58

"Kuya—"

"Then go. Destroy it all as much as you want. As long as I have the permission to marry your sister then it'll be fine." Putol ni Valmond.

"Marry? What the hell is happening here? Bakit napunta na sa kasal kasal na 'yan?" Takang tanong nito.

"You are literally crossing the line Mr. Diaz. Dating my sister is already at your limit then marrying her?"

"What the hell dude, sisirain mo lahat ng bar na pagmamay-ari ko. Then it's better to let me marry your sister in exchange with your deal."

"How dare you! Talagang ginagawa niyo akong bagay na napapaikot niyo?"

"Baby it's not like that—"

"Not like what? I heard you!"

"Aether—"

"What? You happy now? Gusto mong malaman kung nasaan si Venus 'di ba? Well, for your information Mr. Dickhead, nasa Korea ang kaibigan ko para kalimutan ka. Ano? Masaya ka na? Sinira mo na lovelife ko, nakuha mo pa ang gusto mo! Boys are always boys! The fuck with your sincerity people!" Magwo-walk out na sana siya ng pigilan siya ni Valmond.

"Don't you dare tou—"

"Zeus, Claretine's grandmother passed away last night. She needs someone right now." Putol ko sa pagsigaw niya.
Nagpupuyos ng galit si Zeus habang nakatingin sa kapatid niya at kay Valmond.

"We are not done yet. Expect your bar to be in ashes pare." Bilin nito bago umalis.
Walang umimik sa aming mga naiwan. Dumating at umalis si nanay Helen pero wala pa ring nagsalita hanggang sa binasag ito ni Valmond.

"Thank you Vulcan."

"I just did what you want me to do. Don't worry, Zeus will not going to literally do his threatening."

"Sigurado ka?"

"Well...maybe he might destroy a building or two but expect it to be here in the Philippines. Your property abroad are safe Valmond. Besides, he can't let his sister lost her love one." Irap lang ang natanggap ko kay Aether.

"Just call if you still need anything. Alam kong matagal ka ng nangungulila sa kaniya. You better do your best this time."

"I know. Pamper your girl. Feels like she wants to kill me." Pabirong bilin ko bago sila tinalikuran. Korea, huh. Well, Korea, here I come.

____________________

Two weeks had passed, and our stay here is still peaceful pa naman. No calls from the other side of the world. I'm happy that Aether didn't trade me to him with something. Atleast, makakapag-isip ako dito hanggat gusto ko. No more pressure.
Pumasok ako bilang secretary ni ate sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Umalis siya kanina kasi sabi niya may potential investors daw galing ibang bansa na gustong makipag meeting sa kaniya privately kaya niya ako iniwanan. Ang malala lang doon, hanggang sa pag-uwi ay talagang iniwanan niya ako kaya heto ako ngayon mag-isang naghihintay ng bus pauwi.

"Venus, you don't want to join us? We're going to have dinner." Imbita ng katrabaho ko ng madaanan ako.

"Owh, it's okay. I'm tired and tomorrow's a weekend so I will take a long rest first. Maybe next time."

"Sure. If that's what you want. Join us next time okay?"

"Okay." Masiglang ani ko.

Two weeks but still, I didn't have friends in this country. Hindi naman sa 'yon talaga ang pinunta ko dito but, nakakakain lang ako sa labas kung mag-aaya si ate o kung aayain si ate ng mga tao sa kompanya at isisingit ako.

"Venus! Going home? Hop in. I'll give you a ride." Pikit mata kong tinalikuran ang direksyon na pinagmulan ni Spencer.
Ever since I started working here, Spencer starts hitting me. Of course, dahil hindi rin 'yan ang dahilan ng pagpunta ko dito, hindi ko siya binibigyan ng motibo. Pero ang gago, napakatigas ng ulo at kahit na harap-harapan ko na siyang i-reject, matibay pa rin itong naghihintay kung kailan ko siya pagbibigyan.

"Venus! Come on. We're living in the same subdivision. I can drop you off." Pamimilit pa rin nito.

"Spencer it's fine. I will just take the bus. I'm much more comforta—" what the hell! Bakit ngayon pa?

"Come on Ven, a minute from now the rain will going to get stronger. You don't have a choice anyway." Tumayo pa ako ng ilang segundo sa waiting shed para pakiramdaman ang ulan pero kung minamalas ka nga naman, talagang lumakas nga ang ulan, wala pang bus na dumaan.

Seems like I don't have a choice, kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko na makihalubilo sa kaniya ng mga ilang minuto lang naman.

"Fine. But it's just for tonight." Paalala ko.

"Hahahaha. Who knows Ven, there is always a next time." Balewala niya sa akin bago pinausad ang sasakyan.

"Psh! Kung makakaulit ka." Bulong ko bago itinuon ang paningin sa labas ng bintana.
Pilit siyang nagbubukas ng mapag-uusapan habang nasa daan pero simpleng oo, hindi at pwede lang ang sinasagot ko.

Wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya. Kung hindi nga lang umulan at kung may bus lang na dumating kanina baka wala ako ngayon dito kasama niya.

"Thank you for the ride. Have a good night." Paalam ko agad ng huminto siya sa harap ng gate ng bahay ni ate.

"Owh? That fast? You are not going to invite me inside?" Pabirong ani niya pero alam kong 'yon talaga ang plano niya noon pa man.

"Ahh...I'm sorry but I didn't inform my sister ahead of time. Maybe next time. As you said earlier, there is always a next time. So just wait for your luck. I'm going in. Kamsahamnida." Pagkatapos kong sabihin 'yon, walang lingon-likod akong lumabas sa kotse niya at dirediretsong pumasok sa gate tapos sinara. Hindi ko na siya tiningnan pa kung umalis na ba siya dahil una walang saysay naman kung gagawin ko pa 'yon. Pangalawa, ayokong isipin niyang nag-aalala ako sa kaniya. Alam ko namang limang bahay mula sa bahay ni ate ang bahay niya. At pangatlo, sadyang ayoko lang talagang mag-aksaya pa ng oras para tingnan kung nakaalis na ba siya.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay, katahimikan ang sumalubong sa akin. Tsinek ko pa ang relong pambisig ko para tingnan kung late na ba para matulog ang mga tao pero maaga pa. Pupusta akong hindi pa nga sila kumakain ng hapunan. Alas syete y medya pa lang pero parang alas onse na ng gabi ang katahimikan sa loob ng bahay.

Agad kong inilagay ang mga gamit ko sa sofa bago nilibot ang bahay. Huwag na huwag talaga silang magkakamaling mag outing ng hindi ako sinasama. Talagang susunugin ko lahat ng gamit ni ate dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top