CHAPTER 4 : DRILL
#SAT9S
CHAPTER 4 : DRILL
Tinotoo ni Ervis ang sinabi niya. Nag-suggest siya kay Coach Dren kung pwede i-recruit si Ren Delgado sa team. Kasama kami ni Kenedic nung kinausap niya si Coach at medyo expected na namin ang sinabi nito.
"Malabo 'to. Buti sana kung katatapos lang ng try-outs. Patapos na ang first sem at malapit na ang league. Isa pa, hindi lang kayo ang players sa team. That's kinda unfair to others. Kung okay lang 'yon sa inyo, hindi natin masisigurong okay lang din 'to sa mga teammates niyo."
Nagkatinginan kaming tatlo nina Kenedic at Ervis. Huminga ng malalim ang team captain.
"Pwede po bang magrequest kina Manager Carl?"
Hinimas ni Coach Dren ang kanyang baba at bahagyang ngumuso. "I'll try to talk to him pero huwag muna kayo umasa at mag-expect ng positive result regarding that matter dahil sa puntong 'to, malabo talaga 'yang nirerequest niyo. Kahit pa nga ba magaling 'yang estudyanteng tinutukoy mo, Ervis, we don't know he could fit in the team."
May sasabihin pa nga sana si Ervis pero pinigilan ko siya at palihim na nagwarning. Ayokong magmukha kaming desperado sa pagpasok ng panibagong player at mas lalong ayoko na masabihan kami na nagmamarunong. Ervis said enough. Tama na muna 'yon.
"Can we ask a favor, Coach?"
Napatingin kaming lahat kay Kenedic. Kumunot ang aking noo. Ano namang binabalak ng isang 'to? Tumaas ang kilay ni Coach Dren. Kung ano man ang favor na 'yon ay parang gusto ko pigilan si Kenedic.
"Let him join us in one practice. Kahit sa drills lang, so you could see what he can do. We've seen him play sa departmental game. Nakalaro siya ni Ervis. If he can impress the team captain, then he must be better than me." Ngumisi si Kenedic.
Napairap ako. Parang gusto ko siyang batukan. Ang yabang! Sana ay mapagbigyan 'yang request niya. Pag nangyari 'yon, hihilingin kong sana ay masupalpal siya ni Ren Delgado para humupa naman ang bagyo sa loob ng katawan niya.
"That's a good idea." Tumango si Ervis. "Napakilala ko na siya sa buong team nung birthday ni Trav kaya walang problema. Let him drill with us, Coach. You'll get the chance to see his skills."
Napabuntong hininga ako. "Just this one, okay? George. . ."
Tumuwid ako ng upo. "Yes po?"
"Please, get their practice schedule para masingit ko ang nirerequest ng dalawang 'to."
Dahan-dahan akong tumango. "Opo."
Napangisi ang dalawang kasama ko. Napakagat naman ako ng labi. Tumayo ako sa aking kinauupuan para hanapin ang papel kung sa'n naro'n ang sched. Nakita ko agad 'yon at inabot kay Coach Dren.
"That will be on 29. 5 days from now." Deklara nito. Nagpasalamat ang dalawang player. Sumabay ako sa kanila sa paglabas.
Isinampay na naman ni Kenedic ang braso niya sa balikat ko. Inalis ko agad 'yon at sininghalan siya.
"Mukha ba akong sampayan?" Asik ko sa kanya. Humagikgik lang siya at tumawa naman si Ervis.
"High blood na naman sa Manager." Pasaring nilang dalawa sa akin.
"Kung anu-anong nirerequest niyo kay Coach Dren. Nagmumukha na tayong desperado. Ano ba naman kayo?" Nilingon ko si Ervis. "Saka, ikaw, hindi mo naman alam kung willing yung tao na pumasok sa varsity at maglaro ng pangmalakihang liga. Mamaya ma-pressure lang si Ren Delgado."
"Manager, huwag mo na alalahanin 'yon. He's willing."
Napaingos ako. "Paano mo naman nasabi? Nakapagheart-to-heart talk kayo o nag-sale's talk ka sa kanya?"
"Sungit mo na naman dyan. Tapatin mo nga ako. May problema ka ba sa player na 'yon? Hindi ka ba na-impress sa kanya? Ang dating kasi sa akin, ayaw mo siyang mapapasok sa team."
"Baka crush niya." Matabang na sagot ni Kenedic na nagpalaglag sa aking panga. Mabilis na umangat ang kamao ko para kutusan siya ng malakas. Napa-'aray' siya sabay tapon sa akin ng matalim na tingin.
"Hindi ko crush 'yon!" Namula ang buong mukha ko.
"Tologo, Georgio?" Pang-aasar pa nito. Sasapakin ko na sana siya nang bigla akong awatin ni Ervis.
"Kenedic, tama na 'yang pamimikon mo." Natatawa niyang sabi. "Mukha namang hindi siya interasado ro'n, eh. Babae ata ang kursunada nito."
Naghagalpakan silang dalawa at ako naman ay halos lumobo na sa pagkapahiya. Gusto ko silang baldahin pero bago ko pa magawa 'yon ay tinalukaran ko na sila. Mga walang hiya! May araw rin kayo sa akin.
Pumasok ako sa office ng department para magbigay ng schedule namin sa head officer at data na hinihingi ng isang prof ko. Muntik ko na ibagsak ang pinto. Buti nalang ay napigilan ko ang paglagapak no'n.
Nadatnan ko ro'n ang co-SA kong si Therese. Siya ang pumapalit kay Laila sa ganitong oras dahil may klase ito. Kaklase ko siya sa dalawang subject ngayong sem. Umangat ang ulo niya para sulyapan ako ngunit agad ring yumuko at pinagtuunan ng atensyon ang ginagawa.
"Hindi maipinta ang mukha mo, ah? Pinagtripan ka na naman ba ng mga alaga mo?" Bigla itong nagsalita.
"What's new?" Inilapag ko sa desk ko ang papel na naglalaman ng statistics ng bawat players.
Bahagya siyang natawa. "Makipagpalit ka na ba ng duty? Willing si Laila na palitan ka for sure."
"Kaya pa namang pagtiisan. Pasalamat sila at sobrang mahal ko ang basketball." Nilingon ko si Therese. "Pero ang sarap talaga nilang murderin pag pinagdidiskitahan nila ako."
"Babae ka kasi." Naiiling niyang sabi.
"Eh ano naman kung babae ako?"
"Syempre, feeling nila masmalakas sila sayo. Ikaw lang ang babae ro'n tapos ikaw pa ang nagpapadrill sa kanila minsan. Alam mo naman ang mga 'yan. Hindi sila papayag sa gender equality. Ang gusto nila, domination and authority." Pagpapaliwanag niya.
"Therese Carmel Tapales, wala akong pakialam sa gusto nilang mangyari."
"Eh, sila ba may pakialam sa gusto mo mangyari?"
"Sorry na lang sila. Hindi nila ako kaya." Confident kong sabi. Ngumiti na lang sa akin si Therese. "Teka, nasa'n si Ma'am Lizel De Leon? Ipapasa ko sa kanya yung hinihingi niya sa aking data." Tukoy ko sa pinakabatang prof sa department namin.
Tinuro niya ang cubicle sa loob. Tumungo ako ro'n at nakita ko si Ma'am nagchicheck ng papers.
"Ma'am, excuse me po. Ito na po yung data na hinihingi niyo."
Nilingon ako ni Ma'am De Leon at nginitian. "Thank you, George. Walang practice ngayong araw kaya nakadalaw ka rito?"
"Tapos na po. Kanina pa pong umaga. May klase na po ako pagtapos ko rito." Nakangiti kong sagot. Tumango-tango si Ma'am. "Sige, Ma'am. Alis na po ako."
"Oh, wait. Pupunta ka ba ng SV building?"
Tumango ako. Doon ang next class ko.
"Pwede bang pakidaan na rin 'to sa room 219? Hindi kasi ako makakapasok ro'n later and I have to return this papers dahil may next activity pa sila. Para hindi ko na maistorbo si Laila mamaya."
"Sure, Ma'am. Ako na po bahala." Kinuha ko ang mga papel. "Good day, Ma'am."
"Thank you."
Tumalikod na ako at lumabas ng silid. Napahinga ako ng malalim kasabay ng pagpunas ng pawis sa aking noo. Tinignan ko ang papel na hawak ko. Natigilan ako nang makitang ang pinakaunang sheet ay kay Ren Delgado na may tumataganting na 'A Excellent' ang grade. Tinignan ko ang mga kasunod at dalawa lang silang pinakamataas. Napailing ako. Magaling talaga siya.
Habang naglalakad ako, nirereview ko ang mga sagot niya. Alam kong medyo may pagka-usyoso na ako pero hindi naman siguro niya malalaman. Iaabot ko lang naman 'to sa room nila tapos. . .
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko siyang paakyat rin ng hagdan. Napatalikod ako bigla at napasinghap. Dali-dali akong umakyat ng second floor bago pa niya ako maabutan. Bigla na naman akong kinabahan.
Namumutla ako nang marating ko ang Room 219. Huminga ako ng malalim. Kumatok ako at akmang papasok ng biglang may magsalita sa likod ko.
"Hey."
Nabitin ang kamay ko sa ere kasabay ng paninigas ng buo kong katawan. Kahit minsan ko lang marinig ang boses na 'yon ay hindi ako magkakamali kung kanino iyon.
Napalunok muna ako bago humarap. Nang magtama ang tingin namin ay agad na bumaba ang tingin ko sa leeg niya. Hanggang leeg lang. Hindi ko kayang tumingin sa mata.
Hindi ko alam kung ba't hindi ko kaya!
Tila may nagrarambulang mga hayop sa loob ng dibdib ko at gustong kumawala. Naririnig ko ang bawat pagkalampag no'n at tila ako mabibingi.
"Kilala kita." Nakanguso niyang sabi. Hindi ko mapigilang mapatingin muli sa kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo at tila nag-iisip. Hanggang sa napabuntong hininga na lang siya. "I forgot your name again. Sino ka nga ulit? Di ba, ikaw yung sa party?"
"A-ah, oo." Tumango-tango ako. Hindi ko mawari kung ba't parating kinukurot ang puso ko sa tuwing sasabihin niyang hindi niya naaalala ang pangalan ko. "George."
"Ahh." Napapitik siya ng daliri sabay ngiti. "Ikaw si Georgia."
Parang bulang nawala yung kurot sa dibdib ko dahil na-recognize niya na ulit ako. Pinigilan ko ang pagngiti saka napayuko. Naalala ko lang kung ano ang pakay ko rito nang makitang muli ang hawak kong mga papel.
"It's George." Inabot ko sa kanya ang mga papel. Pinasadahan niya muna 'yon ng tingin bago kinuha. "Sa section niyo 'yan."
"Salamat." Usal niya. "By the way, assistant ka ng varsity, di ba? Seryoso ba yung team captain niyo sa alok niya sa akin?"
"N-nasabi niya na ba sayo?"
"Kung yung tinutukoy mo ay yung pag-alok niya sa akin na sumama sa practice ng team, yes." Nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang slacks.
Parang gusto ko mahimatay. Kinausap niya ako. Oh, my goodness.
"Oo. Seryoso siya ro'n. A-Actually, hindi lang hanggang do'n-" Napapreno ako bigla. Wala ata ako sa pwesto para sabihing gusto namin siyang maging parte ng team.
Titig na titig siya sa akin na parang naghihintay ng kasunod. May pagtataka sa kanyang mukha. Napangiting aso ako kasabay ng pag-iling.
"Wala. Kalimutan mo na. Si Ervis nalang siguro ang magsasabi sayo. Uhm, una na ako."
"Teka, kailan ang practice?"
"Sa 29. 6:30 to 9:30 ang drills. Kung gusto mo sumama sa jog ng 5 AM, walang kaso 'yon." Pinasadahan ko ng tingin ang wristwatch ko at nagkunwaring nagmamadali. "Una na talaga ako. Bye! I-text mo na lang si Ervis kung may number ka niya."
Napakamot siya sa kanyang buhok. "That's problem. Wala akong number niya."
Napanganga ako. Bobo naman ni Ervis! Hindi man lang kinuha ang number para siya na mismo ang magsabi! Mas-naextend pa ang pagkakanganga ko nang sundan pa niya ang kanyang sinabi.
"Number mo na lang. Assistant ka nila, di ba? So, present ka rin sa practice." Sabi niya habang nilalabas sa bulsa ang kanyang cellphone.
"O-oo."
"So, what's your number?" Tanong niya sa akin ng hindi tumitingin. Nauutal pa ako sa pagbigkas ng mga numero. Parang kinakapos ako ng paghinga. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"Done." Ngumiti siyang muli sa akin. "Text nilang kita tapos forward mo na lang ang number ng team captain. See you."
"S-sige." Agad akong tumalikod nang humakbang siya papasok sa kanyang room. Kumaripas ako ng takbo. Tinakbo ko ang hagdan patungong fourth floor. Napahinto akn nang makita ko ang room ko. Sumandal muna ako sa pader at naghabol ng hininga.
I can't believe it.
Napahilamos ako ng mukha. Pinagpawisan ako sa ginawa kong pagtakbo pero hindi ko inalintana 'yon. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Iyon na ata ang pinakamahabang usapan namin. And he got my number. He asked for it.
Napatakip ako ng mukha. Alam kong mukha na akong tanga pero hindi ko kasi mapigilan. . .
Imbis na pumasok na sa room ay tinungo ko ang comfort room. Naiihi ako dahil sa pag-uusap na 'yon. For real.
May practice kami two days after that pero hindi pa rin mawala 'yon sa isip ko. Panay ang tingin ko sa phone ko. Natataranta ako pag may nagtitext o tumatawag dahil baka siya na 'yon. Pero nakakadismaya pala talagang mag-expect dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang text.
Nakasandal ako sa pinto ng gymnasium at panay ang scroll sa inbox ko habang bumubulong-bulong.
"Paasa. Paasa. Paasa. Paasa. Paasa. Paasa. . ."
Kasalanan pa ba niya kung umasa ka? Gaga! Kasalanan mo 'yon mag-isa. Pasaring ng isip ko.
"Hello po."
"Ay, paasa!" Napaigtad ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. "Anak ng-"
Nabitin sa ere ang pagmumura ko nang makitang babae pala 'yon. Alanganin siyang ngumiti sa akin.
"Hi po. Tatanong ko lang kung may practice po sa loob."
"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Napalunok ang babae. "Tatawagin ko lang po yung pinsan ko. Baka po nasa loob siya."
"Teka, sino ka ba? Sino yung pinsan mo?"
"Joyce Biscocho po. Si Leo Cortez yung pinsan ko."
"Ahh." Napakamot ako sa aking ulo. "Yun lang naman pala. Sa susunod, huwag ka na manggugulat, okay? Muntik na ako mamatay sayo, eh."
"Sorry po." Hinging paumanhin niya sa akin.
"At huwag mo akong i-'po.'" Sigurado namang hindi nagkakalayo ang edad namin ng isang 'to. "Tatawagin ko lang ang pinsan mo."
Pumasok ako sa loob at tinawag si Leo. Nakikipagtawan kina Nathaniel at Marco. Tapos na ata ang first set sa practice. "Pinsan mo, nasa labas. Joyce raw ang pangalan."
Nanlaki ang mata ni Nathaniel. "Si Joyce, pre!"
Natawa si Leo. "Huwag kang umasa, Nath. May boyfriend na 'yon."
"Eh, ano naman? Asawa nga, nasusulot."
"Gago. Kakainin ka ng buhay nung boyfriend ng pinsan ko. Daming tattoo." Parang tinatakot pa ni Leo si Nathaniel.
"Ulol. Dinidiscourage mo lang ako, pre. Huwag kang ganyan. Ano bang pangalan nung boyfriend niya?"
Hindi ko na nasundan ang pag-uusap nila. Napailing na lang ako. Puro kagaguhan na naman ang nasa isip ng mga lalaking 'to. Umupo ako sa tabi ni Marco.
"Manager."
"O?"
"Totoo bang isasalta sa team yung Ren Delgado?" Tanong nito na nagpatigil sa akin.
"Na-finalize na ba? Kanino mo nalaman 'yan?"
"Usap-usapan." Kibit-balikat nitong sagot. "Hindi naman maitatago 'yon. Ang sabi ni Ervis, sasama yung Ren Delgado sa drill. Ngayon lang kasi kami na-inform." Matabang nitong sabi.
"Hindi pa naman sigurado. Saka, drill lang naman."
Inasahan ko na may ibang players talagang hindi makakapayag agad sa pagsalta ng baguhan lalo na't hindi ito sumailalim sa try-outs. Sophomore lang rin 'tong si Marco Gritz at hindi pa siya gaanong nabibigyan ng break tapos may sasalta pang masmagaling. Talagang magkakaro'n 'to ng sama ng loob gaano man kahigpit ang pagpipiit niya ro'n.
Napatingin ako sa cellphone ko at may bagong message ro'n.
0929******* : Sorry for texting you late. Tuloy pa ba ang practice? This is Ren Delgado,
"Holy sh. . ." Muntik ko na maibato ang cellphone ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang nagrereply sa kanya.
Me : Yup. You already know the sched, right?
Ren Delgado : Yes. Thank you. :)
Napafacepalm ako. Hindi malaman kung magrereply pa ba o hindi na.
"Anong nangyari sayo, Manager?" Tanong ni Marco na nagulat sa inasta ko.
"W-wala."
Dumating ang pinakahihintay kong araw ng practice at minura ko ng minura ang sarili ko dahil na-late ako ng gising! 6:25 na nang magising ako.
"Shit ka naman, George! Ngayon mo pa talaga piniling ma-late!" Sabi ko sa aking sarili habang nagbibihis. Hindi miminsan akong napatid ng mga gamit na nagkalat sa sahig dahil sa sobrang pagmamadali. Inis na inis ako sa sarili ko.
Maga-alas syete na nang makarating ako ng gymnasium. Nagsimula na ang drill ng team. Stop and Turn drill. Napahilamos ako ng mukha. I I missed the first two drills.
Nagpakita ako kina Coach Dren.
"I'm sorry, Coach." Stress kong sabi. Ngayon lang ako na-late sa practice ng team at hiyang-hiya ako. Binigay niya sa akin ang cardboard.
"You haven't missed much but don't be late again."
"Yes, Coach."
Pinanuod ko ang drill at namataan ko kaagad si Ren Delgado na nagpapakitang gilas sa pagdidrible at binabantayan siya ni Kenedic. Umupo ako sa bech dahil tila nanghina ang tuhod ko. Practice lang 'to pero ba't ganito ang pakiramdam? Dala ba 'to ng panunuod sa team o dahil lang sa isang tao?
Winisik ko ang mga tanong at nagfocus. Pagtapos ng drill ay nagkaro'n ng practice game. Ang kakampi ni Ren ay ang mga sophomores at freshmen. Ang kalaban ay ang mga seniors. Umatras si Ren Delgado at malayo siya sa 3 point line. Maluwag ang depensa ni Leo. Tumaas ang gilid ng bibig ko. He's too confident na walang lusot sa depensa niya ang kalaban. Tumingin ako kay Ren. I guess he's not into defensive style of play.
Tama nga ako dahil nag-three point siya sa ng malayo sa linya at nakasunod ang mata naming lahat sa bola. Walang kahirap-hirap na pumasok 'yon sa net.
Muntik na akong mapahalakhak. Nagsulat ako sa cardboard. Kung makakapasok man siya sa team, mababago ang laro namin. Ewan ko lang kung para makabuti nga sa buong team ang pagsalta niya.
Ilang beses pang nangyari 'yon. He shoots mostly in the wing. Instinctively, nakikita ko na kusang binibigay sa kanya ang bola because he can dictate the game play. Tama nga si Ervis. Hindi lang halata but he's a daredevil. The versatility and his talent. That's what we badly need. Hindi yung pumuposte lang. Nakita kong nagbubulungan ang mga staff sa gilid. Si Coach Dren ay mataman na nakatingin kay Ren. Now, tell me that he doesn't fit and I'll punch you.
Natapos ang practice game at tatawa-tawang nakipag-apir ang mga seniors sa sophomores. Natalo sila ng mas mga bata sa kanila. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Ervis." Tawag ni Coach Dren sa team captain. "We'll talk after this. Bring that boy with you." Sabi nito bago umalis. Humarap sa akin si Ervis at kinindatan ako.
"I told you."
Marahan akong tumawa at nagthumbs up sa kanya.
Biglang may tumabi sa akin at si Kenedic 'yon. Silang dalawa ni Ren ang halos pumuntos kaya nanalo sila sa mga seniors.
"Magaling siya." Komento niya.
"Mas magaling sayo." Pasaring ko. Ngumisi siya sa akin.
"Nah." Uminom siya ng gatorate. "Pero kung papasok siya sa team, mababago ang style ng play. We can't be sure if it's a good idea."
"Hindi pa ba good idea ang pagkapanalo niyo?"
Nagkibit balikat siya. "Iba ang pakiramdam kapag totoong kalaban ang kaharap ko." May inabot siya sa akin na gatorade at naka-sealed pa.
"Ano 'to?"
"Bigay mo sa crush mo." Sabi niya at pagtapos ay tinalikuran ako. Umawang ang bibig ko at sobrang namula ang aking mukha.
"'Namo, Morterjo! Hindi ko nga siya crush!" Mariin kong sabi.
"Whatever!" Pasigaw niyang sabi na mas nagpangitngit sa akin. Gusto ko ibato 'tong gatorade sa kanya pero malayo na siya.
Nagpalinga-linga ako at nakita kong papasok si Ren sa locker room. Napatingin ako sa hawak ko sabay hinga ng malalim.
Ibibigay mo lang, George. Ibibigay mo lang. . .
Sinundan ko siya sa locker room. Nakakagat ako sa aking labi nang makita ang topless niyang likod. Biglang may tumunog na cellphone kaya mabilis akong nagtago sa gilid.
"Hello?"
Nanatili akong tahimik at nagdasal ng matiimtim na sana'y hindi niya ako makita.
"Katatapos lang namin. It was good. Sana napanuod mo."
Kumunot ang aking noo. Sobrang na-curious kung sino ang kausap niya. Parang bigla akong sinampal sa mga sumunod na salitang binitawan niya.
"I miss you too, beh. Sana nandito ka. Miss na miss na talaga kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top