalit. Natagpuan ko siyang nasa sala. Nakatingin sa mga frames.
"Manager."
Lumingon siya at napalunok. "Pasensya na. Napadpad ako rito."
"No big deal." Inabot ko sa kanya ang mga damit. "Para makapagpalit ka. Hindi ko kasi napalabahan yung damit mo."
"H-huwag na. Ako na lang maglalaba."
Tumango ako. "Okay. Ipapabalot ko na lang."
Napatitig siya sa damit. "K-Kanino 'to?"
Sa girlfriend ko."
Tumango siya at tinuro ang mga pictures.
"I see. Siya ba yung girlfriend mo?"
"Yeah." Tinitigan ko ang frame na tinuro niya.
"Ang ganda niya."
"I know."
"Anong pangalan niya?"
"Rhea. Rhea Louisse. Soon to be Delgado." Ngumisi ako.
Bahagyang nanlaki ang mata niya, "E-engaged na kayo?"
Umiling ako. "Not yet but I'm sure with her."
"Nasa'n siya?" Hindi ko siya sinagot agad. Tinitimbang kung dapat ko bang sabihin o hindi. Bago ko pa siya masagot ay binawi niya agad ang tanong. "Sorry. Mukhang sobrang personal na."
"Ayos lang. Matagal na rin nung may huling nagtanong sa akin ng tungkol sa kanya."
"Uhm, sige. Sorry ulit. Pagamit ng shower, ah? Saka, salamat dito. Ibabalik ko rin."
"Huwag na. Wala ng magsusuot niyan." Those were her old shirts. Hindi niya na nagagamit 'yan.
Sa maraming hindi sinasadyang engkwentro, nakilala ko siya. Hindi ko alam kung sadya o hindi. Ang alam ko lang ay hindi ko ginusto. Nakapasok kami ng Finals pero nakita ko siyang tumatakbo at halos magkabungguan na kami. Umiiyak siya. May tinatakasan.
Nakausap ko siya tungkol sa iilang bagay.
"Those who judge me never experience the pain of being judge. . ."
Somehow, I agree with her. She hits a raw nerve. Totoong may manghuhusga kahit pa gaano kaganda o kapangit ang rason.
"Kaya ako naging ganito, eh. Mukha lang akong pakialam pero gusto ko lang naman makahanap ng mga taong pwedeng mag-alaga naman sa akin."
"You have your family, George." Though, I don't know if she still has her family.
"Isa pa 'yon, eh. Ang sarap-sarap nilang pagbuhulin lahat. Ang sakit maging least priority kaya lagi kong pinaprioritize yung sarili ko. Kahit man lang sa sarili ko, makaramdam ako ng pagmamahal."
She opened up something very sensitive. Hindi ko namalayang gano'n rin ang ginagawa ko,
"I always know what girls weaknesses are. I witness it almost half of my life. Lalo na at may girlfriend ako. Marami siyang pinagdaanan bago naging kami. She had been judged just like you and those judgements change her point of views. I've seen her breakdown a lot of times but she became stronger after that. She conquered her fears and up to this point, she's the most wonderful girl I've ever known. Sa nakikita ko, gano'n ka rin, George."
"Perpekto ang girlfriend mo-"
"No, she's not. Masmataas pa ang insecurities at frustrations niya kaysa sa mga building na nandito." Tiningala ko ang mga nagtataasang building.
"Pero hindi kasing lala ng problema ko."
"Hers was worse." Kontra ko.
"I only have myself." Hindi ako nakasagot. "While your girl has you. She has someone to depend on, to lean on. I bet she has her family with her side. Ako, nakapende lang ako sa sarili ko."
Partly true. Rhea has somebody to depend on but she prefers keep her pain. Rhea loves to hide while George loves to runaway. Similar. . .but still different.
For the first time, I got confused.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top