CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER

#SAT9S



CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER



"Kuya, ayoko." Nakatungo ako sa sahig. Mahina lang ang pagkakasabi ko no'n dahil parang papanawan ako ng lakas pag pinilit nila ako. Ayoko silang suwayin pero ang gusto nilang mangyari ay taliwas sa kagustuhan ko para sa sarili ko.


Alam kong nakatingin sa akin ang mga kuya ko. Katatapos lang namin mag-usap ni Papa tungkol do'n. Unang paliwanag palang niya ay halos mapigtas na ang leeg ko kakailing dahil ayoko talaga. Ngayong sila Kuya na ang nagpapaliwanag sa akin ay ayoko pa rin at hindi magbabago 'yon.


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya Ryan. Tumabi siya sa akin at inayos ang buhok ko. Kararating lang niya. Minsan ko lang siya makasama kaya hangga't maaari ay ayoko siyang suwayin ngunit ang umalis ng Pilipinas para mag-aral sa ibang bansa ay hindi ko naging option kailanman.


"No one is forcing you." Malumanay na tugon ni Kuya Rex na nakatayo sa harap ko. Hindi ako nagtaas ng tingin.


Alam kong lahat sila ay naging successful sa ibang bansa. Kuya Ryan made his own name in NYU. Sinundan siya ro'n ni Kuya Roy at do'n din nag-aral ng photography. Nang matapos si Kuya Roy, he spent the next years exploring the best places near US to capture the best scenery. While Kuya Rex studied Architecture in New Zealand, kinuha ng malaking firm at napromote sa mataas na posisyon.


Buong buhay ko ay hindi ako umalis ng Pilipinas. I can't be sure if I could be as successful as my brothers. Alam na nila ang gusto nila sa murang edad samantalang ako ay hindi pa sigurado sa gusto ko hanggang ngayon. Susubukan ko ang Arki at mananalanging tama ang choice na napili ko. But I never imagine myself studying abroad. Hindi ko ata kayang umalis ng Pilipinas ng biglaan.


"Actually, ako ang nagpaggawa ng visa mo." Umangat ang ulo ko nang magsalita si Kuya Rex. Nagpaliwanag siya tungkol ro'n. "I'm sorry if I didn't consult you sooner than this. Hindi naman 'to sapilitan. Nung nalaman ko kay Papa na mag-a-arki ka sinabihan niya ako kung pwedeng gabayan kita. Walang problema sa akin but unfortunately, hindi pumayag ang firm na pinapasukan ko sa New Zealand na mag-resign ako so they offered me a higher position kaya ako babalik do'n before July. Naisip kong pwede kitang isama."


Umawang ang bibig ko. Isasama niya ako sa New Zealand?


"Pero gaya ng sabi ni Roy, walang pipilit sayo. We're giving you a better choice but the decision is all yours." Malambing na segunda ni Kuya Ryan.


"Pero 'yon yung gusto niyong tatlo, di ba? I bet ito rin yung gusto ni Papa. I'm not that inconsiderate to ignore what you are suggesting especially when it's for my own sake but. . ." Umiling ako at napakagat ako sa aking labi. "I can't leave Philippines nang biglaan. Wala naman sa plano ko mag-aral sa ibang bansa."


"We know that." Patamad na sagot ni Kuya Roy. Binagsak niya ang kanyang katawan sa katapat na sofa. "Pero masmapapabuti ka kung sasama kay Rex."


"Roy." Magkasabay na sambit ni Kuya Rex at Kuya Ryan na tila pinipigilan si Kuya Roy na magbitaw ng salitang nakakaoffend sa parte ko.


"Come on." Inangat ni Kuya Roy ang kanyang mga kamay. "Aminin niyo na sa kanya na hindi kayo kampanteng iwan siya mag-isa rito sa Pilipinas. Paglipas lang ng ilang buwan pare-parehas na tayong babalik sa ibang bansa at maiiwan siya rito kasama si Papa na hindi naman siya mababantayan."


Napanganga ako. "Ba't kayo mag-aalala? Ba't kailangan akong bantayan? I'm 18 now. You've stayed years sa ibang bansa at mag-isa ako sa Pilipinas sa mga taon na 'yon. Ba't pa kayo mag-aalinlangang iwan ako? Wala naman akong gagawing kalokohan and I have Ren with me."


"Yo'n na nga 'yon, eh. You have Ren with you." Sabi pa ni Kuya Roy. Kumuha ng maliit na unan si Kuya Ryan at binato kay Kuya Roy. Napatingala naman sa kisame si Kuya Rex sabay iling.


"Wala kayong tiwala kay Ren?" Hindi makapaniwalang sambit ko.


"May tiwala ako kay Ren. Kung sakaling wala nga kami rito at maiiwan ka kasama siya. I'm okay with it." Maagap na sagot ni Kuya Ryan.


"I slightly agree." Segunda ni Kuya Rex. Slight lang?


"I don't." Sagot ni Kuya Roy sa flat na tono. Hindi talaga sumasang-ayon. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Nilabanan niya ang pagtitig ko na tila ba naghahamon ng away. "It's either maaga kaming magkakapamangkin o buntis ka na pagbalik namin."


Pare-pareho kaming nakanganga nila Kuya Rex at Kuya Ryan sa sinabi niya. Namula ang mukha ko. Tinuro naman siya ni Kuya Rex.


"Lumabas ka na ngang kupal ka. Panggulo ka, eh."


Inigusan siya ni Kuya Roy. "It's for her own good. Ang dami niyo kasing paligoy-ligoy, eh. You want to take it slow. Para ano? Para hindi siya mabigla? Nung nasa ganyan tayong edad, nagpapakahirap na tayo sa ibang bansa. It's all worth it. A good quality education and a new environment. Para na rin masanay siyang maging independent."


Natahimik ang dalawa kong kuya. Nagpupuyos naman ang loob ko. "Ano namang pinagkaiba kung dito ako sa Pilipinas mag-aaral? Gano'n din naman 'yon, eh."


"Not the same quality. Sasayingin mo ba ang talino ng Kuya mo who graduated laude in Auckland? Roy can't look after you kung nandito ka sa Pilipinas at nasa New Zealand siya. Mas masusubaybayan niya ang pag-aaral mo kung magkasama kayong dalawa."


"That's enough." Pagpapatigil ni Kuya Ryan rito. Huminga siya ng malalim at tinignan ako pagtapos ay nginitian. Hindi ako makangiti pabalik. "It's okay if you want to stay here. Option lang naman 'yon. If you wanna study here, we have no say on that. Huwag ka mapressure. You can mix learning with leisure."


"'Yon ba talaga?" Alanganin kong tanong. "Pakiramdam ko gusto niyo lang ako ilayo kay Ren."


Napasandal sa sofa si Kuya Ryan. Binatukan naman ni Kuya Rex si Kuya Roy.


"'Yan. Masyado ka kasi." Sabi ni Kuya Rex rito at sinermunan si Kuya Roy na poker face na nakatingin sa kanya. "You gave her a wrong impression. Ilugar mo nga 'yang pagiging overprotective mo. This is a serious a matter and it wasn't about their relationship. This is about her studies. Masyado ka kasi mag-isip."


"Rhea, hindi gano'n, okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan. Iniisip lang namin kung ano yung best choice sa pag-aaral mo pero kung sa tingin mo ay hindi 'yon convenient para sayo, wala kaming magagawa. We'll let you study here. Oo, gusto ni Papa na magabayan ka namin sa pagkokolehiyo mo pero kung ayaw mo talaga, hindi ka rin naman niya pipilitin. Just keep the visa."


"And there's no hard feelings from us." Singit ni Kuya Roy. "Mahalaga rin naman sa amin yung gusto mo kahit ano pa 'yan. Huwag mo na pansinin ang sinabi ng kupal na 'to." Tinapunan niya ng tingin si Kuya Roy na blanko ang mukha.


"Sorry. Ayoko talaga. Mahihirapan lang ako ro'n mag-adjust saka hindi talaga ako interersado."


Bago matapos ang usapan na 'yon ay pinayagan na nila ako mag-enroll. Tinawagan ko kaagad si Ren na tuloy na kami sa university bukas. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pagtapos at kinuwento ang napag-usapan namin nila Kuya.


"Ayaw mo?" Masuri niyang tanong. Agad akong umiling at humawak sa kamay niya. Do'n ko binaling ang aking tingin. Pinipisil ko ang palad niya habang nagsasalita.


"Mahihirapan lang ako mag-adjust do'n saka. . ." Tumingin ako sa kanya. "Ayoko na ng LDR. Nung nasa Spain ka pa, parang mababaliw na ko tapos mauulit pa? Hindi ako makakapag-aral ng mabuti pag gano'n."


Yumakap siya sa akin. "Ayoko rin." Marahan siyang tumawa. "Ang selfish ko naman ata kung ipagkakait ko 'yon sayo. Kung talagang ikabubuti mo, why not? But I won't lie to you, ayoko rin ng LDR."


"Alam ko naman 'yon."


Napanguso ako at medyo nakahinga ng maluwag. Pinagpasalamat na parehas kami ng opinyon tungkol ro'n


"Pero pinayagan na nila ako mag-enroll kaya wala na tayong problema." Ngumiti ako sa kanya.


"Good." Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "We'll go there tomorrow."


Yumakap siya sa akin. "Tingin mo makakaya ko ang course ko? Kasi si Kuya Rex, magaling talaga 'yon at matalino."


"Confidence." Paalala niya. Marahan akong natawa. "Magaling ka rin naman."


"Medyo tamad lang, 'no?"


Humalakhak siya. "Hindi ako ang nagsabi niyan."


Pinalo ko siya sa braso at sinabayan ang pagtawa niya. "Bwisit. Hindi mo man lang ako kinontra."


Kaya naman kinabukasan ay nilaan namin sa paglilibot sa university. Nang matapos kami mag-enroll ay may orientation agad. Nagkandaligaw-ligaw pa nga kami dahil nahiwalay kami sa mga nakasama namin,


"Do'n, Ren. Baka nando'n sila." Tinuro ko yung nakikita ko gymnasium. Nilingon ko si Ren na busy sa pagbasa. "Huy, baka mapagalitan tayo."


"Wait lang, beh." Sagot niya nang hindi ako binabalingan.


"Ano bang binabasa mo dyan?" Naiinip kong tanong. Tinignan ko 'yon at muntik na akong mapairap ng makitang kinokompara niya ang sched ko sa sched niya.


Inakbayan niya ako at sinundot niya ang pisngi ko. "Patience. Tinitignan ko lang kung parehas tayo ng vacant." Tinawanan pa niya ako kaya ngumuso na lang ako.


"Parehas nga?"


"Hindi nga, eh. Magpapa-irreg na lang siguro ako next sem para hawak ko ang oras ko at maayos ko ang sched ko tulad ng iyo." Ngumisi siya sa akin.


Umihip ang malakas na hangin at nagulo ng bahagya ang buhok niya kaya inayos ko 'yon. "Next sem na agad ang iniisip mo, eh hindi pa nga nagsisimula ang first sem. Tara na kasi. Orientation palang pero pasaway ka na."


Hinila ko na siya at may nakita akong babaeng nakatingin sa amin. Nakaramdam ako ng konting hiya kaya ngumiti na lang ako sa kanya habang papadaan kami ni Ren. Ano ba 'yan? Kakaenroll palang pero baka may offense agad kaming PDA.


Natawa ako sa sarili ko. College na, Rhea. Hindi ka na high school. Naisip kong kahit 18 na ako at college student na, hindi pa rin ako gano'n ka-mature mag-isip.


Siguro naman ay hindi ako ma-i-stuck sa ganitong klaseng pag-iisip forever. Sabi nga ni Ren, ang pagmamature ay isang mahaba at matagal na proseso. Hindi dapat minamadali ang sarili.


Sangkaterbang paalala ang inabot ko kina Kuya bago magpasukan. Kung ang tingin ko sa sarili ko ay hindi pa gaanong mature, ang tingin ata ng mga kuya ko sa akin ay 4 years old na magsisimula palang sa kindergarten. Tinatawa-tawanan pa ako ni Ren nung kinwentuhan ko siya tungkol ro'n habang nasa byahe kami.


"Sumbong ko raw sa kanila pag napag-initan ako ng prof. Sus. Kung kaya ko rin lang supalpalin, I won't tell them."


"Baka masupalpal rin ang grade mo nyan?"


Natawa ako. "'Yon lang."


"Sumbong ka rin sa akin, ah?"


Pabiro ko siyang pinaningkitan ng mata. "Tingin niyo talaga sa akin ay kinder, 'no?"


Ang saya na ng usapan namin ng biglang tumirik ang sasakyan niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang umuusok ang harapan. Napamura naman si Ren at nagmadali kaming bumaba. Tinignan niya ang harapan at buti na lang ay may ilang concern na tumulong sa amin.


"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.


Umiling siya. "I don't know. Tawagan ko na lang ang driver ni Papa para makuha 'tong kotse ko."


Napatingin ako sa aking relo. Ilang minuto kaming naghintay sa pagdating ng driver nila at konting oras na lang ang natira sa amin. Napakamot ako sa aking kilay. First day sa college at mukhang malilate kami. Magaling.


"BMW nga, tumirik naman. Ano ba 'yan." Parinig ko kay Ren na tinawanan lang niya. Sinimangutan ko siya. "Kung magtataxi tayo, paniguradong late din naman. Paano na?"


"Mag-train na lang kayo, sir." Tinuro ng driver nila ang station ng train. Kumunot ang noo ko. Train? "Tawid lang po kayo sa footbridge. First station 'yan." Sinabi nitong kailangan daw naming bumili ng ticket at bumaba sa pang-11 na station. Thirty minutes lang daw ang byahe at makakahabol kami sa opening ceremony.


"Sige, Kuya. Salamat." Nagkatinginan kaming dalawa ni Ren. "Adventure time?"


Nginiwian ko siya. "Ewan ko sayo."


Pagod na agad ako nang marating namin ang train station. Pumila kami para bumili ng ticket at binigyan kami ng card na kasing laki ng atm pero manipis.


"O tapos? Ano na?" Tanong ko kay Ren. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. First time ko sa ganitong transportation.


Nginuso niya yung pinapasukan ng mga tao. Ginaya namin yung mga nakakasabay namin. Pakiramdam ko tuloy mga taga-bundok kami. Tinawanan pa kami ng guard dahil hindi namin alam kung paano isuksok yung ticket sa machine. Pag-akyat namin, ang dami ng tao. Nang dumating ang train ay parang contestant sila ng amazing race na nagpapaunahang makasakay. Napa-facepalm ako pero itong si Ren ay parang tuwang-tuwa pa sa sitwasyon.


Nang makasakay kami ay nakahinga ako ng maluwag. Parehas kaming nakaupo. Niyakap ko ang bag ko at nilingon siya. Kinuha ko agad ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang noo niyang pawis na pawis.


"'Yan. Sa susunod ulit, ah? Huwag i-check ang sasakyan para tumirik ulit."


Natawa siya at nilagay ang braso sa likod ko. "Sorry." Tumingin siya sa paligid. Puno na ang train at ang iba ay nakatayo na lang. "Another first time with you, huh?"


Napangiti ako. Lumagpas ang tingin ko sa babaeng kapareho ng uniform ko. Ang pinagkaiba nga lang ay nakapalda siya at tila hindi siya sanay ro'n.


"Ren."


"Hmm?"


Nginuso ko sa kanya yung babae. Ilang sandali muna siyang tumitig sa babae bago nagbuntong hininga saka tumayo. "Miss." Pagtawag niya ro'n sabay turo ng bakanteng espasyo sa tabi ko.


Maya-maya pa ay katabi ko na siya. Tama nga ang ako. Parehas kami ng university dahil 'yon ang nakalagay sa ID lace niya.


"Hello." Hindi ko napigilan ang sarili kong batiin siya at ngitian. Ilang sandali niya akong tinignan bago siya sumagot.


"Hi."


"Schoolmates pala tayo."


"Ahh, oo nga." Naramdaman ko ang pagkailang niya.


"Freshman ka rin?"


Tumango siya. "Yes."


Muli ko siyang nginitian. "Goodluck sa atin."


Tumango lang ulit ang babae. Hindi ko na sinundan pa ang pagtatanong dahil mukhang naiilang talaga siya. Hinawakan ko ang kamay ni Ren bago tumingala. Nakapikit na siya at nakasandal sa railing kanyang ulo. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay niya sa kamay ko. Bumaling na lang ako sa bintana para aliwin ang aking sarili.


A new start with a new experience. Hindi naman pala pangit sumakay ng train. Hassle pero okay rin naman. Ang bahagyang liwanag ay tumatama sa aking mukha. Sa labas ay ang mga building at ang sikat ng araw. Gusto ko ulit ma-experience 'to. Maybe next time.


Sakto lang ang pagdating namin sa university. Nagsasalita ang president at nakinig kami.


"College na talaga." Sambit niya.


"Feel mo na?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti. Inakbayan niya ako.


"Let's dream together, okay? Magtatapos tayo ng sabay."


"Weh?" Tinawanan ko siya. "Paano mangyayari 'yon? Five years ako tapos four lang yung iyo?"


"Problema ba 'yon? Eh di hihintayin kita."


Hindi ko alam kung biro ba 'yon sa parte niya. Gusto ko ngang sabay kaming grumaduate pero ayoko namang ma-delay siya ng isang taon. Sayang naman kung gano'n.


Sa aming dalawa, siya yung maraming binigay para maging matatag ang relasyon namin ngayon. Aware ako sa lahat ng sinakripisyo niya para marating namin ang estadong 'to. Gusto kong mas maging matatag kami. Mas maging masaya. Makuntento sa isa't-isa. Gano'n lang.


Kung ako ang papipiliin sa success o love, I would choose love over it no matter how stupid it may seem. I learned to dream for success because of love. Because of Ren. Lahat ng pangarap ko para sa sarili ko ay kasama na siya. Anong mangyayari sa akin pag naghiwalay kami?


Natigilan ako ng maisip ko 'yon. Ba't naman kami maghihiwalay? Ba't napunta ro'n ang usapan?


"You're spacing out." Untag ni Ren. "Share your thoughts, please."


"Wala. May naisip lang akong imposibleng mangyari." Sagot ko sa kanya.


Natapos ang araw na 'yon na medyo weird ang pakiramdam ko. Siguro ay kailangan ko pa ng ilang araw para makapag-adjust. Nasanay ako sa AAA. Ngayon lang ako naligaw sa ibang school at puro estranghero ang nakikita ko.


"How's the first day?" Salubong sa akin ni Kuya Roy. Himala. Siya ang unang kumausap sa aking ngayon. Nilapag ko ang bag ko sa couch.


"Okay naman." Hindi ko na ikinuwento yung nasiraan kami sa highway dahil paniguradong hahaba lang ang usapan at maraming masasabi 'to. "Nasaan na sina Kuya Ryan?"


"May pinuntahan. Kasama ang modelo niya."


"Kuya Rex?"


"May pinuntahan rin."


"Saan?"


Nagkibit siya ng balikat at iniba ang usapan. "Aalis na si Rex next week. Hindi na talaga magbabago ang isip mo?"


Hinarap ko si Kuya Roy. Hindi ko alam kung ba't gusto niyang sumama ako kay Kuya Rex. I can sense it. Yung kulang na lang ay isama niya ako sa bagahe ni Kuya Rex para sapilitan akong mapasama sa New Zealand. Hindi ko alam kung ba't ganyan siya ngayon. Hindi naman siya namimilit dati.


"Bakit pakiramdam ko gusto mo akong sumama sa kanya? Pakiramdam ko pinipilit mo ako."


Tumaas ang kanyang mga kilay pagtapos ay kumunot kanyang noo. "Bakit pakiramdam ko ay ayaw mong sumama dahil kay Ren? That's your future. Hindi lang dahil sa isang tao."


Kumunot ang noo ko. "Kuya, hindi naman sa gano'n."


"Then, ano?" Segunda niya na tila ako hinahamon. "Kung meron ka pang ibang dahilan bukod do'n, tell me."


"I already told you. Sabi ko, di ba? Ayoko mag-adjust. Ayoko sa ibang bansa. Hindi ako tulad niyo. Iba ako kay Kuya Rex. Dito lang ako sa Pilipinas." Huminga ako ng malalim. "Ayaw mo ba kay Ren? Ayaw mo ba siya para sa akin? Ba't pakiramdam ko simula nung naging legal kami ay pinaghihigpitan mo ako ng todo? So, tell me. Ayaw mo ba sa kanya or you're just plain bitter?"


Humalukipkip siya. "You're young and that kind of feeling is just temporary."


Napasinghap ako sa kanyang sinabi. Parang gusto ko sumabog sa sinabi niya. Temporary? What? "Who are you to judge my feelings, Kuya? I'm sorry pero hindi ko pinpakialaman ang iyo, so don't interfere with mine." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sagutin siya.


Umiling-iling siya. "You're too confident, aren't you? I don't hate him, Rhea. Hindi rin ako bitter pero wala ba kaming karapatan na magdikta kung ano ang mas nakabubuti sayo? I'm your brother. Rex and Ryan feel the same but they can't admit it to you dahil nasanay silang pagbigyan ka sa lahat ng gusto mo. Don't you think this is the right time to give in and please them? Para rin naman sayo 'yon."


Natahimik ako. Humakbang paatras si Kuya. Tinignan niya muna ako ng matagal.


"Papa won't force you unless it's necessary but I'm too blatant to keep this from you. If Kuya Ryan and Rex can keep their mouths shut, iba ako. Think it over." Saka niya ako iniwan. Naiwan akong tulala at naguguluhan. Am I too self-centered?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top