CHAPTER 31 : LAST STRIKE


#SAT9S



DEDICATED TO : ATHENA LENG IBANEZ



CHAPTER 31 : LAST STRIKE



May damdamin pala talagang kahit gusto mo itatak sa buong pagkatao mo ay kusa ring nabubura nang hindi mo namamalayan. Yung pakiramdam na gusto mong angkinin ang isang tao dahil inilalatag niya ng buo ang sarili niya sayo pero mas inuunahan ka ng takot na kapag nakuha mo na siya ay baka masaktan ka lang  ulit.


Akala ko ay sobrang tapang ko na. Sa dami ng napagdaanan ko ay in-assume ko na agad na matatag ako. Sa dami ng nangyari bago mabuo ang relasyon namin ni Ren at sa paglampas namin sa bawat pagsubok, in-expect ko na wala ng masmalala pa ro'n. Taas noo akong naniwala na matatag ang pundasyon namin sa relasyong 'to. Ngunit kahit gaano katatag ang pundasyon, may weakest point pa rin. Nakapanghihinayang na dahil lang sa nangyari ay mawawala ang lahat.


Hindi pala siya gano'n kalakas para i-resists lahat ng temptations habang wala ako at hindi rin pala ako gano'n kalakas para sumugal ulit at tanggapin siya.


"Stay away." Nang sabihin ko 'yon ay agad ko siyang tinalikuran. Tumakbo siya sa aking harapan at hinawakan ang magkabilang siko ko. Napasulyap ako sa balikat niyang wala ng cast. Magaling na siya.


Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya sa paglunok. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mata. Wala akong ideya kung nasaan na ang pakialam ko. Tila naging bato ang puso ko at ayoko pa rin siya makausap.


"Galit ka pa rin ba sa akin?" Prantiko niyang tanong.


Pumikit ako. Tumiim ang aking bagang sa tanong na 'yon. Ang dating sa akin ay nagpapatay malisya at iyon ang pinakaayoko.


"Let me go. Pagod ako sa byage. Uuwi na ako." Iwinisik ko ang aking braso para bitawan niya ako. Binitiwan niya nga ako at nilagpasan ko siya. Tumingala siya sa kalangitan at humugot ng malalim na paghinga.


"Rhea. . ." Pinipilit niyang maging mahinahon. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang emosyon. "I already gave you time. I'm missing you."


I should be happy, right? Dapat masaya ako na naririnig ko sa kanya 'yan ngayon pero taliwas ro'n ang nararamdaman ko. Bumalik na naman ang sakit at kailangan ko na namang pigilan ang sarili kong umiyak. Nakasasawa ang ganito pero wala akong magawa kundi iayon ang nararamdaman ko sa sitwasyon. Gusto ko na lang isawalang bahala lahat mawala lang yung sakit. Hindi ako nakasagot sa kanya. Muli siyang lumapit sa akin.


"Please, Rhea. Alam mong hindi ako titigil."


Patuya akong ngumiti at umiling. "Ba't hindi ka na lang bumalik ng Pilipinas? Total naman magkakapagpasarap ka na ro'n at hindi mo na ako kailangang alalahanin."


Maang siyang napatitig sa akin. "Huwag ka namang ganyan."


"Huwag akong ganito?" Bulalas ko. "You made me like this. Hindi ako magiging ganito kalamig sayo ngayon kung hindi mo sinayang lahat."


"Ilang beses ko bang kailangang humingi ng sorry ro'n? Rhea, hindi ko 'yon gusto. . ."


"Mas lalong hindi ko 'yon gusto but I have no one to blame but you." Walang awa kong sagot.


Kahit concern ako ay natatabunan 'yon ng hinanakit. Masmalaki ang galit at panghihinayang ko sa relasyon namin kaysa sa awa ko sa kanya.


Pumikit siya at nalaglag ang kanyang balikat. Iiwan ko na dapat siya pero hinila niya ako payakap.


"Ano pa bang gusto mong gawin ko?" Sumiksik siya sa aking leeg tulad ng dati niyang ginagawa. Tinutulak ko siya. Nakailang subok ako bago ako tuluyang nakawala sa kanya.


"Wala kang magagawa." Sa ngayon. Pakiramdam ko ay wala siyang magagawa para iahon ako sa sakit. Nakaawang ang kanyang bibig nang tuluyan ko siyang iwan ro'n. Bitbit ko ang aking malaking maleta at halos takbuhin ko ang bahay ni Kuya Rex.


Himala at hindi ako umiyak pagtapos no'n ngunit nakatulala lang ako sa isang tabi. Nakahiga ako sa kama at nakabaluktot habang titig na titig sa dingding. Hindi malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman.


Nakalilito. Nakatatak sa isip ko na mahal na mahal ko siya pero wala akong maramdaman kundi pamamanhid. Nasaan na yung inipon kong pagmamahal sa kanya? Nawalang parang bula o nagtago ng kusa sobrang takot na masayang ulit?


Sa mga sumunod na araw ay halos tyempuhan kong wala siya sa gates para makaalis ako at makapag-enroll. Ngunit kahit nakaalis na ako ng maayos sa bahay ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin. I don't know. Maybe it's just paranoia.


Pagbalik ko ay napatda ako nang makita ko si Ren sa sala. May mga pagkain na nakahanda ro'n at may tatak ng isang kilalang restaurant rito sa New Zealand.


"Beh, kain ka muna." Nakangiti niyang sabi.


Tinitigan ko lang siya ng ilang saglit at dumiretso na ako sa kwarto ko. Ni-lock ko 'yon at kahit kinakatok ako ay hindi ko na lang pinansin.


Dumapa ako sa kama at yumakap ng mahigpit sa unan. Naiinis ako sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil parang ang dali niyang nakalimutan ang mga nangyari samantalang ako ay hindi maka-move on sa ideyang nagkagusto siya sa iba.


Ang dating no'n sa akin ay para na rin niya akong pinagpalit. Ako ba yung mas matinding magmahal dahil nakaya kong idistansya ang sarili ko sa iba habang siya nahuhulog na pala sa babaeng hindi ko kilala?


Lumipat na ako sa apartment ko. Pinapalitan ko ang doorknob dahil yung dati ay may susi si Ren. Nagkulong ako sa apartment ko at hindi lumabas hanggang sa magpasukan. Nagchi-check si Kuya Rex kung ano ang aking pinagkakaabalahan. Pinagpasalamat kong puno ng stock ang ref at cabinets ko dahil kung wala ay namatay na siguro ako sa pagbuburyo sa apartment.


"Nagkausap na ba kayo ni Ren?" Tanong ni Kuya sa akin.


"Hindi ko gusto pag-usapan." Matabang kong sagot.


Bumuntong hininga si Kuya Rex sa kabilang  linya. "Ang alam ko umalis na siya ng hotel at humanap ng apartment na malapit sayo."


Kumunot ang noo ko. "Wala ba siyang balak umuwi?"


"Pinapauwi mo na ba?" Hindi na naman ako nakasagot. Iniba ko na lang ang usapan. Nakakaumay naman na sa tuwing tatawag sila sa akin ay itatanong nila ang lagay namin ni Ren.


Isang beses ay napatingin ako sa bintana. Kumunot ang noo ko nang maaninag si Ren na sinususian ang isang pinto katapat na apartment ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize na do'n siya ngayon tumutuloy. Mas lalo ako natakot lumabas.


Kinabukasan ay may pasok na. Maaga akong nagising at naghanda para maaga ring makaalis dahil baka maabutan pa ako ni Ren ngunit pagkabukas ko palang ng pintuan ay nando'n na siya, nakaupo sa doormat. Agad siyang tumayo nang buksan ko ang pinto. Maang akong napatitig sa kanya nang ngumiti siya sa akin.


"Good morning, beh." Bati niya.


Marahan kong sinara ang pinto at ni-check kung na-lock ko 'yon. Tumatabang na naman ang pakiramdam ko at gusto ko na lang tumakbo palayo.


"Tulungan na kita." Kinukuha niya sa balikat ko ang malaki kong bag ngunit hindi ko 'yon binigay sa kanya.


"Kaya ko." Malamig kong tugon. Hindi siya nagpumilit. Naglakad na ako palayo at iniwan siya ngunit humabol pa rin.


"Ihahatid kita." Sabi niya. Napalunok ako. Tuwing summer na nandito siya at natataon na may pasok ako, ito ang lagi  niyang ginagawa. Hinahatid at sinusundo ako sa university. Pag vacant time naman, sasabayan niya ako kumain. In that order. It's hard to keep it going. Hindi ko kayang umakto na parang wala lang gayong nararamdaman ko na may lamat na ang relasyon namin.


"No need." Mabilis kong sagot.


"Sige na." Pamimilit niya sa akin nang hindi nawawala ang ngiti at pag-unawa sa kanyang mata. "Lagi naman natin 'tong ginagawa dati, eh."


"Dati 'yon. Iba na ngayon." Makahulugan kong tugon na nagpalusaw sa kanyang ngiti.


Nagbus ako. Umupo ako sa pinakalikod at nilagay ang mga gamit sa katabing upuan para hindi siya makatabi sa akin. Nag-alinlangan siyang umupo sa tabi ng isang matanda na ka-line ng upuan ko. Tumingin ako sa bintana at pinipilit balewalain ang presensya niya.


Hindi niya ako nasusundan sa campus kaya hindi niya nalaman ang sched ko sa buong term. Nang makauwi ako nang araw na 'yon ay nasa pintuan na naman siya ng apartment ko.


"Kailangan ko na pumasok. Umuwi ka na." Dumiretso agad ako sa doorknob at sinuksukan 'yon ng susi.


"Hindi ba tayo mag-uusap? Ilang araw mo na akong pinagtataguan."


"Wala tayong dapat pag-usapan." Pumasok ako at akmang isasara agad ang pinto nang pigilan niya ako at nagpumilit siyang pumasok.


"Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?" Nagmamakaawa na naman ang kanyang tono ngunit hindi ko mawari kung saan napunta ang awa ko.


"Matatapos na ang summer. Umumi ka na sa Pilipinas-"


"Alam mong hindi ako uuwi ng ganito tayo." Mariin niyang sabi.


"Eh di huwag ka umuwi. Problema ko ba 'yon?"


Pumikit siya ng mariin. "Gaano ba kahabang panahon ang kailangan mo para magkaayos tayo?" Naestatwa ako sa tanong na 'yon. Natulala ako sa isang tabi habang patuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ako aalis rito ng malabo tayong dalawa."


"Busy ako. Marami akong gagawin."


Malabo man o malinaw na relasyon, dumadarating pa rin pala sa punto ng delubyo. Naguguluhan ako sa sarili ko, sa nararamdaman ko para sa kanya. I want him to stay but I also want distance. I want to love him again but my mind refuses to listen. Parang patibong ang kanyang mga salita at pag nahulog muli ako ro'n ay ikapapahamak ko. May pagkakataong gusto ko ring magkalinawan kami pero pag kaharap ko na siya ay nakararamdam lang ako ng pagkairita at iiwas na lang.


Maraming beses pang naulit 'yon. Yung makikiusap siya at susumbatan ko siya dahil hindi ko makalimutan ng basta-basta ang lahat ng sakit. Iiwas ako at hindi niya ipipilit ang sarili niya. Natapos ang unang term ko na puro gano'n lang ang nangyayari. Napagod ako sa kakasaway sa kanyang huwag na ako sundan pero napakatigas ng ulo kaya hinahayaan ko na lang. Nakabuntot siya lagi sa akin kahit saan ako pumunta at hahayaan niya lang ako pag nasa loob na ako ng campus.


Pumasok ang panibagong sem. Dalawang semester na lang at gagraduate na ako. Samantalang siya, hindi ko alam kung anong plano niya sa buhay niya. Sumapit ang July at hindi pa rin siya umuuwi ng Pilipinas.


Sa bawat malamig na umagang nakakasama ko siya, hindi nauubos ang mga kwento niya. Kahit hindi ako interesado at madalas ay hindi ko siya pinapansin ay nagkukwento pa rin siya. Minsan lang ako sumasagot at 'yon ay pagtrip kong tugunan ang mga tanong niya.


"Beh, magpapart time ako rito." Hindi ko napigilang hindi lumingon nang sabihin niya 'yon sa akin. Ngumiti siya na parang wala lang 'yon sa kanya.


Kumunot ang aking noo. "Why?"


"Gusto ko lang na nandito ako."


"Hindi ka mag-aaral?"


Huminga siya ng malalim. "Mas mahalaga ka pa rin sa akin."


Sa unang pagkakataon pagtapos ng mga nangyari ay nakaramdam ako ng init. Tila may dumurog sa nagyeyelo kong puso. Umiwas ako ng tingin.


"Umuwi ka na."


"Ayoko."


"Umuwi ka na sabi!" Galit ko siyang nilingon. "Para sayo 'yon! Hindi para sa akin."


Hindi siya umimik ng mahabang sandali. "Gusto ko lang makabawi."


Kinagat ko ang aking labi. Sana nga kaya mo, Ren. Sana ay kaya mong bawiin lahat ng sakit na binigay mo sa akin. Sana nga kaya mo.


Hindi ko na mapagtanto kung ba't tila wala na sa akin ang mga effort niya. Tila naging normal ang dating sa akin ng mga kilos niya na dati ay nagdadala ng saya sa damdamin ko. Hindi ko na siya nagagawang sawayin pag sumasama siya sa akin sa bahay ni Kuya Rex. Sa paningin ng iba ay okay na kami pero alam kong napapansin din ni Kuya ang panlalamig ko kay Ren. Na hindi na kami tulad ng dati.


Pag hahawak siya kamay ko, parang wala na lang. Pag ngingiti siya sa akin ay nasasaktan ako. Pag nagbibiro siya, hindi na ako natatawa. Hindi na ako umiiyak sa gabi pero madalas ay natutulala ako. Naiinis ako pag naaalala ang dahilan kung ba't kami naging ganito.


Parang naging kami ulit pero nagbago na lahat.


Kalagitnaan ng second semester ko ay masyado akong nababad sa pag-aaral. Kung hindi man ako nagbuburyo sa kwarto sa paggawa ng designs ay late na akong dumarating.


Isang beses, nakita ko si Ren na nakatungo sa hagdanan. Sa tabi niya ay may box. May bulaklak siyang hawak at may mga lobo sa kanyang likod. Bumagal ang aking paglalakad. Ilang segundo akong natigagal sa ayos niya nang mag-angat siya ng tingin. Pagod siyang ngumiti sa akin bago tumayo. Nag-alangan ako lumapit.


"Nag-alala ako. Gabi na, wala ka pa rin."


Umiwas ako ng tingin at naglakad papuntang pintuan. Nilagpasan ko siya. "Lagi naman akong ginagabi lately."


"You forgot." Bulong niya sa aking likod. Humarap ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Can I. . .celebrate my birthday with you?"


Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Saka ko lang naalala kung ano ang date ngayon. Nanikip ang dibdib ko at napalunok. Today is his birthday. I forgot his birthday.


Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapalag. Wala akong lakas para tumanggi.


"Kahit ngayong gabi lang, pwede bang kalimutan mo lahat ng kasalanan ko? Pwede bang bumalik tayo sa dati kahit ngayon lang?"


Namalayan ko na lang na umiiyak na ako. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi ko na 'yon pinansin. Umangat ang aking kamay para yakapin siya pero bumagsak lang ulit iyon sa aking gilid.


The next moment is a blur after he kissed me. It was a light and careful kiss. Parang natatakot siyang pilitin ako kaya masyadong marahan 'yon. Mag-iisang taon na nang huli ko 'tong naranasan. The softness of his lips was very familiar. My heart is aching. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagngungulila ko sa kanya o dahil may kinikimkim pa rin ako hanggang ngayon.


The next day, I woke up beside him. Nakayakap siya ng mahigpit sa akin na parang ayaw akong pakawalan. Halos isang taon na rin nang huli kaming nagkatabi at nagkayap ng ganito. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha at pinadaan ko ang daliri ko sa stubbles niya na tumutubo na. His features became more mature. He turns 22 yesterday. My Ren is now a man.


Napapikit ako nang maramdaman kong maiiyak na naman ako. Maybe, it's time for me to forgive him. It's time for me to give him a second chance.


"Beh." Napadilat ako nang magsalita siya. Dumaloy ang mainit na luha sa gilid ng aking mata. Pinunasan niya 'yon gamit ang likod ng kanyang palad. "Sorry."


Niyakap ko siya ng mahigpit pagtapos at naramdaman kong natigilan siya bago gumanti ng masmahigpit na yakap. "Thank you." Bulong niya.


Pinipilit ko ibalik sa normal ang lahat. Ang pakiramdam ko ay bago ulit kami at nagsisimula mula sa pinakaumpisa. Nakararamdam ako ng hiya pag nagiging clingy siya. Minsan napapadasal na lang ako na sana ay hindi ako bumigay.


"B-Bakit hindi ka na lang umuwi ngayong semester? Sayang naman. October na. Baka pwede ka pa mag-enroll sa susunod na semester." Sa wakas ay nagkaro'n ako ng lakas na sabihin 'yon. Nagluluto ako ng makakain namin. Yumakap siya sa aking likod.


"Hindi na. Hihintayin na lang kita grumaduate." Huminga siya ng malalim. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa baywang ko. "Sorry, beh. Kung hindi tayo magkakasabay."


"Sayang naman." Kumakabog ng malakas ang puso ko dahil iba ang nasasabi ko sa gusto kong iparating. Ang totoo ay ayoko siyang umalis. Paano pag nagkita ulit sila nung Georgia?


"Gusto mo ba akong umalis?" Hinarap niya ako at sinandal ako sa sink. Hindi ako makasagot. Hinawakan niya ang mukha ko at pinilit akong tumingin sa kanya. "Tell me the truth. Gusto mo ba akong umalis?"


Kinagat ko ang aking labi at marahang umiling. Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha habang unti-unting inilalapit 'yon sa akin.


"Then, I won't. I won't unless you force me."


Nagtapos ang second sem ko at pumasok ang pinakahuling semester na kailangan kong kompletuhin. Halos magtatalon ako nang malamang wala akong naibagsak. Isa na lang. Konting-konting paghihintay na lang.


Isang beses ay dumalaw ako sa private center kung saan nagtututor si Ren ng mga middle school. May kausap siyang babaeng foreigner at nakikipagtawanan siya rito.


Parang may kung anong sumabog sa loob ko. Gusto ko sumugod kahit wala naman akong nakikitang mali. Bumalik yung takot na akala ko'y naibaon kong mabuti. Yung takot na maagaw siya sa akin, iwan niya ako at pumili siya ng iba. Yung takot na baka may magustuhan na naman siya. I got traumatized. Kinain ako ng panibugho sa simpleng eksenang nakita ko. Nang makita ako ni Ren ay tumakbo ako agad palabas ng center. Hindi niya ako naabutan dahil agad akong nakasakay.


Pagdating ko ng apartment ay kulang na lang ay sumigaw ako sa galit. Umupo ako sa sofa at pilit na kinakalma ang aking sarili. Ilang minuto lang ang pumasok si Ren na humihingal.


"Rhea, what's wrong?" Bungad niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. "Ba't ka tumakbo-"


"Who is she?" Hindi ko siya pinatapos. "Yung kinausap mo kanina, who is she?"


"She's just my workmate-"


"Kasama ba sa trabaho mo na makipagtawanan sa kanya?"


Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Are you jealous?"


"Hell, I'm not!" Namula ang mukha ko sa galit. "I was pissed, Ren! Ba't ba nakakaya mo lumapit sa ibang babae? Ba't hindi ka na lang lumayo?"


Nanlaki ang mata niya at tila nawindang sa sinabi ko. "Are you. . .doubting me?"


Natahimik ako. Tinalikuran ko siya pero hinarap niya agd ako nang mahablot niya ang aking braso. "Akala ko ba tapos na 'to?"


"Akala ko rin tapos na! But what can I do, Ren? Natakot ako! Natatakot ako kasi masyado na akong dependent sayo! Paano pag nangyari ulit 'yon? Paano pag nagkagusto ka na naman sa iba? Paano ako?"


"Rhea, you have to trust me!" Sumigaw na rin siya. Kitang-kita ang frustrtation sa kanyang mukha.


"I want to! Pero hindi ko magawa kasi nasayang na yung tiwalang binigay ko sayo noon-"


"So, it's still the old issue?" Huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. Nanghihina akong napaupo.


"Hindi kita masisisi kung isusumbat mo sa akin 'yan. 'Coz it's true." Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya. "Pero hindi ko na alam kung ilang beses pa akong magpapaliwanag."


Explaining is a waste of time. Lalo na pag hindi mo kayang lunukin ang totoong rason kung ba't 'yon nangyari.


Hindi 'yon ang pinakamalala naming away dahil may mga sumunod pa. Unti-unti na akong natatauhan sa pagbabago ko. Nagiging possessive ako sa kanya at lagi kaming nag-aaway pag nakikita ko siyang may kausap na iba. Hanggang sa hindi ko na makayanan ang mga pagbabago. Gusto ko na bumitaw. Sawa na ako magselos. Hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko ay napakarami kong kaagaw sa kanya.


"Ba't hindi ka na lang umuwi ng Pilipinas? Find Georgia and-"


"Fuck!" Napaigtad ako nang suntukin niya ang pader. "Kung si Georgia ang mahal ko, wala sana ako ngayon dito. I won't chase you, I won't beg for chance and I won't waste a year to be with you!" Namumula na ang kanyang mata. "Rhea naman. Ba't ka pa ngayon bibitaw?"


"Ren, I'm changing because of you-"


"Damn those changes, Rhea! I learned to love you in a hardest way! Wala akong pakialam kung ilang beses ka pang magbago. Ba't hindi mo kayang isugal lahat? Bakit kailangang maghesitate ka?" Mapait siyang tumawa. "Ako na lang ba ang nagmamahal?"


"Yes." Bulong ko na nagpatigil sa kanya. "Baka nga ikaw na lang. 'Coz I'm tired, Ren. I'm so tired."


Umawang ang kanyang bibig. Maski ako ay natigilan sa mga nasabi kong salita. Mahabang sandali ang lumipas bago siya nagsalita.


"Sumusuko ka na? Ngayon pa ba?" Marahan ang pagbigkas niya sa mga salita. Napapikit ako ng mariin. "Sawa ka na ba sa akin? Kasi ako, kahit nagkagusto ako sa iba, hindi ko masasabing nagsawa ako sayo. Hindi ako nagsawa kakahabol. Hindi ako nagsawang magmakaawa. Hindi ako nagsawang masaktan kasi ikaw 'yon, eh. It involves you. My world revolves on you." Mariin niyang sabi.


"What about me, Ren? Kailangan ba nakakulong lang din ako sayo?"


Tumitig siya sa akin ng matagal. Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha. He's teary-eyed.


"I always give you the choice, Rhea. No matter how painful it is." Basag ang kanyang boses. Sumandal siya sa pader at yumuko. "But please, don't give up on us."


I'm sorry, Ren. I'm really sorry. Sobrang sakit na. Hindi ko na kayang indahin. How I wish I could turn back the time, do'n sa panahon na hindi tayo ganito. On our teenage days. Yung puro saya lang.


"I'm giving up, Ren." Hinang-hina akong tumayo.


"Please. . ."


Umiling ako at tinalikuran ko siya. "Bumalik ka na ng Pilipinas."


It happened two weeks before my graduation. Buong gabi kong iniyakan ang nangyari. I pity him. I pity myself along with the guilt. Hinahanap ko yung pagmamahal pero hindi ko na makapa 'yon. Not as high as before. Pakiramdam ko ay wala na talagang pag-asang maibalik ulit ang lahat sa dati.


The next days were empty. There's no Ren at my doorstep. Nakakapanibago. May mga pakakataong hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsilip sa bintana. Hindi madaling burahin ang mga nakagawian kong gawin habang nandito siya.


Natapos ang Finals at nakarating sa akin ang balitang makakagraduate ako. Nung araw na kuhaan ng toga, nagulat ako nang makita ang set no'n sa labas ng pintuan ko. Nakalagay 'yon sa sealed plastic at may note sa itaas.


May kutob na agad ako kung sino ang kumuha. The last strike of pain stabbed me after I read the note.


'I guess you don't wanna dream with me anymore. Still and all, I know you can reach your dreams without me. You're a brave girl. How I wish I could do the same. Advance happy graduation. I'll miss you.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top