69

"Nandito pa rin pala 'to." Ani ko ng maglibot-libot sa labas ng bahay. Pagkatapos akong pagtawanan ng lahat kanina dahil sa pag-iyak ko ay kinuha ni mama sa akin ang apo niya bago nagpaalam na sa loob sila magkakamustahan. Sumunod naman si Vulcan na bitbit pa rin 'yong mga gamit namin na nasa kotse niya nakalagay.

Walang ipinagbago ang bahay, mula sa ginawa kong hardin hanggang sa duyan na inilagay ko sa paboritong pwesto ko dito sa labas. Hindi siya napabayaan, sa halip ay mukhang mas inalagaan.

"Nandito ka pala." Hindi na ako nagulat ng mahanap niya ko ng ganoon kabilis. Alam na alam niya kung saan ang paboritong tambayan ko kahit pa nakapikit.

"Hindi mo 'to pinatanggal?" Tanong ko ng makalapit siya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ayaw nga kitang makalimutan tapos tatanggalin ko pa mga alaala mo." Sagot niya.

"Pinatay mo naman ako sa sinabi mo." Natatawang pambabara ko sa kaniya na ikinatahimik niya.

Nang tingnan ko siya, matiim lang na nakatitig siya sa akin habang nakaupo ako sa duyan. "Ano?"

"Pwedeng...tumabi?" Agad ko naman siyang inasar dahil lang sa tanong niya bago umusog para may maupuan siya.

"Sigurado kang hindi pa 'to marupok ha."

"Sinisigurado kong mas marupok ako kaysa sa duyan na 'to." Pang-aasar niya pa.

"Alam ko 'yon. Matagal na." Saad ko na ikinatahimik naming dalawa habang nakatingin sa hardin na alam mong alagang-alaga.

"Ikaw nag-aalaga n'yan?"

"Minsan. But mostly, it's Manang Susan."

Naging excited naman akong makita ang taong tinutukoy niya. "Nandito pa rin pala siya?"

"Ayaw niya akong iwanan. Iniwan mo na kasi raw ako."

Nawala ang ngiti sa labi ko ng dahil sa sinabi niya. Manang Susan and I maybe that close but she doesn't know even a single problem na pinagdadaanan ko noon.

"Ano ako dati Vulcan?" Tanong ko ng wala sa huwisyo. I am okay with the people sorrounding me but not to the point na magseshare ako ng hinaing sa kanila. I feel like even if I share my life with them, kapag nagkagipitan, 'yong taong una nilang pinagsilbihan at nakilala ang ipagtatanggol nila. So how about me? Ano na lang ang mangyayari sa akin?

"You loved me." Sagot niya kapagkuwan habang nakatingin pa rin sa harap.

"I still do." Saad ko bigla na nakapagpalingon sa kaniya ng may gulat. "Pero may kaso." Dugtong ko rin ng hindi siya tinitingnan.

"Bakit pa may kaso?" Pabulong na tanong niya na ikinangiti ko lang.

"Kasi nasaktan ako." Sagot ko na may bahid ng pagkainis. Ba't pa siya magtatanong ng ganoom kung simula't sapul alam naman niyang may magbabago kapag dumating ang araw na 'to.

"I'm sorry Ven. Sana inamin ko lahat sayo noon."

Bumuntong hininga naman ako bago pakawalan ang bigat na nararamdaman ko. Isang pagkakataon pa nga 'di ba?

"Hindi naman mababago ng paulit-ulit na pagsosorry mo ang nangyari na. Kalimutan na lang natin 'yon." Ani ko bago siya nginitian. Looking at him this close? Makes me wonder paano ko nakayanang iwan ng ganoon katagal ang ganito kagwapong nilalang. Siguro sobrang nasaktan lang talaga ako dahilan na mas pinili ko ang sarili ko kaysa ang yakapin ang sakit.

"Let's start all over again Ven. Please give me another chance." Bakas sa mata niya ang pagiging sinsero sa mga salita niya. Alam mong sigurado siya sa hinihiling niya.

"That's why I'm here. Let's give it another shot....and make it work. For our son." Dahil sa sobrang tuwang naramdaman niya, nagulat pa ako ng bigla niya nalang hawakan ang mukha ko at masuyong binigyan ng halik. Hindi agad ako nakakilos sa ginawa niyang 'yon hanggang sa yakapin niya ako ng mahigpit. Wala naman sa usapan na pwede kaming maghalikan 'di ba?

'Wala rin naman sa usapan na bawal kang halikan'

"Thank you! Thank you so much! I promise that I will do my best for this chance to work. Thank you Venus! Thank you!" Ngiti lang ang iginawad ko sa pagpapasalamat niya ng paulit-ulit. Hayst! Nadagdagan ang aalalahanin kong makulit.

"Masyado ka naman atang mabilis para sa kakasimula pa lang eh 'no?" Pekeng ngiti ko na hindi niya na lang pinansin, sa halip mas hinigpitan ang yakap sa akin na para bang ayaw niya akong mawala.

"I can't breath Vulcan." Angal ko na ng medyo tumagal-tagal na ay hindi pa rin niya ako binibitawan.

"I miss hugging you. I miss holding you like this. I miss you Venus. Everything you have, everything on you. I miss you." Hindi naman agad ako nakapagsalita sa mga binitawan niyang salita. I miss him also, but I don't want to tell him. Ipaparamdam ko na lang sa kaniya araw-araw. Tutal naman mahaba pa ang panahon namin para pagbutihin ang isa't isa at relasyon namin pati na rin ang pamilyang gusto naming buuin.

"Eheem! Eheem! Kung hindi sana kami nakakadisturbo 'no, pwede bang mahiram muna si Mr. Natividad sandali?" Dali-dali kong itinulak si Vulcan ng marinig namin ang boses ni Eros. Masama niya naman tiningnan ang bagong dating bago pumulot ng maliit na bato at inihagis sa huli na naiwasan rin nito.

"Bakit ka ba nandito? Nasa loob naman 'yong kainan ha." Inis na tanong ni Vulcan sa kawawang Eros.

"Man, relax. Hindi ko naman balak sanang pumunta dito para guluhin 'yong moment niyo. Kaso...may problema kasi eh." Nahihirapang paliwanag ng huli dahil sa pag-iwas sa maliliit na bato na inihahagis ni Vulcan.

"Anong problema?" Tanong nito bago hayaan si Eros.

"Basta. Mas mabuting makita mo kaysa naman mag-usap pa tayo." Suhestyon niya bago naunang umalis.

"Bakit ba sa lahat ng panahong pwede ako disturbuhin ay ngayon pa kung kailan yakap-yakap na kita? Hindi ba sila marunong pumili ng boring na araw? 'nak ka ng putspa naman oh." Sumbong niya sa akin na tinawanan ko lang.

"Sige na. Susunod ako mamaya. Magpapahangin na muna ako dito." Tulak ko sa kaniya para iwan niya na ako dito mag-isa.

Nang makaalis, agad kong ipinaalam sa resto na nakabalik ako.

Nang matanggap ni Shane ang tawag ko ay nakangiti akong tumingala sa asul na kalangitan. Another peaceful day, another chance. Can I really give it to him? Can we really make it? May pag-asa pa ba? Kaya ko nga ba?

What if something happens again? What if masaktan na naman ako? Could it be really the end of us? Can stoping this now will save us?

Too many questions. Too many what ifs. And still there is no sure answer.
I look up again in the clear blue sky before I close my eyes and feel the wind caressing my face. There's this what if's without answers. But I know we still have the time to figure things up. I hope so.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top