8
Venus' POV
“Ma’am, heto na po ‘yong hinihingi niyo.”
“Oh, sige ilagay mo na lang diyan. Makakaalis ka na,” utos ko.
“Sigurado po ba kayo na kaya niyo na pong mag-isa?”
“Oo. Kunti na lang naman ‘to. Almost one month din tayong nag-oovertime kaya maaga ang off niyo ngayon. Huwag mo na akong alalahanin. Tatapusin ko lang ‘to tapos uuwi na din ako.”
“Sige ma’am. Salamat po. Ingat po kayo.”
“Ikaw din.” Yumuko muna siya bago lumabas dito sa kusina.
Mag-iisang buwan din kaming busy dahil sa napakahabang listahan ng mga orders. Mabuti na lang talaga at maaasahan ang mga tao ko. Kung hindi, baka nagback-out na ‘yong ibang customers dahil sa tagal.
Ako na lang mag-isa ang naiwan dito. Tatapusin ko lang ang desert na ‘to para maideliver na bukas. Ang swerte siguro ng taong tatanggap nito. Akalain mo bang imbes na money cake, PT cake ang gustong ibigay. Sana naman magkaroon sila ng masayang pamilya at maging buo hanggang sa magunaw ang mundo.
Nang matapos ko ang pagdedecorate, inilagay ko na siya sa refrigerator bago ko nilinis ang counter.
“Hay…makakapagpahinga na rin,” bulong ko habang nag-uunat-unat. Nakakapagod kayang nakayuko palagi. Ang sakit-sakit sa likod.
Pagkatapos kong hubarin ang apron, agad kong tinungo ang office ngunit napatigil din ng tumunog ang telepono sa counter.
Agad kong pinuntahan ‘yon at baka customer pala ‘yon na hindi nagustuhan ang service namin.
“Sana naman hindi.” Bulong ko sa sarili.
“Hello, this is double V food house and restaurant, how may I help you?” sagot ko in a very cheerful and smooth way.
“Hello, this is Hephaestus Steel Company. We just want to confirm if your boss has a free time for an appointment? Mr. Zeus recommended you that’s why we want to have an appointment with your boss.”
“Speaking. Sorry for waiting. Medyo puno kasi ‘yong schedule namin this month kaya hindi ko agad kayo naasikaso.” Sagot ko habang tinitingnan ang schedule ko.
“It’s okay ma’am. We understand. So…do you have a free time for an appointment ma’am?” tanong niya.
“Ahhh…wait. I’m checking my sched,” sagot ko habang inisa-isa ang mga date ng nakasulat sa notebook ko. “Ahh..you still there?” tanong ko ng walang marinig na kahit anong ingay sa kabila.
“Yes ma’am.” Maagap na sagot niya.
“Well, I have a free time next week. Is it okay if we schedule the appointment Friday next week?” tanong ko bago sinara ang notebook.
“Noted ma’am. The big boss will be back by that time. Thank you for your time. Have a good day.”
“Your welcome. Have a good day too,” sagot ko bago binaba ang tawag.
Hephaestus? Fan ba ng Greek gods ‘yong boss nila? Sino kaya may-ari ng kompanyang ‘yon. Kaibigan ni Zeus? Siguro yayamanin din.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para alisin ang mga walang kakwenta-kwentang tanong sa isip ko. Pumasok na ako sa office upang maghanda sa pag-uwi. Hindi ako papasok ng isang buong linggo, magbabonding kami ng baby ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa isiping makakasama ko na ang baby ko. Isang buwan din akong busy sa orders kaya hindi ko na naaasikaso ng mabuti ‘yong bata. Mabuti na lang talaga at nandyan si Aether at Zeus maging si manang. Kampanti akong iwanan si Venice sa bahay.
Sinigurado kong nakalock ang restaurant bago ako nagdrive pauwi. It’s four in the afternoon but I am so tired. I really need a rest right now.
Pagkarating ko sa bahay ng magkapatid, nagulat pa ako ng makitang may ibang sasakyang nakaparada sa labas. Nandito siguro ang mga kaibigan ni Zeus kaya hindi ko na lang pinansin ‘yon. Sa kusina ako pumasok para uminom ng tubig bago umakyat sa taas. Baka kasi nasa sala sila kaya hindi na ako pumasok sa main door.
“Oh hija, nakauwi ka na pala. Mukhang pagod na pagod ka ha. Kumain ka na?” nagmano muna ako kay manang bago tinungo ang ref.
“Okay lang po ako manang. Tsaka, hindi pa po ako nagugutom. Sasabay na lang po ako sa magkapatid mamaya,” sagot ko bago uminom ng tubig.
“Ikaw ang bahala.”
“Si Venice manang?”
“Ayun, nakikipagkulitan kasama ang mga kaibigan ni Zeus. Puntahan mo na lang,” sagot niya.
“Huwag na po. Magpapahinga na muna ako. Mamaya ko na lang siya kukumustahin,” saad ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumeretso na sa taas. Sisilipin ko pa sana sila sa sala kaso talagang pagod na pagod na ako kaya pinili ko na lang na umakyat sa taas.
Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko muna ang schedule ko ulit bago tinawagan si ate. Nag-open ako ng Skype, ilang segundo lang ang hinintay ko bago sagutin ni ate.
“Oh! Tinamaan ka ata ng malaking himala at naisipan mong mag-initiate ng tawag ha,” bungad niya agad sa akin bago tumawa ng nakakaasar.
“Hello rin sa ‘yo,” asar na saad ko rin. Hindi niya ba ako miss?
“Hindi nga, busy ka ata lately, ngayon ka lang ulit tumawag. Kailan ba ‘yong huli? Pinapalo na nga ako ni mama dito kasi daw hindi kita kinukumusta. Eh hindi mo naman ako sinasagot sa text, pati sa tawag hindi rin. Alam mo bang napakamahal ng bayad ng tawag dito? Mauubos pera ko dahil sa ‘yo eh,” pagmamaktol niya.
“Bakit parang kasalanan ko pa?” takang tanong ko na inirapan lang niya.
“Anyway, sorry ngayon lang ulit ako nakatawag. Marami kasing orders ang dumating eh kaya wala akong time para mag-open ng Skype. Nakakatulog ako agad pagdating dito sa bahay,” paliwanag ko.
“I assume tapos mo na ‘yong orders na sinasabi mo. Nakatawag ka na eh.”
“Hindi pa. Pero atleast natapos ko ‘yong mga orders ngayong buwan. ‘Yong iba malayo pa kaya pahinga muna.” Sagot ko.
“Bakit kasi hindi ka na lang pumunta dito? Kinukulit na ako ni mama kung kailan niya makikita at makakasama ng personal ‘yong apo niya,” mataray na tanong nito. Kahit kailan talaga napakataray ng isang ‘to.
“Alam mo naman ang sagot ko sa bagay na ‘yan ‘di ba? Gusto ko, may maipagmamalaki ako kapag pumunta na ako diyan. Ayokong ikaw lang ang makapagyabang kay mama,” sagot ko.
“Hay naku. Ewan ko talaga sa ‘yo. Wala namang nakikipagkumpetensiya sa ‘yo. Ewan ko lang kung saan mo napupulot ang mga bagay na ‘yan,” pagsuko niya.
“Nasaan pala si mama? Hindi ko siya makita,” pag-iiba ko sa usapan. Ayokong pag-usapan ang desisyon ko sa buhay.
“Ayun…aakalain mong ngayon lang nakakita ng snow. Sinabihan ko ng huwag lumabas ayaw naman papigil kaya hinayaan ko na lang. Siya rin naman ang maghihirap kapag nagkasipon siya,” sagot niya.
“Huwag mong pabayaan si mama, ate. Alagaan mo naman siya ng mabuti diyan,” reklamo ko. Pinakaayaw niya ‘yong pinupuna ang mga ginagawa niya.
“Hoy! ‘Yong bibig mo ha. Anong laban ko kung gusto niyang maging bata ulit? Hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya. Kaya huwag ka ng magtaka kung saan ka nagmana. Magkatulad lang kayo na matitigas ang ulo,” inis na sagot niya. Sabi na nga ba.
“Huwag mo ‘kong pinagtatawanan hayop ka. Kapag ako nakabalik ng Pilipinas makakatikim ka sa'kin,” pagbabanta niya na tinawanan ko na lang.
“Sige na. Inaantok na ako eh. Matutulog na muna ako, ate. Tawag na lang ako mamaya,” paalam ko.
“Isama mo si Venice. Huwag kang madamot ipakita ‘yong anak mo. Bruhang ‘to.”
“Oo na. Oo na,” sagot ko sa pagdedemand niya. Palibhasa kasi walang anak kaya napakademanding.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkatapos kong isara ang laptop. Nagising lang ako ng makaramdam ng gutom kaya agad akong bumangon para maghilamos.
It’s almost seven in the evening. Sigurado akong kumakain na sila sa baba.
Lutang pa ako habang pababa ng hagdan. Muntik pa nga akong matisod ng hindi ko namalayang nasa ibaba na pala ako. Mabuti na lang at nakahawak ako sa railing. Tatawanan ako ni eding panigurado kapag nakita niya ‘yon.
Papasok na sana ako sa dining area ng aksidenteng marinig ang pangalan ng taong pilit kong iniiwasan.
“Vulcan pare, sigurado ka bang hindi ka nakadisgrasya ng babae? Kamukhang-kamukha mo ‘yong bata.” Napalunok ako sa kinatatayuan ko habang nagsisimulang manlamig. Bakit siya nandito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top