CHAPTER 25 : THREE YEARS

#SAT9S


DEDICATED TO : JANE ARELLANO PINGAL



CHAPTER 25 : THREE YEARS



"Kaya tayo pumunta dito dahil gusto mong. . ." Nahinto ako sa pagsasalita. Hindi siya makatingin sa akin. Umawang ang bibig ko nang mapagtantong planado ang lahat ng 'to. Naplano niya 'to at napakatanga ko dahil hindi ko man lang naisip na may ganito.


No. May pag-aalinlangan ako nung una pero binalewala ko. Ngayon ay nagsisisi akong isinawalang bahala ko 'yon dahil kung alam ko lang na sasabihin niya 'to sa akin. . .Kung alam ko lang na iiwan niya ako rito sa New Zealand, hinding-hindi ako sasama papunta rito.


Napatingin ako sa mga tao sa nagsisiyahang tao sa baba. Nang may pumasok na ideya sa isipan ko ay napapikit ako. Muli akong bumaling kay Ren.


"Alam ba 'to nila Papa?"


Huminga ng malalim si Ren. Bumuka ang kanyang bibig ngunit hindi rin nakapagsalita kaya tinikom niya ulit 'yon. Tumingin siya ng diretso sa akin at saka hirap na tumango.


Napailing ako. Nag-iinit ang mata ko. Napatiim ako ng bagang hanggang sa napakagat ako sa aking labi. I feel betrayed.


Tinalikuran ko siya at tumakbo ako sa kwarto ko. Narinig ko ang pagtawag at ang akmang paghabol niya sa akin.


"Rhea."


Hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko na sanang isasara 'yon nang humarang si Ren at pilit na pumasok. Galit ako pero imbis na maging malakas at marahas ay tila nahigop ang aking lakas. Malakas si Ren kaya nagawa niyang makapasok. Frustrated akong bumitaw sa pinto. Tumalikod ulit at tinungo ang cabinet.


"Beh." Pagtawag niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya papansinin. Ayoko siyang pansinin hanggang sa maisip niyang hindi ako papayag na magpaiwan rito.


Kinuha ko ang malaki kong maleta at binuksan 'yon pagtapos ay tinungo ang cabinet.


"Rhea, listen." Pinigilan niya ang kamay ko sa akmang pagkuha ng mga damit sa cabinet. Tinabig ko ng malakas ang kamay niya.


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko rito?" Punung-puno ng hinanakit ang boses ko. Ang akala ko ay tapos na kaming mag-usap tungkol ro'n pero hindi pala. Hindi pa pala. "Akala ko ba naiintindihan mo? Akala ko ba ayaw mo rin ng long distance?"


"Ayoko pero-"


"Pero ano 'to? Binabawi mo na? Kung nalaman ko lang 'to ng masmaaga, hindi ako sasama rito. Pinagkaisahan niyo ako." Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata. "Ayoko rito, Ren!"


"Para sayo naman 'to." Malumanay niyang sabi.


"Kung para sa akin talaga 'to, ba't nasasaktan ako sa pagpipilit mo? Ninyo? Kung gusto ko 'to noon pa man, hindi ka mahihirapang makipag-usap sa akin. Pero ayoko nga, Ren! Ayoko!"


Pumikit siya ng mariin. "Don't be immature, Rhea. Para 'to sayo. Future mo 'to. Hindi ko pwede ipagkait sayo yung opportunity kasi sayang."


Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang sinabihan niya ako ng gano'n. "At ako pa ang immature ngayon? Immature pala yung iniisip kita, yung relasyon nating dalawa at ayoko lumayo sayo kasi baka hindi ko kaya at mas lalo lang akong mahihirapan kasi malayo tayo sa isa't-isa. Immaturity pala 'yon. Sorry, ah? Ang immature kasi ng girlfriend mo, eh!"


Tinalikuran ko siya dahil hindi ko na napigilang maiyak ng tuluyan. Naalala ko yung unang beses na umiyak ako nang dahil rin sa pagiging immature. Kasi hindi ko napasa yung test. At ngayon, nasabihan na naman ako ng immature dahil takot ako mag-risk. Masakit pa rin pag pinapamukha niya sa aking gano'n ako. Masakit pag sa kanya galing.


Hinawakan niya ang likod ko. Pumiksi ako at lumayo sa kanya. Kumuha ako ng damit sa cabinet at tinakip ko sa mukha ko. I feel so stupid.


"Sorry." Ramdam ko ang paghinga niya sa gilid ko. "Wala na akong masabi pag umiiyak ka na. Sorry."


"You felt sorry kasi immature ako at hindi ko matanggap 'yang suggestion ninyo? What's the difference kung mag-aral man ako rito o sa Pilipinas? Gano'n rin 'yon!" Hindi na siya nagsalita. Tinungo ko ang kama at nagtalukbong ng kumot. "Thanks for a memorable New Year with you, Ren. You made it so epic." Sarcastic kong sabi.


Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang panig ng kama. Naiinis ako sa kanya at sa sitwasyon naming dalawa. Siya yung inaasahan kong kakampi ko pero ba't bumaliktad siya ngayon? Ba't isa na rin siya sa mga namimilit? Kinausap ba siya ng mga kuya ko? Pumikit ako ng mariin. Wala pa akong isang minuto na nakahiga pero pakiramdam ko ay basang-basa na ang unan ko.


"I don't know what to say." Bulong niya. "Naisip ko lang naman na masmaganda kung nandito ka. I witnessed you struggling. Mahirap yung course mo at wala akong alam do'n maliban sa math kaya hindi kita matulungan."


"That's not your problem." Hindi ko napigilang sumagot. Sinubsob ko ang aking mukha sa unan.


"It is. Sinong matinong boyfriend ang gustong mahirapan ang girlfriend niya?" Malambing at malumanay niyang sabi.


"Sinong matinong boyfriend ang gustong malayo sa girlfriend niya?" Sumbat ko.


Natahimik siya ng ilang segundo ngunit nagsalita pa rin.


"But this is not just about our relationship. Future mo 'to. Ayokong sayangin mo dahil lang sa relasyon natin." Hirap siya sa pag-e-explain. Naramdaman ko ang pag-usog niya hanggang sa tuluyan siyang humiga sa tabi ko. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatalukbong sa kumot. "Isipin mo na lang na para sa atin din 'tong dalawa. Nakaya naman natin nung nasa Spain ako, di ba?"


Gusto ko siyang sapukin. Nung nasa Spain siya, he'd been away for months at itong sinasuggest niya sa akin ay years ang pagitan! Kung kaya niya, eh di siya na ang sanay sa long distance! Pero ako, hindi.


"We have to grow, Rhea. We can't be too dependent to each other. May mga bagay na dapat nating harapin ng hindi magkasama."


Paano niya nagagawang sabihin sa akin 'to? Saan siya humuhugot ng lakas para sabihin 'yon? Kasi ako, hindi ko ata magagawang sabihin sa kanya 'yon pabalik. Pakiramdam ko ay gustong-gusto niya akong lumayo.


Nakatulog akong umiiyak. Hindi siya umalis sa tabi ko dahil paggising ko ay nakahiga pa rin siya ro'n at tulog sa tabi ko. Nananakit ang mata ko. Nasobrahan ata ako sa pag-iyak kagabi. Tinitigan ko ang natutulog na pigura ni Ren bago ako dahan-dahang bumangon sa kama para hindi siya magising.


Tinungo ko ang banyo at napangiwi ako nang makita ang sarili ko sa malaking salamin. Namamaga ang mga mata ko. Paano ako magpapakita sa mga tao nang ganito ang itsura ko?


Naghilamos ako. Paglabas ko ng banyo ay tulog pa rin si Ren. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin ulit. Hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nag-away. Napakaganda ng paraang naisip niya para simulan ang taon na 'to.


Paglabas ko ng kwarto ay naririnig ko ang ingay at tawanan nila Papa sa baba. Hindi ko tuloy mapagdesisyunan kung magpapakita pa ba ako sa kanila o huwag na lang.


Babalik na lang sana ako sa kwarto nang bumukas ang kasunod na pinto at lumabas ro'n si Kuya Rex.


"Gising ka na pala-" Nabitin ang masayang pagbati niya nang matitigan akong mabuti. Umiwas ako ng tingin at akmang tatalikod na lang nang tawagin ulit ako ni Kuya.


"Rhea." Napahinto ako. Naramdaman ko ang paglapit niya hanggang sa nasa gilid ko na siya. Nagbuntong hininga siya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. "Can we talk about it?"


It. So, alam nga talaga nila? Gusto ko na namang magngitngit. Pakiramdam ko talaga ay pinagkaisahan nila akong lahat. Binasa ko ang aking labi at yumuko na lang sa sahig. Hinawakan ni Kuya Rex ang braso ko at marahan niya akong hinila papunta sa kanyang kwarto.


Umupo ako sa sofa nang makapasok kami. Nakatitig lang ako sa aking mga kamay. Umupo naman siya sa harap ko at ramdam ko ang mataman niyang pagtitig sa akin. Ilang sandali ang pinalipas niya bago magsalita.


"Nasabi na sayo ni Ren?"


Sa puntong 'yon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Akala ko tapos na 'to?"


Sumandal si Kuya Rex sa sofa. "Nakikibalita ako sa pag-aaral mo at ang nakarating sa akin ay nahihirapan ka sa course na pinili mo."


"Hindi ba 'yon natural? Kuya, kasisimula ko palang. Nag-a-adjust pa ako. Kinakaya ko pero sana maintindihan mo na hindi ako tulad mong matalino."


"Kaya nga gusto kitang gabayan dahil alam ko na ang sirkulo ng kursong 'yan. Wala namang masama ro'n, di ba? Kapatid kita. Gusto kong matulungan ka pero hindi ko 'yon magagawa nang nasa Pilipinas ka at nandito ako. One should take a risk at masmadali sa parte mo 'yon."


Napakagat ako sa aking labi. "Gusto ko sa Pilipinas."


"5-year course ang Arki sa Pilipinas. Three years lang 'yan dito sa New Zealand but without long term breaks. Kung tuloy-tuloy ang subjects mo at hindi ka magre-retake ni isa ay masmadali kang makakatapos rito." Napatitig ako ng matagal kay Kuya Rex habang nagpapatuloy siya. "AU is one of the finest school for your course. International caliber. After passing the board exam, ang mga firm ang mag-o-offer sayo. You could easily find a lifetime job and early promotion. Pwedeng-pwede kita i-recommend sa firm namin sa isang reserve position basta't dito ka mag-aaral."


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang iisipin ko. Makatatapos ako ng Arki rito sa New Zealand sa loob lang ng tatlong taon? Imbis na 'yon ang pagtuunan ko ng pansin ay naisip ko si Ren.


"Kinausap niyo ba si Ren tungkol dito? Kinausap niyo ba siya para kumbinsihin ako?"


Hindi hiniwalayan ni Kuya Rex ang mataman na patitig ko sa kanya. Tumango siya. "Yes. I was the one who talked to him."


Tumiim ang aking bagang at napaiwas ng tingin kay Kuya. Humugot siya ng malalim na paghinga.


"Rhea, hindi namin kayo pinaglalayo. Sorry kung iyon ang naiisip mo. Simula't sapul, alam mo naman kung ano ang gusto namin, di ba? Gusto ka lang naming gabayan. Lahat kami steady at ikaw na lang ang iniisip namin. It has nothing to do with your relationship and we have nothing against Ren. Para na rin naming siyang kapatid. Ang gusto namin para sa inyong dalawa ay secured na future. Lalo na sayo. Gusto namin ay yung may mararating ka. Yung mataas at hindi kami mag-aalala para sayo once na magkapamilya kaming tatlo at independent ka na."


Wala akong masabi pabalik dahil tila naging blanko ang isipan ko. I get his point. I hate to say this pero winawasak no'n ang matibay na paninindigan kong sa Pilipinas ko gusto mag-aral.


"Napansin kong masyado kang dependent kay Ren. Gano'n rin siya sayo. May mga pagkakataon na pinagpapasalamat kong matibay kayong dalawa." Ngumiti si Kuya sa akin at puno 'yon ng pang-unawa. "Bata ka pa pero alam naming lahat, maski si Papa, that you're capable to love despite you're young age. Sabi nga, wala naman sa edad 'yan. Pero may priorities ka maliban dyan at para sa akin, masmahalaga yung makatapos ka muna at mapatunayan mo ang sarili mo bago namin kayo hayaang magsama."


"M-magsama?"


Huminga ng malalim si Kuya at napakamot sa kanyang ulo. "Sabihin na nating masyadong tuso ang boyfriend mo at hindi siya papayag na dito ka mag-aral kung walang kapalit 'yon."


"Ano 'yon? May usapan pa kayo maliban sa pilitin akong mag-aral rito?"


Napairap si Kuya. "Tingin ko ay dapat siya ang magsabi no'n sayo." Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako. Tumabi siya sa akin at hinaplos ang namaga kong mata. "Pinaayak ka ba no'n kagabi? Bugbugin ko na ba?"


Ngumuso ako. "Ang akala ko kasi pinipilit niya lang ako dahil gusto niya. 'Yon pala, kinausap niyo. Nakakainis, ha. Ginagawa niyong pain si Ren."


Natawa si Kuya. "Mahal mo na talaga?"


Mas humaba ang nguso ko at paniguradong namula ng todo ang mukha ko. Tumango ako bilang sagot.


"Sobra-sobra?" Dagdag na tanong ni Kuya.


Muli akong tumango at napatakip na lang ng mukha sa sobrang hiya. Natawa si Kuya at niyakap ako.


"Dalaga na talaga ang bunso namin." Hinalikan niya ang ulo ko. "Boto naman ako ro'n. Lahat kami boto ro'n. Pati si Papa kaya huwag ka na mag-alala dyan. Hindi naman siguro kayo maghihiwalay. Matibay kayo, eh. Pwede ka naman niyang dalawin dito pag bakasyon."


Tumingala ako. "Eh, ako? Hindi pwede?"


"No long term breaks, remember? Kung meron man isa o dalawang linggo lang. Mabibitin ka lang sa bakasyon mo."


Napaungol ako sabay subsob ng ulo mukha sa dibdib ni Kuya. "Parang hindi ko kaya."


"Hindi mo pa nga sinusubukan, eh. Kaya mo 'yon. Three years kumpara sa five years. Ano ang masmadali at masmaganda?"


Natahimik ako. Pinaglaruan ko ang dulo ng aking damit. "Tingin ko makikipagbati muna ako kay Ren."


"Nag-away nga kayo?"


"Kayo kasi. Dapat kayo na lang nag-explain. Hindi siya." Napairap ako. Natawa si Kuya Rex sa akin.


"O sige na. Puntahan mo na sa kwarto niya."


Kumunot ang noo ko. "Wala naman siya sa kwarto niya. Sa kwarto ko siya natulog-" Napatigil ako bigla sa pagsasalita. Napatakip agad ako ng bibig sabay baling kay Kuya Rex na nakanganga at nanlalaki rin ang mata tulad ko.


"Natulog. . .siya. . .sa kwarto mo?" Hiwa-hiwalay na pagbigkas niya sa salita. Napakagat na lang ako sa aking labi.


Nang tumango ako ay tila nag-iba ang aura ni Kuya at namula ang buo niyang mukha. "Pero wala namang nangyari! Wala kaming ginagawang ano. Saka, hindi ko nga siya pinansin kagabi kasi nga nag-away kami. Hindi pa namin 'yon ginagawa!" Sunud-sunod at mabilis na sabi kay Kuya Rex na halos lumuwa na ang mga mata. Napatakip ulit ako ng bibig.


"Dapat lang! Ang babata niyo pa. Parehas lang kayong 18, for pete's sake!"


"Nineteen na si Ren." Singit ko. Napanguso na lang ako nang panlakihan niya ako ng mata.


"Kahit na. No sex until you're graduate!"


Laglag ang panga ko. "Hindi marriage?"


Napatakbo ako palabas ng kwarto dahil muntik na akong kutusan ni Kuya Rex. Pumasok agad ako ng kwarto ko at sakto namang kagigising lang ni Ren. Nagkukusot ng mata. Tinitigan niya ako at iningusan ko siya. Inis pa rin ako. Ewan. May pagkakataon talagang kahit humupa na ang galit ko at naintindihan ko na ang rason ay gusto ko pa ring mag-inarte.


"Beh, galit ka pa?"


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Huwag mo ako kausapin!" Kinuha ko ang towel ko at pumasok ulit sa banyo para maligo. Sinundan ako ni Ren at nakipagsiksikan pa sa pagpasok. "Ano ba?"


"Maliligo rin ako."


"Do'n ka sa kwarto mo! Labas ka nga!" Tinulak niya ako sa loob at binuksan bigla ang shower at napasigaw ako sa lamig.


"Init kasi ng ulo mo, eh. Bawasan natin." Tumawa-tawa si Ren at hinapit ako. Niyakap niya ako at nanigas ako dahil pakiramdam ko ay sobrang nipis na ng pajama top ko at t-shirt niya dahil basa na 'yon. Nag-init ang mukha ko sa ginawa niya.


"Manyak ka." Bulong ko.


"Sorry na. Magpapaliwanag ako."


Pumikit ako at ninamnam na lang ang init ng katawan niya. Naisip kong wala ng ganito sa mga susunod na araw dahil sa January 4 dapat ang uwi namin. Pagtapos no'n ay hindi ko na mararanasan ulit ito hangga't hindi niya ako bibisitahin.


Yumakap ako sa kanya pabalik. Tuluyang bumigay. "No need. Napaliwanag na ni Kuya. Sorry kagabi."


At do'n ko napagtantong konting tulak na lang sa akin ay mapapapayag na nila ako. Sila lang ang uuwi ng Pilipinas at maiiwan ako rito kasama si Kuya Rex. Without Ren. Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko'y maiiyak na naman ako.


"I feel bad. I made you cry. Hindi mawala sa isipan ko." Pinatay niya ang shower. Sinandal niya ako sa malamig na tiles at inipit sa katawan niya.


Tinampal ko ang dibdib niya sabay kurot sa kanyang tagiliran. Napapiksi siya sa sakit at hinimas 'yon. "Huwag ka ngang masyadong dumikit sa akin at baka saan mapunta 'tong usapan natin. Sipain talaga kita sa gitna, sige ka." Babala ko na tinawanan lang niya.


"Sorry ulit."


"Oo na. Ang kulit." Tumingin na lang ako sa gilid dahil hindi ako makatingin sa mukha niya. Nang bumaba naman ang tingin ko sa damit niya ay bumakat na 'yon sa katawan niya. Umiwas na lang ako ng titig dahil baka masabihan pa akong pinagnanasaan ko siya?


Hindi nga ba?


"Maligo ka na. Baka magkasakit ka pa." Hinalikan niya ang ulo ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha niya ang towel ko at nilagay 'yon sa leeg niya. "I'll borrow this. Mamamasyal raw tayo ngayon."


Ngumuso ako at lumapit sa shower.


"Bati na tayo, ah?" Pahabol niya bago lumabas ng banyo.


Napahinga ako ng malalim at napabulong na lang. "Matitiis ba kita?"


Lutang ako kahit ang gaganda nang mga pinupuntahan namin sa mga sumunod na araw. Napapaisip pa rin kung ano ang mangyayari sa akin dito sa New Zealand. Panibagong pag-a-adjust na naman. Ang dami kong naiwan sa Pilipinas. Yung mga naging kaibigan ko ro'n, hindi ko man lang nagawang abisuhan na dito na ako mag-aaral. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. Ano na lang ang maiisip ng mga 'yon?


Mula sa tuktok ng Mount Eden ay pinagmasdan ko ang magandang view ng Auckland. Maganda pero nakakapanibago. Sa malayong likuran ay nando'n sina Papa at Tito Loren na nag-uusap kasama si Kuya Rex. Sa isang tabi ay si Kuya Roy na may sarili na namang mundo kasama ang camera niya.


Masanay kaya agad ako rito?


Tumabi sa akin si Ren at hinawakan ang kamay ko. Bukas na ang alis nila. Nakalulungkot at hindi ko matanggap 'yon pero kailangan. Nakapag-empake na sila kanina. Maiiwan na talaga ako rito.


"Anong iniisip mo?" Untag niya.


"Marami." Bulong ko. Pumikit at ninamnam ang malakas na hangin mula sa tuktok ng Mount Eden. "Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Sayang yung second semester. Hindi ko natapos."


"I-e-enroll ka na raw ni Kuya Rex next term. February pa raw 'yon pero marami pang aasikasuhin kaya inaapura niya ang mga papeles mo. Ipapadala na lang dito ang mga kakailanganin para sa paglipat mo. Pati pagtira mo rito. ID's, IRD, bank account and the likes." Pag-iiba niya sa usapan.


Bumaling ako sa kanya. "Ren. . ." Nilingon niya ako at nginitian. Huminga ako ng malalim. "I'll try to be mature. Sana makaya."


"Ako rin." Tugon niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "May tiwala ka naman sa akin, di ba?"


Ngumisi ako. "Matibay tayo, di ba?"


"Yes." Mariin niyang bulong. Binitiwan niya ang kamay ko at pinulupot ang braso niya sa baywang ko. "We'll communicate. Hindi maputol kahit isang araw. Dapat tuloy-tuloy. Ako ang dadalaw sayo."


Napabuntong hininga ako. "Kaya natin ng gano'n set up in three years?"


"Of course." Ngumisi ulit siya sa akin. "Hindi mo ba na-realize na sabay na tayong gagraduate pag nagkataon?"


Nanlaki ang mata ko. "Oh, my God?"


Napahalakhak siya. "Beh, ang hina mo talaga sa math."


Kinurot ko siya sa tagiliran. Tumawa lang siya tulad ng nakagawian. Napanguso naman ako. Hindi ko naisip 'yon. Malay ko ba?


Three years, Rhea. Three years na pagtitiis.


Napatingala ulit ako kay Ren nang may maalala. Yung sinabi ni Kuya Rex sa akin.


"Ren, may deal daw kayo nila Kuya?"


"Deal?" Kumunot ang kanyang noo.


"Oo. Sabi niya kasi hindi ka raw pumayag agad na kumbinsihin ako na dito mag-aral nang walang kapalit. Knowing you. Eh, napakatuso mo." Panunukso ko sa kanya. "Ano 'yon?"


Siniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko saka niya ibinulong ang sagot na nakapagpasinghap sa akin. "Pakakasalan kita after graduation."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top