CHAPTER 11 : CONCLUDE

#SAT9S


ON HIATUS STARTING TODAY.


CHAPTER 11 : CONCLUDE


"Eh, ba't ka nga umuwi agad?" Pangungulit sa akin ni Ervis.


"Kasi  nga masakit ang ulo ko!" Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Sus. Kahit nga ata magkabulutong ka, hindi mo palalampasin yung after party natin. Pasok tayo sa Finals. Di ba 'yon ang gustong-gusto mo i-celebrate. Saka, free food 'yon, imposibldm talagang walang rason."


Tinignan ko siya ng masama. "Ganyan ba ka-'patay-gutom' ang tingin niyo sa akin? Anong tingin niyo sa party? Feeding program for George Rante? Letse." Inirapan ko siya na ikinatawa niya naman.


Sinampay na naman niya ang mabigat niyang braso sa akin at halos magmukha akong unano sa tangkad niya. Halos matabunan ako ng suot niyang blue toga. Graduation ng batch niya ngayon pati rin si Leo.


"Hindi naman sa gano'n, Manager. Ang gusto ko lang i-confirm ay kung umuwi ka ba talaga."


"Oo nga! Umuwi nga ako. Para ka namang tatay. Papa ko nga, hindi ako kinukumusta pero ikaw, pang-malakasan na 'yang mga tanong mo. Nabubwisit ako. Dapat hindi na ako pumunta rito, eh!" Pinadyak ko ang aking paa sabay halukipkip na tila batang nagmamaktol. Tinawanan na naman ako ni Ervis. Siniko ko siya sa tiyan at pinaningkitan ng mata. "Huwag mo kong tawanan! Butasin ko 'yang ngala-ngala mo!"


Sa totoo lang, medyo nakararamdam ako ng lungkot. Paniguradong malaking adjustment ang gagawin ng buong team sa pagkawala ng team captain. Malaking bagay rin si Leo dahil big man namin 'yon. Hindi lang talaga ako yung tipong nambubuga ng sweet words kahit pa ganito ang mga eksena pero alam ko sa sarili kong mamimiss ko sila.


Pwe.


Huminga ako ng malalim at tinignan ang mga kapwa namin estudyante na magtatapos ngayong araw. Pinapunta ako rito ni Ervis dahil wala raw magpipicture sa kanya sa Stage. Nasa Middle East na ang buong pamilya niya at siya na lang ang naiwan rito. Sa pagkakaalam ko, dapat dati pa siya sasama sa mga magulang at kapatid niya pero hindi niya mabitawan ang basketball at ang buong team. Kahit may saltik 'yan minsan, may paninindigan, leadership at madisiplina. Kaya nga naging team captain. Napaisip tuloy ako kung sino ang papalit sa kanya.


Nasa kalagitnaan na ang ceremony nang dumating sa theater sina Marco, Kenedic at Nathaniel. Itong tatlo talaga ang mga kadikit ni Leo at Ervis.


"Nakaakyat na si Ervis?" Tanong si Nathaniel.


Umiling ako. "Kukuha akong picture niya. Do'n na ako sa harap. Malapit na siyang tawagin."


"Ayos, ah. Photographer ka na rin pala ngayon, Manager?" Natatawang sabat ni Marco. 


Mabilis ko siyang kinuhanan ng picture at nagreklamo siya. Natawa ako dahil nakanganga si Marco ro'n. Napahagikgik ang dalawa niyang kasama. Sinaway pa kami nung nagbabantay dahil maingay kami.


Nang matapos ang ceremony hindi ako makasingit sa mga nagko-congratulate kina Ervis at Leo. Napanguso na lang ako habang ini-scan ang mga litrato sa DSLR ni Ervis.


"Manager." Lumingon ako sa likod at nakita ko sina Orly, Trav at Ren na pare-parehas na nakaporma. Si Orly ay bagong gupit at mohawk ang buhok. Naka-fitted shirt at tattered pants. Si Trav naman ay naka-polo shirt at fitted jeans. Si Ren ang pinakasimple. Printed shirt na kulay white, shorts at air max na sapatos.


Mukhang sila lang ang nakapunta dahil may kanya-kanyang lakad ang mga players ngayong araw. Sila Coach naman, busy sa pagplano ng game plan para sa susunod na laban. Balik practice kami bukas  dahil tatlong araw na lang at magsisimula na championship game. Best of 3.


"Galing kayong dorm?" Tanong ko. Tumango si Orly. Si Ren naman ay tumitingin-tingin sa paligid. Tila may hinahanap.


"Manager, si team captain nasaan?" Tanong ni Jeoff. "Iko-congratulate lang namin."


Nginuso ko ang direksyon kung saan nakatayo sina Ervis. Lumakad ako palapit nang makitang sila Nathaniel na ang kausap nito.


"Akala ko talaga magdedelay pag-graduate mo, pre. Puro cutting ka pa naman." Pang-aasar ni Marco kay Leo.


"Hindi kami nag-aalala kay team captain. May mararating 'yan. Eh, ikaw? Anong gagawin mo sa buhay mo?" Dagdag pa ni Kenedic.


Nginisihan lang sila ni Leo. Bigla nitong inipit ang ulo ni Kenedic at pinagkukutusan. Natawa kaming lahat. Lumapit sina Orly at Trav kay Ervis at binati ito,


"Congrats, dude." Nakipag-fist bum si Ervis kay Trav.


"Congrats, Captain." Pagbati ni Orly.


Inikot-ikot ko ang lens ng camera. Alam kong nanatili si Ren sa tabi ko. Naghihintay ata ng tyempo na makalapit sa ibang players. Hindi ko napigilang lingunin siya.


"Bumati ka na."


"Mamaya na. Ang dami pa nila."


"Para ka namang 'others.' Nasa isang team naman kayo." Natigil ako sa pagsasalita ng may maalala. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ba't nga pala kita kinakausap. Galit nga pala dapat ako sayo." Sabi ko sabay irap, "Hah! Matandang babae pala, ah."


Tumawa siya sabay punta kina Ervis. Huminga ako ng malalim at pilit na sinusupil ang inis. Walang dahilan para sirain ko ang mood ko ngayon.


"Manager, kunan mo naman kami ng picture." Sigaw ni Marco.


Tumango ako at lumayo para kuhanan silang lahat ng litrato. Magkakaakbay silang walo. Mamaya i-a-upload ko 'to at lalagyan ng caption na 'mga bading.' Paniguradong magi-gain na naman ako ng new batch of haters.


"Manager, isa pa!" Sigaw naman ni Leo.


Huminga ako ng malalim at sinunod ulit sila. Minsan lang naman. Pagpapasensyahan ko na.


"George, last na talaga!" Sigaw naman ng pesteng Kenedic. Pinanlisikan ko silang lahat ng mata at muntik ko na maitapon ang camera. Naghagalpakan ang mga gunggong.


"Ang ganda ng araw ko, ah. Sinisira niyo na naman." Sigaw ko sa kanila. Bigla naman akong nahiya dahil nagsitinginan sa akin ang ilang mga nasa labas rin ng theater. Naghagikgikan na naman ang mga lalaki.


"Manager-"


"Ayoko na!" Napatadyak ako.


"Ayaw mo magpapicture kasama namin?" Mapanuksong tanong ni Nathaniel. Namula ang mukha ko.


"Don't be shy." Sabat ni Ren na nagpatawa na naman sa pito niyang kasama. Humalukipkip ako at hinintay na humupa ang katuwaan nila.


Lumapit sa akin si Leo at umakbay. Inalis nito sa leeg ko ang camera at hinila niya ako papalapit kina Ervis.


"Hanap tayo ng magpipicture."


"Uy, Manager. Pag magpapicture sa amin may tip na isang libo." Bulong ni Marco.


"Isang libong pakyu para sayo." Bulong ko. Tinakpan ni Ervis ang bunganga ko.


"Bad. Bad mouth." Naiiling nitong sabi.


"Baka bad breath." Bulong naman ni Kenedic. Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata.


"Gusto mo bugahan kita para mamatay ka na?" Paasik kong tanong.


Hinanap nila Ervis sila na mukhang naligaw na ata sa paghahanap ng magpipicture sa amin. Nakita namin siyang kinakausap si Joyce Tapit. Ang Magna Cum Laude sa batch ngayon.


"Gago 'tong si Leo. Nan-chicks lang ata." Pasaring ni Marco.


Maya-maya ay nakita namin ang pagbigay niya kay Joyce nang camera at pumwesto naman si Leo sa tabi namin.


"Ang kapal mo talaga. Yung Magna Cum Laude pa ang pakukuhanin mo ng picture." Asar kong sabi kay Leo.


Natawa sina Orly at Kenedic. "Para-paraan."


"Hayaan mo na, Manager." Bulong sa akin ni Leo. 

"Okay na?" Tanong ni Joyce. Tumango lang ako pero humiyaw ang mga lalaki maliban kina Ren at Trav. Nakaiirita talaga. "One. . .two. . .three."


Lumapit ako kay Joyce at kinuha ang camera sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin,


"Thank you. Congrats na din." Bati ko.


"Thank you rin." Tumingin siya sa mga lalaki. "Ang galing naman. Close mo ang mga players." Ngiti lang ang naisagot ko. "Uhm, sige. Una na ako."


Bumaling ako sa mga lalaki. Nagsikuhan pa sina Leo at Nathaniel pagtapos ay kumaway kay Joyce at nagpasalamat na rin.


"Ang ganda rin nung Joyce Tapit, pre. May mukha na, matalino pa." Sabi ni Nathaniel.


"Kursunada mo na naman?" Asik ni Leo. "Napaghahalataan ka na, pre. Dati, gusto mo yung 'Joyce' kong pinsan. Ngayon, kursunada mo yung Joyce Tapit. Tapos, ang alam ko may ex ka pang Joyce rin. Umamin ka nga, nangongolekta ka ba ng babaeng 'Joyce' ang pangalan?"


Lumapit ulit ako sa kanila. Hinila ko ang toga ni Ervis at Leo. "Nagugutom na ako. Bilisan niyo."


Panay ang reklamo nila sa akin pero wala silang nagawa. Agad kaming nagtaxi papunta sa bahay nina Leo. Do'n kasi may handaan. Do'n na rin nagpahanda si Ervis. Mukhang hindi naman ito naiiba sa mga magulang ni Leo. Sa pagkakaalam ko, sila talaga ang magbestfriend. Nadagdag si Nathaniel tapos sumunod si Kenedic at Marco.


Siksikan kaming walo sa dalawang taxi. Si Leo ay may kotse kasama ang magulang niya. Ang mga kasama ko ay sina Ervis, Trav at Orly. Si Orly ang nasa harap at kaming tatlo nina Ervis at Trav ang nasa likod. Pinapaamin ako ni Ervis sa nangyari nung nakaraang araw.


"Umuwi nga ako. Ba't ba gusto mo paulit-ulit?" Asik ko sa kanya.


"Alam ko kasing nagsisinungaling ka."


"Proof mo, aber?"


Ngumisi siya sa akin. Bumaling naman sa akin si Trav na kanina pa nananahimik.


"Bakit nga pala wala ka ro'n?"


"Ang kulit niyo naman!" Sigaw ko sa sobrang kakulitan nila. Sagad sa buto ang inis ko. Sa ganitong pagkakataon masarap magtantsa kung gaano kalakas ang aking kamao. Sarap nilang gawing example.


"Hindi kayo magkasama ni Ren?" Bulong ni Ervis,


Namula ang mukha ko at muntik ko na takpan ang bunganga niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi nga!"


"Ba't naman sila magkasama?" Kunot-noong tanong ni Trav. "Kayo ba ni Ren, Manager?"


"Hindi 'no!" Napakamot ako sa aking ulo. Natawa si Ervis sa ginawa ko. "Nabubwisit na ako sayo, Ervis. Iniintriga mo ako kahit sa tahimik! Baka hindi kita matantsa at grumaduate na rin ang buhay mo!"


"Ang alam ko may girlfriend si Ren." Ani Trav.


"Alam ko. Sino bang hindi nakakaalam no'n? Peste kasi 'tong si Ervis." Sumandal ako at humalukipkip. Masama ang tingin sa harapan habang tumatakbo ang taxi. Buti na lang at naka-earphone si Orly at hindi kami pinakikinggan.


"Hindi naman maingay si Trav. I-share mo na lang sa kanya yung sekreto mong malupit. Wala na ako next year. Siya na lang ang ipalit mo." Tatawa-tawang payo pa ni Ervis.


Sinapak ko na dahil sobrang inis na ako. "Manahimik ka na nga!"


Dumating kami ng bahay nina Leo ng medyo late. Nadatnan namin ang ibang bisita na kumakain na. Sila Marco ay kumuha na ng makakain. Iniwan ko kaagad sina Kenedic para makakain na rin ako.


May ilan akong kakilala na naimbitahan rin pala. Ang iba ay naging kaklase ko dati sa ilang subjects na in-advance kong kunin. Nakita ko si Kristine Castillo. Dati ring SA sa department namin pero nalipat nung mag-second year. Naging ka-close ko rin kahit paano.


Dalawang table ang pinagdikit para magkasya kaming walo. Hindi ko sila pinapansin at panay lang ang kagat ko sa barbeque.


"Hinay-hinay, Manager." Napahinto ako dahil si Ren ang nagsalita. Nilingon ko siya.


"Huwag mo nga ako kausapin. Galit ako sayo." Pagtapos ay inirapan ko siya ngunit katulad ng kanina niya pa ginagawa, tinawanan lang niya ako.


Nahagip ng tingin ko si Trav na matanang nakatingin sa amin ni Ren. Muntik na ako mabulunan.


Merong karaoke at bininyagan 'yon ni Leo ng nakakabinging kanta.


"Lakas Tama! Ako'y nawawala! Nawawala ang isip ko pag nakikita ka, sinta!"


Sinundan pa ni Ervis ng. . .


"I don't wanna close my eyes. I don't fall asleep 'coz I miss you, babe and I don't wanna miss a thing. . ."


Nanakit ang tiyan ng mga bisita sa kakatawa dahil parehong palyado at sintunado ang boses ng dalawa. Napatakip naman ako ng mukha. Ako na lang ang nahihiya para sa kanila. Buti naman ako naka-graduate na ang mga 'yan. Umaasa akong hindi na mangyayari ito ulit. Nakakahiya talaga.


Ilan pa ang kumanta. Naiinitan ako kaya nagtanong ako kung saan pwede magpahangin. Tinuro sa akin ng Mama ni Leo ang terrace. Nakita ko ro'n si Kristine na mag-isa.


"Hey." Tawag ko sa kanya.


Napaigtad siya at parang nagulat sa pagtawag ko. "Ikaw pala 'yan, George."


"Kumusta na? Tagal nating hindi nagkita, ah? Sobrang laki ba talaga ng university natin?" Pabiro kong sabi na tinawanan niya naman.


"Siguro nga. Okay naman ako. Gano'n pa rin. Ikaw?"


"Same." Tumabi ako sa kanya. Huminga ng malalim para namnamin ang malamig na hangin. Hindi ko namalayan ang pag-gabi. "Magkaklase pala kayo ni Leo?"


Umiling siya. Nagtaka naman ako kung ba't siya nandito kung hindi 'yon ang rason. "One time, kinailangan nila ng architect student para magplano mag-draft ng project ng mga CE. Naging magpartner kami."


Do'n ko lang naalala na arki student nga pala siya.


"Oh." Gusto ko sanang tanungin kung naging sila. Knowing Leo na matinik sa babae, hindi malabo pero ang tingin ko naman kay Kristine ay hindi nagpapadala sa mga gano'n. Hindi na lang ako nang-intriga. Iniba ko na lang ang topic. "SA ka pa rin ba?"


Umiling siya at bahagyang natawa. "Hindi na. Hindi kaya, eh. Mahirap yung course. Kailangang ng maraming oras kaya tinigil ko na."


Ilang sandali kaming natahimik. Pinagmasdan namin ang mga bisitang labas pasok sa gate nila Leo. Nang makita kong lumabas si Ren at Trav na may dalang mga bote ay napanguso ako. Hindi ko mapigilang sumigaw.


"Oy, huwag kayong magpakalasing, ah? May practice na bukas!"


Sumaludo lang si Trav at ngumisi lang si Ren. Napailing ako. Hindi ko malaman kung susundin ba nila ako o ano. Silang dalawa yung pinakamisteryoso sa lahat ng players pero si Trav ay may pagkakataong kaya kong basahin. Si Ren, hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng pag-iisip. Hindi ko kaya hulaan.


"Siya yung bago sa team, di ba?"


"Oo." Nilingon ko. "Kilala mo?"


"Sa mukha lang. Hindi sa pangalan." Humarap sa akin si Kristine. "Lagi ko kasi siyang nakikita sa building ng Arki dati. Last year pa 'yon."


"Talaga?" Bigla akong naging interesado. Naisip ko ulit yung arki student na girlfriend ni Ren. Baka may alam si Kristine sa kanya.


"Hatid-sundo niya yung girlfriend niya."


Parang bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang may makakasagot na ng kahit isa sa mga gusto kong malaman.


"Kilala mo?"


Tumango ulit siya at mas nag-anticipate ako. "Blockmate ko. Rhea yung pangalan pero nagkaro'n kasi ng issue sa babaeng 'yon."


Kumunot ang noo ko. "Anong issue?"


Nagkibit-balikat si Kristine. "Hindi na kasi siya natapos yung second sem. May kumalat na balita nabuntis raw, naaksidente. Hindi namin alam kung ano yung totoo. Wala naman kasing confirmation tsaka wala ng naka-contact sa kanya."


Natulala ako kay Kristine. N-Nabuntis? Sinong ama? Si Ren? Kung totoo nga, batang ama na pala si Ren? Parang lulubog ako sa kinatatayuan ko. Nakawiwindang at parang hindi ko ata kayang tanggapin na gano'n si Ren. 

Napalunok ako ng wala sa oras. Kaya ba masyado siyang misteryoso kasi masyadong malaki ang issue na kanyang tinatago? Malamang.


Nang bumaba muli ako ay natigilan ako nang makitang si Ren ang kumakanta. Napahinto ako sa hagdan habang pinagmamasdan ang boses niya.


"Walang ibang tatanggapin, ikaw at ikaw pa rin. . ."


Iniisip ko kung gaano siya kaloyal sa isang babae. Masyado ba siyang in-love sa girlfriend niya o masyado lang siyang mapusok?


Pumikit na lang ako ng mariin at huminga ng malalim.


"George! Kanta ka rito!" Tawag sa akin nila Ervis. Hilaw ang aking ngisi at mariing tumanggi pero kinaladkad nila ako sa tabi nila at pinaupo. Binigay sa akin ang mic.


"Minsan lang 'to, Manager. Bigyan mo naman kami sample. Parinig mo na 'yang golden voice mo. Graduation gift mo na 'to sa amin."


Gusto ko na talagang pag-untugin si Ervis at Leo.


Nag-cheer pa silang lahat kaya sobrang hiya ang naramdaman ko. Pinaghahampas ko ang mga braso nila. Hindi sila nagpagpigil sa pag-set ng kanta. Nang makita ko kung ano 'yon ay napamura ako. Nangingisi ang siraulong Ervis. Alam ko siya ang pumili niyo.


"Ang corny pumili ng kanta! Ayoko nyan!"


"'Yan na. Bagay sayo 'yan."


Umubo ako. Minasa-masahe pa nila ang likod ko at pinagtatapakan ko ang mga paa nila. Nang mag-intro ang kanta ay naghiwayawan ang mga ito. Napilitan ako dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makakaahon sa hiya pag sinabihan ng KJ. Natatanaw ko pa si Kristine na natatawa sa gilid. Mahina kong inumpisahan ang kanta.


"It never crossed my mind at all. That's what I tell myself. What we had has come and gone. You're better off with someone else. It's for the best I know it is. . .But I see you. . ."


Naalala ko na naman ang pesteng Oliver. Alam kong maiiyak ako pero buti na lang at hindi ko ugaling umiyak sa harap ng maraming tao. Tumahimik na rin sila.


"Sometimes I try to hide what I feel inside And I turn around. You're with him now I just can't figure it out. . ."


Kinagat ko ang aking labi. Parang babaliktad ang aking sikmura. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Napatingin ako sa mga players. Nangingisi sila maliban kina Ren at Trav na nakakunot. Si Trav, natural ng walang reaksyon. Si Ren, ewan ko.


"Tell me why. You're so hard to forget. Don't remind me. I'm not over it. Tell me why I can't seem to face the truth. I'm just a little too not over you-"


Inagaw sa akin ni Ervis ang mic. "Ako na nga ang kakanta. Parang nadadala ka na, eh." Tumatawa-tawa na naman siya.


"Yung golden voice, natanso." Asar nila.


Yumuko na lang ako at hindi nagsalita. Hindi ko sila pinatulan. Pinapakalma ang nag-aalburotong damdamin. Sana ay mapigilan pa. Pinagsalikop ko ang aking kamay at nanahimik sa isang tabi. Naka-ilan pa silang kanta bago nila naisipang umuwi.


Tumabi sa akin si Trav nung paalis na kami at nagpapaalam na sa mga magulang nila Leo.


"Ayos ka lang?"


"Ha?"


"Mukhang may tama ka talaga kay Ren, ah?"


Napanganga ako. "Trav! Pati ba naman ikaw?"


"Hindi ka naman mahirap basahin."


"'Yan ang hirap sa inyo, eh. Nagko-conclude kayo agad-agad."


"Paano kung tama ang conclusion namin?" Inosente niyang tanong.


"Namin?"


"Ni Ervis." Ngumisi siya.


Nanlaki ang mata ko. "At talagang naniwala ka sa mokong na 'yon."


"Hindi agad-agad pero napatunayan ko kanina."


"Heh!"


Biglang sumingit sa usapan si Marco na lalasing lasing na. Papagalitan na naman 'to ni Coach bukas.


Nagpatawag ng taxi ang magulang ni Leo at naghihintay na lang kami. Sumulpot sa tabi ko si Ren. Tinapunan ko siya ng tingin.


"Yung sukli ko." Bulong niya na ako lang ang nakakarinig.  "Wala ako pambayad sa taxi."


"Wala na. Pinambili ko ng pizza. Hindi na kita mababayaran kasi tapos na ang sem. Wala ng allowance."


"Galing mo mamburaot pero kuripot." Pasaring niya.


"Gano'n talaga." Ngumuso ako. "May itatanong pala ako."


"What?"


Huminga ako ng malalim at isinambit ang pinaka-prankang tanong.


"May anak ka na ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top