CHAPTER 32 : COPE UP

#SAT9S


DEDICATED TO : NAJELA ARUMPAC PATARA



CHAPTER 32 : COPE UP



"Rhea, wake up." May malamig na hiningang dumadampi sa leeg ko. Hindi ko pinansin 'yon dahil inaantok pa rin ako at gusto ko makabawi ng tulog sa pagpupuyat na ginawa ko kagabi. Ngunit mayroong boses na gumigising sa akin. "Rhea , you'll be late. You might missed your flight."


"Hmm. . ." Umungol ako kasabay ng pagbaon ng aking mukha sa unan. "Five minutes."


"Oh, come on, feisty." Natatawang sabi niya. Hindi pa rin ako bumabangon. Inaantok pa rin ako at gusto ko  ang kumuha ng tulog. "Wake up. Your brother will call any minute from now. Could you please cut that 'five minutes ritual of yours' because we both know it usually ends up with an hour or two."


Hindi ko siya pinansin. Niyakap ko ang unan ko ng mahigpit. Biglang nag-ring ang intercom sa aking kwarto at sa wakas ay tinantanan ako ng gumigising sa akin. Muling bumibigay ang diwa ko sa akmang pagtulog. Ngunit hindi pa ata lumilipas ang limang minuto, lumundo ang kabilang side ng kama. The next thing I knew, dalawang malalaking bisig ang sumakop sa katawan ko at inangat ako mula sa kama ko. Tuluyan akong nagising at napilitang dumilat ng mata.


Ang una kong nakita ay ang nakangisi niyang mukha. His baby blue eyes twinkling in amusement as he watch me. Kung ibang tao lang siya ay mako-conscious ako sa kung ano ang itsura ko. But since he's not just any other guy, sanay na akong makita niya ang other side ko. I won't even mind if I looked like a mess right now.


"Shinn, I'm still sleepy." I whispered. I keep my defense down because I don't have enough energy to argue with this man. Pumikit ako muli kahit buhat niya na ako. Sumandal ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.


"Sorry for exhausting you last night. Last naman na 'yon." Buong-buo ang kanyang boses ngunit marahan ang kanyang pagkakasabi.


"Mm, okay. Just let me have some sleep again." Inaantok kong tugon at akmang yuyuko sa mesa pero pinigilan ako ni Shinn kasabay ng kanyang marahang pagtawa.


"No, you're not going to sleep again, feisty." Naramdaman kong naglakad siya. I did not open my eyes. Nang marinig ko ang pagtunog ng chime sa double doors, alam ko na agad na nasa kusina kami. "Come on. Let's have some breakfast."


Nilapag niya ako sa isang high chair. Dumilat ako at nabungaran ko ang pamilyar na kusina ng apartment ko. Napilitan akong umupo ng maayos. Walang sandalan ang high chair kaya nanatili si Shinn sa likod ko. Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa malaki at mainit niyang katawan. Tinukod niya ang mga kamay niya sa mesa at tila ako nakulong sa mga braso niya.


"You awake now? Baka mahulog ka sa upuan." Bulong niya.


"I can manage." Humikab ako at pilit na isinantabi ang antok. "You should let me sleep instead. Istorbo ka."


"I can't. You'll be late." Umalis siya sa likod ko at tinungo ang stove. Binuksan niya 'yon at sinalang ang pan. Mapungay ko siyang pinanuod. Ngayon ko lang napagtanto na topless pala si Shinn kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya kanina. Napairap ako sa aking nakita.


"You'll catch cold, Aslejo. You should at least wear a shirt. Hindi ka ba nilalamig?"


Binalingan ko sandali ang thermometer na nakasabit sa dulong bahagi ng kusina. A little higher than yesterday pero malamig pa rin.


"That's your fault, feisty. You have this habit of stealing my shirts and make it your nightwear." Sagot niya nang hindi ako binalingan. Napatingin ako sa suot ko. Ngayon ko lang na-realize ang ibig niyang sabihin.


Here I am, wearing his black tight shirt. It's kinda loose on me ,though it's exactly fitted for Shinn's huge body. Medyo naaamoy ko rin ang pabango niya sa suot kong damit, mixed with his natural scent. The scent became familiar to me. Yumupyop ako sa glass table at muling pumikit. Dumilat lang ako ng marinig ko ang pagsipol niya.


Nakaharap na siya sa akin at mukhang tapos na siyang magluto dahil amoy na amoy ko na 'yon. Nakangisi na naman siya.


"You know what? You're giving me a hard time right now. Damn that sexy legs."


I gave him a glare. Sa sobrang laki ng T-shirt niya sa akin ay hindi na makita ang suot kong cycling. Inirapan ko siya. "Cut your pervy thoughts, Shinn. You know na pwede mong ikamatay 'yan, di ba?"


He chuckled. "Thanks for reminding me." Nilapag niya ang isang plato sa harap ko. Nilagyan niya 'yon ng pasta at inabot ko naman ang sauce at garnish.


Ngumuso ako. "You're spoiling me."


Amuse siyang bumaling sa akin. "I love spoiling you. Para ma-miss mo ako pag bumalik ka na sa Pilipinas."


Sandali akong tumahimik. Pinanuod ko na lang si Shinn sa ginagawa niyang paghalo sa pagkain ko. Kinuha niya ang frozen salad at yogurt sa ref. Tumayo ako sa high chair at tinungo ang coffee maker.


"You don't want your yogurt?" Tanong niya nang makitang in-on ko ang coffee maker.


"I'm making coffee for you."


"Now, you're spoiling me."


"Ayaw mo no'n? Mami-miss mo rin ako pagbalik ko sa Pinas?" Sarkastiko kong ginaya ang linya 'yan. Natawa siya ulit. Ngumisi naman ako.


"Kahit naman saan ka magpunta, namimiss kita. Kahit nung nasa America pa ako."


Napairap ulit ako kasabay ng marahang pagtawa. "Oh, cut your words, Shinn. Don't use your tactics on me. You know it will never work."


Lumakas ang tawa niya. "That hurts."


"Your ego?"


Nilingon ko siya. Hindi siya sumagot pero nanatili ang ngisi sa kanyang mukha.


Kumain kami habang nagkukwentuhan. Whenever Shinn is around, talagang napapahaba ang usapan. I can't get enough of our bonding time. Siguro ay dahil matagal rin kaming hindi nagkita at ang isang buwang pananatili niya rito sa New Zealand ay hindi sapat para mabawi ang matagal na panahon na nasa US siya.  Buti na lang at napagbigyan niya ang request kong dito na lang siya magbakasyon.


Pagtapos naming kumain ay tinulungan niya akong mag-empake. Hindi ako handa sa pag-alis ko ngayon. Medyo bitin pa ako sa bonding namin ni Shinn pero ang loko, parang gusto na ako ihagis pauwi sa Pilipinas.


"Parang gustong-gusto mo na ako umalis, ah?" napapailing kong sabi.


"If I were the one to decide that matter, I won't let you leave New Zealand lalo pa't sinadya pa kita sa bansang 'to dahil ang sabi mo ay magbabakasyon tayong dalawa at ipapasyal mo ako rito. But it's your brother's order. Parehas tayong walang magagawa ro'n."


Alam ko naman 'yon but I was expecting him to stop me or defy Kuya Ryan's order. Pwedeng pwede pa nga niyang tawaran ng kahit ilang linggo ang pag-alis ko pero hindi niya ginawa. Kung nag-request lang siya ng extension, may possibility namang mapagbigyan kami at magawa ko yung sinasabi niya. Though, naipasyal ko na siya sa city, hindi ko pa siya nadadala sa mga pabirito kong country side dito sa New Zealand. He would definitely enjoy that one dahil ang sabi niya ay hindi pa niya napupuntahan 'yon. Hindi ko alam kung ba't hindi niya man lang sinubukang ipaalam ako kay Kuya Ryan at Kuya Rex. Ito nga at tinutulangan pa akong mag-empake ng kakarampot kong gamit dito sa apartment.


"It's still early. Gusto ko muna mag-jog. Then, I'll take a shower." Nag-inat ako nang matapos mag-empake. Tumingin kami pareho sa orasan. Tumayo siya at kumuha ng sweat pants at sweater sa drawer niya. Hinagis niya ang mga damit sa direksyon ko. Ngumisi ako sa kanya. He already knew that I'm going to borrow his clothes again.


"Go change. Isang oras lang. Baka hindi mo maabutan ang flight mo mamayang hapon." Sabi niya. Nawala ang ngisi sa labi ko at napairap na lang muli sa kanya. God. He really wants me to leave.


Nang makapagpalit ako ay sinuot ko ang damit niya. Malalaki ito pero ayos lang. Yung mga damit kong ganito ay iniwan ko sa bahay ni Kuya Rex dahil do'n may gym kaya nagtyatyaga ako sa damit ni Shinn. May tali naman ang sweatpants. Kinuha ko ang workout shoes ko at sinuot 'yon. Wala akong ibang dinala kundi ang aking Ipod. Sinalpak ko ang earphones sa aking tainga at nagpakalunod sa malakas na tugtog habang nagwawarm up. Saktong pagtapos ng isang kanta ay nagsimula na ako mag-jog.


Sumalubong sa direksyon ko ang malamig at preskong hangin na apat na taong naging pamilyar sa akin. Pipikit ako sandali at muli ring didilat. Maganda naman ang panahon ngayong araw ngunit malamig ang temperatura kahit may araw. Kumaliwa ako at tinungo ang pinakamalapit na park kung saan marami ring nagjojog.


Four years ago nang isama ako ni Kuya Rex dito para mag-college. Dito nakabase ang malaking architecture firm na pinagtatrabahuhan niya. Magreresign na dapat siya rito para sa Pilipinas na lang magtrabaho pero nag-alangan ang kumpanya na pakawalan siya. So, they offered him a deal. A higher position kapalit ng pagbawi sa kanyang regsignation letter, which he eventually accepted.


The rest is history. Sinama niya ako rito. He wanted me to study here. A good quality education with his supervision. Gusto niyang masubaybayan ang pag-aaral ko. Lalo na't ang kursong kinuha ko ay katulad ng kanya. Nag-hesitate ako nung una pero sumama na rin ako. He wants me to be successful. He wants me to have a secure future. Sandali akong tumigil sa pag-iisip.


Nakatapos ako almost a year ago. 11 months, 2 weeks and 4 days to be exact. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nahirapan. It was hard but not that hard to stop me to achieve my way up. There was so many distractions.


Ang makagraduate sa isang magandang paaralan at makapasa sa board exam ay isang napakalaking blessing para sa akin. Ngayon ay nagtatrabaho na rin ako sa isang firm. Hindi nga lang sa kumpanya nila Kuya, though he offered me a reserved position. Gusto ko magsimula na walang anino niya. Hindi man kasing laki ng kumpanya nila ang firm na pinasukan ko, masaya ako ro'n dahil sila mismo ang nagrecognize sa akin. Nakapasok ako ro'n dahil sa kakayahan ko at hindi dahil may recommendation.


Huminto ako sa isang malaking puno. Inayos ko ang tali ng aking buhok na medyo lumuwag. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa aking noo.


Lahat ng naranasan ko rito ay may dalang epekto sa akin. I gain something after I lose him.


Pumikit ako ng marain nang maalala ko 'yon. May mga pagkakataon talagang naaalala ko siya. That four-year relationship with him was not a joke. Hindi pa kasama ro'n ang mga taon na magkasama kami at palaging nag-aaway.


Napangiti ako sa kawalan. Dalawang araw bago ang graduation ko, dumating sina Papa at ang mga kapatid ko sa Pilipinas. Nag-hesitate akong um-attend. Iyak ako ng iyak nung araw na 'yon. Iyon yung araw na na-realize kong tapos na talaga. Wala na kaming dalawa.


"Sshh, tahan na." Yakap ako ni Kuya Ryan habang humahagulgol ng malakas. Halos hindi na ako makahinga. Barado ang aking ilong at parang may pumipiga sa puso ko.


Nakatingin sa akin si Papa at Kuya Rex, walang magawa. May awa sa kanilang mga mata pero ayokong isipin na para sa akin 'yon. Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko si Kuya Roy na may binabasa. Yung note na iniwan sa akin ni Ren bago siya tuluyang umalis.


Yung unang pagkakataon na binasa ko 'yon, naluha lang ako. Pinigilan ko ang sarili kong maglabas ng emosyon. Pinilit ko maging matatag. Pinilit kong mag-ipon ng lakas. Pinilit ko tanggapin kasi ako yung nagbitaw ng desisyon. Kailangan ko siyang pakawalan dahil ayoko siyang magmukhang tanga gayong hindi ko na makapa ang pagmamahal na inipon ko para sa kanya. Kailangan ko bumitaw para hanapin ang sarili ko. Nagbabago ako dahil sa sakit na dala ng relasyon namin. 


Sa mga sumunod na araw ay nakaya ko pang magtiis pero nung gabi bago ang graduation, binasa ko ulit ang note ni Ren. Bumalik sa isip ko lahat ng plinano naming gawin. Mga planong mahirap na tuparin.


'Pakakasalan kita after graduation. . .'


Nung naisip ko ang linyang 'yon, I broke down. Umiyak ako magdamag. Ang pinakamahabang pag-iyak na nagawa ko sa tanang buhay ko. Kinaumagahan ay nadatnan ako nila Papa sa gano'ng ayos at punung-puno sila ng pag-aalala.


"Ayoko na grumaduate. Ayoko na. . ." Umiling ako ng umiling at yumakap kay Kuya Ryan ng mahigpit. "Ayoko na, Kuya."


Alam kong wala akong karapatang mag-inarte gayong ako ang nagdesisyon na tapusin 'to pero kahit anong option pala ang piliin ko ay masasaktan at masasaktan pa rin ako. Minahal ko si Ren. Mahal na mahal ko si Ren. Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko at dumepende ako ng sobra sa kanya. Pero may hangganan ang lahat. Nung araw na 'yon ay naramdaman ko lahat ng panghihinayang at ang tanging nagawa ko ay lunukin ang sakit ng aking desisyon.


Um-attend ako ng graduation na mugto ang mata. Inamin kong hindi ako naging masaya nung araw na 'yon. Pinagpasalamat kong hindi nagsalita si Papa at ang mga kuya ko. Nasa likod ko lang sila at sinuportahan ang desisyon ko.


But I'm fine now. I'm certain that I'm fine now.



I've read an article on a certain blog and the blogger stated that if we made too much indelible memories with someone, it becomes harder for us to forget them. She boldly points out a certain feeling in a scene after the separation of two lovers. Stating that the bitterest point of love is when the happy moments they spent with each other turns out into something they want to disremember. 


Kaya hindi ko na pinilit kalimutan si Ren dahil alam kong mabibigo lang ako. He was my first. Karamihan ng unang experience ko ay nasa kanya at hindi ko na kayang isa-isahin kung anu-ano ang mga 'yon. Hindi ko na rin itinanong sa sarili ko kung bitter ba ako sa kanya. Ayoko na malaman pa.


I've reached the point of regret and remorse. It may take a long period of time before it come off. That the process of moving on is always slower than most of our expectation. Majority of us force ourselves to forget out of desperation but being despair made us reminisce the moments we've shared with that particular person.  Ironic, isn't it?


Who knows if moving on takes forever?


I don't know. I didn't want to know. Humiling pa nga ako na sana ay hindi ko maranasan 'yon dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pero ngayong naranasan ko na, napagtanto kong mahirap pala talagang timbangin kung nakapag-move on ka na. Kahit magtanong ako ng magtanong sa iba at kahit manakit pa ang mata ko sa pagbasa ng karanasan nila, I have this feeling that I won't be able to stand it. I won't even learn it. Hindi 'yon kagaya ng 10 Steps na may guide para maging babae. Dahil ang pagmomove on raw ay paghihintay sa isang panahon na hindi mo alam kung kailan darating. Walang specific method. Walang definite date. Walang kasiguraduhan. 


My lack of knowledge about these things made me question if people who are capable to love does have an ability to forget or they just get used on remembering a certain feeling?


What if that memories used to be happy ones but now brings loneliness inside you? What if you used to laugh on it but now brings out your tears? What if it mixes your emotions? What if it brings you pain? Can you get use to it? Can you cope up with that? Can you endure the repetition of pain as it replays in your head again and again?


Iniisip ko palang 'yon, sumasakit na ang ulo ko. My heart felt the same ache. Ang hirap 'yon sa isang tulad ko na nagmahal lang ng isa. Lalo na't binaon ko na siya sa buong pagkatao ko. Forgetting him is impossible. It will take forever unless I hit my head hard enough and suffer with amnesia. So, I won't force myself. I kept my memories with Ren. He's now a memory.


May mga taong tumulong sa akin para makabangon. Kung meron man akong natutunan sa nangyari sa pagtatapos ng relasyon namin ni Ren, napatunayan kong ang pagmomove on ay hindi mo kakayanin mag-isa. Kailangang may taong humila sayo pataas. Kailangang may gumising sayo sa mahimbing na pagpapakatanga.


Aside from my family, there are my friends. Of course, there's Anne. And recently, natanggap ko na may panibago akong matatawag na bestfriend. . .kahit na ayoko siyang i-include sa listahan. Hindi ko kasi masiguro kung kaibigan ba talaga siya o parasite.


"Ano ba 'yan, Shinn. Ang aga pa!" Reklamo ko sa kanya. Pagbalik ko mula sa pagjojog ay agad akong pinaliligo ni Shinn. Gusto na niyang ihatid ako sa airport. Mas excite pa siya sa akin!


"Why are you being grumpy?" Tinatawanan niya na naman ako. "Hindi ka ba na-e-excite sa pagbalik mo sa Pilipinas? Siguradong maraming naghihintay ro'n para sayo."


Pinalo ko siya sa braso. "Shut up. Tumigil ka na pwede?"


"Bakit? Ayaw mo bang makita ang boyfriends mo?" Panunukso pa niya.


Matalim na tingin ang binigay ko sa kanya. "Hindi ka talaga titigil? Wala akong boyfriend-"


"Meron kaya. Yung 'naging' at yung 'magiging.'"


Hinablot ko ang hanger sa rack at akmang ipapalo sa kanya ngunit agad siyang tumakbo palabas ng kwarto. Hinabol ko siya dahil iniinis niya ako sa malas niyang pagtawa.


See how annoying he can be! Kung hindi ka ba naman matuyuan ng dugo sa ganitong klaseng tao.


But despite of his 'not-so-good' jokes, malaki ang naitulong niya sa akin. Sobrang laki. Hindi ko na nga matantya.


We became close. Sobrang clingy niya nga lang. He's really like that. Liberated siya at hindi niya itinanggi 'yon kaya naman nasanay na lang ako sa pasimpleng paghawak niya sa akin. Pinapayagan naman niya akong sampalin siya pag pakiramdam ko'y nananantsing na siya. At kahit ganito ang mokong na 'to, sa Harvard na siya nag-aaral. Mula sa NYU ay naituloy niya ang pangatlong science course sa mas prestihiyosong unibersidad.


Nasa kotse na kami at pasipol-sipol na naman siya sa aking tabi.


"Ang ingay mo naman. Nakakairita."


"Ang dami mo namang puna."


Nilingon ko siya. "Ano nga palang balak mo? Uuwi ka na lang ng Massachusetts?"


Nagkibit siya ng balikat. "Maybe. Wala ka naman dito at busy ang kuya mo." Sinulyapan niya ako. "Huwag ka magpaparty ro'n, ah? Mapaparty ka lang pag ako kasama mo."


Inirapan ko siya. Iyon ang dahilan kung ba't hirap ako magising kanina. We went to a party last night. Pinagbigyan ko siya dahil uuwi ako at baka matagal ulit kami magkita.


Shinn is a bad influence. Natuto ulit ako pumunta ng bars dahil sa kanya pero naliligaw lang ako ro'n pag siya ang kasama ko at sina kuya. Ilang beses na nga siyang sinabon ni Kuya Ryan pero matigas talaga ang bunbunan ng lalaking 'to.


"Before I forgot, may sasabihin ako sayo."


Lumingon ulit ako sa kanya.


"I'm courting Anne."


Nanlaki ang mata ko. "What?" Bulalas ko.


Tumawa siya at muli akong sinulyapan. Pinalo ko siya sa braso. "Huwag si Anne! Oh, my God! Aslejo, I'm going to kill you once na malaman kong pinagtitripan mo ang bestfriend ko!"


"Chill." Humagikgik siya at tila natuwa sa pantutuliro sa akin.


"I'm not kidding, Shinn!" Matalim ko siyang tinitigan. "I'm going to warn, Anne. Babastedin ka no'n!" Hindi siya nasindak at mas lalo lang natuwa.


Nang makarating kami ng airport ay badtrip ako sa kanya pero nagpapatay-malisya at pinaaalalahanan ako sa kailangan kong gawin sa Pilipinas.


"Sundin mo si Tito at pagbigyan mo ang request niya."


"Pag-iisipan ko pa." Maikli kong sagot.


Ngumisi siya sa akin at halos itulak ako papasok ng entrance para makapag-check in.


Buong byahe ko ay naging maganda naman. Medyo boring pero pinapatay ko na lang ang oras sa saglit na pag-idlip, pagkikinig ng tugtog, pagtingin ng mga designs at pag-i-sketch. Natapos rin ang lagpas kalahating araw na byahe sa eroplano at nakalapag na ito sa lupa. I'm finally back to Phil.


Nang buksan ko ang phone ko ay agad akong tumawag sa isang tao.


"Hi, good morning." Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.


Ilang minuto ang lumipas ay papalabas na ako ng arrival area at luminga-linga sa paligid. May narinig akong sumigaw ng pangalan ko at napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling 'yon.


"Rhea Marval!"


Natawa ako nang matanaw ko siya at kumaway sa kanya. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. "Coby!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top