CHAPTER 46 : REBOUND

#SAT9S

DEDICATED TO : HERNS PRONOSO

CHAPTER 46 : REBOUND

I could feel her skin pressed on mine. She's sleeping inside my arms. Hinapit ko siya nang marahan para hindi siya magising.

I couldn't sleep. Kanina pa ako nakatitig sa kisame at medyo namumulikat na rin ang braso ko kung sa'n nakaunan si Rhea pero wala akong balak alisin 'yon. I stared at her sleeping figure. A tranquil scene to witness, very serene. What I'd give to make this moment last. I want to hold her close every time we're together. Ngayon lang nagkaro'n ng pagkakataon. Ngayon lang napagbigyan. Ang tagal kong hinintay nito.

Pero hindi ko inalis sa isip ko na ang mga nangyari kanina ay dala lang ng bugso ng damdamin. She's vulnerable and her vulnerability is contagious. Nakakababa ng tingin sa sarili. Lahat ng nakaaapekto sa kanya ay nakaaapekto rin sa akin. I love her that much. Hindi nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa kanya ni Ren pati ang engkwentro namin sa opisina ni Tito Loren.

Why do we have to undergo to this kind of experience? Ba't hindi pwedeng makuha na lang namin ang nararapat na sa amin? Ba't kailangang masaktan, maiwan at mahirapan? Why do we have to keep on waiting for the right time? Hindi nga masiguro kung sino ang dapat mahalin pagtapos ay maghihintay pa sa panahon na walang kasiguraduhan.

Mahal ko si Rhea pero walang assurance na siya ang para sa akin. I don't believe in destiny. Ang paniniwala ko ay base sa realidad. You get what you pursue. Ang problema lang sa akin dati ay masyado akong mapagbigay at hindi ko nagawang ipaglaban ang mga bagay na dapat ay akin sa simula palang. Nakadadala rin pala. I'm not a selfish person and I've been selfless for too long. Panahon na para pagbigyan ko ang sarili ko. Ilang beses ko 'tong pinalampas at binigay ko pa sa iba pero sasayangin lang din pala. Kung alam ko lang na sa ganito mauuwi ang lahat at mahihirapan si Rhea ng ganito ay sana hindi ko na lang siya pinaubaya kay Ren.

Inayos ko ang buhok ni Rhea na tumatabon sa maliit niyang mukha. I kissed her forehead.

"You don't love me now, but I hope you'll love me soon." I whispered.

After all the years that have been wasted for nonsense, I wanna claim what should've been mine. I wanna gain the prize of my selflessness. She's the most valuable prize that I can have.

Taking advantage? Shameful but why would I care for what's beneficial and what's not, kung merong taong walang pusong inabandona ang babaeng pinakaiingat-ingatan ko? I experience unfairness at its worst case. Isa na 'to ro'n.

Pumikit ako at niyakap si Rhea. Pinilit kong kumuha ng tulog kahit magmamadaling araw na at maaga ang pasok bukas. Kung paano namin haharapin 'to sa pagsikat ng araw ay wala akong ideya. Bahala na.

Nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Napabangon ako kaagad at hinanap ko si Rhea sa unit ko. I cussed when I realized that she already left. I picked up my phone and dialed her number. Hindi niya sinasagot ang tawag.

"Damn." Wala sa loob na nahagis ko ang phone sa kama. Binagsak ko ang sarili ko sa gilid at ilang segundong nakatungo sa sahig. My mind was blank. I can't think straight. Napasabunot ako sa aking buhok.

Tumunog ang phone ko at tinignan ko kung sino 'yon. My secretary is calling. Nakita ko ang oras at napahinga ako nang malalim. I'm late.

"Sir-"

"Yes, I'll be late. Paki-utusan ang team na maghintay. I'll be there in thirty minutes."

Nagmamadali kong tinungo ang banyo at binuksan agad ang shower habang naghuhubad ng damit. Pumikit ako at ninamanam ang lamig na nagmumula sa tubig ngunit agad na pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I can clearly recall the way we kiss, the heat from our skin, even that little friction we created. Her sobs along with her gasps and moans. The way she say my name. . .his name. I punched the tiled wall as I try to disremember a particular scene.

Pagdating ko sa shoot ay nakahanda na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa ere pero pinilit ko magtrabaho. Medyo uminit ang ulo ko nang hindi makuha ng mga bida ang pinapagawa ko kaya nagpaulit-ulit kami sa pag-take. Hanggang sa mag-announce ng break ang co-producer ko.

"What's wrong, Coby boy?" Ginulo ni Andi ang buhok ko. "Sobrang init ng ulo mo. Nakikisabay ka pa sa init ng araw. Kawawa ang mga artist natin. Papack up na ba tayo?"

Pumasok ako sa tent. Sinundan niya pa rin ako. "Ang snob mo ngayon, ah. Mukhang may pinagdadaanan ka nga." Humalukipkip siya sa harap ko.

"Andi, please. . ."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Para saan naman 'yang pa-please please mo?" Kinuha niya ang mineral water na nasa tabi. "O ayan. Tubig. Para naman mahimasmasan ka. Magbibreakdown na ang mga tao rito sa sobrang hot mo. Literally and figuratively. Pero utang na loob, kahit nakaka-turn on ka mag-suplado, pakunswelo na lang sa working team. Pwede? Be professional."

Kinuha niya ang upuan sa tabi at pinupo ako ro'n. Napabuntong hininga na lang ako. "Sorry. Hindi lang maganda ang gising ko." Hinilot ko ang aking ulo.

"Problem?"

"Yeah." I'm too lazy to answer.

"I see." Humalukipkip ulit siya. "Too personal?"

"Very personal matter."

"Okay. I won't ask." She shrugged her shoulders. Kumuha siya ng mineral water at uminom ro'n. Napatingin ako kay Andi.

I've been working with Andi Dim for a year. Sa iba't-ibang segments and projects. Magkasabay kaming nag-train sa film making. She's a friend. Nakilala rin siya ni Artemis at naging magkaibigan rin sila bago umalis ang kapatid ko pabalik sa Korea.

"Andi." Tawag ko sa kanya.

"What?"

"Do you know a place for. . ." Napaisip, "Let's say, a good place for vacation."

"May balak kang magbakasyon, eh tambak pa tayo ng scenes na isu-shoot? Don't tell me iiwan mo ako rito mag-isa? Naku. Sasakalin kita."

"May sinabi ba akong ganyan? Just answer my question, Andi."

"Ang bossy mo, ha. Nakakainis." Naningkit ang mata niya habang nag-iisip. "Try mo sa Palawan? Maraming beach ro'n. Islands. Breath-taking views. Teka, anong gagawin mo ro'n?"

"Where. . ." Napalunok ako. "do yo think is the place for perfect proposal?"

Napanganga si Andi. Nanlalaki ang mata niya at bigla niya akong tinuro. "You're getting married!" Sigaw niya.

"Damn it. Don't shout." Mariin kong tugon sabay tingin sa paligid.

"Oh, my God. Invited ba kami? I wanna witness your proposal! Who's the lucky one?" Excited nitong tugon.

"Proposal, okay? Depende kung tatanghapin."

"Who would dare to reject a Coby Ramirez?" Pinanlakihan niya ulit ako ng mata. "Oh my, God. Sobrang seryoso ka na talaga, huh? Parang dati kaliwa't kanan ang balita na papalit-palit ka ng girlfriend tapos ngayon mukhang nasa isip mo na mag-settle down!"

Sumandal ako sa upuan at nag-isip. If Rhea wouldn't mind. Napapapikit ako ng mariin. Of course, she'll mind it. Sinong baliw ang sasagot ng 'oo' sa isang proposal nang hindi nag-iisip?

Don't push your luck. She's still in love with Ren. Ano ang mapapala mo? Malamang ay rejection. But after last night, I feel responsible. Kahit man lang sana do'n ay mabawi ko ang nawala.

"Pero sigurado ka na bang papakasalan mo 'yan?"

"I love her." Simple kong sagot.

Napangisi si Andi. "Wow. That's the spirit. Mahal ka rin ba?"

Napangiti naman ako nang mapait. "That's a tricky question."

"Hindi ka naman siguro mag-aaya ng kasal kung hindi ka sigurado na mahal ka nyan. Be practical, Coby boy. Baka mamaya magsasabi ka na lang ng 'I do', tatakbuhan ka rin pala." Naiiling na dagdag mi Andi. "Ay, bahala ka na nga. Ikaw naman ang mag-aaya ng kasal. Baka sabihin mo, napaka-nega ko." Tumayo na si Andi at iniwan akong tulala.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at tinawagan ulit si Rhea. It's ringing but she's not answering. Galit kaya siya sa akin? I bit my lower lip. Paano kung 'oo?' Mas lalo akong dehado.

Lumipas ang maghapon na abala ako at hindi ko pwedeng iwan ang mga trabaho ko. Tuwing magbibreak nang ilang minuto ay tumatawag ako sa kung kani-kanino. Ang una ay sa psychiatrist ni Rhea pero kailangan pa ng appointment bago ito makausap. Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kagabi at masyado na akong nababagabag. Kaya hindi ko napigilang tawagan ang kapatid ko.

"That's trouble, brother. Kapag nalaman 'to ng mga Marval, ano ang gagawin nila? Rhea has three brothers. Si Tito Robi pa. Even Papa will castigate you, hindi mo ba naisip 'yon? And there's also Ren-"

"Walang pakialam sa kanya si Ren." Putol ko sa sinasabi ng kapatid ko.

"What? Imposible ata 'yan. Kahit naman siguro break na sila, may pagpapahalaga pa rin si Ren sa ex niya. Taon silang magkasama." Depensa ni Artemis.

"Believe me. That's exactly what I thought but Ren admits himself. Wala na siyang pakialam. It's not his business. Tapos na sila. Kulang na nga lang itulak niya palayo si Rhea." Unti-unti na namang bumabangon ang galit ko.

"Poor, Rhea. She doesn't deserve that. Pero sa tingin ko may rason si Ren, don't you think? No one knows what's running into his head. Huwag na lang natin siyang husgahan at pangunahan. Huwag ka na rin magtanim ng galit sa kanya. That's irrational. Besides, wala naman talaga tayong alam sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Rhea, di ba? It's their personal issue. Huwag mo na idamay ang sarili mo dahil baka masangkot ka lang sa gulo."

"I just wanna help, Rhea."

"Yes. I understand. Mahal mo siya. Kaya lang magiging masaya ba si Rhea kung ipipilit mo ang sarili mo? Hindi mo ba inisip na naiipit na siya nang husto? Magpo-propose ka kahit na mas malaki ang chance na hindi siya pumayag? Oh, come on, brother! You're better than that. Rhea needs piece of mind. You must give her a break. Hayaan mo muna."

"Pero sobra-sobra na siyang nasasaktan. Kung patatagalin pa 'to, madadagdagan lang nang madadagdagan."

"Coby, mas malala 'yan pag nakialam ka par. We can never dictate our feelings. Ano ang magagawa mo kung mahal niya pa rin si Ren? Let's be reasonable. We can't blame them both. Parehas lang naman silang nawalan, di ba? Ang pinagkaiba lang, Rhea can't move on while Ren did, at hindi natin siya masisisi." Huminga ng malalim. "You know what, brother? Alam kong mahal mo si Rhea pero huwag mo isisi sa iba ang pagkakamali niya. She has her own faults. Let's not be biased and leave them alone."

Natigilan ako nang mahabang sandali nang sabihin 'yon ni Artemis. She has a point. Hindi ko lang alam kung masyado akong nagiging matigas dahil sa mga nangyayari o unti-unti na akong nabubulag ng sarili kong damdamin. I hate this feeling but what can I do? Tama marahil si Artemis na walang nakapagdidikta sa nararamdaman ng isang tao.

Hindi pa rin sinasagot ni Rhea ang mga tawag ko. Even my texts. Hinayaan kong lumipas ang magdamag na gano'n lang ang nangyari. Hindi ko siya nakaharap.

Pag gising ko kinabukasan ay diretso ulit ako sa shoot. Bago kami mag-umpisa ay may hinampas sa dibdib ko si Andi. "O, ayan. Magazine."

"What's this?"

"Hello? Di ba nagtatanong ka kung saan maganda magbakasyon at magpropose? Nandyan po ang sagot." Tinapik niya ang balikat ko. "Goodluck, Coby boy. Sana sagutin ka nang matahimik na ang naliligalig mong kaluluwa at nang matali ka na." Pinagtawanan ako ni Andi. Napabuntong hininga ko. Kung alam niya lang ang sitwasyon ko.

Titig na titig ako sa magazine nang matapos ang shoot para sa araw na 'to at nagpapack up na ang team. Nasa gano'ng ayos ako nang tumunog ang phone ko. It's Shinn.

"What?"

"What's with the snap? Why are you all being grumpy?" Naiirita nitong tanong. "What's the news? Rhea isn't answering any of my calls. What happened?"

"Kailan ang flight mo papunta rito?"

"Soon."

"Then, I'll tell you soon." Binabaan ko siya ng tawag. Hindi magandang pag-usapan 'yon sa telepono.

Sinubukan ko ulit tawagan si Rhea. I was silently praying na iangat niya ang linya. I badly wanted to talk to her. And she did. Napaangat ang likod ko sa pagkakasandal nang may sumagot ro'n.

"Coby." Mahina niyang sagot.

Nakaramdam ako sandali ng relief pero agad ring napalitan ng kaba. Huminga ako nang malalim. "Rhea, let's talk. Please."

"Uhm. I-I'm busy."

Napapikit ako. That's obviously an alibi. "Please, Rhea. Talk to me. Don't leave me hanging."

"I-I'm not yet ready to talk about it."

"Then, what should we do?" Frustrated kong tanong. "Rhea, pag pinatagal natin 'to, mas lalo lang lumalala. Let's talk. I promise, kung ano man ang magiging desisyon mo pagtapos no'n, irerespeto ko. Kausapin mo lang ako."

Huminga siya nang malalim. "Okay. Tomorrow. Let's have lunch. May meeting pa kasi ako."

"It's okay. Maghihintay ako."

"I'll hang up." Next thing that I heard was a busy tone. Rhea was cold. She's mad. That's an easy guess. This is getting worse. Imbis na masolusyunan ang mga dating problema ay nagkapatong-patong pa. Wala na talaga akong kaide-ideya sa susunod na mangyayari.

Kararating ko lang sa unit nang makatanggap naman ako ng tawag galing kay Dad.

"Dad."

"May nabalitaan ako kay Artemis."

Nilapag ko ang bag ko sa sofa at binagsak ko rin ang sarili ko ro'n habang nakikinig sa linya. I'm exhausted. I also need a break. Ngunit hindi ko magawang sabihin kay Dad na pagod ako.

"Is it true that you're going to propose to Rhea?"

"I'm not sure, Dad. Though, I'm thinking about it."

"Di ba't kakabreak lang niya sa anak ng Tito Loren mo?"

"Dad, matagal na po silang wala ni Ren." Depensa ko.

"It's not what I meant, hijo. What I'm pointing out is they are both your childhood friend. Kaibigan ko rin ang Tito Robi at Tito Loren mo."

"And so?"

"Gusto ko lang masiguro na hindi ka dehado dyan sa balak mo. Hindi biro ang pagpapakasal. Walang devorce at annulled sa pamilya natin. Ilang buwan palang nang bumalik si Rhea dyan, di ba? Huwag kang magmadali."

"I'm not in a hurry, Dad. Pinag-iisipan ko palang naman. Kung ano ang sinabi sa inyo ni Artemis, kalimutan niyo muna."

"Gusto lang kitang paalalahanan, Coby. Marrying is not an overnight decision. Even proposing. Hindi porke't gusto mo iharap sa altar ay gano'n na lang 'yon. Don't be so impulsive, hijo. Ikaw rin ang makakawawa pag nagkataon." Bumuntong hininga si Dad. "I know you love Robi's only daughter. Pero kung ako ang pipili ng mapapangasawa mo, gusto kong mapunta ka hindi lang ro'n sa taong mahal mo kundi ro'n sa mahal ka rin pabalik. Think it over."

Dad words embed on my mind. Nakapapagod rin mag-isip. Naiintindihan ko ang gusto nilang iparating pero ba't hindi ko magawa ang gusto nilang gawin ko?

Kinabukasan ay walang shoot at ang natitira kong appointment sa buong araw na 'to ay pinacancel ko sa secretary ko. This day is for Rhea. I texted her na nasa ground floor ako at hinihintay na lang siya.

Ilang minuto na akong nando'n nang may makita akong pamilyar na babae. Lumabas ito sa elevator. Walang ibang dala kundi backpack. Wala ring kasama. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napatigil rin siya nang makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin. Mas lalo siyang lumapit.

"Namumukhaan kita." Sabi niya na walang kaemo-emosyon ang mukha.

"We've seen each other once." Tumuwid ako ng tayo at sinuksok ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng aking pantalon. "You are Ren's girlfriend."

"Georgia." Pagpapakilala niya. "I'm sorry. Hindi ko na matandaan ang pangalan mo. Sino ka nga ulit? If you don't mind me asking."

"Coby. Coby Ramirez."

"And you are Rhea's new boyfriend."

"Not yet." Pinakatitigan ko siyang mabuti. She's very simple, ordinary. Hindi ko makita ang rason kung ba't naiinsecure si Rhea sa isang tulad nito. Rhea is better in any aspects.

"Nice willpower. Good luck to you." Akmang lalagpasan niya ako nang hindi ko mapigilang magtanong.

"Ba't ka pumayag na maging rebound ni Ren?"

Marahas siyang napalingon sa akin. Sinalubong ko ang titig niya. Ilang sandali siyang nakatingin sa akin bago siya marahang natawa. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. She smirked at me.

"What makes you think that I'm just a rebound?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top