73

"Trash? Sa tingin mo ano ang mas nababagay sa basurahan? Ang pagkaing 'to o ang ugali mong nabubulok?" Matapang na tanong ko.

Napasinghap naman ang lahat sa sinabi ko. Ibig sabihin lang no'n, may mataas na pangalan ang taong kaharap ko.

"How dare you! Isa ka lang namang tagahatid ng pagkain sa mapapangasawa ko. You are nothing compared to me. You are just like that food, both trash. Now, if you don't want me to call the guards and drag you out from this building, you may now leave, habang may pasensya pa ako." Saad niya bago ako tinalikuran at pumasok ulit sa loob ng opisina.

"Did....did she just call me trash earlier?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. Not to mention na pinagkamalan niya akong tagahatid lang ng pagkain. Do I look like a delivery girl? No offense, pero... I'm in my usual look. Jeans and loose shirt. Doesn't look like a delivery rider uniform right?

"Disente naman ang suot ko 'di ba? Hindi naman ako mukhang taga-deliver lang ng pagkain?" Paniniguro ko sa mga kasama ko dito sa labas na tinanguan lang din nila.

Should I put make-up? Wait! Pinagdududahan ko ba ang sarili ko? How dare her make me doubt myself?

Nagpupuyos sa galit kong binuksan ang nag-iisang pinto sa palapag na 'to at ready ng komprontahin ang babaeng ininsulto ako kanina but to my surprise, she's straddling on Vulcan's lap while kissing him. And the latter just did nothing to push the bitch away from him.
Sabay pa silang napalingon sa gawi ko ng mabitawan ko ang dala ko dahilan upang makagawa ng ingay na nakakuha ng pansin nila.

"Venus."

"You're still here? Hindi ka ba talaga marunong umintindi? I already warned you earlier right, gusto mo talagang ipakaladkad kita?" Walang hintong tanong ng bwesit na babaeng 'to pero wala sa kaniya ang atensyon ko.

Nakatitig lang ako sa mga mata ni Vulcan. At sa pagpihit ko patalikod, doon niya lang naisipang itulak ang babaeng nakakandong sa kaniya para habulin ako. But he failed.

Panay ang tawag sa akin ng mga kaibigan niya pero ni isa wala akong pinakinggan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magalit? Dapat ba akong masaktan? Umiyak? Maging histerikal? O manahimik na lang.

Nakayuko kong inihilamos ang dalawang palad ko sa mukha ko para matakpan ang pagsigaw kong puno ng prustrasyon. Nang harapin ko ang pinto ng elevator, doon ko lang nakita ang repleksyon ko.

Messy hair, loose shirt, ragged jeans, dirty white shoes. Para lang akong pupunta sa salo-salo o sa palengke sa suot ko. It is true that I am nothing compared to her. But Vulcan followed me to Korea just to bring me back here. He even set aside his company's problem just to focus on us, on his son.

"So why are you running away Venus? What are you afraid of? Minsan ka ng tumakbo paalis 'di ba? May nagawa bang tama? May naidulot bang maganda? Umayon ba sayo ang panahon? Hindi 'di ba? Alam mo kung gaano kasakit ang naranasan mo noong iniwan mo siya ng hindi naririnig ang paliwanag niya. Alam mong masasaktan ka lang sa pangalawang pagkakataong ito. Alam mong walang mabuting maidudulot ang pagkakaroon ng maling akala. Alam mo kung nasaan ang puso niya. Ngayon aalis ka ulit dahil lang sa nasaksihan mo? Sasayangin mo na naman ang ilang taong dadaan bago mo gustong malaman ang paliwanag niya? Pa'no ang anak mo? Gano'n na lang 'yon? Pagkatapos niyang makaramdam ng kasiyahan ngayong alam niya na kung sino ang ama niya sasaktan mo na naman? Kukunin mo na naman sa bata ang karapatan? Akala ko ba gusto mo maging mabuting ina? Sa tingin mo tama 'tong ginagawa mo? Puso mo lang ang pinapairal mo Venus! Nasa tamang edad ka na. Dapat alam mong hindi sa lahat ng oras, puso ang palaging nasusunod. Hindi sa lahat ng pagkakataon, puso ang palaging pinapairal. Mag-isip ka! Para sa anak mo. Para sa ikaliligaya niyong pareho."

Dumaan ang isang minutong tahimik ko lang na tinitigan ang repleksyon ko sa pinto ng elevator. Hindi ko alam kung sinapian ba ako ng nanay ko kanina dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko o talagang ngayon ko lang pinagalitan at pinangaralan ng ganoon kahaba at kalalim ang sarili ko.

Malapit ng makababa sa first floor ang elevator ngunit hindi ko inaasahang hihinto ito sa ikalawang palapag. Hindi ko naman maipagkakait sa mga empleyadong gustong pumasok ang magdalawang isip kung sasakay pa ba o hindi na dahil sa sitwasyon ko. Nakasalampak lang naman ako sa sahig ng elevator habang nagmumukhang sira sa mga emosyong nagpapalit-palitan.

"Miss okay ka lang?" Tanong ng isang may edad na janitor habang nakahawak naman sa kanang kamay niya ang anak niya siguro habang nasa kabilang banda ng bata ang isang babaeng kasing tanda lang din ng lalaki.

"Ate para po sa inyo. Regalo po 'yan ng tatay at nanay ko. Birthday ko po kasi ngayon, kaso mukhang mas malaki ang problema niyo kaya sana mapagaan n'yan ang loob niyo po." Nakangiting ani ng batang babae bago inabot sa akin ang isang maliit na bagay. Binigyan pa nila ako ng isang matamis na ngiti bago tinalikuran. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong maramdaman gayong parang timang parin ang tingin sa akin ng ibang empleyadong nakatayo sa labas ng elevator.

"Hindi ka pa ba lalabas miss? Bawal ang baliw dito. Paano ka ba nakapasok?" Nandidiring komento ng isang babaeng empleyado bago ako pinagtawanan. Nang lahat na sila tumatawa, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang pindutin ang numero ng palapag na pinanggalingan ko. Nagulat pa sila ng sumara ang pinto ng elevator ngunit hindi ko na lang pinansin. Sa halip, tiningnan ko ang bagay na ibinigay sa akin ng bata. Kahit regalo sa kaniya 'to ng mga magulang niya, handa niya  pa ring ibigay sa akin para palakasin ang loob ko.

'Be patient. He loves you.'

'Yan ang mga katagang nakasulat sa isang simpleng porselas na alam mong gawa sa napakaraming pagmamahal. 'Be patient' just like how he is being patient to you. 'He loves you' alam kong iba ang tinutukoy sa 'he' na 'to pero hindi ko mapigilang isiping tamang-tama ang mga salitang 'to para palakasin ang loob ko.

I should have too much patience because I know he's been into hell and back. I should be supporting him instead of giving him additional headaches. He has too much patience for me. He trust me more than any lowlife person out there so I should trust him the way he trust me.

I should believe in his love because I've seen how he desperately wants us to come back to him. Patience and trust are two things I should learn if I want this thing to work again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top