CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL

#SAT9S



CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL


Ilang sandali kaming natahimik at natulala sa sinabing 'yon ni Kuya. Nangalay ang panga ko sa sinabi niya. Hindi niya ba talaga ako nakikilala?


Hindi matanggal-tanggal ang ngisi sa kanyang labi at parang mapupunit na 'yon. Naningkit ang kanyang mata sa pagngisi na parang tuwang-tuwa sa nakikita niya. Pagtapos ng ilang sandali ay bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit at hinalikan ang aking ulo.


"Kidding. How would I forget my one and only sister?" Natatawa niyang sabi. Do'n ko lang napagtanto na kanina pa niya ako namukhaan at nagkunwari lang siyang hindi ako kilala. 


Napatadyak ako sabay ganti ng yakap sa kanya. "Nakakainis ka naman!"


Natawa ang mga nasa paligid. Napanguso ako nang makita si Ren na nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung ba't parang ako ang nabiktima ngayong araw. Ang inaasahan ko ay magugulat si Kuya Ryan. May balak pa nga akong pagtripan siya pero parang ako ata ang napagtripan niya.


Nang kumawala ako ay sinipat niya ng tingin ang kabuuan ko. Namula ako at parang gusto ko tusukin ang mga mata niya.


"Wow." Sambit niya. Nagkakandahaba na ang nguso ko sa mga nangyayari. Napakamot ako sa aking kilay sabay ngiwi kay Kuya Ryan na hindi mapatid-patid ang pagngiti. "Ganda na ng kapatid ko, ah."


Iningusan ko siya. Lumingon ako sa kanyang likod at napansin ko ang babaeng kasama niya na tila naiilang. Ngumiti ako ng alanganin sa babae at alanganing ngiti rin ang ginanti niya sa akin. Lumingon si Kuya sa likod at tumikhim bago pinakilala ang kanyang kasama.


"This is Japzz Leynes, my model." Nilingon ni Kuya Ryan ang kanyang modelo at pinakilala kami isa-isa. "Japzz, these are my brothers. Rex and Roy. Rhea, our youngest and. . ." Nang mapatingin siya kay Ren ay nagngisihan pa ang dalawa. "Si Ren. Boyfriend ng kapatid ko."


Hinila ko si Joyce sa aking tabi. "And she's Joyce. Kuya Roy-"


"Assistant." Singit ni Kuya Roy sa flat na tono. Napasimangot ako. Assistant? Hindi pa rin ba sila o mana-mana lang talaga kami sa pagiging denial? Ngunit kung assistant lang si Joyce, ano yung pagtsansing niya nung nasa Baler kami? Gusto ko sanang pikunin si Kuya Roy para umamin pero nang magsalita si Joyce ay natahimik na lang ako.


"Hello." Magalang at nahihiya nitong bati.


Nagkayayaan na kami sa sasakyan. Nakita ko ang mga dala ni Kuya at hindi 'yon magkakasya sa isang sasakyan. Dinala niya yata ang buong New York sa bagahe niya. Ang dami.


Habang nilalagay nila ang mga bagahe sa loob ng sasakyan ay kinausap ko si Joyce.


"Ano kayo ni Kuya Roy?"


"Huh?" Naguguluhan siyang bumaling sa akin.


"I mean, hindi kayo?"


Ngumiti siya sa akin at saka umiling. Kumunot ang aking noo. "Hindi nga?"


"Hindi kami. May. . ." Tumingin siya kay Kuya Roy na nagbubuhat ng kahon. "Girlfriend siyang iba."


Nahigit ko ang aking paghinga. "Oh? Ba't hindi ko alam. Totoo ba 'yan?"


Huminga ng malalim si Joyce at ngumuso. "Akala ko alam mo kasi magkapatid kayo. Huwag mo na lang ipaalam sa kanya na ako ang nagsabi kasi baka mawalan na talaga ako ng trabaho." Pabulong niyang tugon. Pagtapos no'n ay ngumiti siya sa akin.


Parang ang hirap maniwala na may girlfriend si Kuya Roy at hindi 'yon si Joyce. Kung meron nga, bakit si Joyce ang sinama niya ngayon at hindi ang girlfriend niya?


Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang mga Kuya ko. Magkakaiba talaga sila. Kaming lahat. May resemblance naman sa itsura pero nasa ugali talaga ang gap.


Si Kuya Ryan ang pinakamature. No nonsense type. Para na siyang si Papa. Kaya niyang pagsabihan at pasunurin kaming tatlong kapatid niya. Maintindihin, maalahanin, mapagbigay at kahit nasa malayo siya ng ilang taon, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala.


Si Kuya Rex naman ang pinakamasayahin at carefree. May mga pagkakataon na nakikita ko sa kanya si Ren kaya minsan naiinis ako sa kanya ng walang dahilan. Happy go lucky type. Kung si Kuya Ryan ang laging nagpapaalala, si Kuya Rex naman ang laging nagpapaubaya. Siya rin ang pinakamatalino sa amin kahit hindi halata. Siguro nga kaya wala siyang girlfriend ay masyado siyang matalino at ang matatalinong tao ay may pamantayan.


While Kuya Roy is an alien. May sariling mundo and most of the time, gusto niya talagang mapag-isa kasama ang asawa niyang camera. Moody, masungit, suplado at master na ang pagiging snob. Though, sa lahat ng Kuya ko ay siya ang pinakamadaling suyuin. Kaya masarap lambingin dahil madali ko siyang nauuto kahit ganyan ang ugali niya. Mukhang lang siyang bad boy pero ang totoo ay masmasahol pa siya ro'n.


At ako?


Umakbay sa akin si Ren at napaigtad ako sa gulat. "Anong iniisip mo?"


"Wala. Ang weird lang ng pakiramdam." Humugot ako ng malalim na paghinga.


"Bakit naman weird?"


"Masaya ako kaya lang. . ." Kumunot ang aking noo. "Napansin ko yung difference ng mga Kuya ko at ang difference ko sa kanila. Ang layo pala talaga."


"Talagang malayo dahil babae ka at lalaki silang tatlo." Hinaplos niya ang braso ko. "Come on, beh. Baka naman gusto mo ulit maging lalaki?"


Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran. "Asa."


Nakarinig kaming dalawa ng sabay-sabay na pagtikhim at napalingon kami kina Kuya. Wala sa loob na napabitaw ako kay Ren nang makitang lahat ng Kuya ko ay titig na titig sa aming dalawa. Tatawa-tawang binaba ni Ren ang kanyang kamay mula sa aking braso at nagawa pang ngumisi ng nakaloloko.


Humakbang si Kuya Ryan papalapit sa akin at inakbayan ako.


"Now, hindi ko na alam kung dapat ba akong mainis o matuwa na babaeng babae ka na." Bulong niya sa akin.


"Ba't ka maiinis?" Tanong ko. Nagkibit balikat si Kuya at hindi sinabi sa akin ang sagot.


Nagdrive kami pauwi. Si Kuya Ryan at Ate Japzz ay nakasakay sa sasakyan ni Kuya Rex. May dalang sasakyan si Kuya Roy at kasama niya si Joyce. Syempre, kami ni Ren ang magkasabay.


Pinagkaguluhan ng matatandang katulong namin si Kuya Ryan na tuwang-tuwa sa atensyon. Tingin ko nga ay nag-ala-fiesta ang handaan sa bahay. Masaya ang lahat.


Dinikitan ko si Ate Japzz dahil parang ilang na ilang pa rin siya. Nakipagkwentuhan ako sa kanya at kay Joyce habang nagkakatuwaan ang mga lalaki. Nasa pool area kami pero naririnig pa rin namin ang tawanan nila Kuya sa loob.


Nalaman ko na pure Filipino rin siya pero permanenteng nakatira sa New York. Parang bakasyon lang ang pagpunta niya rito sa Pilipinas.


"Gaano ka na katagal na modelo ni Kuya?" Tanong ko kay Ate Japzz.


"A month." Sagot niya habang sumisimsim ng juice. "May contract ako sa kanyang 3 months."


Tumango-tango ako. "Ilang taon ka na?"


"22."


"Hindi ko alam na kumukuha pala ng modelo si Kuya Ryan for his painting. Anyway, ilan na ang nagawa niyang portrait mo?"


"Hindi ko na alam, eh." Ngumiti siya sa amin. Maganda siya. Maputi at makinis. May mahabang buhok na natural ang pagkakakulot. Ang ganda ng hugis ng labi niya. Iyon ang kapansin-pansin sa maganda niyang mukha. "But we're working for the latest."


"Oh? Anong klase?" Sumimsim ako ng juice. Binalingan ko si Joyce na mukhang interesado rin.


"Nude painting." Sagot ni Ate Japzz.


Nasamid ako at napaubo ng sunod-sunod. Sabay na hinagod nina Joyce at Ate Japzz ang likod ko. Sa nanlalaking mata ay bumaling ulit ako sa kanya. "N-Nude painting?"


"I'm sorry. Hindi mo pala alam."


Oo nga! Ba't hindi ko alam? Parang kanina lang sinabi rin 'yan sa akin ni Joyce, ah? Ba't parang marami akong hindi alam tungkol sa mga Kuya ko? Sadya bang wala akong pakialam sa pinagagawa nila o masyado lang silang secretive kaya nagugulantang ako ngayon?


Alam kong mature si Kuya Ryan pero hindi umabot sa puntong maiisip kong may SPG sa trabaho niya.


"He's a painter. Normal lang 'yon. We're both professional. Trabaho lang talaga." Natawa siya. "At hindi naman gano'n ka-conservative ang Kuya Ryan mo."


Napainom na lang ulit ako ng juice. Hindi conservative? Pinangatawanan na kaya niya ang description ko sa kanyang 'pinaka-mature' kong Kuya? Nagkatinginan kami ni Joyce at napagtanto kong namumula siya. Malamang, namumula rin akong tulad niya!


Tama naman si Ate Japzz at dapat hindi ako nag-iisip ng kung ano pero mukhang nakahahawa talaga ang pagiging dirty minded ni Ren. Tama. Walang ibang dapat sisihin kundi si Delgado.


Nang dumating si Papa ay nakita ko ang tuwa niya nang mayakap ulit si Kuya Ryan. Ito kasi ang pinakaunang umalis sa mga kuya ko pero ito rin ang pinakahuling dumating. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.


Inakbayan ako ni Kuya Ryan pagtapos nila mag-usap ni Papa.


"It's your turn." Nakangisi niyang sabi sa akin. Dinala niya ako sa entertainment room. Binuksan niya ang x-box. "Tagal na nung huli tayong naglaro nito, ah?"


"Masyado ka kasing nag-enjoy sa ibang bansa, Kuya. Hindi mo man lang kami binisita." Kinuha ko ang joystick at binigay kay Kuya ang isa. Umupo siya sa tabi ko at siya ang pumili ng lalaruin namin.


"Tampo ka?"


Umiling ako. "Hindi naman. Alam ko namang tuloy-tuloy na pag-aaral at pagtatrabaho mo ro'n. Nakapanghihinayang lang kasi ang dami mong na-miss."


"Yeah. I can see that now. I've missed a lot of things." Sinulyapan niya ako. "Care to tell me what happened for the past years?"


Ngumuso ako. "Masyadong marami. Too lazy to tell the details."


Natawa siya ng marahan. "And I thought nagbago ka na? Sabi sa akin nila Rex at Roy, masyadong malaki ang pinagbago mo at hindi na raw nila ma-take."


"Hindi ko rin ma-take nung una." Huminga ako ng malalim. "Hindi ko kasi inakala na kaya ko pala."


"But we're proud. Very proud of you. Masaya ako na makitang maayos ka na." Malambing niyang tugon.


"Hindi ba ako maayos noon para sayo, Kuya?" Natatawa kong tanong.


"Naghesitate akong mag-aral sa ibang bansa kasi natatakot akong iwan ka." He revealed. Natigilan ako ng ilang sandali. Lumingon ako sa kanya at napatitig ng mabuti sa kanyang mukha. "Ako yung pinaka-Kuya at ikaw ang bunso kaya pakiramdam ko pag iniwan kita, masmahihirapan ka at mag-aalala lang ako sayo. But Papa told me not to worry 'coz he believes you're as strong as our Mom at kung anuman yung pinagdadaanan ng isang batang tulad mo, kailangan mo ma-overcome 'yon ng mag-isa."


Napangiti ako. "Hindi ko naman kinaya ng mag-isa. Someone helped me."


Ngumiti siya sa akin pabalik. "Talaga? Kilala ko ba 'yan?" Pabiro niyang tanong. Natawa ako. Kahit naman hindi ko sabihin ang pangalan ay alam niya na kung sino. Ginulo niya ang buhok ko katulad nung lagi niyang ginagawa nung bata pa ako.


"Anong malay mo kung yung someone mo ay tinulungan lang rin ng 'someone.'" Makahulugan niyang sabi. Tiningala ko siya at kunot-noong tinawanan.


"Anong ibig mong sabihin?"


Bahaw siyang tumawa. "Nevermind."


Matagal kaming nag-usap ni Kuya. Hindi ko na nga napansing ang oras. Naparami ang kwento ko sa kanya at nakikinig siya sa akin ng walang komento. Nagkwento rin siya tungkol sa success niya sa New York. Ilang buwan lang ang bakasyon niya rito at babalik ulit siya ro'n. Sa pagkakaalam ko ay paalis rin si Kuya Rex. Ang tanging maiiwan lang rito sa Pilipinas ay ako at si Kuya Roy.


Nang pumasok si Kuya Rex sa entertainment room ay sila naman ni Kuya Ryan ang naglaro. Mataktika akong lumabas. Nasa sala pa si Ren at nakikipag-usap kay Papa. Mukhang patapos na ang usapan nila.


"Sige po, Tito." Sagot ni Ren.


Ako naman ay nanatiling nakamasid lang. Nang bumaling sa akin si Papa ay ngumiti ako.


"Nakapag-usap na kayo ng Kuya Ryan mo?"


"Tapos na po."


"How about Rex?"


"Nag-uusap palang sila."


Tumango-tango si Papa bago lumapit sa akin. "Magpapahinga na ako. Kayo na ang bahala rito. Dito ko na pinapatulog si Ren pero mukhang uuwi pa rin kaya ihatid mo na lang sa gate pag hindi nagbago ang isip."


Natawa ako sabay tingin kay Ren. Nang tuluyang umalis si Papa ay lumapit ako kay Ren. Hinawakan niya agad ang kamay ko.


"Anong oras na ba? Uuwi ka na?"


"Pinapauwi mo na ako?"


"Ayaw mo naman matulog dito, di ba?" Bahagya akong natawa. Nginisihan niya ako.


"Nakakahiya lang sa mga Kuya at Papa mo."


Nilakihan ko siya ng mata sabay asar sa kanya. "Wow. Si Ren Delgado, nahiya? Rare."


Pinitik niya ng mahina ang noo ko. "Saka, may bisita kayo, di ba?"


"Nakita mo pa ba si Joyce at yung modelo ni Kuya?"


"Nakita kong umalis ang Kuya Roy mo kasama yung assistant niya. Yung model ni Kuya Ryan, sinamahan ng katulong niyo sa guest room. Magpapahinga na ata."


Napatingin ako sa relo ko at nakita kong lagpas alas dose na. Napanguso ako. "Uuwi ka pa? Dito ka na lang. Wala namang sasabihin sina Papa hangga't hindi ka gumagawa ng kalokohan." Napailing ako nang ngumisi siya.


Sa huli ay napapayag ko rin na dito na lang siya matulog. Hinatid ko siya sa guest room.


"Wala akong damit."


"Meron. Nando'n sa kwarto ko." Humalukipkip ako. "Hindi mo naman kasi kinukuha mga damit at gamit mong naiiwan dito sa bahay pag bumibisita at nakiki-sleepover ka. Pasimple ka rin, eh."


"What?" Natatawa niyang tugon. "Anong pasimple ro'n."


Inirapan ko siya saka lumabas ng guest room para kunin ang damit niyang nakatago sa drawer ko. Nang bumalik ako sa guest room ay nasa shower na siya. Kumatok ako sa pinto.


"Ren."


"What? Papasok ka?"


"Sira! Iniwan ko na damit mo sa kama, manyak!"


Natawa siya ng malakas at nag-echo 'yon sa loob ng CR. "Salamat, beh. Hintay mo ako. Huwag ka muna umakyat."


Inabot ko na lang ang damit sa kanya nang matapos siya maligo. Hinintay ko siya sa sofa habang kinakalikot ang cellphone. Daily check point. Wala lang. Nakagawain ko na i-scan ang phone niya kahit wala namang weird do'n at ako lang ang katext niya. Yung fb niya ang masarap na i-deactivate dahil maraming PM ng mga hindi naman niya kilala. Block ko sana yung mga 'yon kaya lang ang babaw ko naman masyado.


Malamig at preskong katawan niya ang naramdaman ko nang yumakap siya sa akin. Nakabihis siya pero parang yelo ang lamig ng braso at kamay niya.


"Nang huhuli ka na naman ba, beh?"


Ngumuso ako. "May reklamo ka?"


"Wala naman akong sinabi." Tumawa siya at tinignan ang ginagawa kong pagbukas ng mga message sa fb niya.


Ang akala ko, sa aming dalawa ay siya lang ang possessive. Ewan ko kung anong nangyari sa akin nung naging legal kami. Kung todo ang pagbakod niya sa akin nung pumuporma pa si Coby, gano'n rin ako sa kanya. Baka nga masmalala pa.


Darating pala talaga ako sa ganitong punto. Na parang gusto i-secure na akin lang siya. Akala ko ay kababawan ang maging possessive sa isang tao pero ngayong naramdaman ko na, gusto ko ipagtanggol ang side ko. Ayokong masira ang relasyon namin. Ni ayoko magasgasan dahil naranasan ko na ang estadong sobrang malabo at magulo at ayokong bumalik kami ro'n.


Nang mapagod ako kakascroll ay nilingon ko siya. Nakapapapikit at halatang inaantok na.


"Tulog ka na." Humalik ako sa kanyang pisngi.


Hinuli niya ang labi ko at lumapat 'yon sa kanya. Gumalaw 'yon ng marahan at hinayaan ko na lang siyang halikan ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang nilayo ang kanyang mukha. Ngumiti siya sa akin.


"Kaya ayoko matulog rito, eh. Lagi na lang akong nati-tempt."


"Lagi talaga at hindi ka lang dito nag-a-attempt." Natawa siya at tumayo na. Napailing na lang ako nang hilahin niya rin ako patayo. Niyakap pa niya ako bago lumabas ng pinto. "Haynako. Kaya nati-tempt kasi dikit ng dikit."


"Sorry na." Humalik pa siya ng isang beses bago ako hinayaang lumabas. Tinakbo ko ang aking kwarto.


Nang mailapat ko ang pinto ay napangiti na lang ako. Ewan ko kung isang malaking turn-off sa iba pag clingy at medyo manyak ang isang lalaki. Naisip ko kasing kung matino akong babae ay araw-araw may sampal 'tong si Ren sa akin at hinding-hindi ko siya magiging boyfriend.


I'm certain that I'm not a good girl type. Neither Ren. Pero minahal ko siyang gano'n. Kasama talaga sa ugali niya ang pagiging maloko. At least, yung pagiging maloko niya ay puro kapilyuhan lang at hindi umabot sa pagiging gago.


Sana nga ay hindi umabot ro'n.


Ilang araw ang lumipas ay napagdesisyunan na namin ni Ren na mag-enroll. Agad kong sinabi 'yon kay Papa.


"Sigurado ka na ba sa course mo, hija?" Masusing tanong sa akin ni Papa.


"Opo." Architecture ang kukunin ko. Second option ko ang Fine Arts pero sinementuhan ko na ang desisyon kong mag-a-arki ako. Medyo malayo ang university na napili namin at pinag-iisipan ko palang kung magdodorm ako.


"Mag-eenroll na kayo bukas?" Tinignan niya ako ng matiim. "Hindi na magbabago ang isip mo?"


"Gusto mo bang magbago ang isip ko, Pa?" Pabiro kong tanong.


Napabuntong hininga si Papa. "Akala ko ba ay nakausap mo na ang mga Kuya mo?"


"Nakausap ko na nga pero anong kinalaman no'n sa pag-eenroll ko bukas?" Naguguluhan kong tugon.


Napahilot ng sentido si Papa. "Ang mga kuya mo talaga. Ang akala ko naman ay nasabi na nila sayo."


"Ano ba 'yon, Pa?" May nakalimutan ba silang sabihin sa akin?


Tumayo si Papa at may kinuhang isang plastic envelope. Binigay niya sa akin 'yon. May mga papeles 'yon pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang passport at visa. Iyon ang una kong kinuha at napatda ako nang pakitang pangalan ko ang nakalagay ro'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top