017
V A N
"Wala na bang ibibilis 'yan?" naiinip kong sabi habang nakatayo sa harap ng kwarto ni Adi.
Siya 'tong minamadali ako kanina pero siya naman ang mabagal mag-ayos. Kung sinunod niya sana ang bilin ko na magpaayos na lang sa salon sana'y kanina pa kami natapos. Tinanggihan niya 'yong alok ko at naisip niya na gagastos pa, e, meron naman siyang mga gamit dito.
I really appreciated it when Adi minds our finances and avoids spending too much, but I'd appreciate it more if we get to the party on time. And by "on time", I meant an hour or minutes before the starting time. I wasn't really fond of the so-called "Filipino time". Ikaw na nga 'tong inimbita, ikaw pa ang late.
"Wait lang! Malapit na!" rinig kong sigaw ni Adi. Alam kong hindi 'yon totoo dahil sa tuwing sinasabi ni Adi 'yon ay wala pa siya sa kalahati. Pumunta na lang muna ako ng sala at umupo sa sofa para hintayin siya. Napatingin ako sa orasan naming nakasabit kung ilang oras na lang ang mayroon kami. Nabasa kong marami-rami pa ang natitira. Sabagay, matagal pa naman bago magsimula ang party.
Sa totoo lang, ayaw ko naman talagang sumama. Napilitan lang akong samahan si Adi dahil hindi ko kilala kung sino ang kasama niya roon. Kahit na sabihing kasama niya ang kanyang mga kaibigan, hindi pa rin maiiwasan na may iba pang tao bukod sa kanila. Baka ano pang mangyari sa kapatid ko.
Besides, it was handled by someone who's rich. Paniguradong ka-level nila ang iba pang guest doon. Mangyaring laitin nila ang kapatid ko dahil hindi namin sila katulad pagdating sa estado ng aming buhay, walang magtatanggol sa kanya kung wala ako.
Napataas ang aking ulong nakasandal sa sofa nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Adi. She was finally done.
"How do I look?" she asked, anticipiation clear in her eyes. "Does it fit the theme?" The theme of the party was black and gold which I thought was too dark for the occasion, especially the celebrant had the same age as my sister. However, I knew it wasn't any of my business.
Adi wore the black off-shouldered dress she picked the other day, matching the tuxedo I chose to wear. The gems on the dress gleamed as she twirled, showing me a 360 degree view of her outfit.
She also styled her hair in an updo. It amazed me how she did that by herself. It looked like it was done by a professional.
"Ang pangit mo," asar ko. Nakatanggap ako ng irap mula sa kanya nang idabog niya pasara ang pinto sa likod niya.
"Ang pangit mo rin," sumbat niya habang naglakad palayo sa 'kin. My lips curled in a small smile from her reaction. "I'm worried baka I don't fit in tapos ganyan sagot mo, bwiset ka." That smile then turned to a frown.
Sinundan ko siya palabas. Binilisan ko rin ang lakad ko para habulin siya ngunit nauna na siyang pumasok sa kotse no'ng marinig niya ang tunog na binuksan ko na 'to.
"You look lovely, Adi. You don't need to fit in," bawi ko nang makapasok ako sa loob. Ayaw kong nag-aalala siya sa kanyang itsura habang naroon. I wanted her to enjoy her time there. Maybe my joke went too far.
Tiningnan niya ako muli. "You think so?"
"Definitely," I reassured her. I pointed at the seatbelt, reminding her to put it on.
Our little travel to the venue was dominated by silence, probably because of how nervous Adi was throughout despite my assurance. She couldn't stop shaking her leg unless I told her not to. It pained me to think that she had to feel that way because of her fear that maybe she would do something inappropriate in front of those people. It was her first time going to a party as extravagant as her friend's. Our first time, rather. The memories of the past might be the thought that prevailed in her mind during the ride.
I soothed the anxiety Adi was feeling by saying that her friend and her family might not be like those people we met in the past, which of course, I thought otherwise. A little white lie could be of use at that moment. In Adi's eyes, her friend was this bubbly and cheerful girl who smiles a lot; it annoyed me.
I didn't get to smile like that when I was sixteen. I was working my ass off to return the money it cost my family to defend themselves when they fell into a trap made by the likes of her. My mom, who was working as an in-home nurse, was accused of theft by her former employer. This made Dad work even harder to earn more so that we could have enough to pay for a lawyer, but it wasn't enough.
In my eyes, her friend's family was nothing but a pest I want to get rid of. As much as I want Adi to stop seeing her friend, I had no say in who she befriends. Mas lalo lang siyang magagalit sa 'kin, saying I was too judgemental.
I know I was generalizing even if her friend showed that she's nothing like the ones we met before. Ngunit mahirap na magtiwala sa panahon ngayon. Even the person with the most innocent smile can have the most wicked mind.
Dumating din naman ang panahon na umahon kami sa lagay naming iyon. No'ng narinig ng mga kapatid ni Mom ang nangyari ay agad kaming tinulungan. At first, Mom was being the stubborn lady she was and refused to help her siblings offered. But in the end, she finally gave in.
Napatagal yata ang pag-iisip ko sa nakaaran at hindi ko na namalayan na nasa meeting place na pala kami. Hininto ko na ang kotse nang makahanap ako ng pwesto kung sa'n ko ito ipaparada.
"I'll just text Liv we're here," ani ni Adi nang makalabas siya. Tumango lang ako at naghintay sa tabi niya. Habang nakatayo ay pinagmasdan ko ang hotel kung saan gaganapin ang party. Sa gate palang ay halatang pang mayayaman lang ang pumapasok dito. Hindi na ako magugulat kung malaman kong sila ang may ari nito.
May lumapit sa aming lalaki na naka itim na polo at pantalon. May suot din siyang itim na apron na nakasabit sa kanyang baywang. Inabot niya ang isang itim na sobre sa akin. Nang makita ko ang pangalan kong nakasulat doon ay natanto kong invitation card ito.
Tiningnan ko si Adi para itanong kung anong ibig sabihin ng card na 'to. Ang pagkakalam ko ay sa labas lamang ako maghihintay.
Inunahan na niya ako bago pa ako makapagtanong. "Pumayag sina Liv na pumasok ka. May extra raw silang invitation kaya binigay na lang sa 'yo. Alam ko namang gusto mo rin akong bantayan sa loob," paliwanag niya.
Walang problemang nakapasok kami sa loob ng hall. Nakakalula ang laki nito. Ang daming malalaki't gigintuin na chandelier ang nakasabit sa kisame na para bang kaunti na lang ay katapat mo na ito. Ang kulay ng mga pader at sahig ay akmang-akma sa tema ng party. Puro itim ang ginto ang napaligid sa 'min. Kulang na lang magiging pamburol na ito.
Marami na rin ang mga bisita sa loob at ilang minuto na lang, magsisimula na ang programa. Hinayaan ko na si Adi mag-explore kasama ang dalawa niyang kaibigan. Pinilit niya akong 'wag na siya sundan dahil kasama naman ng isa, si Lexi, ang magulang niya kaya hindi ko na raw kailangang mag-alala.
After countless bickering, sumuko na rin ako. Binilin ko na lang kay Adi na sabihan ako kung may problema sa loob dahil balak kong manatili dito sa lobby. Wala rin naman akong interes sa kung anong mangyayari sa programa. Ayaw ko ring makisalamuha sa mga tao rito at alam kong susungitan ko lang sila. Baka makagawa pa ako ng eksena.
Ginugol ko ang oras kong nakaupo sa sofa rito sa lobby. Dala-dala ko ang mini flashcards kong reviewer at binasa ito dahil may quiz pa kami kinabukasan. Sana nga lang na hindi kami masyadong magtagal dito at maaga pa ang pasok ko bukas.
Hindi ko na lang pinansin ang mga dumadaan na bisita sa lobby at nagpokus na lang ako sa pagbabasa. Alam ko kung ano ang iniisip nila. May party pero nag-aaral?
Mga isang oras ding tumagal ang programa at narinig kong kakain na. Nanatili akong nakaupo at ayaw ko namang makipagsiksikan sa loob. Nilabas ko sa bulsa ko ang aking phone para i-text si Adi.
Kumain ka na riyan. Mamaya na ako.
Ibubulsa ko na sana uli ang aking phone nang makarinig ako ng "Ding!" galing dito.
Adi: I'll set aside the ones you like. Nasa may table 4 kami if gusto mo na pumasok.
Nag-send ako ng "okay" at tuluyang binulsa ang phone ko. Bumalik ako sa pagbabasa matapos kong tingnan kung anong oras na. 30 minutes more, then I'll go in.
Tahimik akong nagbabasa hangga't mawala ito dahil sa isang mahinhing boses na hindi ko inaasahang marinig.
"Math, huh?"
Tumingala ako para tingnan kung kanino nagmula ang boses na iyon ngunit pagsisisi ang umiral sa isip ko nang magtama ang aming mga mata.
Isinara ko ang mini flashcard na aking binabasa at tinago sa bulsa ng pantalon ko.
"I heard you're in college. What program do you take?" Nagsalita siya uli.
"What are you doing here? Aren't you supposed to be inside, entertaining guests?" sumbat kong naiinis.
"Uhm... Aren't you a guest too?" sagot niya habang nakangiti. May araw bang hindi siya nakangiti?
"I don't need to be entertained, kid. Especially by you."
Tumayo na ako't nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Maybe now's the good time to eat.
"Hey, wait! What do you mean by that?" tanong niya nang harangan niya ako. "May ginawa ba akong mali...?" dagdag niya, ang boses niya'y pawala sa dulo.
"Oo."
"And that is?"
"Talking to me, annoying me, and stopping me from eating by asking that stupid question of yours," sagot ko. Can't she just go away? I'm acting rude on purpose para layuan niya ako pero pilit niya pa rin akong hinaharangan.
"Oh, am I not supposed to talk to guests now?" She scoffed as she crossed her arms. I guessed that 'soft girl' persona of hers was slowly fading away.
"No, but not to me. Hindi ako interesado sa mga sinasabi mo. Now if you'd excuse me, your guest would like to eat."
Sinubukan kong gumilid ngunit sinundan niya ako. Ibinukas niya ang kanyang mga braso para wala akong madaan. "Not until you fix that attitude, kuya," she boldy answered.
I pinched the bridge of my nose to control myself from releasing the anger that was slowly building up inside me. I was struggling to refrain from saying hurtful words at baka isumbong niya ako kay Adi, but she was really trying to test my patience.
"Just go back inside, kid, and celebrate your birthday. Or, I don't know, go back to acting like the perfect princess who always gets what she wants." Ah, fuck it.
I watched her drop her arms and let out a gasp as if offended by what I said. "Are you saying I'm spoiled?"
"Aren't you? Bakit? Alam mo ba kung anong pakiramdam ng pinaghihirapan mo ang isang bagay?" I really need to stop. She's a kid for Pete's sake, Van.
Nanatili siyang nakatayo't nakatitig sa 'kin na para bang pinag-iisipan kung ano ang kanyang sasabihin. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at nagpatuloy mag-lakad. Narinig ko rin ang mabilis na yapak ng kanyang paa. Nang malampasan niya ako, tinawag ko ang atensyon niya. Humarap siya sa 'kin nang nakakunot ang noo at nagsimula kong sabihin ang mapanuya kong bati.
"By the way, happy birthday kid."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top