Chapter 14
It's very new to me.
The fact that I'm hurt and instead of crying alone in the bedroom, I chose to look for Collosal. To have bottles of beer or just him lending me his ears and listening to my unending nonsense problems.
I know Teahyung's worried and all but I guess he sense I needed other person. I'm thankful to him but right now, I'm hugging four cold bottles of beer and walking towards Colossal's bedroom.
"Colossal?" I called in front of the closed door. Waiting for his response.
"Colossal!" I call a little louder cause maybe he's asleep.
"Are you sleeping?" I asked. Gusto ko na lang pumasok sa loob tapos gisingin siya kung tulog man.
"Hey! Are you sleeping?" sumisigaw na ako.
Inilapag ko sa lapag ang mga bote ng beer sa harap ng pinto dahil papasok na lang ako para gisingin siya nang biglang umingit ang pinto. Mabilis itong bumukas at nakakakita ako ng dalawang maputing pares ng paa.
"Grabe! Hapon pa lang mag-iinom ka na?"
Narinig ko pang tumakla si Colossal na parang nang-aasar. Bigla kong nakalimutan na broken hearted nga pala ako. Napalitan iyon ng kaunting inis kasi inaasar na naman niya ako.
Umirap muna ako tapos tumingala "Kapag ba gabi nag-inom hindi na lasingera..."
Slowmo kong nasabi yung huling salita. Ikaw ba naman salubungin ng gwapong may abs na naka brief lang tapos naka-umbok yung nakatago doon na parang gustong kumawala. Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi pero ayaw ko magpahalata.
Yumuko ako ulit at kinuha isa-isa ang mga bote at niyakap. Tumayo ako pagkatapos at nagtapang-tapangan.
"Eh Ikaw!" Di ko sya matingnan sa mata "Hapon na naka-brief ka pa rin!"
Ngumiti ang loko at kumagat labi pa.
"Sus! Nakita mo na nga akong nakahubad! nasuksukan mo na rin ako ng one kyaw sa brief!" Tumawa siya. Yung tawa niya ang sarap sa tenga, mapangasar na tunog pero gumagaan pakiramdam ko. May hatid na kiliti.
"Ahhh alam ko na! Gusto mo siguro nakahubad!"
Bigla akong nataranta at nanlaki ang mata ko nung bigla niyang hawakan ang garter ng suot niyang brief tapos huhubarin. Bigla kong nabitawan ang mga hawak kong bote nang hawakan ko ang mga braso niya para hindi siya maghubad.
"Para kang tanga!" yan ang naisigaw ko kasabay ng pagkabasag ng mga bote sa pagitan namin.
Nagkatinginan muna kami habang ganun ang aming posisyon, ilang segundo bago kami nakagalaw. Nataranta ulit ako tapos umupo ako bigla para pulutin ang nabasag na bote Naramdamam ko rin na umupo siya sa harap ko.
"Ako na maglilinis niyan, baka mabubog---"
"Ouch!" Di pa niya tapos sasabihin niya at ayun nabubog na nga ang hintuturo ko sa kanang kamay.
"Sabi na e!" Inis na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang dumudugo kong daliri.
"Next time kung may mababasag mag-utos ka na lang ng ibang gagawa. Broken hearted ka na nga nasusugatan ka pa ng literal." Malumanay na paalala niya sakin. Napatingin ako sa mukha niyang nag-aalala habang nakatitig sa daliri ko nang bigla niya itong isubo.
"Ano ginagawa mo!" Hahatakin ko sana ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Ramdam na ramdam ko ang init ng loob ng kanyang bibig at ang paghigpit ng dila niya sa aking daliri habang sinisipsip iyon. Bigla akong may naramdaman na ibang init. Hindi pa man din ako nakakainom ng alak, umiinit na ang pakiramdam ko.
"Hugasan at sabunan mo yan nang maigi tapos lagyan natin ng band-aid," Inalis na niya sa kanyang bibig ang daliri ko at ngumiti sa akin. Pakiramdam ko ay namamanhid ang aking pisngi.
Tumayo siya sa harap ko at inalalayan niya rin ako sa pagtayo.
"D'yan ka lang, magdadamit lang ako tapos baba tayo, dun na lang tayo maglaklakan kung gusto mo. Ipapasuyo ko na lang din na malinis yan, mamaya masugatan ka na naman!"
Nakangiti siya at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto. Ako ay naiwang namumula sa labas at nakatayo lang. Tila nakalimutan kong may bitch nga pala akong na-meet kanina kaya gusto kong mag-inom. Pero now, parang gusto ko na lang mag-inom para makipag-kwentuhan kay Colossal tungkol sa buhay.
"Let's go!" paanyaya niya sa'kin tapos ay maingat na hinakbangan ag mga bubog sa sahig. Nauna na siya naglakad kaya sinundan ko na lang siya.
Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa kitchen. Dumeretso siya sa fridge at kumuha ng ilang beers. Niyakap niya ang mga yon at nilapag sa dining table. Tumakbo ulit siya sa fridge at naghalungkat hanggang sa nakakita siya ng mansanas. kumuha siya ng tatlo. Nakita kong hinugasan niya iyon tapos ay kinuha ang tadtaran at hiniwa to bite size. Nilagay niya iyon sa malinis na plato at nilapag din sa dining table.
"Laklakan na!" Announcement niya na kala mo batang nae-excite. Naupo ako sa isang chair sa dining table at kumuha ng isang beer. Kinuha ni Colossal ang bottle opener and the pop sound of it sounds nice to me. Parang nagiging lasingera na nga ako.
"Wait ka lang d'yan. I will ask Mering na linisin yung bubog doon baka kasi mamaya kung di maagapan may ibang maaksidente pa," nakangiting paalam niya sa akin tapos ay umalis na.
I chug down the beer at napapikit ako nang humagod sa lalamunan ko yung lamig at malt after taste. I put down the bottle at tinusok ng tinidor ang masanas saka ito kinain. Refreshing pa lang pulutan ang frozen apples.
"Dahil kay Jimin lasingera ka na! What's happening to you?"
Napalingon agad ako sa pamilyar na boses at saka ngumiti. "Sus! Kala mo siya di madalas mag-inom," sagot ko.
"Iba yon! I drink to have fun! Hindi para umiyak pag nalasing!" Kinuha niya ang isang beer at binuksan iyon saka mabilis na nilagok.
"Super lamig ah!" nilapag niya ang bote sa harap ko saka kumuha ng apple at isinubo.
"Oo nga pala! I want you to meet my boyfriend, Jungkook!" Walang prenong sabi niya at may sumulpot na matangkad na lalake sa kanyang likod. Itim ang buhok nito, meron siyang 3 piercing sa bawat tenga, nakasuot ng polo na white pero unbuttoned and dalawang butones showing his fine chest little bit. He's wearing Chestnut color torso at black leather shoes. Pero mas napukaw ang atensyon ko ng kanyang mukha! Napaka-gwapo! Saan kaya ito nakilala ni Taehyung?
"Ynna! laway mo!" Naramdaman kong hinawakan ni Tehyung ang baba ko para isara ang medyo napanganga kong bibig.
"Holy shit! Ang gwapo neto! May clone ka ba?" I asked habang nagbibiro at narinig kong tumawa yung Jungkook! Ang kulit ng tawa niya parang batang kinikiliti.
"Wala ka bang tiwala sa kagwapuhan ko Ynna? Kahit si Zeus maaakit ko kung---"
"Yabang mo! Siguro ginayuma mo itong si Jungkook!" Putol ko sa sinasabi niya.
Nilingon ko ang bagong kakilala saka ngumiti "May pagkakataon ka pang umatras. Wag kang papaloko sa babaero slash lalakero na yan! Sa sobrang universal niyan mapa-boy, girl, bakla, tomboy papatulan!" Tumawa ako pagkatapos at nakita ko si Taehyung na lumagok ulit ng beer.
"Di mo mabubuwag ang pagmamahalan namin Ynna! Galing pang outer space ingredients ng gayuma na ginamit ko diyan!"
Natawa kaming tatlo at inalok ko si Jungkook ng beer pero umiling siya.
"Pass muna, dederetso ako sa client ko later. Very unprofessional kung haharap ako sa kanyang amoy beer," ngumiti siya nang malapad at na-gets ko namam siya kaya di ko na pinilit.
"Alright! Next time na lang!" uminom ulit ako ng beer.
"Sige, maiwan ka na namin ah! Wag masyadong pakalasing!" lumapit sa akin si Taehyung at ginulo ang aking buhok.
"Baka bukas di ka na virgin! Sige ka!" Biglang nanlaki ang mata ako at lalong namanhid ang aking pisngi!
"Takbo!" Sigaw ni Taehyung at hinatak niya si Jungkook at parang kidlat silang nakalayo na sa akin.
"Taehyungggg!" malakas na sigaw ko at hiningal pagkatapos. Umupo ulit ako at tumungga nang beer. ilang segundo lang ay nakita kong tumatakbo si Colossal papalapit sa akin.
"Ano yun? Bakit ka sumigaw? May nangyari ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Si Taehyung kasi! Nang-asar nanaman! Tama bang sabihin niya wag ako maglasing kasi baka bukas di na ako virgin!"
Nagkatitigan kami ni Colossal tapos unti-unti kong na-realize kung ano yung sinabi ko. Unang tumawa si Colossal at talagang hagalpak ang tawa niya!
"Delikado nga sa'yo pag nalalasing ka! Buti na lang may kontrol ako sa sarili," Sagot niya sa akin tapos naupo na sa isang chair sa tabi ko. Kumuha siya ng beer at binuksan.
Lumagok siya nang beer. Ako naman ay nakatitig sa kanyang mukha. Tapos non ay nilapag niya ang beer saka humarap sa akin.
"Anyway, may dala akong band aid, hinugasan mo na ba yang sugat mo?" He asked at pinakita sa akin ang dala niyang band-aid. Na-touched ako.
"Hmm, nakalimutan ko na e. Saka maliit na sugat lang yon, di ko nga ramdam e!" pinakita ko sa kanya ang daliri kong di na dumudugo.
"Kahit na! Pag na-infect yan, may lalabas diyang tren!" Tapos hagalpak kami sa tawa nang sabay. Di ko akalain na may sense of humor pala talaga siya. Kaya magkasundo sila ni Taehyung.
"Sige na nga! Maghuhugas muna ako ng kamay!" I surrender at tumayo saka iniwanan siya. I went straight to the rest room na malapit sa kitchen. Ewan ko pero parang kinikilig ako sa small gestures ni Colossal, o baka kasi di ko yan nararanasan kay Jimin kaya nadadala ako.
Mabilis akong naghugas at nagsabon ng kamay. Nagpunas ako ng tissue pagkatapos saka mabilis na bumalik sa dining area. Umupo ako ulit kung saan ako nakaupo kanina at andon lang siya nanghihintay.
"So anyway, bakit na naman gusto mong maglasing?" Agad na tanong ni Colossal pagka-upo ko pa lang. Kinuha niya ang aking kamay at nilagay ang band-aid. Pinanuod ko lang siya sa kanyang ginagawa tapos ay biglang tumingin sa akin. Napatitig ako sa kanyang mga mata pero pinilit kong umiwas.
"Hindi ko inaasahan na makakaharap ko ang isa sa mga babae ni Jimin. Kahit kasi alam kong meron at kilala ko ang ilan, still, never ko sila nakaharap," malungkot at maiksing kwento ko.
"Then?" Colossal asked at tumungga sa bote.
"Then, I burst out of anger! Napagsalitaan ko ng di maganda si Jimin at yung babae. Wedding planner pa man din namin siya!" Inis na paliwanag ko habang inaalala mga pangyayari kanina.
"Whoa!" pumalakpak nang dahan-dahan si Colossal saka napailing "kakaiba din talaga Husband-to-be mo! Pati wedding planner pinatos!" Tumakla siya pagkatapos at tumitig sa akin.
"Kung sasabihin mo sa aking sinabunutan mo at sinigawan yung wedding planner, at sinampal mo si Jimin. Don't be guilty about it! Kung sa iba yan! Putol Junjun na!" Ngumiti siya at tumungga ulit.
"Nasampal ko si Jimin pero sa imagination ko lang nasabunutan yung babae," malungkot na sabi ko. "duwag na ba ako? Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kanina. Oo nakapagbitaw ako ng salita pero di ko kayang manakit." mahinang paliwanang ko.
"What can we do? Hindi na natin mababago na mabuti kang tao." Hinawakan nya ang aking kamay at pinisil " pero buti na lang nasampal mo yung Jimin. You've had enough. Kulang pa ang sampal sa totoo lang," He sigh.
Natahimik kami pareho pero patuloy sa pag-iinom . Nang biglang nagsalita si Colossal.
"Sa katulad pa rin ba niya nais mong ibigay ang first night mo?"
▪️▪️▪️▪️▪️
Thank You for reading
Mister
Please leave any comments ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top