62

'Yong ngiting nakapaskil sa labi ko habang nagpapaalam kay Edang ay nawala ng buksan ko ang pintuan.

"Uh... I'll go ahead first. Goodnight Venus."
Pinanlakihan ko ng mata si Edang ng makita ko ang mapang-asar niyang ngiti habang nilalampasan ako at si Vulcan na karga-karga ang anak namin.

"Ehemmm! Pwedeng pumasok?"

"Ha? 'Wag na. Ako na mag—"

"But I want to personally lay him in the bed. Can I?" Putol niya sa akin.

It's late and I dont have enough strength left to argue with him for the rest of the night kaya hinayaan ko na lang siyang ihiga ang anak ko sa kama. Inayos niya pa ang pagkakahiga nito bago kinumutan at hinalikan sa noo. Tatalikuran na sana niya ito ng bigla na lang gumalaw ang bata at hinawakan ang kamay niya.

"Tito Zeus always accompany me to bed. Can you stay for the rest of the night tito Vulcan?" Agad akong napalunok ng laway ng dapuan ako ng tingin ni Vulcan kasunod ng maikling pakiusap ni Venice.
"Please mommy."

Dali-dali akong sumampa sa kama para aluin siya. Baka sakaling maagapan ko pa ang pakiusap niya. "Baby, tito Vulcan and I are not in an intimate relationship for him to stay for the rest of the night."

"But he's kind po. He won't do any bad sa atin. And besides, tito Zeus and you are just friends right?"

"Anak, I know tha—"

"Please mommy."

"Hey young man, listen to mommy okay? Magkikita pa naman tayo bukas. If you'll miss me for the rest of the night then will play whole day tomorrow. Is it okay?"
Hindi na umimik ang bata at nagmamaktol na tinalikuran ako bago ipinikit ang mata. Agad namang tumayo ng tuwid si Vulcan at tinahak ang daan tungo sa pinto.

"Wait!" Habol ko ng buksan niya na ang pinto.

"Hmmm?"

"You can stay. Pero hanggang sa makatulog lang 'yong anak ko."

"Anak natin."

"Hindi mo sure."

"Huwag mo akong simulan Venus. Alam kong alam mo kung bakit ako nandito ngayon imbes na atupagin ang traydor sa kompanya ko."

"Oh bakit? Inutus—"

"Hear that yuong man? I'll stay until your asleep. Let's settle with that set-up okay?"
Masayang tango naman ang sinagot ng anak ko ng puntahan siya ng ama niya habang iniwan akong hindi pa natatapos ang sasabihin at nakaharap sa pinto.
Agad nabalik sa huwisyo ang utak ko ng marinig ko ang pagtawag ng anak ko. "Mommy, let's sleep na."

"Yes baby. I will join you in a minute." Sagot ko nalang bago kumuha ng damit at dumeretso sa banyo.

Now, how can I survive the night ng hindi pinapansin ang damuhong ama ng anak ko?

Habang naliligo, pilit kong binabagalan ang mga galaw ko para saktong paglabas ko ay tulog na si Venice at wala ng dahilan ang ama nito para manatili. Ngunit iba ang naging resulta pagkatapos ng ilang oras sa loob ng banyo, paglabas ko, ang mahimbing na mukha ng dalawang pinagbiyak na buko na natutulog sa kama ang naabutan ko.

Vulcan lying on his back while Venice lying on his stomach sleeping sa ibabaw ng ama niya. I can't help but to feel pity for the both of them. I know Vulcan knows his position in Venice life, but my son doesn't know anything. He still thinks that Vulcan is just his tito. And I feel sorry for him. For them. For taking those years that they deserve away from them.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanilang dalawa at tinititigan sila ng malapitan. Feels like my body has it's own mind to do the things I can't do. Walking towards them and staring them this closely, caressing simultaneously their calm face while they are in deep slumber. I can't deny the fact that I am the reason why there is a big hollow in their lives. It's my fault why Venice doesn't have a father. But I can't totally take full responsibility. Kahit sabihin ko mang kasalanan ko, Vulcan also takes responsibility about it. Alam kong selfish pakinggan but I can't stay in one roof with him when I know what's the truth between him and his sister-in-law. I can't just stay quite when I know for myself that I am quitely torturing myself. I just can't stand seeing them happily conversing like something intimate didn't happened in their past.

Sabihin na nating conscious ako at masyadong affected but loving someone like him makes me doubt myself. Ano pa kaya ng malaman ko kung gaano kataas ang babae niya bago ako? I have nothing, while he have everything he can use to start his life. He has the support of his parents when it comes to his life decisions while me? Swerte ko na lang kung bisitahin ako ni mama galing Korea.
Agad akong napatuwid ng tayo ng biglang gumalaw si Vulcan para yakapin ang anak niyang nakadapa sa ibabaw niya.

"I don't think makakaalis ako without waking him up." Saad nito habang nakapikit.

Ayoko mang kausapin siya, wala rin akong magagawa dahil wala naman na akong ibang mapupuntahan kundi ang humiga sa tabi niya. "It's fine. Another one hour at pwede mo na siyang ilipat. Hindi na niya mapapansin 'yon."

"So...okay lang sayo na manatili ako ng isang oras pa?" This time, diretso na ang tingin niya sa akin habang inaayos ko ang pwesto ko.

"I can't do anything. Kahit naman paalisin kita ngayon pipigilan ka pa rin ng anak mong umalis."

Out of the blue, hindi ko na namalayan na inamin ko na sa kaniya ang posisyon niya kay Venice. Hindi ko siya matignan ng deretso sa mata dahil nakapaskil na sa mukha niya ang ngising nagpapahiwatig na talo ako.

Kasalanan talaga 'to ng higaan eh. Kung bakit ba kasi kailangan ko pang ayusin 'to eh malulukot rin naman to kapag nahigaan na.

"Chill, walang kasalanan ang unan sayo."

"Meron!" I hissed back at him pero ang gago, 'di man lang apektado. Sa halip, nilakihan niya pa ang ngiti niyan habang hinahaplos ang likod ng anak niyang mahimbing na natutulog sa ibabaw niya.
Dati, pwesto ko pa 'yan. Ngayon, sa anak ko na.

Agad kong kinurot ng palihim ang tagiliran ko ng maalala ang bagay na 'yon. Bakit nga ba sa dami-daming oras na pwedeng maalala ang bagay na 'yon, ngayon pa talaga? Kung kailan kailangan kong makasama siya ng ilang minuto pa? Kung kailan nasa iisang kwarto kami? Kung kailan nasa iisang kama? Bakit parang pinaglalaruan mo yata ako ngayon lord?

"I don't know what's gotten into you pero pupusta akong murderer ka na kung hindi lang unan ang hawak mo ngayon."

Tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago sumampa sa kama at humiga sa tabi niya. Ang laki-laki ng kama pero feeling ko biglang lumiit eh.

"Huwag ka ng magsalita. Pasalamat ka hindi ikaw ang hawak ko at baka ikaw 'yong napatay ko." Agad ko siyang tinalikuran para hindi ko na makita ang nakakabwesit niyang reaksyon. Pinatay ko ang ilaw sa kisame at iniwang nakabukas ang lampshade sa gilid para kung magising man si Venice, mapapansin ko agad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top