036
L I V
"Ayos na ba lahat ng gamit mo?" bungad sa 'kin ni Ate nang makapasok siya sa kwarto ko.
Dumating na ang araw kung kailan kami sasama sa probinsya nina Adi. Describing how I was excited about this trip was beyond words. Hindi na nga ako makatulog sa gabi, e! Mga madaling araw na ako nakatulog dahil hindi mawala sa isip ko kung ano-ano ang mangyayari ngayong bakasyon.
It was our first time visiting a province other than ours. Sa tuwing umuuwi kasi dito si Mom ay sa probinsya lang namin kami dumadalaw. Kung tutuusin, Manila, Quezon City, at sa Bataan pa lang ang napupuntahan ko rito sa Pilipinas. Hopefully, mabisita ko ang iba pang lugar dito. Ang ganda kaya ng Pilipinas!
Binigyan ko siya ng maikling tango habang nakahilata ako sa aking kama, kausap si Adi. "Yes po, Ate," sagot ko. It was past ten in the evening and we were only waiting for Kuya Miles to go home before we could proceed to Adi's house. Doon kasi kami magkikita-kita.
Natigil na ang aming paghihintay nang makauwi na ng bahay si Kuya Miles. Agad na naming nilagay ang aming mag gamit sa likod ng kotse. Matapos nito ay nagsimula na kaming pumunta sa bahay nina Adi.
Walang umimik sa 'min habang bumabyahe papunta kina Adi. Tanging radyo lang ang nagbibigay-ingay sa loob. Mukhang pagod din si Ate dahil kagagaling lang niya sa shift kanina. Nag-request lamang siya ng vacation leave para makasama sa amin.
Hindi naman ganoon katagal ang byahe namin dahil ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami. Sa aming pagdating ay nakita namin sina Adi at ang kanyang kuya na nag-aayos ng kanilang gamit. Napansin ko ring nakatayo si Lexi mag-isa sa tabi nila, mukhang nag-hahanap ng tiyempong magsalita dahil bukas-sara ang kanyang bibig.
Nang matapos mag-park si Kuya Miles sa likod ng kotse nina Adi, ay lumabas ako saglit para batiin sila Adi at Lexi. Hindi na rin namin pinatagal ang aming pag-uusap para hindi gano'n mahuli at nang maaga kami makarating. Bumalik na kami sa loob, gayundin si Kuya Miles na kausap kanina ang kuya ni Adi.
We left Adi's house by eleven in the evening and arrived at their province by six in the morning. Upon our arrival, we separated ways as we went to look for a hotel to stay in, while Adi and the rest went straight to her parent's house.
"Sure ka bang kaya mo na mag-isa riyan?" tanong sa 'kin ni Ate. We booked two rooms, one for them and one for myself. Ayaw ko rin namang maging third wheel sa kanilang dalawa kaya mas mabuti pang nakahiwalay ako.
"I'm turning seventeen in a few days, Ate. I can handle myself."
She clicked her tongue and playfully smack my arm. "Ano bang sabi namin sa 'yo? Until you reach the age of twenty, you're still a baby to us!"
I made a frown with her retort. Malapit na rin akong maging eighteen! One more year and I can be a legal adult. Pati ba naman si Ate ginagawa akong bata!
"Stop treating me like a kid..." I mumbled.
"You are a kid."
Pumasok na ako sa loob ng suite na pinili para sa 'kin ni Ate at nilapag sa sahig ang aking mga gamit. The interior was big enough for one person. Hindi ito masyadong malaki at hindi rin gano'n kaliit. Pagpasok ng kwarto ay makikita agad ang puting queen size bed at katapat nito'y TV na nakadikit sa pader. Sa dulo ng kwarto ay may nakalagay na balkon.
Sa aking paglakad papunta sa balkon, ako'y namangha. The view from there was the beach adjacent to this hotel. Ang dami ring mga puno kaya mahangin. Napapikit ako nang maramdaman kong lumalakas ang ihip ng hangin. Sobrang presko!
Bumalik na ako sa loob matapos magpahangin. As I flopped myself on the bed, I immediately bounced up and down. Ang bouncy ng bed! Gusto kong tumalon-talon ngunit pinigilan ko ang aking sarili at baka masira ko pa ang kama.
Kinuha ko ang aking phone sa aking bag para tingnan kung anong oras na. It was ten minutes past seven already. Hindi pa ba kami kakain? Kanina pa kumukulo ang tiyan ko.
Tatayo na sana ako para tanungin sina Ate kung gusto ba nilang kumain sa labas nang marinig kong tumatawag sa 'kin si Adi. Agad ko naman itong sinagot.
"Liv! Sama ka sa 'min mamaya, ha?" biglang sabi ni Adi nang sagutin ko ang tawag niya. Napakunot ang aking noo dahil wala naman siyang sinabi kung saan sila pupunta.
"Saan kayo?" tanong ko.
"Gala tayo later! Ako tour guide niyo hehe!" sagot naman niya, ngunit nagdalawang-isip ako kung makakasama ba ako sa kanila kahit hindi ko kasama si Ate. Magpapaalam na lang ako mamaya. "Ay! May bagong bukas palang amusement park dito at theme nila ngayon ay Halloween! Explore tayo!" aya niya.
Matapos ang usapan namin ni Adi ay agad akong lumabas ng aking kwarto at tumungo kina Ate. Nang makarating ako sa tapat ng kanilang unit ay kumatok ako. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago bumukas ang pinto at sinalubong ako ni Ate na medyo gulo-gulo ang buhok at nakasuot lamang ng robe.
"May kailangan ka?" tanong ni ate ngunit 'di ko naiwasang mapansin na kinakapos siya ng hininga. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata na nag-aayos ng sariling damit si Kuya Miles. My eyes widened as I had a grasped of idea about what just happened in their room.
Oh my God. My innocent mind!
"You know, hindi pa ako ready maging tita," I joked, which earned me a light pinch at my earlobe from my sister as she closed the door behind her. I winced, trying to act like I was in pain so that Ate would pull back instantly, but I guessed my acting was poor.
"Liv! Sa'n mo natutunan 'yan?" she questioned. It was partly because of Lexi and Adi but I knew it wasn't right to say that at the moment. "Anong kailangan mo?" tanong niya muli.
"Adi invited me to gala around the place. We'll go raw sa amusement park na bago and explore there!" I said, jumping slightly with my fists in front of my chest from excitement. I was about to experience another of my firsts here, so I hoped Ate would permit me to be with them even if she wasn't there.
"I'm guessing you don't want a chaperone during your gala, no?"
I nodded my head as a smile formed on my lips. I put my palms together, rubbing them as I jokingly begged her. I tried to show her the best puppy eyes I got. "Can we? Please? Pretty please?"
"Only if may matanda kayong kasama, then I'll allow you. Kung kayong tatlo lang, then we'll go," seryosong sagot ni Ate.
"Oh, I think Adi's brother will be there," agad kong sinabi kahit na walang sinabi sa 'kin si Adi na kasama ang kanyang kuya. Duda rin naman ako na papayagan si Adi na lumabas nang hindi siya kasama. Para ngang aso si Kuya sa kakasunod kay Adi kung sa'n siya pumunta.
"He's just nineteen, right?"
"Turning twenty," I corrected her. Tumaas ang isang kilay ni Ate, tila tinatanong kung paano ko 'to nalaman. "We have the same birthday," dagdag ko kahit hindi naman niya kailangan ng paliwanag ko.
"He's still young, Liv. Hindi 'yon matanda," she argued.
"Oh, have you seen him? That man's buff!" I defended. I mean, it was true. He was quite muscular, and it also looked like he knew how to fight. "Besides, this is their province, Ate. For sure they know this place like the back of their hand!"
She sighed, feeling defeated. "Sige na nga. Anong oras ba 'yan?"
I jumped, higher than the one I did earlier, as I wrapped my arms around Ate's nape. "Yey! Thank you, thank you, thank you!" Nasasakal ko na yata si Ate sa higpit at tinapik niya ang aking balikat para itigil ang aming yakap.
"Answer my question muna," pahabol niya.
"I haven't asked yet, e. Pero maybe siguro mamayang evening? I'm not sure. It's an amusement park so it's a better choice to visit during the night."
Sa huli ay pinayagan naman ako ni Ate. Basta raw dalhin ko 'yong pepper spray na bigay sa 'kin ni Adi matapos mangyari 'yong insidente no'ng buwan ng Agosto. Simula kasi no'n ay medyo naging mahigpit na sila sa 'kin. Mabuti na lang ay hindi pinaalam ni Ate kay Mom ang nangyari kundi ipapauwi ako agad sa Australia.
Bago sumapit ang gabi ay kaming tatlo muna ang naglibut-libot. Sa aming pamamasyal, hindi namin nakalimutang bumili ng mga souvenirs para sa mga nagtatrabaho sa bahay namin. Marami rin kaming pinuntahang kainan kaya nang dumating ang tanghali, nag-siesta kami. Muntikan na nga akong ma-late sa meeting place namin kung hindi lang ako katukin ni Ate sa kwarto ko para ipaalam sa 'kin.
Dali-dali akong nagbihis matapos ako sinabihan ni Ate. Napag-isipan kong magsuot na lang ng damit na madali akong makagalaw, lalo na't amusement park ang aming pupuntahan.
Kumuha ako ng cropped polo at overall shorts galing sa 'king maleta para iyon ang isuot ko. Para sa 'king sapatos, sinuot ko ang aking puting sneakers. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok ngunit nagdala pa rin ako ng pantali, sakaling mainitan ako mamaya.
Hinatid ako ni Kuya Miles sa meeting place na pinag-usapan naming tatlo. Nang makarating kamo roon, natanto kong ako na lang pala ang kulang. Naroon na sina Lexi, Adi, at syempre, ang kanyang kuya.
As I stepped out of the car, Adi called for me. Silang dalawa ni Lexi ay tumakbo papunta sa 'kin para batiin at yakapin ako. Ngunit ang aking mga mata ay nakatingin lang sa lalaking nakatayo na sa likod nila, ang tingi'y nakaderetso lang sa mga taong naglalakad sa kanyang harapan.
He was dressed casually, just a plain white t-shirt and earl gray trousers. He looked simple pero siguro dahil crush ko nga siya, nagmukha siyang isang model sa paningin ko. Heck, he could be a model! With a physique like him, for sure model agencies would definitely fight over him.
Busy kaming tatlo sa pag-uusap tungkol sa itinerary na gagawin namin sa gala, ngunit mukhang nagmamadali yata si Kuya. "Let's go. Hahaba ang pila sa entrance. Just plan there," utos niya.
We all agreed with him kaya umalis na kami sa meeting place namin at dumeretso sa kanyang kotse. Si Adi ay umupo sa shotgun seat habang kaming dalawa ni Lexi ay umupo sa likod.
Hindi ganoon kalayo ang amusement park na sinasabi ni Adi. Nagmukha lang matagal ang byahe dahil naabutan kami ng traffic. Marami rin yata ang may balak pumunta roon. At dahil sa traffic, napuno ang kotse ng sermon galing sa kuya ni Adi, sinasabing dapat mas maaga umalis. Para matikom ang labi ni Kuya ay nagpatutog na lang si Adi at nilakasan niya ito.
Lumabas kami ng kotse matapos i-park ni Kuya ito. Nang makalabas si Adi, agad siyang tumakbo papunta sa entrance. Hinila ni Lexi ang aking pupulsuhan para sundan si Adi sa kanyang pagtakbo habang si Kuya ay dahan-dahan lang naglalakad no'ng tiningnan ko siya.
Nang tawagin ni Adi ang kanyang kuya ay napalingon din ako. "O, sabi ko sayo Kuya e! Tama lang na ganitong oras tayo pumunta." Tama naman si Adi dahil kaunti lang ang nakapila sa gate. Siguro 'yong iba ay natapos na kaninang umaga hanggang hapon. Sinubukan kong sumilip sa loob at nakita kong doon nagsidagsaan ang mga tao. Palagay ko'y mahaba-haba ang aming ipipila mamaya.
He shrugged his shoulders. "My bad." Pogi.
Napailing ako sa aking inisip. Get a hold of yourself, Liv!
I noticed he just subtly apologize to Adi. Marunong lang ba siyang mag-sorry kapag ka-close niya?
"Look who's saying sorry," patama ko habang bumaling sa harap. Nasa likuran lang namin siya ni Lexi habang nakapila kaya narinig niya iyon. Si Adi nama'y na sa harap namin.
Narinig ko ang pag-galaw niya ngunit hindi ko inasahang ilalapit niya ang kanyang labi sa gilid ng aking mukha. Nang gawin niya 'yon ay pakiramdam kong ninakawan ako ng hininga.
"It would be you if you don't shut that mouth," he threatened. Not long enough, he retracted his head and shifted back to his previous position.
"Sorry..." I unconsciously say which made me click my tongue after I realized the tables had turned.
I heard him scoff behind me. "See?"
"Kuya!" tawag ni Adi nang kami na ang nasa harap ng pila. Inasikaso nilang dalawa kung aling promo ang aming bibilhin. First time ko makapunta sa ganito kaya hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi.
Sa totoo lang, hindi ko naman hilig 'to. Ayaw ko sa mga nakakatakot dahil mabilis akong magulat. Ayaw ko rin sa mga extreme rides dahil takot ako sa mga matataas. Pero naisip ko, kung sina Adi naman ang kasama, siguradong mae-enjoy ko rito. Everything's fun with them! Saka, gusto ko ring lumabas sa comfort zone ko at sumubok ng mga bagay na hindi ko gusto.
Inabot namin ni Lexi ang aming bayad kina Adi para idagdag sa kanila. Ambagan na lang daw kami. Nang makabayad na sila, binigyan kami ng paper bracelet. Bilin sa 'min na huwag itong tatanggalin habang na sa loob.
Sa aming pagpasok ay napaawang ang bibig ko sa laki nito. May ganito pala sa mga probinsya? Ang akala ko'y sa mga siyudad lang mayroon nito.
Bigla kong naalala ang sabi sa 'kin ni Adi kanina na ang tema ngayon ay Halloween. Nagkalat ang mga pang-Halloween na dekorasyon. Bawat rides, booth, at kahit kainan mayroon nito. Sa gitna ng lugar ay mayroong malaking eskultura ng aswang. May hawak ito na plakard na nagsasabing, 'Welcome'.
The fact that it was nighttime surely made the place frightening. Though, I wasn't feeling scared at all since I knew I have my friends with me. The warmth in Lexi's hand was enough to wash all my fears away.
Hindi nila alam na takot ako sa mga ganito. Wala rin akong balak ipaalam dahil alam kong mababahala lang sila. Ngunit nang makasakay kami ng iilang rides dito ay napatanong ako sa sarili ko kung alin nga ba ang kinakatakutan ko. Was it heights or was it the fact that it was my first? Definitely the latter.
Sa aming pangatlong sakay sa Viking, naisipan naming magpahinga muna dahil lumalala ang hilo ni Lexi na pakiramdam niyang kaunting galaw niya lang ang masusuka na siya. Umupo muna kami sa bench kung saan nakapwesto ang kuya ni Adi. Hindi siya sumama sa 'ming pagsakay sa iba't ibang rides. Hindi ko alam kung takot ba siya o KJ lang siya.
Umalis sina Adi at ang kanyang kuya para bumili ng gamot sa pangingilo. Gusto na itong mawala ni Lexi dahil hindi raw siya papayag kung hindi niya masakyan lahat ng rides dito. So far, may anim pa kaming hindi nasusubukan. Hindi ko yata kayang sakyan ang natitirang anim dahil pati ako nakakaramdam na rin ng hilo. Si Adi lang yata ang sanay na sanay saming tatlo.
Bumalik na sila sa aming inuupan na may dalang paper bag at dalawang bote ng tubig. I was expecting them to buy one tablet of Paracetamol for Lexi but I was confused when Adi handed me the medicine as well.
"Napansin ko kanina na medyo namumutla ka na after nung Viking natin. I know you're getting dizzy too, so just drink the medicine as well," sabi ni Adi sa 'kin. Wala akong masabi kundi 'thank you'. It warmed my heart that Adi noticed that even when she was enjoying the ride.
Binigyan ko siya ng malaking ngiti at kinuha sa kanya ang gamot, pati na rin ang bote ng tubig. Sumabay na ako kay Lexi sa pag-inom. Baka mamaya lumalala pa ang sakit ng ulo ko.
Hindi na namin nasakyan ang iba dahil hindi gano'n nawala ang hilo ni Lexi kahit no'ng makakain na kami. Sa huli, nagpababa na lang kami ng kinain bago umalis na roon at umuwi.
It was quarter to nine when we had arrived at the hotel we were staying at. Naunang hinatid ni Kuya sina Adi at Lexi dahil mas malapit ito. Si Lexi kasi'y roon tumutuloy sa bahay nina Adi kaya iisang daan lang.
Naiwan akong mag-isa sa rear seat ng kanyang kotse. Tahimik lang ang byahe namin papunta sa hotel. Wala rin naman akong maisip na pwedeng pag-usapan. Saka, hindi rin naman niya ako kakausapin kahit na magsalita ako. Sayang lang ang aking laway.
Nang makita kong nasa entrance na kami ng hotel, nagsalita ako. "Just drop me here."
"Let me park first, kid," sagot niya. Park? E, pwede niya naman akong ibaba roon.
Matapos niyang i-park ang kotse ay lumabas na ako. Akala ko'y aalis na siya agad ngunit narinig ko ang pagpatay ng engine at nakita kong lumabas din siya.
"Let's go."
What? Anong let's go? Sasamahan niya rin ako pagtaas?
When he noticed I wasn't following his tracks, he stopped and turned around to face me. "Ayaw mo bang umuwi?"
I strode towards him with brows furrowed, still perplexed as to why we would go together. It seemed like he caught my confusion when he suddenly said, "Sinabi ni Adi na ihatid kita hanggang sa room mo. She's worried you might not get back safely."
I gave him a court nod before starting to walk beside him. I put my hands in the pockets of my shorts, not knowing what to do with them. I didn't want him to know I was being cautious. Sino ba namang hindi kung kasabay mong maglakad crush mo?
The car wasn't parked that far from the entrance kaya nakarating din kami agad. Nang makarating kami sa loob, dumeretso kami sa elevator. Mabuti na lang na wala masyadong tao ang pumapasok.
Pinindot niya ang button ng floor na sinabi ko sa kanya. Pumwesto ako sa likod, bandang sulok, habang siya nama'y na sa harap at malapit sa mga control button. As usual, tahimik lang kami sa loob ngunit naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
Tumingin ako sa itaas para tingnan kung anong floor na kami. My room was on the 50th but as I looked up, we were only at 41st floor. Ang tagal naman. Gusto ko na lang matapos ang sandaling 'to. Sobrang awkward!
Minsan napapaisip ako kung bakit ang mga bagay na gusto mong mangyayari ay hindi dumadating.
As we arrived on the 46th floor, I noticed the light slightly flickering, then fully turning on and off. Kuya noticed it as well, making his brows meet each other. That lasted for a while until the elevator completely stopped.
No no no no.
"Let me out! Let me out!" I repeatedly shouted, banging on the elevator doors as I felt my eyes swell with tears. Feeling hopeless, I dropped to my knees, still repeating the same words I had been saying from the moment the elevator crashed.
I was too focused on the memories flashing before me that I wasn't aware Kuya was calling my name. Though, I didn't pay attention to that. I paid attention to my trembling knees and labored breathing. I bit my lower lip as I felt a lump in my throat forming. Everything seemed to be whirling around, my eyes couldn't make up the shapes of the place I was at.
I thought I got over this.
I rest my palm on the wall of the elevator as I lose my balance. Kuya caught my elbow to prevent me from falling. I took a glance at him and there a saw a glint of worry in his tensed eyes and furrowed brows.
"Are you okay?" Do I look okay?
I shook my head, not caring if I was being vulnerable. I held both of his elbows and looked at him. "I want to go out. I need to go out." I wasn't sure if he was being irritated as I said the same thing over and over again.
It seemed like decades had passed when in fact, it had only been minutes since the elevator stopped. Realizing help wouldn't get here sooner or later, I dropped to my knees. As my hand raked my hair, I felt my tears coming out. I shouted. "I need to go out! Please let me out!"
Kuya kneeled down, pulling both of my hands away from my head. "Look at me, Liv."
I glanced back up to face him. I was sure my face looked like a mess with all the dried and fresh tears on my cheeks. "I don't want to be here..." nanghihina kong sabi.
"I pressed the help button, Liv. They'll come here, okay?" he reassured me, but it didn't help at all. No one came for me when I was stuck here back then. A day had passed until they noticed a little girl was in need. What difference would it make now?
I shook my head once more, saying they won't come. My head dropped down to his chest and to my surprise, he let it rest there. I felt his hand on my back, tapping in slowly as he tried to stop me from crying.
Muffled voices were heard outside. It was then I realized that help did come. I exhaled in relief, trying to stand up. His hand was still on my elbow, supporting me just in case I fall again.
After what seemed like forever, the elevator door opened. In the end, we took the emergency stairs to go up. Remembering what happened there made me blush in embarrassment. Although despite that, I was more grateful he was there with me. I wouldn't know what I would do if I was alone when it crashed.
Steps after steps, nakarating na rin kami sa 50th floor. Sinabihan ko siya na okay lang na kahit dito na lang niya ako ihatid ngunit umiling lang siya't sinundan ako maglakad.
"We're here," sabi ko nang nasa tapat na ako ng room ko. "Thank you...for you know..." Nahihiya akong i-mention pero alam kong kailangan kong magpasalamat.
"Don't mind it. Just get it inside," utos niya. Sinunod ko agad ito dahil paniguradong mapupula na ang aking pisngi dahil sa hiya.
At kilig.
Kinagabihan, no'ng ako'y patulog na, hindi pa rin mawala sa 'king isip ang nangyari kanina. Not because of the incident but because of how Kuya's mask shattered when he saw me on the floor screaming and crying. Ngayon lang ako nakakita ng emosyon sa kanyang mata.
Napakuha ako sa 'king phone at nag-search.
"How do you know if you're in love"
Pinindot ko ang unang link na lumabas at una pa lang ay tugma na sa naramdaman ko. Ang sabi rito ay hindi maalis sa isipan. He surely did not leave my mind ever since the rain incident last August. Palagi ko siyang napapaginipan which was weird for me kasi hindi ko natatandaan ang aking mga panaginip.
The following point after that matched the situation I was in, too. It said that you feel safe when you're around that person, which I certainly did. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kailangan ko ng tulong naroon siya. Probably, because he viewed me like Adi. A little sister who needs protecting.
Binasa ko 'yon hanggang dulo. Sa huli, may natanto ako. I knew this wasn't just a happy crush.
Oh, God. I think I'm falling in love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top