CHAPTER 21 : RHEA

#SAT9S



CHAPTER 21 : RHEA



"Yaya, gising na po si Ren?"


Ngumiti sa akin ang katulong nila Ren. Masyado ata akong maaga. Ang usapan ay si Ren ang hihintayin ko sa bahay pero maaga akong nagising at masyado akong excited sa araw na 'to kaya ako na lang ang pumunta sa kanila. Napatingin ako sa wall clock at napanguso ako nang makitang 6:49 palang.


"Akyatin mo na lang. Tulog pa 'yon." Sagot ni Manang.


"Sige po." Hinawakan kong mabuti ang dala kong breakfast. Dumaan ako sa isang pancake house kanina. "Ya, padala naman po ng coffee sa kwarto ni Ren."


"Sige. Iaakyat ko na lang." Nakangiting sabi nito. Tumango ako at tinungo ang hagdan.


Nang marating ko ang kwarto ni Ren ay kumatok ako. Walang sumagot. Siguro nga ay tulog pa siya. Marahan kong inikot ang doorknob. Hindi naman 'yon naka-lock kaya nagawa kong buksan ang pinto.


Sumilip ako bago tuluyang pumasok. Dumiretso ang tingin ko sa kama kung saan nakadapa si Ren at mahimbing na natutulog. Napangiti ako. Nilapag ko sa side table ang dala ko at saka umupo sa gilid ng kama niya. Natawa pa ako dahil hawak-hawak pa niya ang cellphone niya.


Dahan-dahan kong kinuha 'yon sa kanyang kamay at tinignan. Lumawak ang ngiti ko nang makita ang conversation namin. Napuyat siguro 'to kahihintay ng reply ko. Natulugan ko kasi siya kagabi habang magkatext kami.


Ilang sandali ko siyang pinagmasdan. Nakatagilid ang kanyang mukha dahil padapa siyang natulog. Bahagi lang ng kanyang mukha ang nakikita ko. Inayos ko ang buhok niyang humahaba na naman at aabot na sa mata niya. Iniisip ko kung paano ko siya gigisingin.


Pilya akong napangiti nang makaisip ng pakulo. Umusog ako malapit sa kanya at tinukod ang kamay ko sa kama pagtapos ay malakas na lumundag at binagsakan ang katawan niya.


"Ren, gising na! Gising na!" Sumigaw-sigaw ako habang tinatalbugan ang likod niya. Napaungol siya at napadaing. Natatawa naman ako sa ginagawa ko. "Gising na, Ren!"


Bigla siyang humarap at um-slide ako patalikod. Akala ko nga ay malalaglag ako kaya hindi ko napigilang mapasigaw ngunit bago pa mangyari 'yon ay sinalo niya ako at hinila payakap.


"Beh." Paungol niyang sambit. "Ano bang ginawa mo? Sakit ng likod ko."


Natawa ako ng malakas at tinulak siya ng marahan para makita ang reaksyon niya. Nakapikit pa rin siya at halatang naistorbo sa tulog. Nakangiwi siya at nakakunot ang noo.


Wala akong tigil sa pagtawa habang siya naman ay umuungot pa rin habang sumisiksik sa leeg ko. Tinulak ko palayo ang noo niya at umungol siya ulit. "Tutulog pa ako."


"Gumising ka na. Gutom na ako." Ibinaba ko ang dalawa kong paa at ibinitin na lang 'yon sa gilid ng kama. Nakasapatos ako at baka madumihan ko ang kama ni Ren. Mukhang nadumihan ko na nga ng tuluyan.


Pilit siyang dumilat. Naniningkit ang kanyang mata at ilang beses siyang kumurap ngunit pumikit rin ulit. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa pisngi niya at marahang tinampal 'yon pagtapos ay nilakihan ko ang pagkakabukas ng mata niya gamit ang aking mga daliri.


"Gising na, please. Di ba may pupuntahan tayo?"


Umungot na naman siya. "Hapon pa 'yon, beh. Anong oras na ba?"


"Ewan. Seven na ata."


"Masyado ka namang excited." Hinalikan niya ang pisngi ko saka tuluyang dumilat at paupong bumangon. Sumandal siya sa headboard at ako naman ay umupo rin sa tabi niya.


"Hindi ka excited?" Tanong ko sa kanya. Kinusot niya ang kanyang mata. Hinaplos ko ang kabilang pisngi niya na may bakat. Hinuli niya ang kamay ko at marahan akong hinila payakap. Pinulupot niya sa kanyang baywang ang braso ko. Napairap ako. Ang clingy talaga.


Humikab siya at idinantay ang kanyang ulo sa balikat ko. "Ba't ikaw pa pumunta rito? Dapat hinintay mo na lang ako sa inyo."


"Mamaya ka pa pupunta, eh."


Ngumisi siya. "Miss mo na ako agad, eh magkasama naman tayo kahapon tapos magkatext tayo magdamag?" Umangat ang ulo niya sa balikat ko at hinarap ako. Pabiro akong pinaningkitan ng mata. "Tinulugan mo ako."


Nginisihan ko rin siya. "Antok na ako, eh. Sorry na." Inabot ko ang binili kong pancakes. "Peace offering."


"Ayoko nyan. Gusto ko. . ." Ngumuso siya at tinampal ko ang plastic ng pancake sa mukha niya.


"Ayoko. Di ka pa nagtotoothbrush. Mahiya ka naman sa akin." Tugon ko bago ko tinanggal ang pagkakatapal ng plastic sa mukha niya. Nakasimangot na siya.


"Wala naman akong bad breath."


"Ewan ko sayo, manyak." Tumayo ako at hinila na rin siya. Nagpapabigat pa ang loko. "Kain na tayo. Hindi pa ako nagbibreakfast."


Huminga siya ng malalim at akmang tatayo na nang may kumatok. Binitawan ko siya para buksan ang pinto. Si Manang Luz 'yon na may dalang tray. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat sa matanda. Sinara ulit ni Yaya ang pinto at naglakad ako pabalik sa kama saka nilapag sa side table ang tray na may dalawang tasa ng kape, garlic at toasted bread, jam at peanut butter.


"Sabi ko kay Yaya kape lang, eh." Humarap ulit ako kay Ren na nakatitig sa akin. "Kainin 'to tapos punta tayo sa bahay tapos kain ulit tayo ro'n, ah?"


Natawa siya. "Walang diet?" Umusog siya palapit sa akin at kinuha ang isang tasa ng kape at ininuman 'yon. Nilabas ko naman ang pancakes.


"Nagwo-workout naman tayo, eh." Binigay ko sa kanya ang isang pancake. Kinagatan niya 'yon pero hindi kinuha sa kamay ko.


Tumango-tango si Ren. "Hmm, ang sarap ng pancakes."


"Oh, di ba?"


"Pero mas gusto ko pa rin ng kiss."


"Magtigil ka." Sinimangutan ko siya. Hayok talaga.


"Pag nagtoothbrush na ako, ah?" Nginitian niya ako ng matamis. Iningusan ko siya.


"Ewan ko sayo."


Nag-uusap kami habang nag-aagahan. Hindi maubusan ng mapag-uusapan kahit araw-gabi kaming nag-uusap, personal man, sa chat o kaya ay sa text.


Isang buwan na ang nakalipas nang mag-debut ako. Kasisimula palang ng Mayo. Maraming nangyari sa loob ng isang buwan pero tila napakabilis ng araw. Nakapagbakasyon ako kasama ang buong pamilya, minus Kuya Ryan, pero syempre kasama na si Ren kaya parang kompleto na rin. Masaya ako. Wala akong mahanap na salita para i-describe ang saya na nararamdaman ko simula nang mag-18 ako.


Gusto nga sana namin humirit ng isa pang bakasyon pero mukhang malabo na 'yon. Marami na kaming dapat ayusin ni Ren. Magka-college na kami at hanggang ngayon ay hindi pa kami enrolled. May napili na kaming university at nakapag-entrance exam na rin. Parehas naman kaming nakapasa at mag-e-enroll na lang.


Titig na titig ako sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi maiwasang mapangiti. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal. Hindi naman kasi kami nagbibilang ng araw o buwan at parehas kami ng pananaw pagdating sa gano'n. Hindi kami yung tipong nagsi-celebrate ng monthsary tulad ng iba. Ewan. Ang corny lang ng dating, saka lagi naman kaming magkasama. Kahit walang okasyon, pag trip naman ay nagsi-celebrate kami. Gano'n lang. Hindi nagbibilang ng araw. 


Habang naliligo siya ay pinakialaman ko ang damitan niya. Marami siyang damit at nakaayos 'yon lahat. Masmaayos pa sa damitan ko.


Lumabas siya ng banyo na nakatapis lang. Pinanlakihan ko siya ng mata. Nanunukso pa ang isang 'to. "Ren!"


"Oh?" Natatawa niyang sambit. Tumabi siya sa akin. Naamoy ko kaagad ang sabon na ginamit niya at menthol sa kanyang paghinga. Lumayo agad ako sa kanya at tatawa-tawa naman siyang bumaling sa akin. "Bakit ka lumayo? Naka-toothbrush na ako."


"Magbihis ka na nga!" Tinakbo ko ang pintuan at lumabas ro'n. Narinig ko pa ang pahabol na tawa ni Ren habang sinasara ko ang pinto. Napahinga ako ng malalim sabay iling. Maloko talaga.


Hinintay ko na lang siya sa sala. Kinakalikot ko ang mga frames na nando'n. Meron kami ni Ren do'n. Isa nung prom at graduation. Isa rin nung nagdebut ako at kasama namin sa litrato ang Daddy niya. Sa bahay namin ay may frame ring kasama namin si Papa at ang dalawang kuya ko. Pag nagkikita ko 'yon ay nagsisink in sa utak ko na legal na talaga kami.


Iyon ang estado namin ngayon. Legal, walang boundaries, masaya pero kailangang alalahanin ang limit. Napapailing na lang ako pag gano'n. Minsan kasi hindi talaga makontrol ang kapilyuhan ni Ren at nadadala niya ako sa greenland ngunit bago pa kami sumobra, napapahinto siya ng kusa at magsosorry sa akin. Nahihiya na lang ako pagtapos kasi tatawa siyang parang walang nangyari at aasarin ako. Kaya hindi pa rin matigil-tigil ang pag-aaway namin sa maliliit na bagay. Ang pinagkaiba nga lang ngayon, parang lambingan na lang ang pakunwaring away namin.


Bumaliktad talaga ang mundo ko simula ng opisyal na maging kami at pinaalam na namin sa lahat ang relasyon namin. Pakiramdam ko nga ay naging protective bigla ang Papa at Kuya ko. Pati si Tito Loren. Hindi naman kami pinagbabawalan sa mga gusto naming gawin basta't hindi kami madidisgrasya. If you know what I mean.


Nang makababa si Ren ay agad siyang humawak sa kamay ko. "Tara na?"


Tumango ako at nagpaubaya na lang sa kanya papuntang kotse.


"Sinong tao sa bahay niyo?" Tanong niya nang malapit na kami sa bahay.


"Silang lahat."


"Walang pasok si Tito?"


"Meron." Tinanggal ko ang seatbelt ko nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng bahay namin.


"Ibig sabihin, hindi siya kasama sa pagsundo?"


Umiling ako. "Tayo lang tapos sina Kuya."


Lumabas kami ng kotse at magkahawak kamay na pumasok sa bahay. Nadatnan namin sina Kuya at Papa na kumakain ng agahan. Pinasabay kami.


"Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't-isa?" Flat na tanong ni Kuya Roy. Ang bitter talaga ng isang 'to.


"Binangungot ka ba kagabi, Kuya, at mukhang hindi maganda ang gising mo?" Tanong ko sa kanya habang sumusubo ng ham. Natawa si Papa at Kuya Rex. Nagpipigil naman ng ngisi si Ren. Inirapan ako ng magaling kong Kuya. Napikon ata. Lagi naman.


"So, anong plano niyo mamaya?" Singit ni Papa. "I'm sorry. Hindi ako makakasama dahil may kakausapin akong ahente pero kung balak niyo kumain sa labas, hahabol na lang ako."


"Huwag na, Pa. Nasabihan na namin si Manang na maghanda na lang dito sa bahay." Sagot ni Kuya Roy. "Sigurado namang magkikita na ulit kayo ni Kuya."


Napangiti ako. Oo, ngayong araw uuwi si Kuya Ryan. Kaya nga sobrang excited ako, at the same time ay kinakabahan. Nung umalis  si Kuya years ago, boyish na ako. Ang alam niya ay boyish pa rin ako hanggang ngayon kaya nga yung mga regalo niya sa akin nung debut ko ay branded na cap at panlalaking style ng sapatos. Isa lang talaga ang pinakapaborito ko ro'n. Jersey ng NBA idol kong si Stephen Curry ng Golden State at may pirma pa. Sinabit ko sa dingding ng kwarto ko at nainggit sa akin si Kuya Rex.


"May kasama raw siya, di ba?" Dagdag pa ni Papa.


Tumango si Kuya Rex. "Yes. Modelo raw niya."


"Modelo?" Singit ko. "Hindi girlfriend?"


"Asa." Magkasabay na sagot ni Kuya Rex at Kuya Roy. Napanguso ako. Nagtatanong lang naman ako.


"Bitter niyong dalawa. Baka may girlfriend na talaga si Kuya Ryan. Hindi niyo lang matanggap kasi wala kayong gano'n." Napaisip ako at tinignan ng mabuti si Kuya Roy na nagpupunas ng kanyang bibig. Bigla siyang tumayo at nagpaalam na.


"I have to go. I-text niyo na lang ako pag nasa airport na kayo." Iyon lang at sumibat na siya. Muntik na akong mapangisi. Natakot ata 'yon na ilaglag ko siya. Takot ma-issue, eh?


Ilang sandali ang lumipas ay nagpaalam na rin si Papa. Niyaya ko si Ren na pumunta sa mall at nagrereklamo si Kuya Rex sa akin.


"Ginawa niyo ata akong tagabantay ng bahay, ah?" Iritado niyang wika.


"Eh, wala ka namang pupuntahan ngayon, di ba? Uuwi rin naman kami."


"Ano bang gagawin mo sa mall? Ang aga naman atang date niyan?"


Pinanlakihan ko ng mata si Kuya. "Hindi date 'yon. May bibilhin lang ako. 'To naman. Nag-aalburoto. Dadalhan kita pasalubong." Suhol ko sabay hila kay Ren.


"Drive carefully! Huwag magsasarili!" Sigaw pa ni Kuya Rex at muntik na magpanting ang tainga ko. Natawa naman si Ren habang pinapapasok ako sa sasakyan niya.


"Ano nga ba kasi ang bibilhin mo?"


Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. "Wala kasi si Shai, eh. Hindi ko tuloy alam susuotin ko."


"Bibili ka ng damit?"


Napangiwi ako at napakamot sa aking kilay. "Oo sana."


Ngumisi siya sa akin. "Ako pipili?"


Napanguso ako. "Ayaw mo?"


"Sino nagsabing ayaw ko?" Natatawa niyang sabi.


Nang marating namin ang mall ay hindi pa bukas 'yon. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago makapasok. Naglibot muna kami dahil hindi ko mapagdesisyunan kung saan kami bibili.


"Anong klaseng damit ba? Yung hindi ka makikilala ni Kuya Ryan?" Pabirong sabi ni Ren. Hinampas ko ang braso niya at tumawa lang siya.


"Hindi ko nga alam, eh."


"Gusto mo bang makita niya na babae ka na? Magugulat 'yon."


"Expected ko na talagang magugulat 'yon. Ang akin lang, hindi ko alam kung ano isusuot ko. Wala kasi si Shai, eh." Nasa ibang bansa na naman kasi ang babaeng 'yon ay may kontrata sa isang fashion show bilang stylist. Hindi ko naman magawang istorbohin dahil baka busy.


"Okay lang namang kahit ano, beh." Marahang tugon ni Ren sabay ngiti sa akin.


Ngumiti ako sa kanya pabalik ngunit patuloy ako sa pag-iisip. Kung tatanungin ako kung naging 'lady-like' na ba ako, ang masasagot ko ay 'hindi' ngunit natutunan kong maging simple at ayusin ang sarili ko. Pero ngayong araw, hindi ko mapagdesisyunan kung anong klaseng pag-aayos ba ang gagawin ko.


Nagtanghali na't lahat pero hindi pa kami nakakapamili. Kung anu-ano lang ang ginawa namin sa mall. Nag-ikot, kumain tapos nag-ikot ulit hanggang sa napagdesisyunan naming manuod na lang ng movie. 4:30 pa naman kami pupunta ng airport. Mag-a-alas dose palang.


Nasa kalagitnaan na kami ng panunuod nang tumawag si Kuya Rex.


"Nasaan ka na?"


"Sinehan."


"Ba't kayo nandyan? Akala ko ba ay hindi date 'yan?" Mukhang na-highblood ang mahal kong kapatid at muntik ko na mabato ang cellphone ko.


"Huwag ka mag-alala, Kuya, dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya. Bye." Pagtapos ay binaba ko na ang tawag. Tatawa-tawa si Ren habang nakaakbay sa akin.


"Mapapagalitan tayo niyang ginagawa mo."


"Bitter lang 'yon si Kuya Rex kasi wala siyang partner mamaya." Humagikgik ako. "Si Kuya Roy, meron na. Si Kuya Ryan, dadalhin yung modelo niya.  Siya na lang ang napag-iwanan."


Kunot-noo akong tinitigan. "May girlfriend na si Kuya Roy?"


Ngumisi na lang ako at tumawa ng pagak.


Nang matapos ang movie ay tinungo namin ang isang store na puno ng pambabaeng damit.


"Ano kaya?" Tinataas-taas ko ang mga naka-hanger na damit.


"Sukat mo na lang yung magugustuhan mo. Ako pipili ng pinakabagay sayo." Suggest niya.


Sinang-ayunan ko 'yon. Ang una kong sinukat ay off-shoulder dress na medyo maikli. Sumimangot siya at umiling kaya bumalik ako ng fitting room. Pangalawa ay polka dot tube style na dress rin at umabot na sa tuhod ang haba pero inayawan niya pa rin. Bumalik ulit ako ng fitting room. Ang pangatlo, pang-apat, pang-lima at pang-anim kong sinukat ay inilingan niyang lahat. Muntik na ako magngitngit.


"Pinagtitripan lang ata ako ng bakulaw na 'to, eh. Pag-umiling pa siya, maghuhubad na lang ako." Natigilan ako nang maisip ko 'yon. "Manyak nga pala siya. Huwag na lang. Baka mamatay sa tuwa."


Ang pinakahuli kong isinukat ay isang long-sleeve lacy dress na umabot lang hanggang ibabaw ng tuhod ko. "Ito talaga. Pag inayawan pa niya, tatapon ko na 'to sa mukha niya." Bulong ko. Ang hassle naman kasing magbihis! Napatingin ako sa aking relo at nanlaki ang mata ko nang makitang 4pm na.


Lumabas ako ng fitting room at diretsong tumingin sa kanya. Matagal niya akong tinitigan. May balak pa atang tunawin ako. Pati mga saleslady ay naghihintay ng magiging reaksyon niya.


Nang ngumiti siya ay nakahinga ako ng maluwag. Naglakad ako patungo sa kanya at ngumuso. "Akala ko iiling ka ulit, eh. Bugbugin na sana kita."


Natawa siya at pinulupot ang braso niya sa baywang ko. Nilingon niya ang saleslady. "Miss, bibilhin namin lahat ng sinukhat ng girlfriend ko."


Umawang ang bibig ko. Siraulo talaga 'to. Bibilhin din naman pala namin lahat ng 'yon tapos pinahirapan pa akong magpalit-palit. Pinagpawisan kaya ako ro'n.


Hinalikan niya ang sentido ko. "Don't show too much skin."


Natahimik ako. Iyon lang naman pala ang problema niya, eh di sana humanap agad ako ng long sleeve dress kanina. Gusto talaga nito pahirapan pa.


"Tumawag na si Kuya Rex. Diretso na raw tayong airport." Sabi niya sabay abot nung paper bags mula sa sales lady.


"Okay." Sagot ko sabay ayos sa aking buhok. "Ayos lang ba itsura ko? Hindi sobrang haggard?"


"Maganda ka pa rin naman."


Muntik na ako mapairap. Sa ibang pagkakataon, maiisip ko na binobola lang talaga ako nito. Pero hindi naman din siya madalas namumuri kaya tinanggap ko na lang.


Nang marating namin ang airport ay nando'n na si Kuya Rex.


"Nasa'n na si Kuya Roy?"


"On the way." Sagot nito habang busy kakapindot sa phone.


"Nakalapag na eroplano ni Kuya Ryan?"


Tumango si Kuya Rex sabay tingin sa akin. "Kinukuha na lang ang mga bagahe nila."


Nagkatinginan kaming dalawa ni Ren. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Nginitian niya ako at nagsilbing assurance 'yon para sa akin.


"He'll be delighted." Bulong ni Ren.


"You think so?"


"Yes. Eighty percent sure." Ngumisi siya sa akin.


"Eighty percent lang?" May pag-aalinlangan kong tanong


"Yung twenty percent sa shock dahil paniguradong magugulat 'yon. He'll get the biggest surprise  of his lifd from his dear little sister. Baka ma-stroke pa 'yon." Humalakhak siya


Natawa ako. "Baliw."


Maya-maya pa ay dumatiog na si Kuya Roy. Napanganga ako nang makitang may kasama siya. Hindi ko mapigilang mapasigaw.


"Oh my gosh! Joyce!" Kumaway-kaway ako. Nahihiyang kumaway pabalik si Joyce sa akin. Niyakap ko siya nang makalapit sila. Napasulyap ako kay Kuya Roy na cool na cool habang nakapamulsa. Nakanganga sa kanya si Kuya Rex. Nakanguso naman si Ren habang nakamasid sa amin ni Joyce.


"Hi, Rhea. Na-miss kita." Malambing niyang sabi.


"Na-miss din kita!" Sandali ko siya hinila patagilid. "Sinama ka ni Kuya? Kayo na ba talaga?"


Bago pa makasagot si Joyce ay sumigaw na si Kuya Rex ng pangalan ng pinakahihintay namin.


"Welcome home, Kuya!"


Napalingon agad kami ni Joyce at lumakas ang pagtahip ng dibdib ko. Finally. After so many years, Kuya Ryan is finally home. 


May katabi siyang matangkad at magandang babae na naka-shades. Malaki ang ngiti ni Kuya Ryan at sinalubong niya ang mga Kuya ko at niyakap. Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Hindi makagalaw.


Ano ang sasabihin ko kay Kuya Ryan? Ano ang gagawin ko?


"Hey, buddy!" Inipit ni Kuya Ryan ang leeg ni Ren gamit ang kanyang braso. "Long time no see!"


Natapos ang mga batian nila at napatingin sila sa amin ni Joyce. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malamig.


"Who are they?"


Natahimik ang lahat. Lumapit pa si Kuya Ryan sa amin at tumatawa-tawa pa ito. Napalunok ako. Hindi niya ba ako namumukhaan?


Nang magfocus ang mata niya sa akin ay mas lumawak ang ngiti niya.


"Sino sa mga kapatid kong lalaki ang boyfriend mo?" Tanong niya na nagpanganga sa aming lahat. What the heck?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top