CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
#SAT9S
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
Tulala ako sa practice kinabukasan. Hindi ako maka-get over sa game na 'yon. Pag-uwi ko sa dorm kinahapunan, nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Pilit na winiwisik ang damdaming hindi ko mawari kung ano.
Hindi ko maipaliwanag yung kaba. Ba't gano'n? Para saan 'yon? Hay, ewan. May parte ng isipan ko na gustong malinawan ngunit ang kalahati ay takot sa maaaring kong malaman. Ngayong lang 'to nangyari sa akin at hindi ko ito kayang pangalanan. Kung anuman ito, gusto ko na umurong ngayon palang.
May gumulong na bola sa paanan ko. Pinanuod ko ang paggulong no'n hanggang sa tumama iyon sa paa ko.
"Manager." Tumaas ang tingin ko kay Ervis na nakakunot ang noo. "Puyat ka ata, ah? Mukha kang lutang."
Huminga ako ng malalim at niyakap ang cardboard ng hawak ko. "Walang 'to. Marami akong ginawa kahapon." Pag-a-alibi ko.
"Yeah, yeah." Umiling siya. "Tinakasan mo kami. CR pala, ah?"
Inirapan ko siya. "Gusto ko magpahinga."
"Napakalaki mong sinungaling. Marami raw ginawa tapos gusto magpahinga? Alin do'n ang totoo?"
"Pake mo?" Pananbla ko. Tinuro ko ang bench. "Do'n ka nga. Makita ka ni coach rito, masasabon ka no'n. Makikita mo ang hinahanap mo."
"Second set pa kami. Huwag ka ngang masungit dyan. Kabisado mo ang drills and turn namin."
Hindi na ako sumagot. Pinanuod ko ang depensa ng unang set. Ito talaga ang minamaster ng team since puro big man ang mga players. More on defense ang focus namin. We keep the opponent's score lower than what we got. Kaya masbentahe namin ang low scoring game. Pero dati pa pinag-iisipan na Coach Dren na mag-step up kami sa offensive play at i-improve ang skills ng players from man to man defense into pick-and-roll. Pero bago 'yon kailangan namin ng dagdag na shooting guard or small forward players.
"Manager."
"Ano na naman?"
"Nakikita mo naman kung anong kulang sa team, di ba? Kaya hindi tayo nakakapasok ng Finals."
Nakakapasok kami ng Semis pero laging kinakapos sa huli. Five years na ang nakalipas nang huli kaming makapasok sa Finals at nine years na nung huling makatikim ang university namin ng championship.
"Wala naman akong say ro'n."
"Meron. Malakas ka sa kanila." Nginuso niya ang mga coaches na tahimik na nanunuod. "Sa totoo lang, ayoko grumaduate ng hindi nakakatikim ng championship."
Fourth year na 'tong si Ervis at hanggang next year na lang siya rito. Meron na lang siyang one year para makapag-ambag sa team.
"Interesado akong ipakipag-usap kay coach yung lalaki kahapon-"
"Ervis!" Nilingon ko siya sa nanlalaking mata. "Hindi naman gano'n kadali 'yon. Tapos na ang try-outs. Unfair sa mga bagong salta at mas lalong unfair sa inyo. Papalapit na ang league at imposible 'yang suggestion mo."
Nagkibit siya ng balikat. "Iintindihin ko pa ba ang unfair side kung 'yon yung paraan para mapalakas ang team natin? Para 'yon sa buong school. Ten years na ang tayong walang championship. We need more guards. Aminin mo, walang masyadong improvement ang opensa natin this year. We rule defensively pero hanggang do'n lang."
"Second set. Line up!" Tawag ni Coach Dren. Agad na nag-jog si Ervis patungo sa court. Napabuntong hininga naman ako.
Ervis is right. Nakakahiya naman kasing magmarunong sa mga masnakakataas sa amin. Ano lang ba ako? Assistant. Gusto ko rin magchampion kami. Sino ba namang aayaw sa gano'n?
Bumalik sa isip ko yung game kahapon. He's really good. I've seen him play against the good ones. Mga Engineering student na palaging nagdodominate sa mga panlalaking sport activities. Ang alam ko, may blow-out na naganap sa department namin kasama ang mga players na naglaro.
If only we could get him . . .
Napahilamos muli ako ng mukha. Ba't ganito ako mag-isip? Paano kung ayaw niya? Paano kung libangan niya lang ang basketball at hindi siya yung tipong pangmalakihang tournament? Paano kung swerte lang talaga siya kahapon?
Masyadong advance ang mga tanong ko, eh hindi pa nga alam kung makakalusot talaga siya sa team! Isa pa, kung gusto niya talagang makapasok sa team noon palang, eh di sana nagtry out na siya. With that skill and attitude, makakalusot siya.
Aaminin ko. I admire the way he plays. Hindi ko talaga inakalang kaya niya maglaro ng basketball. Well, I know he's a guy at parang automatic na 'yon considering na matangkad siya pero hindi ko inakalang gano'n kagaling. I admire the way he thinks. Nung magkaklase kami, may mga masmatalino sa kanya but for me, he's the most logical. Pag nagsalita siya, walang nonsense. Siya nga ang pinambato namin sa debate at nagpanalo sa amin nung first year pa kami. I admire the attitude he has kahit hindi kami naging close. I've seen the gentleman in him nung tinulungan niya ako sa train. I've seen the boy in him whenever he grins whenever he would teasingly say my name. And just yesterday, I've seen a man who can shoulder a team into a victory. Imagine those kind of traits into one person, mapapamura ka sa pagkaturn on.
Parang mas lalong tumaas ang tingin ko sa kanya pero hanggang do'n lang ba ako sa admire? Nakakakaba. Sana nga hanggang do'n lang dahil ang mga ganyang klaseng lalaki ay masyadong ideal. Napakaimposible. Nakakatakot dahil aasa ka dahil walang pag-asa kaya kinastigo ko na ang sarili ko.
Hanggang admire ka lang, Georgia.
"Sama ka sa amin, Manager." Niyaya ako ngmga players sa party ni Trav. Birtday kasi nito next week.
"Titignan ko." Sagot ko habang nililigpit ang mga bola. Biglang may umakbay sa akin at muntik na akong sumubsob sa cart dahil sa bigat ng braso na 'yon. "Ano ba namang-"
"Huwag mong tignan. Gawin mo. Sayang, eh. Lagi ka namang ganyan. 'Titignan ko, titignan ko.' Puro ka 'titignan ko.' Puro ka palusot." Si Kenedic 'yon.
Pinalo ko ang braso niya. "Ano ba? Yuck! Yung pawis mo, kakapit sa uniform ko." Pinunasan ko ang batok ko at inirapan siya.
Nagtawanan ang mga players.
"Ang sarap inisin ng mga manager natin, 'no?" Natatawang sabi naman ni Ervis. "Kapag naiinis, nagtataray. Pumapasang babae."
Naghalakhakan na naman sila. Nag-apir pa si Ervis at Kenedic.
"Mga bwisit." Parinig ko sa kanila bago tinulak ang cart sa storage room.
Pero nang dumating ang araw na 'yon, hindi talaga nila ako pinalusot. Isang linggo ang nakalipas halos bulabugin nila ang building kung saan ako naka-dorm.
"Ano ba! Bitawin niyo ang braso ko!" Panay ang palag ko sa kanila. Sila Marco at Leo ang nakahawak sa akin.
"Manager naman, huwag ka magpahard to get." Sabi ni Marco.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sisigaw ako rito! Bitawan niyo ako!"
"Nang ano? Sisigaw ka ng rape? Wala namang maniniwala sa'yo. Hindi naman ikaw yung tipong pwedeng halayin." Sabat ni Leo.
"Ulol ka!" Tinapakan ang paa nilang dalawa. "Sasama na ako, okay? Putangina."
Pinakawalan nila ako at ako na ang naunang magmarcha palabas ng building. Nakita ko ang dalawang magkasunod na van na natitiyak kong sa mga players. Pinukpok ko ang pinto ng driver's seat. Agad na bumukas 'yon.
"Ano ba 'yan, George! Pag nagasgasan 'tong kotse ko, pagbabayarin talaga kita." Nakita ko kaagad ang nakakainis na mukha ni Kenedic na ngayo'y mapormang-maporma. Nakataas ang buhok at nakapolo. Napatingin ako sa suot kong board shorts, printed-shirt at tsinelas. Wala pang suklay-suklay. Ay, puta talaga.
"Basta sugod naman kayo! Hindi ba pwedeng magbihis muna ako!"
"Huwag na. Okay na 'yan, Manager." Sagot ni Nathaniel na nakaupo sa driver's seat at mukhang busy sa pagtitext dahil halos sumubsob na ang mukha nito sa cellphone.
"Anong 'okay?' Tignan niyo nga ang suot niyo sa suot ko?"
Sumenyas si Kenedic. Kumunot ang noo ko. Para saan 'yon? Naramdamam ko na lang ang pag-angat ko sa lupa at pagbukas ng kotse. Bago pa ako nakasigaw ay may tumakip na sa bibig ko. Napapikit ako at pagdilat ko ay nasa loob ako ng kotse at umaandar na 'yon. Pinaulanan ko sila ng mura at tinawanan lang nila ako.
"Ayoko bumaba!" Sigaw ko sa kanilang lahat nang marating namin ang bahay ni Trav. Sumilip ako at malaki 'yon. Napangiwi ako dahil mga nakabihis ang lahat. Ako lang ang mukhang taong-bahay! "Badtrip naman kasi kayo, eh. Pagsasakalin ko kayo mamaya!"
"Huwag na maarte, Manager."
"At ako pa ngayon ang maarte?"
"Alangan namang kami? Tara na!" Hinila ni Kenedic ang braso ko. Gusto ko na siyang kalmutin! "Huwag na kasing mag-inarte!"
Nag-aaway pa rin kaming dalawa nang makalabas ako. Pinagpasalamat ko talagang matatangkad ang mga 'to kaya kahit papaano ay natakpan ako.
"Takpan niyo ako! Mukha akong basura! Pag napahiya ako rito, papahirapan ko kayo sa mga drills niyo!"
"Takpan si Manager!" Nagsiksikan sila at nasandwich ako sa gitna. Pabulong ko silang minura.
"Sabi ko takpan! Hindi patayin! Mga gago, hindi ako makahinga!" Reklamo ko na tinawanan lang nila.
Nakapasok na kami sa loob ng bahay pero hindi ko masyadong makita ang loob no'n dahil sa malalaking 'harang' na nasa tapat ko. Maganda ang ceiling at pansing may kaya talaga ang mga nakatira rito. Napahinga ako ng malalim. Bigla ko tuloy na-miss ang bahay namin.
"Anong binubuntong hininga mo dyan?" Bulong ni Kenedic sa likod ko.
"Wala kang pake."
"Maldita mode on, again?"
Hindi ko na siya pinansin.
"Trav, happy birthday, dude!" Sunod-sunod na pagbati ang narinig ko. Pinilit kong sumilip sa harap at nando'n na nga si Trav. May mga natatanaw akong mga bisita. Gusto ko na lang lumubog ng tuluyan nang makitang hindi talaga nababagay ang suot ko rito. Pinagkukurot ko ang mga katabi kong players at sunud-sunod silang napadaing.
"Ano ba 'yan, Manager!" Kunot noo nila akong tinitigan.
Inirapan ko silang lahat. "Iuwi niyo na ako! Ma-a-out of place lang ako rito!"
"Paanong ma-a-out of place, eh kami ang kasama mo?" Inakbayan ako ni Marco? What's wrong with these people? Mukha ba akong tagasalo ng mga braso nilang mabibigat?
Mabilis kong inalis ang braso ni Marco. "Ayoko ng inaakbayan ako. Gusto mo bang mabalda? Sabihin mo lang." Warning ko sa kanya.
"Huwag ka na kasi, dude. Ako nga lang daw ang may karapatan." Si Kenedic naman ang pumalit. Inalis ko rin 'yon. Sisinghalan ko sana siya pero biglang nagsalita si Trav na nasa harap ko na pala.
Nakangiti ito at naka muscle-tee at fitted pants. Nakataas ang dyed nitong buhok at nakangiti rin ang mga mata nito. Sa tagal ko na naging assistant nila, masasabi kong si Trav ang pinakamabait sa mga players. Tahimik, hindi mareklamo, palangiti, minsan nakikisakay sa kalokohan ng nga kateammates niya pero medyo may pagkamisteryoso rin. Sa sobrang tahimik ng isang 'to, hindi ko siya masyadong naging close dahil madalang ko siya makausap.
"Binubully niyo na naman si Manager." Naiiling na sabi ni Trav habang nakangiti.
"Kami kaya ang binubully niya." Sabat ni Nathaniel. "Nagkasugat ata yung kinurot mo, Manager."
Hindi ko siya sinagot. Na-conscious ako kasi nakatingin sa suot ko si Trav at mukhang amuse pa siya.
"Pasensya ka na. Kinidnap kasi ako ng mga walang hiyang teammates mo kaya ganito lang ang suot ko."
"No problemo, Manager. Sanay naman na kami sa ganyang get-up mo." Ginulo niya ang buhok kong buhol buhol na ata ang hibla. Tinaliman ko ng tingin si Trav. Mas pinagmukha niya lang akong bruha.
Niyaya niya kaming kumain sa malawak nilang garden. May mga tables at buffet style. Ang iingay ng mga players. Tumabi talaga ako kay Trav.
"Gusto ko na umuwi. Kainis." Para akong batang nagmamaktol. May natatanaw akong mga volleyball girls sa isang mahabang table. Nagtatawanan ang mga 'to. Lahat sila ay puro maiiksi ang suot. Napa-poker face ako. "Hindi mo ako in-inform na dapat pala naka-short shorts at mini-skirts ang mga babae sa birthday mo. Hindi na lang sana talaga ako pumunta."
Natawa si Trav. "Huwag ka ngang ganyan, Manager. Iba ka naman kasi. You're one of us." Nginuso niya ang mga kateammates niyang naglalaway na ata sa mga legs nung volleyball girls. Parang gusto ko talagang pag-untugin sila ng sabay-sabay.
Hindi ko alam kung dapat ko ikatuwa ang sinabi ni Trav. I don't want to be with boys pero sila ang kasama ko. Nasanay na lang ako dahil dito ako kumikita. Kaya kong pagtiisan dahil gustong-gusto ko ang basketball pero hindi ko gustong-gusto ang mga lalaki.
Umupo ako sa tabi ng mga players. Ako lang ang babae ro'n. Sila na ang kumuha ng pagkain ko. Tahimik lang ako kahit mukhang nag-e-enjoy na sila at tawa na sila ng tawa. Nakapangalumbaba ako habang hinahalo ang icetea ko.
"Ilang taon ka na, Trav?"
"Nineteen." Nakangiti niyang sagot.
"Magka-edad na pala tayo."
"Oh? Nineteen ka na?"
"Wala ba sa mukha?"
"Wala. Akala ko seventeen ka palang."
"Huwag mo akong pinagloloko." Ininom ko ang iced tea. Pinagmasdan ko ang mga volleyball players na papalapit sa table namin. "Zombies are approaching. . ."
Natawa si Trav. "Allergic ka ba sa ganyan?"
"Hindi naman. Nakakasuya lang." Pinagmasdan ko sina Ignacio at Braxtyn na star player na volleyball team namin. Nadala nila kami sa championship last year pero 1st runner-up lang kami sa league. Magaganda, mahahaba ang legs at talagang may maibubuga sa volleyball kaya sikat na sikat sila maski sa labas ng university.
"Mga kaibigan mo rin pala sila."
"Sino?" Tanong niya.
"Sila Ishi Ignacio at Rie Braxtyn. Lahat ata ng volleyball girls nandito."
"Hindi ako ang nag-imbita sa kanila. Yung kaptid ko, kakapasok lang ng volleyball team kaya nandito sila."
"Ahh." Nanahimik na ako nang papalapit sa amin si Rie Braxtyn. Siya lang naman ang MVP last year. Idol 'to ng karamihan pero nakakaintimidate siya dahil parang ang taas ng kanyang lebel.
"Happy Birthday, Trav." Humalik siya sa pisngi ni Trav at napaiwas ako ng tingin. Bumaling ako sa kanan at napanganga ako nang makitang nagtatawanan na halos lahat sila. Kasama ni Kenedic si Ishi at mukhang nagkakapalitan na ng number. Napapikit ako ng mariin. Sinasabi ko na nga ba.
"Trav, saan CR niyo?"
"Kumaliwa ka lang." Natatawa niyang sabi. "Escape mo talaga ang CR, 'no?"
Hindi ko na siya sinagot. Basta, gusto ko lumayo ro'n. Naglibot-libot ako sa bahay. Wala namang sumisita sa akin kaya tingin ko ay okay lang.
"Manager, ba't pagala-gala ka na naman?" Napaigtad ako nang may sumita sa akin sa likod. Humarap ako at tumambad sa akin ang pawisang si Ervis at naka-jersey pa. Nakapamewang siya at may hawak na bola.
"Rest day tapos nagbasketball ka?"
"Gano'n talaga." Akmang aakbayan na naman ako pero agad akong lumayo.
"Ano ba! Tigil-tigilan niyo nga ang pag-akbay sa akin. Parang napakagaan ng mga braso niyo."
Natawa siya. Lumagpas sa kanyang likod ang tingin ko. Ang inis ko ay napalitan ng pagkalito at nahaluan ng pagkamangha hanggang sa napaawang bibig ko.
"Hi." Ngumiti siya sa akin.
"Pre, assistant ng Manager namin pero masmalupit pa 'yan sa Manager kaya gano'n ang tawag namin sa kanya. Si George. George, si Ren Delgado. Remember, yung game weeks ago?"
Hindi ako nakapagsalita agad. Napalunok ako. Para akong itinulos sa aking kinatatayuan.
Tumango-tango siya at hindi nawawala ang tingkad ng kanyang ngiti. Nakajersey rin siya tulad ni Ervis pero hindi siya pawisan. Parang si Ervis nga lang ang nagpagod sa kanila. "Namumukhaan kita pero hindi ko maalala ang pangalan mo. George? Georgia? Naging classmate tayo, di ba?"
Napatango ako ng sunud-sunod. "O-oo."
Nagmamasid ng mataman si Ervis at naningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"Tara, pre. Pakilala kita sa mga teammates ko. Birthday nung isa sa amin, eh."
Tumango si Ren at sabay silang tumalikod ni Ervis. "Manager, sama ka na."
Para akong aso na napasunod sa kanila. Napatitig ako sa likod ni Ren. Ibang jersey na 'yon at hindi 'Delgado' ang nakalagay kundi 'Marval' pero 9 pa rin ang number.
Pinagpapawisan ako ng malamig. Nanginginig ang mga daliri ko. Hindi niya na naaalala ang pangalan ko. Namumukhaan niya lang siguro ako kaya nginingitian niya pa rin ako pag nagkakasalubong kami sa hallway. Parang may kumurot sa dibdib ko at napakagat ako sa aking labi. Pumikit ako at humingi ng malalim.
Umupo ulit ako sa pwesto ako sa inuupuan ko kanina. Pinagmasdan ko ang mga pagkain ngunit malayo ang nararating ng pandinig ko. Sunud-sunod na pinakilala ni Ervis ang mga kateammate niya kay Ren. Nang isama ang mga volleyball girls ay parang gusto ko mainis.
Ano ang karapatan kong mainis?
Katabi ko si Rie at Ervis. Malapit lang din sa amin si Kenedic at Ishi. Nasa pinakadulo si Ren at nakikipag-usap kay Trav.
"Hindi mo sinabi na naging kaklase mo pala siya? Ang sabi mo, hindi mo siya kilala." Nag-aakusang sabi ni Ervis sa akin.
"Hoy." Nilingon ko si Ervis at pinaningkitan ng mata. "Wala akong sinabing hindi ko siya kilala."
"Pero sana inform mo ako na kilala mo pala. Sa ating dalawa, ikaw ang may chance na lumapit. Kailangan ko pa tuloy gumamin ng koneksyon." Napapailing niyang sabi. Uminom siya ng tubig nang hindi ako hinihiwalayan ng tingin.
"Malay ko ba kasi?" Naiinis kong bulong.
"Di ba siya yung nagpanalo sa Educ? Tinambakan nila ang Engineering." Sabat ni Rie.
"Yeah, balak nga naming kunin." Sabat naman ni Kenedic sabay tingin sa akin.
"Talaga?" Magkasabay na sabi ni Rie at Ishi.
"Pero hindi pa sure." Mabilis na tugon ni Ervis.
Nilingon ko siyang muli. "Saan nga pala kayo galing? Niyaya mo siya maglaro?"
Ngumisi ang team captain. "The guy is really good, George. Kayang makipag-one on one. Hindi lang halata but he's a daredevil. Mas napagod pa nga ata ako kaysa sa kanya."
"Matanda ka na kasi." Paingos kong sagot. Alam ko naman. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong magaling talaga ang Ren Delgado na 'to. He plays with finesse. May leadership.
"Kaklase ko siya sa Analytic." Sabi naman ni Ishi. "Tahimik lang. Matalino pero misteryoso. Pili lang ang kinakausap." Nilingon niya si Ren na nakikipagtawanan na sa mga players. "Pero marunong naman pala makisama."
I agree with her. Parehas lang pala kami ng description ni Ignacio sa lalaking 'to.
"I'm going to talk with Coach Dren. Magpapasama ako sa'yo, Manager." Tinapik nito si Kenedic na kanina pa nananahimik. "Ikaw rin, dude."
"I wonder if he has a girlfriend." Nakapangalumbabang tanong ni Rie na mukhang nagdidaydream na kay Ren. Muntik na akong mapairap.
"Wala siyang girlfriend." Sagot ni Ishi.
Kumunot ang noo ko. Gusto ko sumigaw ng 'meron' pero nagpigil ako at nanatiling tahimik.
"Imposible." Patuyang sabi ni Kenedic. Sarap supalpalin ng isang 'to. Ano bang problema niya?
"Wala nga. Marami akong classmate na nagkakagusto dyan. Dati pa nila tanong 'yan kaya alam ko ang sagot." Pagmamalaki ni Ishi.
Natulala ako. Nakaupo lang ako rito pero parang mababaliw ako.
Is it true? Parang hindi ko gustong maniwala. Then, I realized na parang lately mag-isa na lang siya naglalakad sa hallway. Bumalik ang hindi mawaring kaba sa dibdib ko. What happened to him and to that architecture student? N-nag-break na ba sila?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top