CHAPTER 43 : HATRED
#SAT9S
DEDICATED TO : JEAN TOMASINO
CHAPTER 43 : HATRED
I never consider their break-up as an opportunity. I got sleepless nights thinking about their separation and I found myself dying in curiosity. It was hard to believe at first considering that those two didn't have a great start and it took them a long journey before they clicked. They'd been together for years and years of being in a relationship was not easy to ponder. I was thinking about Ren. Why did he let Rhea slipped away? Same with Rhea. Why did she let Ren go? I couldn't imagine. Napakahirap isiping parehas silang bumitaw lalo na't inakala kong matatag sila.
I didn't have the guts to asked Tito Robi since it's a personal matter and not totally my business. His flight to NZ was postponed three days after his birthday 'coz he got some business to finish. He asked me if I have a few free days to spend ,so he could trade his trip with me instead. Pumayag ako at pinaunlakan ang alok ni Tito. We set an agreement and I decided to go in New Zealand to pay Rhea a visit and congratulate her personally as she passed the board examination. Also, to explain his father's absence. Ang sabi sa akin ni Tito ay mali-late rin daw sina Kuya Ryan at Kuya Roy sa pagpunta ro'n kaya ang kasama lang magcelebrate ni Rhea ay si Kuya Rex.
I was excited to see her again. The last time I saw Rhea was on her 18th Birthday. That was also the last time we talked and she assured to me that she's perfectly fine with Ren. The scene that made me cut all my hopes.
I was holding her but there was a few inches of distance between us. I felt a little bit cold but her radiant smile took all the unnecessary feelings. Nakakatabang lang pag pumapasok sa isip kong hindi naman ako ang rason kung bakit malaki ang ngiti niya. I wanted to pull her closer but I know that her boyfriend was watching intently few meters away from the stage, so I didn't dare. Respect is the meanest gift the I can offer.
"You looked happy." I smiled at her, concealing my own feeling. I won't let her see my pain. Not on her big day. That would only make the guilt as big as her happiness, or might be bigger. I didn't want that to happen.
She nodded. Her smile widened. "Sobra bang obvious?"
I chuckled. "Ren did a great job, eh?"
"We're doing great."
"I'm happy for the both of you."
"Dapat masaya ka rin para sa sarili mo, Coby." She said sincerely. "Dapat humanap ka na rin nang magpapasaya sayo."
I answered nothing but a weary smile. Gusto ko sabihing saka na lang. Pag naka-get over na ako sa kanya. But I prefer not to translate my thoughts into words to avoid complication. Ayokong maawa siya sa akin nung time na 'yon.
Nang matapos ang kanta ay binigay ko siya kay Ren. Ayos lang sana sa aking panuorin silang nagsasayaw pero ang makita siyang hinahalikan ni Ren ay hindi ko kayang tagalan. So, I turned my back and left the venue without saying goodbye to anyone. 'Yon na siguro ang pinakamasakit na tanawing makikita nang isang tulad kong hindi napagbigyan.
Si Kuya Rex ang nagsundo sa akin sa airport. Malamig ang klima pero ganito rin naman sa Korea kaya hindi ko ininda.
"Rhea will be delighted. Sa wakas ay may dumalaw sa kanyang kaibigan. Kadalasan kasi siya pa ang sumasadya sa America para bisitahin si Anne." Sabi ni Kuya Rex nang nasa daan na kami.
"Nasabihan ako ni Tito Robi."
"Nasabi nga rin sa akin ni Dad. Buti nga hindi sumama ang loob ni Rhea. She said she understand. Kahit naman dati, busy talaga si Dad sa work. Babawi naman 'yon pag natuloy na siya." Nagkibit-balikat si Kuya Rex. "Ilang araw ka rito?"
"It depends. Two weeks lang ang leave ko."
"I see. Pwede ka naming ipasyal ni Rhea. First travel in NZ?"
"Yes." Natatawa kong tugon. "Aasahan ko 'yan."
Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan nila ro'n ay nag-iba na ang pakiramdam ko. I feel so nervous with jittery hand movements. Namamawis ako kahit malamig ang klima. I took a deep sigh. Damn it. I feel like a foolish kid meeting his crush for the first time.
"Rhea?" Tawag ni Kuya Rex sa kapatid niya. Inilibot ko naman ang buong paningin ko sa interior ng tinitirahan nila. What do you expect from a family who has inborn creativity? The whole house has touch of artistry, their kind of masterpiece. Mula sa photographs, paintings at miniature house na nasisiguro kong silang magkakapatid ang may gawa.
"Kuya, I cooked some-" Natigil ako sa pagtingin sa buong bahay at napalingon sa nagsalita. I saw Rhea standing in front of us, wearing a pajama and very thin top. I gulped. I focus on her face, trying to avoid the pink trace under her shirt. Dahan-dahan namang kumunot ang noo ko nang mapagtantong malaki ang pinayat niya. Did she get sick?
"Coby?" Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa natawa na siya. Lumapit siya sa amin. "Oh, my goodness!"
Naisantabi ko ang mga katanungan sa isip ko nang lumapit siya sa akin at yumakap. For the first time after so many years, I feel at ease. The comfort is back.
Nauwi sa mahabang kamustahan ang unang araw namin. Gano'n rin sa mga sumunod na araw. We couldn't get enough of sharing our experience. I told her my career in the Phil. I also told her that I'm currently studying film making. Siya naman ay nagkukuwento ng mga adjustment niya rito sa New Zealand lalo na nung bagong salta pa siya.
"Alam mo nahirapan talaga ako rito nung una. Nasanay ako sa Pilipinas na may tumutulong sa akin. Dito, kapag hindi ka natuto maging independent, imposibleng maging successful ka. Though, Kuya Rex never me carry my baggage alone and he never left my side, ayoko namang maging pabigat kasi mahirap rin ang trabaho niya. . ."
Mataman akong nakikinig sa kanya habang nagkukwento siya. I watched how the cold wind hastily blows her hair. I couldn't get enough of her features. Nakabisado ko na ang bawat korte ng kanyang mukha pero hindi ako nagsasawa. Gusto ko siyang titigan nang titigan.
As days passed, I realized something. Every time I stare at her, there's incertitude. Later on, I found out that she's hiding something, her true feelings. Sa kagustuhan kong alamin 'yon ay napatagal ang dalawang linggong pananatili ko sa New Zealand. Umabot nang isang buwan.
"Why did you break up?" Nang magkaro'n ako nang pagkakataong tanungin siya tungkol ro'n. I wait for a right timing just to spill that sensitive issue.
"Ewan ko ba." Tumingin siya sa dagat na nasa harap namin. Nakangiti siya pero purong lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. "Minsan, kahit alam ko yung rason, napapatanong din ako kung bakit kami naghiwalay."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. I suddenly felt guilty. Damn this curiosity.
"It's okay if you don't wanna share it. I know it's too personal. I'm sorry for asking."
"It's fine. It has been what? Months. Half of a year."
"You still love him?"
She didn't answer. Nakatulala pa rin siya sa magandang tanawing nasa harap namin habang ako ay hindi matanggal ang tingin sa kanya.
"Separation doesn't mean we stop on loving the person who breaks us. Minsan, napapisip rin talaga ako kung bakit ako bumitaw kung mahal ko pa? Bakit kaya sumusuko agad ang isang tao kahit may katiting pang pag-asa?" Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. "Minsan, naiisip kong nag-inarte lang siguro ako pero hindi, eh. Pakiramdam ko nawala lahat sa aming dalawa kahit halos itapon niya na ang sarili niya sa akin."
"Were you the one who decide?"
Tumango siya.
"You regret it?"
Pumikit siya at tumango ulit. Napaiwas ako nang tingin. I felt something squeezing inside me. Then, she speaks again. Nang tumingin ako sa kanya ay nangingiyak na siya. I wanna curse myself.
"Pero alam mo yung pagsisi na hindi na humihiling na maibalik sa dati ang lahat? Nagsisi na lang ako para sa sarili ko 'coz I gave too much and gain nothing but pain. He offered himself and I wanna take him back pero hindi na talaga tulad nang dati. We kept on hurting each other, my doubts have been constant, my trust was already damage and it seems like nothing and no one can fix it for us. For me, he has changed and it pains me. That pain made me changed correspondingly, so I let go."
"I'm sorry." I said unfeignedly.
"Wala ka namang kasalanan do'n." Sinubsob niya ang mukha niya sa kanyang tuhod. "I hate that word."
Hinaplos ko ang kanyang likod. Hindi siya gumalaw pero alam kong tahimik siyang umiiyak.
Rhea was the one who break-up with Ren. Iyon lang ang una kong nasiguro. Ang pinakarason ay hindi ko pa alam. Hindi ko rin matimbang kung dapat ko pang alamin. Rhea was sensitive when it comes to her past. Simula nung una ay hindi ko na nagawang magtanong ulit. Natatakot akong bumigay siya. Ilang buwan na pero parang iniinda niya pa rin ang nangyari.
'Til that day comes. She wanna burn her things. Things that Ren gave to her and some of his things left on her apartment. Nilagay niya 'yon sa dalawang malaking box at maang akong napatitig sa kanya habang nililigpit niya 'yon.
"Are. . .you sure about this?"
"Yes." Binuhat niya ang isang box. "Coby, pwede patulong namang buhatin ang isa?"
Imbis na kunin ang isang box na nasa ilalim ng kama niya ay kinuha ko ang buhat niya at nilapag ulit 'yon sa ibaba.
"Rhea, this is not a solution."
Kumunot ang noo niya at hilaw na ngiti ang pinakita niya sa akin. "Why? Wala naman na akong gagawin dito."
I could sense bitterness in her voice. In her case, maybe it's normal but holding it for too long would only put her on grave. It's a grave mistake. Burning those things means burning the broken bridge the connects her to Ren.
Siguro ay nasisirain na rin ako. Kung mapagsamantala akong tao ay natitiyak kong hindi ko palalagpasin ang pagkakataong maagaw ko siya. It's easy to take advantage. Ang iniisip ko ngayon ay ang lagay ni Rhea. She seems. . .emotionally depressed, emotionally drained. Her actions gave me signs.
"Pero pwede namang itago mo na lang, di ba? Ayokong pagsisihan mo ulit 'to. Once you burn his things, you wouldn't be able to get it back. You can never change ashes into its original form. Just like your trust. Don't make the same mistakes, even in little things."
Napatulala siya sa akin. Ilang sandali kaming nasa gano'ng ayos. Pagtapos ay yumuko siya at parang maiiyak na naman. Napapikit ako. Niyakap ko siya nang mahigpit. I can't take it any longer. I can't bear to see her like this.
"Sir, hinahanap na po kayo ng mga producers."
"Tell them I'm on leave."
"Pero, Sir-"
"Faith, it's easy to make alibis. I'm out of the country. Hindi agad ako makakabalik dyan. Cancel all my schedules 'til next month."
"N-next month pa po, Sir?"
"Yes." Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa. Lagpas na ako nang isang buwan rito sa New Zealand at marami na akong nakatambak na trabaho. My secretary kept on burning the lines. I can't blame her, though. Natutuliro na rin siguro sa trabaho niya.
For now, wala akong balak umuwi ng Pilipinas. Hindi ko na inaalala kung mawalan man ako ng trabaho. Hindi ako aalis dahil nakikita kong hindi maayos si Rhea. I'm certain that she's not fine.
I used to think that it's ironic. She's having a hard time. She can't move on. Siya ang humiwalay pero siya ang hirap sa sitwasyon. Hindi ko pa rin alam kung bakit nagbreak sila pero hinayaan ko na lang na manatiling misteryo ang rason sa likod no'n. Hindi ko na gusto malaman dahil imposibleng wala akong panigan pag nalaman ko na. Ang nasisiguro ko lang ay hindi 'yon mababaw.
"Coby, paano ako makakamove-on?" Tinanong niya sa akin 'yon nang isang beses. Tulala na naman siya. Natatakot na ako sa mga kinikilos niya. It was. . .far from normal. Nakikita ko siyang kumikilos pag marami siyang ginagawa pero pag natapos niya na 'yon ay nakatulala na lang siya sa isang tabi.
"It will eventually heal, Rhea. Let's just wait for the right time."
Umiling siya. "It won't heal."
Hindi ko gusto makipagtalo sa kanya dahil baka madagdagan ko lang ang bigat na kanyang dinadala. Hanggang sa dumating na ang dalawa niya pang kuya galing America. Kinabukasan ay dumating naman si Tito Loren galing Pilipinas.
She was different when she's with her family. She actions were ordinary. While every time she's with me, she's usually daze and senseless. Hindi makausap nang maayos. Pag kinakausap ko naman siya, hindi ko alam kung naririnig at naiintindihan niya ako.
Then, someone came along. A guy named Shinn Ace Aslejo from Cambridge, Massachusetts. I thought he's pure American because of his features. Nagulat na lang ako nang malaman kong Pilipino rin siya. Lagpas isang linggo na lang ay uuwi na ako sa Pilipinas nang dumating siya.
"Hey, feisty." Umakbay siya agad kay Rhea at ngumiti si Rhea sa lalaki. "How are you?"
They are close. I could see that. The guy adored Rhea and she seems comfortable with Shinn. Kung meron akong napapansin na hindi ko nagugustuhan ay ang pagkaclingy nito. Rhea is passive. Minsan ay napapabuntong hininga na lang ako. He had this not-so-good aura. A bad boy looking along with a playboy attitude. The only good about it is he's not pretentious. What-you-see-is-what-you-get type of guy. My exact opposite. At some points, he's like Ren. This Aslejo guy is a little bit worse than the latter. I thought he's a threat. I was wrong. Sa kanya ko nalaman ang mga dapat kong malaman.
"Do you know Rhea's ex-boyfriend?" Isang gabing naisipan naming uminom habang nagkakatuwaan ang mga Marval sa living room. Nasa bar counter kami.
"Ren?" Kinuha ko ang inabot niyang shotglass. "He was my friend."
"Was?" Tumaas ang kilay ng lalaki.
"Childhood friend. Kami nila Rhea."
"I see." Tumango-tango ito. "So, I bet you know the reason why they broke up."
Umiling ako at mas lalong kumunot ang noo niya. "You didn't know?"
"I didn't want to ask Rhea about it. She seems traumatized."
"That's the right word. Traumatized." Sumimsim siya nang brandy. "She needs psychological assistance."
Marahas akong lumingon kay Shinn at kusang tumalim ang mata ko sa pagkakatingin sa kanya. "Hindi baliw si Rhea." Marahas kong sagot.
"Did you hear me say that she's insane?" He said with sarcasm. "Psychological assistance is not only for those mentally deranged. Can't you see that your friend is acting strange than the usual? She's depressed. She needs a help of a. . .professional. Staying by her side won't as good as consulting a doctor." Sinabi niya 'yon sa paraang parang napakadaling gawin ng suhestiyon niya kaya hindi ko maiwasang mainis kahit may punto siya.
Tumingin ako sa shotgloss. Halos magdikit na ang aking kilay. Ano na lang ang magiging reaksyon ni Rhea pag narinig niya 'yon? Lalo na ang ama at mga kuya ni Rhea?
"Believe me, I care for her. My concern for Rhea alone was as big as my concern for all the woman I've gone to bed with." Napangiwi ako at napangisi naman siya nang malaki. "Do you know that I wanna kill her fucking ex? I wanna rip his head. I wanna cut his balls, but then I realized that he didn't have any of those." Tinukod niya ang siko sa bar counter. "Kung meron siyang ulo, meron siyang utak. Kung meron siyang utak, marunong sana siya mag-isip. He's a pinhead. He should be thankful our paths didn't cross or else I would gave him a little part of my sharp-witted brain."
Napabuntong hininga na lang ako sa pang-iinsulto niya kay Ren at sa pamumuri niya sa kanyang sarili. "Do you know the reason why Rhea broke up with him?"
"The guy cheated on her."
Mabilis ulit akong napalingon kay Shinn. Tila may sumapak sa mukha ko at nagising ang kong buong diwa sa sinabi niya. Napatulala ako nang ilang segundo habang si Shinn ay bale-walang uminom nang alak.
"Ren can't do that." Hindi ko alam kung ba't kailangan ko pang ibangon si Ren. Maybe because I trust him more than anyone else. I trust Rhea to him and I couldn't accept that reason. No, he can't do that to Rhea.
"He just did." Binaba ni Shinn ang shot glass. "That guy don't deserve Rhea."
Hindi ko alam ang buong kwento. Gusto ko malaman ang totoo pero walang makapagsasabi no'n sa akin. Dalawa lang ang pwede kong pagtanungan. It's either Rhea or Ren. Rhea will just cry if I ever ask her again, so the last choice is going to be Ren.
Nang malapit na ang alis ko ay kinausap pa ako ulit ni Shinn.
"Convince Rhea to go in psychiatrist." Humalukipkip siya sa harap ko.
"Ba't hindi na lang ikaw?"
"I hate explaining, same intensity of my hate with drama." He said with a bored face. "Please, this is for her own good. She'll listen to you."
"What about her family? Did you ask for permission?"
"They don't have to know?"
"What?"
Nagtalo pa kami tungkol ro'n dahil ayaw ipaalam ni Shinn sa mga Marval ang balak niya. He wants Rhea to decide that matter. Ako ang gusto niyang gawing instrumento at wala akong magawa sa huli kundi pagbigyan siya dahil matindi siyang mamilit. Nang pa-sekreto kong sabihin 'yon kay Rhea ay naguluhan siya at tila hindi makapaniwala.
"A-Am I acting strange, Coby? D-do I look-" She's starting to panic. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinakalma siya.
"No. You're just depress. Kailangan nating agapan bago pa lumala. Shinn will go with you. Hindi pa namin 'to pinapaalam kina Tito at sa mga kuya mo. If ever man na malaman nila, gusto naming maayos ka na."
Nangingiyak na naman siya. Wala akong maramdaman kundi awa. Mas nagmukha siyang mahina sa paningin ko kaysa nung mga bata pa kami. Ito yung punto na parang wasak na wasak na siya. Kaya niyang umakto na maayos siya pero sa paningin ko at ni Shinn, hindi normal ang pagkukunwari. Gusto ko sisihin si Ren sa mga nangyari pero hindi ko gusto manghusga lalo na't hindi ko pa nalalaman ang side niya.
Umuwi ako sa Pilipinas at nakibalita na lang sa lagay ni Rhea. Once in a blue moon, Shinn would text me about her. Do'n lang ako nakahihinga nang maluwag.
Shinn Aslejo : Progressive. She's getting better.
Gusto ko kausapin si Ren. Ilang beses ko binalak pero natambakan ako ng trabaho kaya naman hindi ko kaagad siya nahagilap. Nang minsan naman akong pumunta sa kanila ay katulong lang ang nakausap ko. Do'n ko nalamang nag-aaral pa rin pala siya. Ilang buwan pa ang lumipas bago ko napagpasyahang puntahan si Ren sa university na pinanapasukan niya. Nagbaka-sakali kahit hindi ko kabisado ang lugar.
After hours of roaming around, I spotted him. Natigilan ako sa paglalakad at napatda sa aking kinatatayuan. I saw him laughing with a girl, their hands were intertwined. Hatred spread in my whole being.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top