CHAPTER 5 : WALLPAPER

CHAPTER 5 : WALLPAPER


We got Ren Delgado 6 weeks before our first game. Nagkaro'n ng masusing usapan ang management sa pagpasok niya sa team. Hindi rin naman naging madali para sa kanya ang makalusot dahil pagtapos niyang makasama sa drill ang mga players, sumailalim siya sa isang personal training under the assistant coaches. Hindi naman siya nabigo dahil makalipas ang dalawang linggong training ay na-qualify siya as official varsity player.


Pansamantala naming inilihim ang tungkol dito para hindi maging issue. Though, we let the the officer's know, walang idea ang mga estudyante. Hindi maiiwasan ang leakages pero nanatiling walang kompirmasyon ang mga 'yon. Gano'n pa man, hindi talaga maiwasang may masabi ang ibang players lalo na ang mga freshmen na kakasailalim lang ng try-outs  months ago. Unfair nga naman para sa kanila na sumailalim sa normal procedure pero ang kailangang isipin rito ay ang madaliang pagbuild up ng bagong sistema para mas lumakas ang team at makarating ulit kami sa tuktok. Uumpisahan namin 'yon kay Ren Delgado.


Ang focus namin dati  ay ang mga big man sa team pero ngayon, mukhang nalilinawan na ang mga coaches  na dapat ay pagtuunan namin ng pansin ang mga wing players. Tamang depensa at tamang opensa. Kaya lang ay wala sa panig namin ang araw. Hindi pa masyadong nakakapag-adjust ang mga players at mukhang tinatantsa pa ni Ren Delgado ang posisyon niya sa team.


Huminga ako ng malalim. He and Trav have the same personality. Hindi mayabang at hindi nagmamalaki kahit may maipagmamalaki. Tahimik lang pero marunong rin namang makisama. Close niya na si Ervis. Nakikisama rin naman siya sa iba at wala akong makitang problema sa kanya. Yung ibang players ata ang may problema kay Ren. Ang maganda lang sa mga lalaki, marunong silang manahimik at kaya nilang lumugar.


Walang ibang maririnig na ingay sa court kundi ang kiskis ng sapatos ng mga players at ang paghingal nila habang ginagawa ang speed drill. Hininto ko ang timer at pumito ng malakas.


"Water break."


Tumatagaktak na ang pawis nilang lahat. Basa na rin ang kanilang shirt. Kanya-kanya silang punta sa bench at isa-isa silang inabutan ng tubig nung water boy namin. Sinulyapan ko silang lahat at sa pinakadulong bahagi ay nando'n si Ren na pinupunasan ng towel ang kanyang leeg. Mabilis akong umiwas ng tingin. Sanay na ako sa ganito pero simula nung naging regular player si Ren, napapaiwas na lang talaga ako.


Tumikhim si Coach Dren sa tabi ko at sandali akong kinausap para sa next drill bago ang practice game ngayong araw. Tumango ako sa mga bilin niya. Pumunta ako sa harap ng bench at nagsalita.


"Set A: Albanua, Barrera, Garcia, Delfin, Margallo, Romualdo, Fernandez, Tenozo. Set B: Cortez, Gritz, Hermano, Norve, La Vier, De Mesa, Delgado. Shooting drill."


Napahawak ako sa aking noo at sandaling pumikit sabay hinga ng malalim.


"Okay ka lang, Manager?" Sunod-sunod na tanong ng mga players.


Kinunot ko ang aking noo sabay tingin sa kanilang lahat. "Oo naman." Kinuha ko ang timer at pinapwesto na rila.


Tinapik pa ni Ervis ang ulo ko bago siya pumunta sa court. "Stress ka na."


"Hindi, 'no!" Tanggi ko.


Umiling-iling na lang siya. Napatingin ako sa mga players na nakakalat sa court. Namataan ko si Kenedic na nakikipagtawanan kay Nathaniel habang tinuturo ako. Napairap ako sa aking nakita. Ako na naman ang pinagtatawanan ng mga walang hiya!


Samantalang si Ervis ay tahimik na nakikipag-usap kay Ren at parehas silang nakatingin sa akin. Umawang ang bibig ko. Umiling ulit si Ervis sabay shoot ng bola samantalang si Ren ay ngumiti sa akin habang nagdidrible. Binaling ko kaagad ang tingin ko sa ibang players.


Panay ang lunok ko pagtapos no'n. Dapat masanay na ako pero ewan ko ba kung anong klaseng kaabnormalan ang nangyayari sa akin. Ilang linggo na siyang nagpapraktis kasama ang buong team pero heto ako, hindi makaget-over sa presensya niya.


Dalawa sila ni Kenedic na nakaperfect sa shooting drill. Ang pinagkaiba lang, ang kumag na Kenedic ay nagyabang na naman. Halos umikot ng 360 degrees ang mata ko nang makipag-apir siya sa mga teamnates niya habang si Ren naman ay walang reaksyon. Ngumingiti lang kapag pinupuri.


Napabuntong hininga ako. Gusto ko nga sanang sumigaw at palakpakan siya ngunit alam ko namang magmumukha lang akong tanga pag ginawa ko 'yon. Kung basta-bastang babae lang ako, nagdala pa ako ng pompoms para sa kanya.


Iwinisik ko ang ideyang 'yon. Ngumiti ako ng mapait at tumingin na lang sa cardboard para walang makapansin.


I have to keep my distance. May girlfriend yung tao. Well, hindi ko alam kung legit ba ang hinala kong sila pa nung architecture student dahil hindi ko na sila nakikitang magkasama pero madalas ko siyang namamataang may kausap sa phone.


 Tama si Kenedic, imposibleng wala. Hindi ko mapangalan ang nararamdaman ko pag nasa paligid siya pero hindi ako mangmang para balewalain 'yon. Dapat lumugar ako. Hindi kami  close. Nagkakausap lang kami pag kailangan niya ng instruction. Other than that, wala na.


Nang matapos ang practice game, as usual, ako ang nagliligpit ng mga bola habang nasa shower room sila. Papaalis na ako nang isa-isa silang lumabas. Ang iba ay naka-uniform na. Isa na ro'n si Ren.


"Papasok pa kayo, dude? Cutting na lang." Sigaw ng gunggong na si Leo.


Muntik ko na abutin ang cardboard at ibato sa kanya. "Napaka-bad influence mong hayop ka!"


"Ikaw rin naman, bad influence." Sabat ni Kenedic na naka-civilian. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ba't hindi ka naka-uniform? Magka-cutting ka rin?"


"Hindi lang naka-uniform magka-cutting na? Hindi ba pwedeng wala lang klase?" Matabang niyang sagot.


"Ulol. Palusot pa more." Paingos ko silang tinalikuran at lumabas na ako ng gymnasium. Nabangga pa ako sa kung sinong tumambay sa pintuan ng gym. "Ano ba-"


Natigilan ako ng malanghap ko ang pamilyar na pabango. Humarap sa akin si Ren na mukhang may katext kaya nakaharang sa pinto.


"Manager." Ngumiti siya at natigilan ako ng ilang segundo.


"Ikaw pala 'yan." Gusto ko sumigaw ng 'Thank God! Hindi ako nautal!' "Papasok ka na rin?"


"Oo. Ikaw?"


Lumunok ako at dahan-dahang tumango.


"Saang building ka, Manager?"


"Sa SV."


"Ahh. Parehas pala tayo." Sagot niya habang nakatingin sa kanyang cellphone at nagtatype. Tumingin lang siya sa akin ng matapos siya. "Sabay na tayo?"


Muntik na akong mapasinghap. Tinago ko na lang sa aking tawa. "Wala ka bang kasabay na iba?"


Umiling siya sabay ngiti. Napasagot ako ng 'okay' sa huli.


"Mukhang komportable sayo ang buong team." Sabi niya habang naglalakad kami. "Matagal mo na ba silang nakakasama?"


Tumikhim ako bago sumagot. "Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Hindi lang sila nauubusan ng trip. Nine months na akong assistant ng manager nila."


Natawa siya. "Pero parang ikaw na ang Manager nila. Iyon ang tawag nila sayo, eh." Biglang nag-beep ang cellphone niya at muli siyang nagtext.


Pinigilan ko ang aking sarili na sumilip kahit sobrang curious na ako. Humarap siya sa akin ng matapos siya. Pilit akong ngumiti,


"Mukhang mahilig ka magtext."


"Hindi naman." Maikli niyang sagot.


"Weh? Mukha ngang tadtad ka ng katextmate."


Marahan siyang tumawa. "Iisa lang ang katext ko. Kung hindi lang kailangan, hindi ko kahihiligan." Muling tumunog ang phone niya hudyat na may text na naman at naging busy siya sa pagdutdot ng screen.


Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi kahit tila malulusaw na 'yon. May kakaibang kirot sa dibdib pero hindi ko talaga mawari kung ba't kailangan ko makaramdam ng gano'n.


Narating namin ang SV Building at do'n niya lang muli ako kinausap.


"Anong floor ka, Manager?"


"Fourth floor pa. Second floor ka lang, di ba?"


Kumunot ang kanyang noo. "Paano mo nalaman?"


Muntik ko na mabatukan ang sarili ko. Stop giving too many details, George! Shit!


"Eh, a-ano, di ba. . .ako yung naghatid ng papers niyo kay Ma'am De Leon. Ikaw yung kumuha no'n."


"Ahh, oo nga pala." Natawa siya. "Akala ko kasama ang sched sa info na kailangan mo makuha sa mga players."


Umiling-iling ako. Shit talaga! Totoo naman 'yon! Binibigay talaga ng players ang schedule nila at nung na-gather ko ang sa kanya, ni-review ko 'yon kaya alam ko,


Putangina. Ako na ang natatakot sa pinaggagawa ko. George, assistant manager ka at hindi stalker!


Narating namin ang 2nd floor at diretso na sana ang akyat ko nang tawagin niya ako.


"Manager."


Lumingon ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang box ng toblerone.


"Sabi ng team captain, mukhang stress ka na raw. Nakakatanggal ng stress ang chocolates."


Binibigyan. . .niya ako. . .ng chocolates. . .


Ilang sandali ang lumipas bago ako natauhan. Nabibingi ako sa nakatagong drums sa dibdib ko.


"H-Huwag na. Nakakahiya naman sayo. Saka, h-hindi naman ako stress."


Ngumuso siya at hindi binaba ang kanyang kamay. Winagayway pa niya 'yon. "Tanggapin mo na. Pag nagkasakit ka, mahihirapan ang buong team."


Parang gustong matunaw ng tuhod ko sa sinabi niya. Inabot ko 'yon at may pag-aalinlangang ngumiti sa kanya. "S-salamat."


Sumaludo siya sa akin bago tumalikod. Pinanuod ko pa siyang pumasok sa room niya. Napatitig ako sa chocolate na binigay niya sa akin at napangiti ako.


Bawal sa akin 'to dahil bawal ang matatamis sa may hikang tulad ko. Hindi rin ako mahilig sa matamis. Ito ang unang beses na may nagbigay sa akin ng chocolate. Ayoko kainin.


Isa pa, galing 'to kay Ren. Unang bagay na binigay niya kay George Rante. I want. . .to preserve it.


Dumating sa point na parang hindi lang ako at ang mga coach ang na-stress sa practice. Nahihirapang mag-adjust ang players sa mga bagong routine kaya lahat kami ay nananakit ang ulo. Papalapit ng papalapit ang league at ang una naming makakalaban ay ang nag-champion last year. We desperately want to have a great start.


Kaya ten days before ang opening, nagpasya ang mga coach na mag-loosen up ang buong team at mag-relax ng isang araw. Nagpabook sila sa isang resort kung saan binalak nilang mag-night swimming.


"Coach Dren, sasama pa po ba ako?"


"Aba, oo naman!"


"Eh, ako lang po ang babae." Napakamot ako sa aking ulo.


Nanlaki ang mata ni Coach. "Miss Rante, dati ka pa nag-iisa pero ngayong ka lang nagreklamo. Isa pa, parte ka ng team kaya dapat sumama ka. Mas na-i-stress ka pa nga ata sa mga players. Nasa'n na ang puso naming mga staff kung ang pinakamasipag naming assistant ay hindi namin isasama?"


Kaya hindi na ako nakapagreklamo pa. Iisang bus kaming lahat. Nando'n ako sa pinakadulo at sinakop ko ang mahabang upuan para makatulop. Gusto ko makaidlip pero ang iingay ng mga lalaking 'to. Nagbabatuhan pa ng kornik at natamaan ako sa mukha.


"Pag natamaan ulit ako, ipapasinghot ko sa inyo 'yang mga kornik na 'yan!" Sigaw ko.


Nagtawanan silang lahat.


"Monster mode on!" Sigaw nila.


"Huwag kayong maingay, may natutulog na dragon." Hindi ko kailangang tignan kung sino ang nagsabi no'n dahil alam na alam ko ang boses ni Kenedic Mortejo.


Nagmartsa agad ako papunta sa kinauupuan niya at sinabunutan siya.


"O, awatin niyo! Awatin niyo yung dragon!"


Natahimik lang kaming lahat nung sumakay ang mga staff. Nakahalukipkip ako sa likod at nasa bandang bintana. Naiinis talaga ako sa mga players. Tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ko sila pinapansin.


"Lagot ka, pre. Nagalit ata si Manager."


"Gago kayo. Ako lang ba?"


Hinayaan ko silang magtalo-talo. Basta, gusto ko magtampo. Mga hayop sila. Nakakairita talaga! Ba't pa kasi ako sumama kung ganito lang?


Natanaw ko kung sino ang pinakahuling pumasok sa bus. Si Ren. Naka-hoody at cap siya. Nakasabit at headset sa kanyang leeg. Natunaw ang badtrip ko at napabuntong hininga na lang. Alam ko na kung ba't ako sumama.


Narating namin ang resort ang excited ang karamihan. Naglalaro lang ako ng clash of clans sa phone ko sa loob ng dalawang oras na byahe. Inaaya na ako ng mga players na lumabas pero hindi ko sila pinapansin. Mamatay sana sila sa cold treatment ko.


"Ang snob ni Manager. Bati na tayo."


"Oo nga. Huwag na maarte."


"Biro lang naman 'yon. Masyado sineryoso."


Umirap na lang ako at nanatiling nasa likod habang pababa na sila. Sinukbit ko ang backpack sa likod ko. Huminga ako ng malalim para huwag umiyak.


Hay, tangina talaga sila. Ang tingin nga siguro nila sa akin ay maton at lalaking na-trap sa katawan ng isang babae. Sanay na sanay silang pagtripan ako at hindi na nila naisip na babae rin ako. Letse. Kasalanan ko rin naman dahil hinayaan ko sila pero mga putangina talaga nila.


Tumayo ako at nagulat ako dahil kakatayo lang rin ni Ren sa upuan niya. Mukhang kakagising lang. Nakatulog siguro siya sa byahe.


"Sumama ka pala, Manager. Hindi kita nakita kanina."


"Nasa pinakadulo kasi ako."


Kumunot ang noo niya. "May nangyari ba? Parang umiyak ka?"


Kumunot ang aking noo. Napaka-observant naman ng isang 'to.


"Hindi, ah. Nakatulog lang din ako." Pilit akong ngumiti. "Tara. Baba na tayo."


Hindi siya sumagot pero sumunod na rin siya sa akin pababa. Hindi ako naglakad kasama ang mga players. Kina Coach Dren ako dumikit. Ang awkward naman kasi pag kay Ren Delgado pa ako sasama. Mukhang wrong idea talaga ang pagsama ko rito.


Okupado namin ang buong pool. Nakahain na ang mga pagkain pagdating namin. Nagsihubaran na ang mga lalaki. Naka-boxers na silang lahat at yung iba ang kapal talaga ng mukha para mag-brief. Mukhang wala naman silang pakialam sa presensya ko.


Kumuha agad ako ng pagkain. Wala akong balak magswimming. Nawala na ako sa mood at tuluyang na-badtrip sa kanila.


Kumukuha ako ng kanin nang mapadako ang tingin ko sa side ng pool kung saan nakatayo si Ren Delgado. Dahan-dahang umawang ang bibig ko nang makitang nakatopless na rin siya ngunit siya ata ang less daring sa lahat dahil naka-board shorts siya. Kung sino pa ang may ibubuga, iyon pa ang less daring!


Nag-i-stretching siya. Napalunok ako nang makita ang katawan niya. Napaiwas ako ng tingin sabay pikit ng mariin. Nawalan na ata ako ng dugo. Lumabas na ata sa ilong ko.


Napatingin ako sa plato ko at nagkandalaglagan na pala ang kanin dahil tumabingi ang pagkakahawak ko ro'n. Nasa'n ba ang huwisyo mo, George?


Pinag-isipan ko kung kukuha pa ba ako ng ulam o sapat na yung nakita ko kanina para mabusog ako.


Tama na nga, George!


"George, hindi ka magsuswimming?" Tanong sa akin ng mga staff.


"Hindi na po. Pagkain lang ang habol ko." Napatingin ako sa mga players na nakaisip na naman ata ng panibagong trip at napailing na lang ako.


Ilang minuto na akong nakayupyop sa mesa ng bigla akong umangat sa kinauupuan ko.


"What the hell!" Buhat-buhat ako nina Kenedic at Marco. Nagchi-cheer ang mga players at ang iba ay humihiyaw pa.


"Ilaglag na 'yan sa pool!" Sigaw pa ng ilan.


Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa tubig. Pumasok ang tubig sa aking ilong bago pa ako makaahon. Rinig ko ang hiyawan at tawanan nila. Lumangoy ako hanggang sa makahawak ako sa dulo ng pool. Hilaw na ngisi lang ang ginawa ko.


"Ligo-ligo rin, Manager!" Sigaw ng isa sa kanila.  

Tinaas ko ang gitnang daliri ko at mas lalo silang nagtawanan. Hinilamos ko ang aking mukha. Nag-iinit ang mga mata ko pero agad kong pinigilan para ngisihan silang lahat.


Mabigat ang damit ko dahil nabasa na 'yon. Pinilit ko pa ring umahon. Tinapunan ko ng tingin ang mga players at mukhang wala lang sa kanila ang nangyari. Yumuko ako at pinigaan ang t-shirt ko.


May nag-abot ng towel sa harap ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatiim ang bagang ni Ren.


"Magbihis ka na. Baka magkasakit ka."


Tumango ako at kinuha ang towel.


"Manager! Swimming na!" Tawag nila sa akin. Nilingon ko sila.


"Kayo na lang." Pilit pa rin ang ngisi sa aking labi. Kung gaano kabigat ang suot ko ay gano'n rin kabigat ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang backpack ko.


Tinungo ko ang banyo ng mga babae. Binuksan ko ang isang cubicle. Hindi ko na sinara ang pinto dahil wala namang ibang papasok. Ako lang naman ang babae sa amin.


Tahimik akong umiyak.


"Hayaan mo, George. Makakabawi ka rin. Hindi lang nila pansin na maganda ka at hindi ka gwapo. Pakyuhin mo na lang sila." Sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ng t-shirt ang aking mukha. Suminghap ako para pagaanin ang aking paghinga.


Pag ako nagkasakit pagtapos nito, tangina nila. At pag ako talaga nagmukhang babae, kahit lumuha pa sila ng dugo, hinding-hindi ko sila papansinin.


Nakatulala ako sa tiles sa loob ng mahabang sandali. Nag-iisip kahit blanko ang pag-iisip. Biglang bumukas ang pintuan ng CR at napaigtad ako.


Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino 'yon. Wala sa oras na hinaklit ko ang backpack ko at niyakap 'yon.


"B-Bakit?"


"Ayos ka lang ba?" Flat niyang tanong.


Umiwas ako ng tingin. "O-oo naman. Ba't ka nandito? Pinapatawag na ba ako sa labas?"


"Ba't hinahayaan mo silang tratuhin ka ng gano'n?" Tanong niya sa akin nang hindi ako hinihiwalayan ng tingin. "Wala ako sa lugar para magtanong ng ganito pero bakit?"


Natahimik ako. Ang blanko kong pag-iisip ay mas lalong naging madilim. Napalunok ako.


"H-hindi ko alam kung ano ang-"


"Kaya mo mang makipagsabayan sa kanila, huwag mo kalimutan na babae ka and girls don't deserve to be treated like that."


Napaawang ang bibig ko. Hindi makahuma. Walang maisip na maisasagot sa kanya.


"Hindi ka dapat sila sinasanay na ganunin ka."


Umiwas ako ng tignan. "Gano'n na talaga sila. Kapag lumaban ako, mas lumalala sila."


Sumandal siya sa sink. Binitawan niya ang kanyang phone at humalukipkip. "Hindi mo sila kaya. Mag-isa ka lang at babae pa. Can't you leave the team?"


Umiling ako. "Mahal ko ang trabaho ko."


Nanahimik siya ng ilang sandali. "Pero inaabuso mo ata ang sarili mo kaya kayang-kaya ka rin abusuhin ng iba. Hindi ko ata kayang makita ang ibang babae na nasa sitwasyon mo."


Napayuko ako. Umalis siya sa pagkakasandal sa sink at lumabas ng cr. Minamartilyo ng maraming beses ang kaloob-looban ko. Napapikit ako ng mariin. Ba't pa niya ako kinausap tungkol ro'n? Concern ba siya?


Oo, George. Concern siya dahil babae ka. Huwag mong bigyan ng malisya dahil wala ng masmalalim pang kahulugan kaysa ro'n.


Napatingin ako sa sink at napatda ang tingin ko sa cellphone na naro'n. Naiwan ni Ren ang phone niya. Tinignan ko 'yon ng matagal bago pinindot ang screen.


Lumitaw ang wallpaper niya. Siya at isang babaeng maganda, may mahabang buhok, simpleng ngiti ngunit halatang masaya. Yung babae sa field nung nag-enroll ako last year. Yung babaeng nakausap ko sa train. Sila pa rin. 


Nakayakap siya sa likod nito. Nakasiksik siya sa leeg ng girlfriend niya kaya hindi makita ang kanyang buong mukha. Malungkot akong napangiti. Ngayon, nag-sink in na sa akin ang mga sinabi niya. Hindi niya kayang makita ang kahit na sinong babae sa sitwasyon ko lalo na ang girlfriend niya.


Muntik ko na mabitawan ang phone nang mag-ring 'yon. Nanlaki ang mga mata ko. Tumatawag ata ang girlfriend niya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top