CHAPTER 27 : ENDS

#SAT9S



DEDICATED TO : JOYCE D. LIBRON



CHAPTER 27 : ENDS



Hindi ko pinaalam kay Ren ang pag-uwi ko sa Pilipinas. Dalawang tao lang ang napagsabihan ko. Si Kuya Rex at Shai. Inabisuhan ko pa si Kuya Rex na huwag ipaalam sa kahit kanino na nakaalis na ako ng New Zealand.


"Bakit naman ayaw mong ipaalam? May sosorpresahin ka ba?" Natatawang sabi ni Kuya habang nag-eempake ako. Pilit akong ngumiti. Nung nakaraang araw pa ako nagpupumilit na maging masigla. Tumatabang ang pakiramdam ko at pinipilit kong huwag ipahalata ni Kuya.


"Basta huwag mo na lang sabihin."


"Paano pag may tumawag sa akin? And what about Ren?"


"Just cooperate, Kuya. Gusto ko lang umuwi ng tahimik. Ako na ang bahala ro'n pagbalik ko."


"If that's what you want." Nagkibit na lang ng balikat si Kuya. "Ipaalam mo agad sa akin kapag lumapag na ang eroplano, okay?"


Tumango ako at pinagpatuloy ang pag-eempake. Nang lumabas ng kwarto si Kuya ay napatigil ako at umupo sa gilid ng aking kama. Tinignan ko ang mga gamit kong nakaladlad pa hanggang sa napatulala na lang ako ro'n.


Nagkakausap pa rin kami ni Ren. May kumukurot sa dibdib ko sa tuwing magrereply ako sa kanya. Tinatago ko ang nararamdaman ko. Natatakot akong baka mag-away kami. Hindi pa kami nag-aaway ng malala simula nang mapunta ako ng New Zealand at kung sakali mang may dapat kaming pag-usapan, hindi  ko gustong sa telepono lang. Gusto ko ng harapan. Gusto ko makita ang mukha niya para malaman ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.


Nagtitiis ako sa chat naming dalawa. Panay ang hinga ko ng malalim para hindi maging malamig sa kanya. Ayokong magduda siya. May oras para makapag-usap kami ng masinsinan at hindi pa 'yon ngayon.


Me : You okay? Kamusta ang practice mo.


Ren Delgado : It went well.


Me : Talaga? Excited na akong mapanuod ka ng basketball.


Wala sa loob na naihagis ko ang cellphone ko sa kama at kinuha ang aking unan para umiyak ro'n. Hindi ko alam kung paano ko nasasakyan ang pagsisinungaling niya sa akin. Ang bigat sa dibdib na alam ko yung totoo at hindi ko man lang siya makamusta. Gustong-gusto ko siya kamustahan at ang sakit sa pakiramdam na wala ako ro'n ng maaksidente siya.


Naalala ko yung chat namin ni Shai.


Me : Aksidente? Naaksidente siya? Anong klase?


Me : Hindi ko alam. Ba't hindi niya sinabi?


Nakakagat ako sa aking labi at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Gusto ko malaman ang totoo. Gusto ko makumpirma kung totoo ang sinasabi sa akin ni Shai.


Shairell Delgado : Nabangga ng van ang kotse niya. He was confined. Naoperahan siya dahil nadislocate ang balikat at may fracture sa braso.


Shairell Delgado : Hindi niya sinabi sayo dahil nag-aaral ka. He doesn't want to distract you. I can understand that. Pero yung tungkol sa babae, hindi ko matanggap.


Napatulala ako ilang segundo sa reply na 'yon. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Hindi ko alam kung ano yung mas iindahin ko. Yung sobrang pag-aalala ko sa kanya o yung sakit sa hinala ni Shai. Matagal na sandali ang lumipas bago ako nakapagreply.


Me : I don't know what to say.


Binitawan ko ang phone ko at pinunasan ang luha kong hindi matigil-tigil sa pagpatak. Tinakip ko sa aking mukha ang kamay ko at umungol sa sakit. Parang may pinipipi sa kaloob-looban ko.


Kaya ko sanang indahin yung pagsisinungaling kung ang totoong rason ay para hindi ako mag-alala at hindi ako madistract sa pag-aaral pero yung ideya na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapaalam ni Ren ang kondisyon niya, 'yon yung nagpapabigat sa loob ko.


Shairell Delgado : Sorry. Dapat sa kanya mo 'to marinig but I have this feeling na hindi niya sasabihin sayo unless umuwi ka or pumunta siya dyan. I can't take it. You're my friend.


Me : Kailan pa ba 'to?


Shairell Delgado : Lagpas isang buwan na.


Napapikit ako. Lagpas ng isang buwan pero wala pa rin siyang sinasabi sa akin. Araw-araw kaming nagkakausap pero ni patikhim ay wala siyang sinambit para maghinala ako. Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman? Ren, why? Ba't kailangan mong patagalin?


Me : What about the girl? Kilala mo?


Parang huminto sa pagtibok ang puso ko. A bigger part of it doesn't want to believe Shai dahil malaki ang tiwala ko kay Ren at nakatatak sa isip ko na hindi niya ako lolokohin dahil mahal niya ako. Yes, mahal niya ako. Pero yung maliit na parte ay nag-aalangan at puno ng takot dahil baka totoo at hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling tama ang hinala ni Shai.


Shairell Delgado : Kilala mo ba yung Georgia?


Georgia? Inaalala ko pero wala ata akong kilalang gano'n.


Me : No.


Shairell Delgado : Kakausapin mo na ba si Ren?


Me : Hindi ko alam.


Totoo. Sa puntong 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kung uuwi pa ba ako o hindi na. Nakakawalang gana pero gusto ko malaman ang totoo. Ang puno't-dulo ng lahat ng 'to. Gusto ko pakinggan si Ren.


Shairell Delgado : Ano ang plano mo? Whatever it is, susuportahan kita.


Saka lang ako nakapagdesisyon. Mabilis na desisyon para makahanap ng masmabilis na solusyon.


Me : Uuwi ako. Don't tell Ren.


Ilang araw na ang nakalipas nang mapag-usapan namin 'yon ni Shai. Nag-uusap pa rin kami tungkol sa nalalapit na pagbalik ko nang Pilipinas. Binabalitaan niya ako kung ano ang nangyayari kay Ren kasabay no'n ang patong-patong na pagsisinungaling ni Ren sa akin, pinagtatakpan ang totoo niyang kalagayan.


Sa tuwing sasabihin niyang okay siya, parang binubugbog ako dahil alam ko ang totoo na hindi siya okay. Sa tuwing sinasabi niya na nagpapractice pa siya, napapapikit na lang ako. Bibitawan ko ng ilang minuto ang phone ko para mapigilan ang aking sarili na magalit.


Napanuod ko ang first game nila via streaming. They won but he didn't play. Hindi ko siya nakitang nakaupo sa bench. Nang itext ko siya nung araw na 'yon kung nasa'n siya ay nagreply siya sa aking nasa arena daw siya.


He must be telling the truth. Maybe he's one of the audience. I don't know. Nakababaliw mag-isip.


Bago ang flight ko ay tinext ko muna siya.


Ako : Ren, hindi muna ako makakatext sayo, ah? May aasikasuhin lang ako.


Ren : About what?


Ako : About school.


Tulala ako habang naghihintay ng pagtawag ng passengers. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Para kaming naglolokohan nito. Nagsinungaling siya sa akin, nagsinungaling din ako sa kanya. Tinago niya ang totoo niyang kalagayan, tinago ko rin ang pagbalik ko sa Pilipinas.


Muntik na naman akong mapaiyak nang makasakay na ako dahil napagtanto kong hindi healthy ang ganitong relasyon. Ba't kung kailan masmaikili na lang ang hihintayin namin ay saka naman dumating ang ganitong klaseng problema?


Hindi maganda ang pakiramdam ko pagtapos ng lagpas kalahating araw na byahe sa himpapawid. Masakit ang ulo ko at hindi masyadong nakatulog kakaisip ng mga bagay-bagay.


Tinanaw ko ang mga placard na nakataas sa waiting area at natanaw ko kaagad si Shai na naka-fitted crop pants at crop shirt. May suot siyang sunglasses. Nang matanaw niya ako ay kumaway siya at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik at kumaway sa kanya.


Nang makalapit ako ay niyakap niya ako ng mahigpit.


"I miss you, Rhea." Bulong niya.


Tumango ako. "I miss you, too." Kumawala ako at pagod siyang nginisihan.


"Ngayon na lang ulit tayo nagkita pero mukhang stress na stress ka." Tinuro niya ang eyebags ko. Tinawanan ko na lang 'yon.


"Subsob sa pag-aaral, eh."


Ngumiti siya ng punung-puno ng unawa. "So. . ." Huminga siya ng malalim. "Mamaya na tayo mag-usap. Mukhang pagod ka sa byahe. Magpahinga ka muna. May dala akong kotse. Saan tayo? Sa bahay niyo?"


Marahan akong umiling. "Sa hotel na lang muna."


Kumunot ang noo niya. "Why? Ba't hindi na lang sa bahay niyo?"


"Saka, na lang. Pag do'n ako tumuloy, madaling kakalat na nakauwi na ako."


Napabuntong hininga kaming dalawa ay napailing na lang. "Okay. Let's go."


Habang nasa byahe kami ay nag-chat ako kay Kuya Rex na nakalapag na ang eroplano ko at sa hotel muna ako tutuloy. Sinabihan ko rin siyang huwag muna ipaalam sa iba na nandito ako sa Pilipinas. Nag-chat rin ako kay Ren. Hindi ko naman siya matitext gamit ang number na gamit ko sa New Zealand kaya chat na lang.


"Nagkakausap pa rin ba kayo ni Ren?" Biglang tanong ni Shai. Nilingon ko siya.


"Yeah."


"Inamin niya na ba sayo?"


Umiling ako at napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone. "Hindi ko alam kung bakit niya pinapatagal."


"I'm sorry." Bulong ni Shai. "Mali na pangunahan siya pero ayokong nami-misinformed ka. Kailan pa niya aaminin 'yon sayo?" Frustrated siyang napairap. "Saka ko na bubuksan ang topic na 'to pag nakapagpahinga ka na. Pagdating natin sa hotel, magrelax ka muna."


Tumango ako bago sumandal sa passenger seat. Pumikit at huminga ng malalim para pagaanin ang sariling pakiramdam. Sana maayos 'to agad. Umaasa akong maayos 'to agad.


Sa ilang taon na relasyon namin ni Ren, natutunan ko maging mature kahit papaano kaya papakinggan ko siya. Makikinig ako hanggang sa malinawan kaming dalawa. Makikinig ako kahit masakit.


Tinulog ko ang buong maghapon at hindi na nagising kinagabihan. Nang maalimpungatan ako sa mahabang pagkakatulog ay papasikat na ang araw. Nag-inat ako at tinignan ang phone ko. Merong panibagong chat si Ren.


Ren : I miss you. Hindi ko matawagan ang number mo. May problema ba sa linya, beh? Chat me back, please.


Humiga ulit ako sa kama bago nagreply. Nakakainis isipin na kaya niyang bawasan ang tampo ko sa konting lambing.


Napansin ko ang box na nasa round table. Lumakad ako papunta ro'n at tinignan 'yon. May note sa ibabaw ng box at napangiti ako.


"Shai like the old days." Usal ko habang binabasa ang nakasulat sa sticky note.


'Spare phone, so you can text me. May sim na rin dyan. Hindi na kita ginising ng dinner kasi ang himbing ng tulog mo. Call me when you wake up.'


Sa ibabang bahagi ng note ay ang phone number at pangalan niya. Binuksan ko ang box at kinuha ro'n ang bagong phone. Sinalpak ko ang bagong sim at sinave ang number. Nag-iisa lang si Shai sa contacts. Agad ko siyang tinext.


Ako : Hey, Shai. Rhea 'to. Just woke up. Call me.


Nakaramdam ako ng gutom kaya nagparoom service ako. Kumakain na ako ng breakfast nang magring ang phone na bigay ni Shai. Agad kong sinagot 'yon.


"Rhea."


"Hmm?"


"Ano ginagawa mo?"


"Kumakain ng breakfast." Pinunasan ko ang bibig ko at huminto sa pagkain. "What's the plan?"


"Gusto mo bang makipag-usap na kay Ren? Balak ko sanang sundan muna natin siya ngayong araw."


"Sundan? You mean, spy him?"


"Yes."


Napangiwi ako. Hindi ko kailanman inakalang kailangan ko 'tong gawin pero dahil gusto ko na ring pagbigyan si Shai ay pumayag na lang ako. "Okay. Maliligo lang ako."


"Sige. Pupunta na lang ako dyan." Pagtapos ay pinatay na niya ang linya.


Napatulala ako sa pagkaing nasa harap ko. Parang bigla akong nawalan ng gana. Kinagat ko ang aking labi. Umaasa akong magaan lang ang problemang 'to at mali si Shai. Sana ay mali.


Pero paano kung hindi?


Bumalik ang kaba sa dibdib ko nang maisip ko 'yon. Hindi ako mapakali nang nagdadrive na kami ni Shai sa university. Naka-dorm ngayon si Ren at nasa loob ng campus ang dorm. Nagpark kami malapit sa sasakyan ni Ren para makita namin kung aalis siya.


"Akala ko ba injured siya? Nakakapagdrive na siya ngayon?" Naguguluhan kong tanong.


Napairap si Shai. "Alam mong matigas ang ulo no'n at masyadong malaki ang ego. Ayaw tanggapin na hindi siya pwedeng magdrive, eh kaya naman daw niya."


Nag-init na ang pang-upo ko sa passenger seat at marami na rin kaming napag-usapan ni Shai nang bigla siyang bumulalas.


"Oh, my God." Nanlaki ang mata niya at lumagpas ang tingin niya sa salamin ng kotse. Naguguluhan akong napatingin sa aking likuran.


Una kong nakita si Ren na nakikipag-usap sa isang babaeng hindi ko masyadong nakita ang mukha dahil natatakpan siya ni Ren. Umawang ang bibig ko nang makitang pumasok silang dalawa sa kotse. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shai. Napalunok ako at muling tinignan ang kotse ni Ren na papaalis na.


"W-who's that?" Nauutal kong tanong.


"That's Georgia. I'm perfectly sure."


Alam ko na ang pangalan but what I mean is who is she for Ren? Ano sila ni Ren? Parang  sasabog ang puso ko sa kaba at nananakit ang dibdib ko sa bawat tibok nito.


"Sundan natin." Usal ni Shai na hindi ko na nabigyang pansin dahil sa dami ng tanong na nasa isipan ko.


Una silang pumunta sa ospital.


"Ano gagawin nila dyan?" Tanong ko kay Shai.


"Must be attending his check up. May session siya sa PT."


Do'n palang ay nasaktan na ako. Halos magbara ang ang lalamunan ko at panay ang tikhim ko para mawala 'yon.


 Palihim namin silang sinundan. Hindi ako makasunod ng maayos kay Shai dahil parang walang lakas ang tuhod kong humakbang.


"Come on, Rhea. Paano natin malalaman ang totoo kung hindi natin sila susundan?" Malumanay na tanong ni Shai. Namula ang mata ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Oh, God. Huwag kang umiyak." Nasa boses ni Shai ang awa pero pinilit ko ngumiti.


Pinapakalma ko ang aking sarili at tinatahan na rin ako ni Shai.


Rhea, don't conclude. Wala ka pang alam. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Maturity, please. Hindi 'to totoo.wmahal ka ni Ren. Mahal ka no'n. Hindi ka niya lolokohin.


Pinatalikod agad ako ni Shai at hinala sa isang sulok nang makita niyang palabas na ang dalawa. Sinundan muna namin sila ng tingin bago lumabas.


"Let's go."


Sa malapit na resto ay kumain sila. Halos itakip ko na ang mukha ko sa menu para hindi nila kami makita.


"We can't hear them." Frustrated na sabi ni Shai. Kinuha ko naman ang phone ko. Huminga ng malalim para i-chat si Ren. Pinalangin kong sana ay sumagot siya at magsabi siya ng totoo sa akin.


Me : Where are you, Ren? Busy?


Palihim akong tumingin sa kanya. Sumilip naman si Shai sa phone ko at nag-aanticipate rin ng irereply ni Ren.


Maya-maya ay kinuha na ni Ren ang phone niya at ilang sandali munang tinignan 'yon bago akn nakatanggap ng reply.


Ren : Hindi naman. Sa bahay lang ako.


Napapikit ako. "What?" Mariing bulong ni Shai.


Nagreply pa rin ako. Sinusupil ang galit at matinding selos na nararamdaman.


Me : Wala kang kasama?


Ren : Wala.


Muntik na tumayo si Shai. Agad ko siyang hinila paupo. "Tara na, Shai. Alis na tayo." Sinubsob ko ang aking ulo sa mesa. "Uwi na tayo, please. Ayoko dito."


Nakasasawa rin palang sakyan ang mga kasinungalingan. Mas matindi pala yung sakit pag harap-harapan mong nakita na nagsisinungaling siya sayo. I'm not use to this. Ang akala ko ba wala ng sekreto? Ba't ganito ngayon? Ba't pakiramdam ko ay may iba pang dahilan at natatakot akong aminin 'yon sa sarili ko.


Tumitingin na sa akin ang ibang costumer kaya pinunasan ko na ang luha ko. Halatang-halata ang galit sa mukha ni Shai na parang anumang oras ay susugod na. Hinintay lang naming umalis sina Ren bago kami lumabas ng restaurant.


Nagtagal kami sa isang bar restaurant mang sumapit ang gabi. May kumakanta sa stage na mas lalong nakakapagpatindi sa nararamdaman ko. Tulala na lang ako sa mesa at si Shai ay puro litanya.


'I see your face in my mind as I drive away 'cause none of us thought it was gonna end that way. People are people and sometimes we change our minds. . .'


"Dapat nilapitan na natin, eh. Dapat hindi na natin pinatagal. Nando'n na, oh. We missed the chance to confront him and that girl."


Umiling ako. "I don't have enough strength. Nakakapanghina pala yung gano'n." Inayos ko ang aking buhok. "Nakakapanghina pala yung patong patong na kasinungalingan tapos hinayaan mo lang." Nanginig ang boses ko at pilit na ngumiti.


"Kaya nga dapat hindi mo na hiyaan."


'Music starts playin' like the end of a sad movie. It's the kinda ending you don't really wanna see beause it's tragedy and it'll only bring you down. Now, I don't know what to be without you around. . .'


"Hindi ko kasi kayang lumapit." Tinakpan ko ang bibig ko at yumuko na lang. "Parang hindi siya si Ren. Hindi 'yon yung Ren na akin, eh."


'And we know it's never simple, never easy.

Never a clean break, no one here to save me. . .'


Naiyak na naman ako. Kanina pa ako umiiyak. Tumatama sa akin ang liriko ng kanta. Tila 'yon pana na tumatagos sa laman at buto ko.


Hinaplos ni Shai ang likod ko. "Tahan na. Kakausapin ko siya bukas."


"I don't wanna see him, Shai. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag nagkita kami. Natatakot ako sa magiging reaksyon ko, sa paliwanag niya. . .anong mangyayari sa aming dalawa?"


Hindi siya nakasagot at pakiramam ko ay mas lalo akong nalugmok.


'And I can't breathe without you but I have to. . . Breathe without you but I have to. . .'


Nakainom ako nung gabing 'yon. Hindi na ako umiinom. I can't recall when was the last time I got drunk. Hinayaan ako ni Shai dahil alam niyang gusto ko mamanhid. After drowning in wine, nalasing ako at nakatulog sa table namin ni Shai. Tanghali na nang magising ako. Hindi ko alam kung paano ako naihatid ni Shai sa hotel.


Suot ko pa rin ang suot ko kagabi. Ang sandals ko ay nasa tabi ng kama. Nakalapag ang dalawang phone ko sa side table. Napaungol ako nang makaramdam ng sakit ng ulo. Muli kong binagsak ang sarili ko sa kama at sinubsob ang aking mukha sa unan.


Then, I remember him. . .and his lies.


Wala akong ibang ginawa kundi  umiyak hanggang sa mapagod ako at wala ng luhang lumabas sa mata ko. Panay ang beep ng phone ko pero hindi ko pinapansin 'yon. Hindi ako kumain hanggang sa sumapit ang hapon.


Inayos ko ang gamit ko at napagdesyunan na uuwi na ako sa bahay ngayong gabi. Gusto ko makapagpahinga ng maayos.


Sunud-sunod na katok ang narinig ko sa pintuan. Iniwan ko ang bagahe ko para buksan iyon. I thought it was Shai. . .


Pero natigilan ako nang makita si Ren. Humihingal, pawis at tila pagod na pagod. Natigilan din siya nang makita ako. Nauna akong makabawi at tinalikuran ko siya. Binalikan ko ang bagahe ko at tinapos ang pag-aayos.


"Rhea." Pagsambit palang niya sa pangalan ko ay napapikit na ako. Huminga ako ng malalim dahil nag-iinit na naman ang aking mata.


Hinarap ko siya. Kinagat ko ng mariin ang aking labi para pigilan ang sariling magbitaw ng masasakit na salita.


Kailangan ko makinig. Kailangan ko rin siya pakinggan. . .


Tinitigan ko siya at nanlalabn na ang paningin ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong siko. Gusto ko magpumiglas pero tila nawalan na ako ng lakas para ro'n. Napatingin ako sa balikat niyang naka-cast at bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi.


"Nung nakaraang araw pa ako nakauwi. Nakita kita kahapon." Hindi ko na kayang tumingin sa mata niya. Hindi na nagpaawat ang luha ko sa pagbagsak. "Why, Ren? Why do you to keep it a secret? Ba't kailangan mong magsinungaling sa akin? Natatakot ka ba na baka hindi ko maintindihan?"


Napapikit siya. Idinikit niya ang kanyang noo sa akin. "Sorry."


Marahan ko siyang tinulak at kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya nang gawin ko 'yon.


"Sino siya maliban sa pangalan sa pangalang Georgia?"


Pumikit siya ng mariin. "She's just a friend."


Napangiti ako ng mapait. "Sinabi mo sa akin dati na do'n nagsisimula lahat." Nilabanan ko ang sakit na tumutusok sa buong sistema ko at tumitig sa kanyang mata. Hirap siya, nasasaktang tulad ko pero ba't kailangang umabot kami sa ganito?


Akala ko ay kayang-kaya ayusin. Akala ko ay maliit na bagay lang. Akala ko kaya ko indahin yung sakit kasi marami na kaming pinagdaanan na mas malala pa rito. Ngunit namamanhid ako? Ba't parang bibigay ako sa sakit? Ba't pakiramdam ko ay kayang-kaya kainin ng galit at pait ang pagmamahal ko sa kanya?


"May gusto ka ba sa kanya, Ren?"


Inaasahan kong itatanggi agad niya. Maniniwala ako at yayakapin ko siya. Gustong-gusto kong itanggi niya pero napaatras na lang ako nang hindi siya nakapagsalita. Yumuko siya na parang natalo sa isang sugal.


Yes, natalo siya. Kaming dalawa. At ako ang nawala sa kanya. He didn't answer. He can't answer a simple question. My heart got shattered. Pinong-pinong itong nadurog parang wala ng natira para sa akin. 


So, this is how it ends?


-


Song : Breathe by Taylor Swift and Colbie Calliat

Suggested by : Japzz Leynes

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top