68
I don't know how many hours I sleep basta namalayan ko na lang na palanding na ang eroplano at masayang naglalaro ang mag-ama ko habang nakaunan ako sa balikat ni Vulcan. Ng marealize ang posisyon ko, agad kong inayos ang upo ko at inayos ang hitsura.
Nakakahiya! Wala sa plano ko ang makatulog ng mahimbing at gawing unan ang balikat niya!
"You okay?"
"Ha?" Lutang na tanong ko ng bigla niya akong kausapin.
"I ask if you're okay. Para kasing tulog pa ang diwa mo."
"Ahh...hehehe, don't mind me. Ganito talaga ako kapag bagong gising."
"Alam ko. Noon pa." Nagulat pa ako sa sinagot niya ngunit hindi na lang 'yon pinansin. Wala rin naman akong mapapala kung hahanapan ko lang siya parati ng butas. Give it a try nga 'di ba?
"Baby, halika, ayusin muna natin suot mo bago magland itong airplane." Baling ko na lang sa anak ko.
"Mom we're flying!" Masiglang bulalas niya na ikinangiti ng ibang pasaherong nakakapansin.
"Yes anak. But not literally." Pagsang-ayon ko habang inaayos ang nalukot niyang damit at ang magulo niyang buhok.
"Ano bang pinaggagawa sayo ng ama mo at ang gulo ng buhok mo?" Bulong ko sa sarili na sinagot rin naman ng katabi ko.
"Tell mommy what we did earlier Loki." Utos niya sa bata habang nakangiti para palakasin ang loob.
"Tito Zeus told us earlier that that man beside him looks ugly in a messy hair so I ask daddy to mess my hair like his to see if I'm also ugly. But turns out it suits me."
Masiglang pagkukwento niya na nakakakuha na ng atensyon ng iba maging ng flight attendant na nasa malapit lang.
"Okay, okay. Stop fidgeting. Let mommy fix you first, son." Awat ng ama niya ng hindi na siya magkamayaw sa pagkukwento kahit paminsan-minsan ay nabubulol pa at napapatagalog dahilan ng pagiging conyo niya.
"Your family is beautiful. I hope you have a nice trip." Puri ng attendant na nakasaksi ng pagiging makulit ni Venice kanina bago kami makababa.
Wala akong maisip na salitang pwedeng sabihin kaya nagpasalamat nalang ako bago bumaba sa eroplano. We may look like one lively family, but their is still a sad story behind this wonderful smiles.
"So paano? Hanggang dito na lang kami. Kita nalang tayo sa bahay mo pare." Saad agad ni Eros ng makalabas kami ng airport.
"Sige. Dalhin niyo 'yong ibang gamit. Huwag na huwag kayong magkakamaling sirain ang pagkakaayos ko sa bahay. Alam niyo na ang mangyayari sa inyo." Pagbabanta pa ng may-ari bago kinuha ang susi sa valet na kakalapit lang.
Nang makaalis sa airport, dumaan muna kami sa drive thru para may makain ang bata at para na rin hindi kami patay gutom pagdating sa bahay niya. Hindi ko alam kung pinakain niya ba kanina sa eroplano 'yong anak niya basta ang alam ko lang, kaninang madaling araw pa nakainom ng gatas niya si Venice.
"Go feed daddy." Pabulong na utos ko sa bata para hindi niya marinig pero walang silbi pa rin dahil nakangiti na ang loko ng pakainin ng anak niya.
"Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam edi sana noong nalaman ko ang totoo sapilitan na kitang kinuha at ang bata." Saad niya pagkatapos malunok ang fries na ipinakain sa kaniya ng anak niya.
"Huwag ka na lang magsalita. Mabilis pa naman magbago ang isip ko." Putol ko agad sa inumpisahan niyang pag-uusap.
Habang binabaybay namin ang daan patungo sa tahanan niya, patuloy naman sa pagsubo si Venice ng pagkain sa ama nito na taos puso niya namang tinatanggap.
Magpapatuloy pa sana ang ganoong eksena ng sunod-sunod na tawag ang dumadating sa kaniya pagkatapos niyang patayin ang nauna.
"Sige na. Sagutin mo na at baka nanganganib na ang lagay ng kompanya mo." Udyok ko.
"They can wait. I don't want them to ruin my mood. Tsaka isa pa, ayokong mahati ang atensyon ko sa inyo at sa kanila." Paliwanag niya pa. Hindi ko naman hiningi.
"Sus. Ikaw naman, ano bang maiiba? Nasa iisang kotse lang naman tayo. Sagutin mo na 'yan, alam kong sa Korea pa lang nag-aalala ka na sa takbo ng kompanya mo." Pambabalewala ko sa paliwanag niya.
"May tiwala naman ako sa humahawak ngayon sa kompanya. Alam kong hindi niya hahayaang makuha ng kung sinong traydor ang kompanyang pinaghirapan ko."
"Ikaw bahala. Basta huwag mo lang kaming sisihin ng anak mo kapag bumagsak ka." Hindi ko nalang ipinilit ang gusto ko. Tutal naman nakapagdesisyon na siya, ano pang silbi ng pamimilit ko?
Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos ng pag-uusap na 'yon habang papalapit kami sa bahay niya. Pagdating namin, nakabukas na ang gate at nakalinya na ang kotse ng mga kasama namin kanina. Muukha ngang may iba pang dumating dahil may mga kotseng hindi naman kabilang sa binigay ng valet kanina.
"Ako na sa gamit, feel free to roam around." Ani niya ng makababa. Hawak-hawak ko si Venice habang ipinapalibot ang paningin sa bahay na napakapamilyar sa akin.
"You told me last time na binenta mo." Pigil ko sa paglalakad niya.
"I bought it."
"Hindi mo sa akin sinabi."
"Hindi ka naman na interesado ng mga panahong 'yon." Sagot niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Because I thought... I thought hindi ko na maba—"
"Venus!" Naputol ang sasabihin ko sana ng umalingawngaw ang matinis na boses ng mama ni Vulcan—na practically speaking, mama ko pa rin dahil nga hindi naman pala talaga kami naghiwalay.
"Tit—"
"Uh-uh.. it's mama dear. Nakalimutan mo na ba?" Putol niya sa sasabihin ko ng may ngiti sa labi.
"Sorry ma, medyo naninibago lang." Paumanhin ko dahil sa awkward na pakiramdam. Feeling ko first time akong ipinakilala sa magulang ng jowa ko.
"Ano ka ba naman. Just do it like the old times. Nothing change dear, except sa ganda mong nadagdagan pa lalo." Natawa naman ako sa pambobola ni mama. Hindi pa rin talaga nagbago.
"Mama naman. Ang hilig niyo pa rin talagang mambola." Natatawang saway ko dahil sa kahihiyan. Kung tutuusin wala pa ako sa kalingkingan niya dahil kahit mahahalata mo na sa kaniyang may edad na siya, litaw na litaw pa rin talaga ang ganda niya. Hindi na ako magugulat kung ilang daang puso na ang napaiyak niya noong kabataan niya pa.
"Ang batang 'to talaga. Halika nga dito. Give me a hug." Agad ko namang pinagbigyan ang kagustuhan niyang yakap habang hawak-hawak ko ang anak ko sa kamay.
"I miss you dear. Finally you are back. Welcome home." Malumanay na ani niya na parang yumakap sa puso ko at nagbigay ng init dito. Hindi ko maipagkakailang naging mabait sila sa akin noon. Mula sa pagiging magjowa hanggang sa maging mag-asawa, hindi nila ipinaramdam sa akin na hindi nila ako gusto kaya alam kong sinsero ang pagtanggap niya sa akin ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapaiyak dahil sa sinabi niya. I miss them too. Those years na wala akong magulang na nasasandalan, I've longed for their care and their embrace. Nothing really can compare to a mother's hug and comfort in your darkest days. Namiss ko tuloy bigla-bigla si mama. Ilang oras pa nga lang kaming nagkahiwalay parang gusto ko na ulit siyang mayakap at makausap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top