CHAPTER 36 : PUSSYCAT
#SAT9S
DEDICATED TO : SAI FLORES
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
Huli na para manghinayang sa mga bagay na malabong maibalik sa dati. Huli na para makaramdam ng pagsisi lalo na't hindi na siya akin at may iba nang nagmamaya-ari.
Pinagpasalamat ko na lang na maraming sumakay sa ikatlong station at natabunan ako ng mga taong nakatayo. Hindi ko na rin sila matanaw at kusa kong isinara ang aking mata. Pagdating sa station na babaan ko ay hindi ako nahirapang makaalis ng train dahil malapit lang ako sa pinto.
Nakapag-present ulit ako. Napag-desisyunan ang official design at sa susunod na meeting ay mga engineers na ang makakasama ko. Pagtapos no'n ay bibisitahin namin ang site.
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang hindi sinasadyang pagkikita namin sa train pero paminsan-minsan pa ring sumasagi ang eksenang 'yon sa isip ko.
Nagbuburyo ako sa art room (extension room ito ng kwarto ni Kuya Rex. Pinagawa ni Papa for work purposes) at do'n na rin ako kumakain para hindi ako maistorbo sa mga ginagawa ko. Ito muna ang nagsisilbing opisina ko dahil wala pa namang inilalaang office place ang instite para sa akin. Isa pa, pinagpasalamat ko na ring dito muna ako sa bahay para makapag-relax sa nalalabing araw. Nahirapan ako sa pagbabago ng draft. Masyadong simple ang design nito kumpara sa apat na plates na nai-present ko nung unang meeting ngunit sumang-ayon na rin ang mga executives dahil ito ang gusto ng president.
Pag matagal akong napapatitig ro'n ay naaalala ko si Ren. Pipikit ako ng mariin para mawaglit siya sa isip ko. Ang hirap mag-concentrate pag may naglalarong kung ano sa isipan ko.
Lumipas muli ang mga araw, nakatanggap ako ng tawag mula kay Tito Loren.
"You can work in our building. Ikaw at team mo kasama ang ilang engineers. Maglalaan ng office ang institute para sa inyo. Bibisitahin natin ang site sa susunod na linggo."
"Thank you po, Tito." Napasandal ako sa mini sofa. Sana naman ay makapagconcentrate na ako ro'n.
Kinagabihan ay tumawag ako kay Kuya Rex. Isa rin 'tong busy sa trabaho niya. Siya ang pinaka-workaholic sa aming apat. Kinumusta niya ako at kinwentuhan ko siya tungkol sa project.
"Tito Loren? Loren Delgado? Siya ang kumuha sayo?" Gulat siya at tila hindi makapaniwala.
Tumango ako. "Yes."
"Tinanggap mo?" Biglang nag-iba ang facial expression ni Kuya. Sumeryoso ang kanyang mukha at halos magdikit na ang dalawang kilay.
"Oo." Bumuntong hininga ako. Inipit ko sa aking balikat at pisngi ang phone. Pinaglaruan ko ang aking daliri dala ng tensyon dahil pakiramdam ko'y tutol si Kuya sa desisyon ko. "Kuya, nangako kasi ako kay Tito Loren dati na ako ang magdedesign ng school na itatayo nila. Hindi ko matanggihan saka ang sabi ni Papa, pagbigyan ko na rin si Tito."
"'Yang matatandang 'yan talaga." Usal ni Kuya Rex. "Pinilit ka ba nila? Baka gusto lang ulit kayo paglapitin ni. . ." Tumikhim si Kuya. "Nung ex mo?"
Ngumuso ako kasabay ng pagkunot ng aking noo. "Kuya, hindi naman siguro gano'n."
"Eh, paano kung gano'n? Palibhasa, magkumpare sila, matatanda na't walang magawa sa buhay kaya gustong-gusto kayong magkatuluyan ni Ren. Nakaisip siguro sila ng pakulo para magkabalikan kayo." Nabosesan ko ang pagkairita sa tinig ni Kuya Rex. Napairap naman ako.
"Hindi gagawin 'yan ni Papa sa akin. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko." Sumandal ako sa headboard at pumikit. "And Tito Loren is a serious type. Tingin ko ay wala siyang intensyon na gano'n. Isa pa, may girlfriend na si Ren."
"May girlfriend na!" Bulalas ni Kuya Rex. "Aba't tarantado talaga-"
"Kuya!" Bigla akong napadilat dahil sa pagmumura ni Kuya Rex. "Kuya naman. . ."
"I'm sorry for the cuss." Huminga siya ng malalim. "Nagulat lang ako. Totoo ba 'yan?"
"Yes." Bulong. "I've seen him thrice. Sa tatlong pagkakataon na 'yon, lagi niyang kasama yung bago niya."
"Teka, nagkaharap kayo?"
"Oo."
"Nag-usap na ulit kayo?"
"Hindi ko siya nakausap." Sandali akong tumigil at napaisip. "Tingin ko rin naman ay wala na kaming dapat na pag-usapan ni Ren."
"Ang bilis niyang makahanap ng ipapalit sayo, ah?" Nahimigan ko ang galit sa boser ni Kuya. Nagsisi akong sinabi ko pa sa kanya ang tungkol ro'n.
"Huwag kang magalit sa kanya." Napapikit akong muli. Panibagong paliwanagan na naman 'to. "Hindi naman pwedeng ma-stuck siya sa akin, eh ako 'tong nagtulak sa kanya palayo." Napalunok ako. Hindi na makayang dugtungan ang aking sinabi.
"Tapos ngayon, dini-defend mo pa. Umamin ka nga sa akin. Mahal mo pa rin ba siya?"
Natigilan ako sa tanong na 'yon. Mahal ko pa ba? Mahal ko pa rin ba si Ren kahit nagkasakitan kaming dalawa at ako yung kumalas sa kanya? May natitira pa bang pagmamahal kahit isang taon na kaming walang komunikasyon sa isa't-isa?
Napangiti ako ng mapait. Nung araw na nagdesisyon akong tapusin ang relasyon namin, ang akala ko ay wala na. Namanhid ako sa sakit. Nawalan ng tiwala. Nawalan ng gana magmahal kahit alam kong may maibibigay pa ako sa kanya. Nabulag sa selos. Naduwag mag-take ng risk. Nahirapang magbigay ng chance. Natakot matalo. Kasi pakiramdam ko ay walang natira sa akin kundi sakit at natabunan no'n ang pagmamahal ko kay Ren.
Hindi ko naisip na napagod lang ako magbigay ng magbigay, paulit-ulit na umintindi at masaktan ng sobra nang higit sa kaya kong indahin. Ang tanging kailangan ko ay pahinga. Hindi ko hinarap ang problema. Tinakasan ko. Pinutol ko ang maliit na sinulid na nagkokonekta sa akin kay Ren. Pinutol ko ang relasyon namin.
Ngayong nahanap ko ang sarili ko at nagawa kong ipahinga ang puso ko sa mapait na pangyayaring 'yon, lumawak ang pag-iisip ko at ako mismo ang nakahanap ng sagot sa sarili kong mga tanong.
"Yes, Kuya. Mahal ko pa rin." Pag-amin ko.
Mahabang sandali ang lumipas bago sumagot si Kuya.
"Tell me, may plano ka ba?" Marahang tanong ni Kuya.
Napangiti ako sa kawalan. "Wala. I'm for work."
"Are you sure? Wala kang balak na kunin siya pabalik?"
"Nah. He's happy now."
"What about you? Masaya ka ba para sa sarili mo? Masaya ka ba para sa kanya?"
The hardest question I couldn't answer. Hindi na ako nakapagsalita. Hinintay ko na lang na maibaba ni Kuya Rex ang linya. Matagal akong nakatulala sa kawalan bago nakaramdam ng pangangalay at napagpasyahang mahiga sa kama. Hindi agad ako nakatulog ng gabing 'yon. Napuyat sa kakaisip ng tamang sagot sa mga huling tanong ni Kuya Rex.
Dalawang araw ang nakalipas, opisyal na ang pag-oopisina ko sa building ng institute. Sa 9th floor kami naka-assign at hinanap ko agad ang magiging cubicle ko. Napanguso ako nang wala ang pangalan ko sa floor na 'yon. Nang tanungin ko ang secretary ay hinanap niya rin ang pangalan ko sa listahan.
"Ano po bang pangalan niyo?"
"Architect Marval."
Napaharap agad sa akin ang babaeng secretary. "Ay, kayo po pala yung architect! Sorry po, Miss Marval. Sa 10th floor po ang office niyo."
"Ha?" Napaawang ang labi ko. Tinuro ko ang mga ka-team ko sa project. "Ba't hindi ako kasama ng team? Sana dito nalang din ako."
Bahagyang nag-bow ang secretary. "Pasensya na po, Miss Marval. Utos po kasi 'yon ni Sir Loren. Tara na po sa taas." Tinungo ng secretary ang daan patungong elevator at alanganin akong sumunod sa kanya.
"Ako lang ba mag-isa ro'n?" Naaasiwa kong tanong.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang umiling ang secretary. "Hindi po. Kasama niyo po ang mga engineers pero may sari-sarili po kayong office. Hindi po cubicle."
"Ohh." Napatango na lang ako kasabay ng pagbukas ng elevator. Pagkarating namin sa 10th floor ay may iilang empleyado akong nakita. Sa pinakadulong pasilyo pa kami at may nakita akong mga lalaking nag-uusap ro'n.
Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang lalaking nakikita ko ngayon. Napahinto sa pag-uusap ang dalawang lalaki nang tanguan ito ng ng secretary. Natigilan rin ang isa nang makita ako. Tila nagulat sa aking presensya. Umangat ang kamay niya at tinuro ako.
Ngumiti lang ako nang maalala kung sino ang lalaki kasabay ng pag-recognize niya sa akin.
"You are Rhea, am I right?" Naningkit ang kanyang mata sa pagkilatis sa akin. Napatikhim ako at medyo naasiwa dahil parehas na silang nakatingin.
"And you are Ervis. Nice to meet you again."
Ngumiti siya pabalik. "Dito ka pala nagtatrabaho?"
"Ahh, yes. For now."
"I see."
Sumingit ang secretary sa usapan namin. "Architect, sila po yung mga engineers."
Nag-form ng 'o' ang labi ko at muling napabaling kina Ervis na nakaawang din ang labi.
"You're the Architect Marval?" Bahagyang natawa si Ervis. "From New Zealand?"
Nakitawa na rin ako. "Yes."
"Woah. I never expected that I'll be working with a young and gorgeous architect." Puri ni Ervis na dinaan ko na lang sa ngiti. "Engineer Fernandez."
Inalok niya ang kanyang kamay at nakipa-shake hands ako kay Ervis gano'n rin sa kasama niyang engineer. "And this is Greg Sarmiento. Main engineer ng project."
"Nice meeting you, Architect Marval." Sabi ng lalaki at medyo tumagal ang pakikipagkamay sa akin. Buti na lang at hindi nalusaw ang ngiti ko.
Sumingit ulit ang secretary. "Uhm, Sir, hatid ko lang po si Architect sa magiging office niya."
Mataktika akong nagpaalam sa dalawa at tinungo namin ang pinakadulong pinto. Nang buksan 'yon ay halos manlula ako sa laki ng silid.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Ang isang dingding ay glass wall. Kitang-kita ro'n ang nagtatayugang mga buildings, highways at railroad. Sa loob ng silid ay may malaking couch, office table, drawing table, lifesize canvas ng oak tree.
"Miss, masyado atang malaki 'to."
"Gusto niyo po bang magrequest ng ibang bakanteng office? Ipapasabi ko po."
"Ganito rin ba kalaki ang opisina ng mga engineer?"
"Opo pero tatlo po sila ro'n." Magalang nitong sagot.
Napakagat ako ng aking labi. Nang bumaling ako sa secretary ay ginawaran ko siya ng ngiti. "Sorry. Hindi lang ako sanay sa malaking office. But I'm fine here." Ayoko masobrahan sa pagrereklamo. Baka masabihan pa akong napakaarte gayong malaki na nga 'tong opisina na napunta sa akin.
Inilapag ko ang aking shoulder bag sa couch. Binuksan ko ang mga drawers at nakita kong kumpleto na ang mga gamit rito. Hindi ko na kailangang dalhin ang mga materials ko.
Hindi ako nag-aksaya ng oras at nagsimula na magtrabaho. Isang oras na akong tutok sa laptop ko nang tumunog ang aking phone. Shinn is calling. Inabot ko 'yon at sinagot.
"Yes?"
"Hey, feisty."
"What?"
"Sungit, ah? Having a bad day?"
"Nope. My day was fine before your call. Nagtatrabaho ako." Patamad kong tugon. "Wala ka bang party ngayon kaya iniistorbo mo ako?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Nasaan ka?"
"Nasa Institute. Dito na ako naka-office. Kakalipat ko lang ngayong araw."
"Bigger chance of seeing your two-timer ex. More drama moments should be expected,"
Huminga ako ng malalim. "Kung wala kang magandang sasabihin, ibababa ko na 'to."
Tumawa siya. "Pissed?"
Hininto ko ang ginagawa ko sa laptop at sumandal sa swivel chais. "Magaling ka dyan. Lalo na pag ako ang pinupuntirya mo."
"You know what? Gusto ko sanang pumunta dyan."
Nanlaki ang mata ko. "Don't you dare!"
"Why? Ayaw mo ba?" Humagikgik siya. "Kinakabahan ka ba sa gagawin ko sa ex mo?"
Napairap ako. "Wala kang gagawin, okay? Huwag kang pupunta rito. Magkakalat ka lang dito sa Pilipinas."
"I know you miss me, feisty." Mapanukso niyang sabi.
"Oo, miss na kita at gusto kitang ma-miss forever kaya huwag ka na magpakita sa akin."
Tinawanan niya lang ang sinabi ko at parang wala siyang pakialam. Naisip ko tuloy kung paano pag tintotoo niya ang pagpunta rito? Hindi ko pa naman matantya ang kalokohan niya minsan.
"Nagkaharap na ba kayo ng current girlfriend niya? Nakausap mo ba 'yang ex mo? You should prove them wrong. They're not as feisty as you."
"Shinn. . ." Napahawak ako sa aking ulo. "Wala akong dapat patunayan sa kanila. Wala akong sasabihin sa kanila kaya huwag mo akong i-push na gawin 'yang mga kalokohang naiisip mo. Matulog ka na nga! Anong oras na ba dyan?"
"Hulaan mo muna kung nasa'n ako." Mapang-asar niyang sabi.
"Para ka namang bata." Naiinis kong wika at muling tinutok ang paningin sa aking laptop. "Nasa'n ka?"
"In your bestfriend's apartment. We'll gonna make babies." Humagalpak siya ng tawa matapos niyang sabihin 'yon at napasigaw ako ng malakas.
"Shinn!" Napatayo ako sa swiver chair. "Don't do anything malicious or else-" Natigil ako sa pagsasalita nang busy tone na ang narinig ko. Maang akong napatitig sa phone ko. Tinawagan ko ulit ang numero ni Shinn pero nakapatay na 'yon. "Oh, my God!"
Hindi ko napigilang tawagan ang numero ni Anne at pigil ang aking hininga nang sagutin ng bestfriend ko ang tawag. "Anne! Kasama mo si Shinn?"
"Yes, why?"
"Huwag kang papayag, ah!" Pulang-pula ang mukha ko nang maibulalas ko 'yon. Napatakip ako ng bibig. "Ah, ano, I mean. . ." Nakarinig ako ng mga nagtatawanan sa background. "Ano bang meron dyan sa apartment mo?"
"Wala lang. Konting celebration kasi nakapasa ako sa qualifying. Why? Ano yung sinigaw mo kanina?" Taka niyang tanong.
"Ahh, wala. Anong ginagawa ni Shinn?"
"He's with a girl. As usual, flirting." Matabang na sagot ni Anne.
"He's flirting while courting you?" Talaga nga naman. Puro ang dugong palikero.
"Binasted ko na." Marahang natama si Anne. "Ikaw kaya nagpayo sa akin no'n."
Saka lang ako nakahinga ng maluwag at napagtanto kong planado talaga 'to ni Shinn para sirain ang araw ko. Muli akong naupo sa swivel chair. "Sorry sa tawag. Nakakainis kasi si Aslejo. Napakasalbahe."
"He's never been good, Rhea. You know that, Rhea." Muling natawa si Anne. Napangisi na lang ako. Of course, I know that.
Pinagpapasalamat ko na lang na kahit napaka-abnormal ni Shinn ay natitiis ko pa ang mga kahibangan niya sa buhay. Him and Anne are my most treasured friends. Kung ikukumpara ko si Shinn kay Coby ay napakalaki ng pagkakaiba. He's more like Ren.
Natigilan na naman ako nang mapasok sa aking isip si Ren. Hindi maiwasan. Talagang magkaugali sila ni Shinn, ang pinagkaiba nga lang ay never akong na-fall kay Shinn kahit niligawan niya ako noon. Wala akong ibang naramdaman sa kanya na lagpas sa boundary ng pagiging magkaibigan.
Yes, he courted me. Yung panahon na sobrang vulnerable ko pa sa break-up namin ni Ren. Shinn took advantage of my vulnerability. He'd seen it as a way to get me.
Pero hindi niya ako nakuha. Siguro ay dahil naisip kong may pagkakahalintulad siya kay Ren. Isa pa, hindi niya tinanggi na isa siyang playboy. Natatakot akong mapagluran. Nung mga panahon na 'yon, sirang-sira ang tiwala ko sa mga lalaki. Least of all, ayokong tumuntong sa ibang lalaki para lang masabing nakaahon ako kay Ren.
Tatlong araw na akong pumapasok sa institute. Nag-uusap na kami ng mga engineers dahil apat na araw na lang ay bibisitahin na namin ang site. Wala ako nang una silang pumunta ro'n pero binigay nila sa akin ang mga pictures at karagdagang detalye.
Pinakita ko kay Greg at Ervis ang gawa kong draft. "Na-send ko na 'to sa e-mail niyong dalawa. Siguro masmaganda kung ie-expand natin ang way sa entrance at ang parking. Gano'n din ang quad para pag may renovation na mangyayari, may matitirang space. Huwag natin i-maximize."
Sinang-ayunan ng dalawa ang sinabi ko at nagbigay rin sila ng suggestions. Magaling si Ervis at Greg. Mas gumagaan ang trabaho ko dahil hindi sila mahirap pakisamahan. They're good in their field. Sapat ang kakayahan at hindi na kailangang kwestyunin.
"Can I invite you for lunch, Architect?" Napatingin ako kay Greg. Humalukipkip naman si Ervis at pinagmasdan kaming dalawa. Tila naghihintay ng isasagot ko sa kasama namin.
Ngumiti ako at sinserong humingi ng paumanhin. "Sorry, Greg. I have plans. Maybe, next time."
"Ohh. Sayang naman." Sabi niya ngunit tila balewala lang. "Sige, una na ako. Dude, ikaw muna bahala sa powerpoint."
"Sure." Sagot ni Ervis. Tumalikod agad si Greg at naiwan kaming dalawa. Nginitian niya ako. "Ang akala ko ay papayag ka."
"Wala sanang kaso 'yon kung libre ang oras ko." Nagkibit ako ng balikat. "Ikaw? Hindi ka maglalunch?"
Bago pa magkasagot si Ervis ay bumukas ang pinto sa meeting room. Napatingin kaming pareho sa direksyon ng pinto. Napatunganga ako nang makita kung sino 'yon.
"Hey, bro." Bati ni Ervis sa bagong dating. Napaiwas agad ako ng tingin. Napatalikod ako sabay punta sa laptop ko. Sinubukan kong hindi magpanik habang nililigpit 'yon.
"Nandito ka pala. Akala ko nasa taas ka." Sagot ng bagong dating.
Boses palang ay kilalang kilala ko na. It's Ren.
"Mamaya na tayo mag-usap. I'll have lunch first." Tumawa si Ervis at bumaling sa akin. "Architect, una na ako."
"Sige." Sagot ko sa mahinang boses. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong may kasama pa ako. Halos isuksok ko na lahat ng papel sa folder sa pagmamadali.
Nang mag-angat ako ng tingin ay napagtanto ko amg rason kung ba't hindi pa siya lumalabas. Nakatingin siya sa draft ko. Nagmamadali kong pinuntahan 'yon at ni-roll.
Nilapag niya ang palad niya sa ibabaw ng papel para pigilan ang ginagawa ko.
"Why?"
Sa simpleng tanong na 'yon ay parang sasabog ang utak ko. Napalunok ako at halos manginig sa lapit naming dalawa.
Inalis ko ang kamay niya ro'n at napaso ako sa pagdampi ng balat ko sa balat niya ngunit hindi ko na pinahalata 'yon. Mabilis kong ni-roll ang papel.
"This is mine." Sagot ko sabay talikod sa kanya ngunit natigilan ako nang magsalita siya.
"That's not yours anymore. That's already mine. Your gift, remember?" Flat ang tono niya kaya hindi ko masiguro kung sarcastic ba siya o galit. "Paano napunta 'yan sayo?"
"Binigay ni Tito." Sinukbit ko sa aking balikat ang shoulder bag ko. Hindi na tumingin sa kanya. Mahigpit kong niyakap ang draft at ang laptop ko. "Hindi ko 'to kinuha, okay? Binigay niya 'to at ang sabi niya, ganito ang gusto niyang design. I'm just doing my job."
"Hindi ko 'yan binigay sa kanya." Sa wakas ay nagkaro'n ako nang lakas ng loob para tignan si Ren. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Maliban ro'n ay wala na akong mabasa.
"I know." Bulong ko. Hindi malaman kung dapat ko bang sabihin na si Georgia ang nagbigay kay Tito Loren.
Bumuntong hininga siya. "Hindi niya 'to pinaalam sa akin."
"Sorry. Hindi ko alam na hindi niya sinabi sayo." Kinagat ko ang aking labi.
Matagal siyang hindi nakapagsalita. Hahakbang na sana ako palabas nang biglang may lumitaw na pusa sa paanan ko galing sa ilalim ng table.
Ba't may pusa rito?
Nakita rin 'yon ni Ren at lumuhod siya para kunin ang pusa.
"Pussy."
Napanganga ako sa sinambit niya. W-what? Hinimas-himas niya ang ulo ng pusa.
"Pussy, where's penny?"
Halos umusok na ang ilong ko sa pag-iinit ng aking mukha. Pangalan ba 'yon ng pusa o sadyang iba ang takbo ng isip ko? Hindi ko napigilang magtanong.
"Manyak ka pa rin?" Napaangat ang tingin sa akin ni Ren. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago niya binaba ang tingin niya sa pusa at ngumiti. Hindi ko napigilan ang ngising sumilay sa aking labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top