CHAPTER 35 : OLD SELF
#SAT9S
DEDICATED TO : Zsaira Amber Marfil Rabino
CHAPTER 35 : OLD SELF
"Five." Sambit ko kasabay ng aking pagdilat.
Though, I'm not sure if the number could justify the rate of my pain. It's just a number anyway. The reason behind it matters the most. Ngunit hindi ko na didibdibin ang mga rason. Hinayaan ko na lang na gano'n. Kailangan kong magbigay ng partida sa sarili ko dahil hindi na ako papayag na masaktan ulit ng sobra.
Hindi ko na kailangang tanungin kung paano niya nagawang maging masaya pagtapos ng lahat ng nangyari sa amin. Mukhang kontento at nasa maayos siya. It only means that our break up brings out the better version of Ren Delgado. Ngunit hindi ko kayang makipag-usap sa kanya na parang wala kaming nakaraan. It's not about bitterness. Minsan, ang pag-iwas ay pagbibigay respeto sa kung anong nawala sa amin.
Yumuko ako at pinagsalikop ang aking kamay. Bigla namang ipinatong ni Coby ang kamay niya sa akin kaya napatingala ako sa kanya. He's worried.
"Shall we go?"
Tumingin ako kay Tito Loren at Georgia na nag-uusap ng masinsinan. Bumalik na si Ren sa kanyang upuan. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay Coby. "Hindi ba nakakahiya? Hindi pa natin siya nako-congrats."
"Gusto mo ba siyang i-congratulate?" Paninigurado ni Coby.
Ngumiti ako at muling tinanaw ang kinauupuan ni Ren. I want to but today is not the right time for that. That's going to be awkward.
Mukhang alam na ni Coby ang aking isasagot kaya pinangunahan niya na ako. "Mauna ka na sa kotse. Ako na lang ang magpapaalam kina Tito."
Tumango ako at tinungo ang exit ng theater. Nang makalabas ako ay sumalubong sa akin ang init at ihip ng hangin. Inilibot ko ang aking paningin sa field ng unibersidad na una kong pinasukan. Wala masyadong nagbago maliban sa simpleng renovation. Mayroon na ring malaking fountain sa tapat ng main gate. Tinungo ko kung saan nakapark ang kotse ni Coby. Hinahalukay ko ang phone sa aking bag.
"Miss, nalaglag mo." Napatingin ako sa likod ko at may lalaking nakatayo ro'n. Inaabot ang lipstick na hindi ko namalayang nahulog.
Nginitian ko ang lalaki at umusal ng pasasalamat. Kumunot naman ang noo nito ngunit sandali lang 'yon. Tumango siya at gumanti ng simpleng ngiti. "You looked familiar."
Ako naman ang nagtaka. Hindi matantsa kung nagsasabi ng totoo ang lalaki o gasgas na paraan lang makipagkilala. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago nanlaki ang kanyang mata. "Are you. . .Rhea Marval?"
Nagtaka ako kung paano niya ako nakilala samantalang ni hindi ko man lang mamukhaan ang isang 'to. Naging kaklase ko ba 'to dati? Parang hindi naman.
"Yes." Lumunok ako. "I'm sorry pero hindi ka familiar sa akin."
Ngumiti siya at mas naningkit ang mata niyang singkit. "It's okay. Hindi naman talaga tayo magkakilala. Nakilala lang kita dahil kay. . ." Nabitin siya sa pagsasalita at napangisi sa akin. Tila hindi sigurado sa kanyang sasabihin.
"Kanino?"
Tumikhim siya. "From Ren. . .and George. They are my friends. Actually, Ren was my former teammate." Inangat niya ang kanyang kamay. "I'm Ervis."
Sandali akong napatulala sa kanya. Ervis? The name was familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig. Nang matauhan ako ay agad kong inabot ang kanyang kamay at alanganing ngumiti. "Nice to meet you."
"Are you here for Ren? Galing ka na sa loob?"
"No." Bahagya akong natawa. "Hinatid lang namin ng kasama ko yung Dad niya. Nasiraan kasi ng kotse."
"Ohh, I see." Tumango-tango si Ervis at ngumiti ng masmalawak sa akin. "Una na ako, Miss."
"Rhea na lang." Muli siyang tumango nang hindi nalulusaw ang ngiti sa kanyang labi. Nakatalikod na siya at hindi ko napigilang tawagin siyang muli. "Ervis."
Napahinto ang lalaki at muling napalingon sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip na sabihin ang gusto kong ipahabol. "Paki-congratulate ako kay Ren."
Nakita ko ang pagdaan ng gulat at pagtataka sa kanyang mga mata pero hindi na siya ngatanong pa. Tumango lang siya. "Makakarating."
Nakaalis na si Ervis pero ilang sandali pa akong nakatayo sa parking bago tinungo ang kotse ni Coby at sumakay ro'n. Tulala ako sa dashboard. Nasa isip pa rin ang mga eksena kanina. Pumikit ako ng mariin at inalis 'yon sa aking isipan.
Nadatnan ako ni Coby sa gano'ng ayos. "Are you crying?" Agad niyang tanong nang makasampa siya sa driver's seat. Lumingon ako sa kanya at pagod na ngumiti.
"Nah." Sambit ko sabay iling.
Huminga ng malalim si Coby. "Coming here is a wrong idea. You've seen too much."
"There's nothing wrong with it, Coby. Makikita ko rin naman 'yon sooner or later. Parehas na epekto lang 'yon."
Sinulyapan niya ulit ako. "I think he's fine."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "I can see that."
"What about you? Are you as fine as him?"
Napatitig rin ako kay Coby. "Kailangan ba magpaligsahan kaming dalawa kung sino yung mas okay at mas unang naka-move on?"
Napailing si Coby. "Galit ako sa kanya, Rhea. You know that. Ang bilis niyang nakahanap."
"Sinabihan na kita, di ba? Hindi na kailangang magsisihan. Tapos na 'yon. If he's happy now, ano pang magagawa ko? He deserves it, Coby." Umiwas ako ng tingin.
"But you don't deserve pain, Rhea. His happiness is your grief. Ikaw pa ang nagmumukhang trying hard. At sa tingin mo, bakit patuloy kong tinatanong kung nasasaktan ka kahit obvious na 'oo' ang sagot?" Frustrated niyang tanong. "Kasi I want you to stop being denial. Your keeping all the pain by yourself. Hindi mo maamin sa amin na hindi ka totally nakaahon sa kanya. Rhea, you got me. Your brothers, your father. Marami kami."
"No, Coby. I am not being denial." Tumitig na lang ako sa bintana ng kotse. "Ayoko lang lumala pa 'to. Ayoko magtanim ng galit sa kanya 'coz I had enough of it bago kami naghiwalay. I went too far and I took me months before I realized that I was being self-centered. Yung sakit na nararamdaman ko lang yung inintindi ko at nakalimutan ko yung kay Ren."
Malungkot akong ngumiti at bahagyang napailing. "Yes, I got you. There's Shinn and Anne. My brothers would surely save me from drowning in misery. Si Papa rin. While Ren had no one nung tinaboy ko siya. I got everyone and he had no one, Coby. Galit lahat sa kanya and I was a coward for not explaining his side." Nag-init ang mata ko. Finally, I said it. Tumingin ako kay Coby. "Kaya hindi ko rin siya masisisi that he turns to Georgia after I left him."
Natahimik si Coby. Yumuko naman ako at pinagpasalamat na hindi tuluyang naiyak. Yes, it hurts. Dahil puro realization na lang ang nangyayari sa akin ngayon. Hanggang do'n na lang ako. Because it's too late. Regret is a waste.
Wala kaming imikan ni Coby hanggang sa maihatid niya ako sa meeting place. "I'm sorry." Bulong niya. "Wala akong karapatang pagsabihan ka."
Ngumiti ako. "You have all the rights as my friend, Coby."
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Pumikit siya ng mariin. Muli niyang inabot ang kamay ko. "I really wish we could go beyond friendship, Rhea."
"That might be possible." Hinaplos ko ang pisngi niya. "But not now." Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam bago tuluyang bumaba ng kotse.
Mabigat ang loob ko nang pumasok ako sa building ng institute. Pinasya kong manatili muna sa coffee shop na nakita ko sa ground floor. Tulala ako sa kape ko at hindi ko muna ininom 'yon. Dalawang oras pa ang hihintayin ko bago magmeeting.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number ni Shinn. Tinignan ko ang wristwatch ko at binilang kung ano na ang oras ngayon sa Massachusetts. I hope he's awake.
Matagal akong naghintay bago nag-connect ang linya. Apat na ring bago niya sinagot. Ang una kong narinig ay ang malakas na tunog sa background. Napasandal ako sa upuan at humalukipkip. The geek is partying.
"Yes?" He snapped.
"What a sweet greeting." Sarcastic na bungad ko sa kanya. "Akala ko tulog ka."
"Sleep is for weaklings." Masyadong malakas ang tugtog kaya bahagya kong inilayo ang phone sa aking tainga. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ni Shinn kaya binabaan ko na lang siya.
Wala pang isang minuto ay nag-ring ang phone ko. He called back.
"Yes?" Ginaya ko ang tono niya kanina.
"Wala kang originality." Tahimik na ang background. "Why did you call? Problem?"
"Wala lang." Sagot ko habang tinatap ang pen sa aking planner.
"Na-miss mo lang ako." Tumawa siya. "Pero hindi ako naniniwalang tumawag ka nang walang dahilan. What is it? Tell Papa Shinn."
Natawa ako at pumangalumbaba. "Wala nga. Gusto ko lang tumawa kaya tinawagan kita."
"Kailan pa ako naging clown mo? Who made you sad, feisty? Kailangan ko na bang tawagan ang mga kuya mo para sumugod na kami dyan?"
"No need." Mabilis kong sagot. "Gusto lang kitang kwentuhan."
"Huhulaan ko na. That's about your two-timer ex-boyfriend." Matabang niyang sagot. Wala sa loob na naibaba ko ang pen sa planner.
"Shinn, alam mong hindi gano'n ang nangyari." Depensa ko.
"Yeah, yeah, whatever you say. He's a gay anyway." Pangungutya pa niya kay Ren. Napairap na lang ako. Hobby niyang tawagin ng kung anu-ano si Ren. Talaga nga namang masbitter pa ang mga taong nakapaligid sa akin kaysa sa sarili kong damdamin.
"He graduated today."
"Pumunta ka sa graduation niya?" Maang niyang tanong.
Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari kanina. Mula sa pagkakakita namin kay Tito Loren sa highway hanggang sa umalis kami ni Coby sa university.
"You shouldn't have stayed. Dapat umalis agad kayo. Mukhang ang dami mong nakita."
Natawa ako sa sinabi niya. "You and Coby have the same thoughts."
"What do you expect from the people who care so much for you? Natural lang na ayaw ka naming malapit ulit sa kanya. Gano'n lang 'yon. You've seen him twice with his new girl. Hindi ko na hihintaying magreklamo ka sa akin na nasasaktan ka dahil logical akong tao and
I can read between the thinnest lines. Dapat hindi mo na lang tinanggap yung project."
"Iba ang trabaho ko sa nararamdaman ko. Baka masabihan pa akong walang professionalism. Isa pa, nangako ako kay Tito Loren."
"Magagawa mo pa bang maging professional kung namamatay ka na sa sakit? Tss." Natahimik ako. Tuloy-tuloy naman ang pagsasalita ni Shinn. "I can kill for you. You know that. Kaya ko makipag-basagan ng mukha sa taong intensyon kang saktan. But you're a masochist at ikaw ang nananakit sa sarili mo. And I can't kill you, feisty, kaya umayos-ayos ka dyan sa Pilipinas."
Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Hindi ko alam kung masyado lang malakas ang loob niya dahil imposible silang magkita ni Ren o dala ng bahagyang kalasingan at kayabangan sa katawan kaya niya nasabi 'yon.
Bahagyang gumaan ang loob ko matapos makausap si Shinn. Pinatay ko ang nalalabing oras sa pagrereview ng mga ididiscuss mamaya sa meeting. Naka-tatlong order ako ng kape dahil inaantok na ako sa paghihintay.
Fifteen minutes before call time ay umakyat na ako sa sixth floor kung sa'n gaganapin ang meeting. Binati ako ng secretary at nando'n na rin ang ilang executives. Huling dumating si Tito Loren na seryoso ang mukha. Iba na ang suot nito. Kung kanina'y naka-casual siya, ngayon ay naka-business attire na. Umikot siya sa table para batiin ako. Ginantihan ko ng ngiti si Tito. Nang sumapit ang meeting ay pinakilala ako bilang official main architect ng project. Nagpresent ako ng mga sample designs para sa institute. Binigay ko ang handouts na ako mismo ang gumawa.
Pinagbotohan ng mga executives kung ano ang masprefer nilang designs sa apat na sample na ipinakita ko. Ngunit walang imik si Tito Loren. Ni hindi niya tinignan ang handouts ko. Kinabahan akong baka hindi niya nagustuhan ang presentation.
May second meeting pa at do'n ipupulido ang lahat. Nang matapos ang meeting ngayong araw ay pinaiwan niya ako. Agad naman akong humingi ng paumanhin.
"Tito, I'm sorry if-" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay para patahimikin ako. Ngumiti siya kaya medyo nabawasan ang aking kaba.
"I like your presentation pero tingin ko may masmaganda pa ro'n."
Kumunot ang aking noo. "Ano pong ibig sabihin? Gusto niyo po bang magpresent ako ulit ng panibagong design?"
"No, Rhea." May nilabas siya mula sa kanyang briefcase. Naka-roll na papel at inilatag niya 'yon sa harap ko.
Napatda ako nang makita kung ano 'yon. Nanuyo ang lalamunan ko at nakatulala ako ng mahabang sandali ro'n bago bumaling kay tito.
"P-Paano po napunta sa inyo 'to? D-Did Ren gave this to you?" Nauutal kong tanong.
Hindi ko akalaing makikita ko pa 'to. Isa 'to sa mga nakalimutan ko nang kumalas ako kay Ren.
Umiling si Tito Loren at tumitig rin sa design na ginawa ko dalawa't kalahating taon na ang nakalipas. Hindi gano'n kapulido ang design pero isa 'to sa mga una kong finished plans. Pinadala ko 'to kay Ren noon. Regalo ko sa kanya nang mag-20 siya. Sa itaas ay ang lettering ko na ang nakalagay ay 'future with you.'
Kinagat ko ang loob ng aking labi. Ang makita 'to ngayon ay nakakapanlumo.
"Can we use this instead?"
Napalunok ako ulit. Binasa ko ang aking labi. Binaba ko ang aking kamay dahil naramdaman ko ang panginginig no'n.
"Matagal na po 'to at hindi po gano'n kaayos."
"Kaya mo namang ayusin, di ba?"
Tumango ako. "Yes, but-"
"Nag-aalala ka ba kung ano ang sasabihin ng anak ko?"
Napabaling ako kay Tito Loren. "A-alam po ba niya? Sabi niyo po hindi niya kusang binigay 'to? Kinuha niyo lang po ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Si George ang nagbigay sa akin nyan kanina."
Parang may nabasag na kung ano sa sistema ko. Si Georgia? Paanong napunta 'to sa kanya? Ibinaba ko ang tingin ko sa papel para hindi mabasa ni Tito ang reaksyon ko. Gusto ko sanang magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Kanina niya lang binigay. Palihim pa." Bahagyang tumawa si Tito. "Ang sabi niya huwag ko raw ipaalam kay Ren na siya ang nagbigay. Nasabi ko kasi sa kanya na ikaw ang magiging architect ng itatayo naming bagong eskwelahan."
Hindi ko gaanong naintindihan si Tito. Nababagabag ako. Gusto kong malaman kung paano 'to napunta sa kamay ni Georgia pero ayokong isatinig kay Tito Loren na masyado akong naapektuhan rito. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang 'to ngunit ginagawa ko pang big deal.
"Baka po magalit si Ren."
"Do you remember your promise to me?" Segunda niyang nakapagpatibag sa protesta ko. "Pinangako rin 'to sa akin ng anak ko pero hindi natuloy kasi may mga nangyari sa inyong dalawa na hindi inaasahan."
"Tito, masyado po ata nating hinuhukay ang nakaraan. Wala na po kami ni Ren."
"Exactly, wala na kayo." Sumandal siya sa kanyang upuan. "Kaya nga kahit ito na lang sana ang ibigay niyo sa akin. Alam niyo bang umasa ako ng isang batalyong apo sa inyong dalawa?" Pabiro niyang sabi na nakapagpalaglag sa panga ko.
"Tito!" Namula ng todo ang mukha ko at napatakip na lang ako ng bibig. Natawa ng malakas si Tito Loren. Umiwas na lang ako ng tingin sa hiya.
"Kung alam ko lang na iiwan mo siya, dati pa sana ako pumayag sa kagustuhan niyang magpakasal kayo. I liked you for him. You're like a daughter that I never had." Nabosesan ko ang panghihinayang niya.
Parang may pumipi sa dibdib ko at mas lalo akong nahirapan huminga sa susunod niyang ibinahagi. "Nung nag-18 ka, gusto ka na niyang pakasalan. Hindi ako pumayag, though your father was not as tight as my decision. In fact, he gave his approval pero sinalungat ko. Ang sabi ko, kahit man lang sana makatapos kayo dahil masyado pa kayong bata para magpakasal. Ang sabi naman ng Papa mo naiintindihan niya si Ren because Robi married your mother at a very young age. My son loved you that much back then. Kami na lang ni Robi ang nanghihinayang para sa inyong dalawa."
"He's happy with Georgia, Tito." Bulong ko nang hindi nag-aangat ng tingin.
"He is." Ang kumpirmasyon na 'yon ay nagsemento sa lahat ng akala ko. Wala na akong lugar para kay Ren. "In some points, I could see you in Georgia's personality but both of you are different altogether. Konting pagkakaparehas at malaking pagkakaiba."
Tumango na lang ako. Inaalis sa isip na magkapareho kami ni Georgia. Kailangang tanggapin pero hindi matanggap-tanggap ng sistema ko. "Sorry nag po pala kung hindi kami nakapagtagal kanina ni Coby."
"It's okay, hija." Bumuntong hininga si Tito Loren. "Ako nga ang dapat magsorry dahil naabala ko pa kayong dalawa."
"Wala po 'yon."
"Kayo na bang dalawa?"
Nanlaki ang mata ko. "Hindi po."
Ngumiti si Tito Loren at humalukipkip. "Bagay kayo ng anak ni Art. Mabait na bata 'yon. Dapat sigurong magboyfriend ka na rin. Ren got his new girl. Dapat ikaw rin. Sana maging masaya kayong dalawa kahit hindi na kayo ang nagpapasaya sa isa't-isa."
Dinaan ko na lang sa ngiti at pagpapalusot ang usapan namin ni Tito Loren. I won't get a boyfriend para lang masabing meron akong gano'n. Lahat ng natunghayan at nalaman ko sa araw na 'yon ay nagdadala ng tabang sa akin. At hindi ko man aminin, may panghihinayang din ngunit binaon ko lang muli 'yon sa pinakatagong bahagi ng isipan ko.
Isang linggo ang lumipas, dumating ang pangalawang meeting. Mali-late na ako at walang available na driver. May lakad naman si Coby at ayokong istorbohin. Nag-taxi na lang ako papuntang institute pero inabot talaga ako ng kamalasan sa araw na 'to dahil sobrang traffic.
"Manong, wala po bang ibang route? Malilate na po kasi ako." Marahan kong tanong.
"Miss, masmagandang mag-train ka na lang. Aabutin ho ata tayo ng siyam-siyam rito." Tinuro niya ang train. "Unang station 'yan, Miss. Hindi kayo mahahassle sumakay."
May pumapasok na dating alaala sa isip ko. Agad akong napailing. This is not the time to reminisce, Rhea. . .
"Sige ho. Pababa na lang po ro'n."
Dahil sa pagmamadali ay napilitan ako mag-train. Maraming tao pero pinagpasalamat kong hindi gaanong mahaba ang pila. Hindi ako nakipagsiksikan sa pag-uunahan ng mga tao. Naka-heels ako at baka sa sahig ako pulutin.
Pagpasok ko ay wala ng upuan. May mga nakatayo na. Napasandal na lang ako sa gilid ng pinto. May isang lalaking tumayo at kinalabit ako.
"Miss, dito ka na lang."
Nginitian ko ang lalaki at nagpasalamat. Nakahinga ako ng maluwag ng makasandal ako sa upuan. Luminga-linga ako nang papasara na ang pinto. Deja vu. Ang unang sakay ko rito ay kasama ko si. . .
Napatulala ako sa isang tabi nang makitang nando'n si Ren at nakatayo. Naka-cap siya pero alam ko ang built ng katawan niya. Nakumpirma ko 'yon nang magsideview siya. Nakahawak siya sa rills. Nanlaki ang mata ko.
"Ren. . ." Sambit ko sa pangalan niya.
Napahinga ako ng malalim nang makitang tumayo si Georgia para paupuin ang isang babaeng may dalang maliit na bata. She stands with Ren. Inilalayan ni Ren ang bewang ni Georgia nang umandar ang train.
Nahirapan akong huminga. Tinignan ko si Georgia mula ulo hanggang paa. Maluwang ang suot niyang t-shirt. Naka-tight pants pero faded ang kulay. Medyo luma na rin ang suot na sneakers. Nakasuot silang dalawa ni Ren ng cap.
Napaiwas ako ng tingin. Nag-iinit ang mata ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin lahat. Yung sinabi ni Ren sa akin noon. Yung sinabi ni Tito Loren nung nakaraan. Lahat ng 'yon ay parang nasampal sa akin.
By staring at them, nakita ko kung ano ang nawala sa akin. By looking at Georgia, I could see my old self. Pumikit na lang ako ng mariin at paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang salitang 'sayang' at ang tanong na kung hindi ba ako nagbago ay kami pa rin kaya hanggang ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top