55
"Putangina mong gago ka! Hinayaan kitang ligawan siya pero hindi ibig sabihin no'n na pwede mo na siyang buntisin! Ang kapal ng mukha mong pagdudahan siya eh ikaw nga 'tong palaging sinasaktan siya eh. Nakakagago ka pare!"
'Yan agad ang bumungad sa akin pagkabalik ko galing banyo. Akala ko kanina nagsara si Valmond ng bar ngayon kaya niya kami inaya. 'Yon pala, nireserve ng mga demonyong nag-anyong tao ang lugar.
Hindi naman sa halimaw sila kaya sila tinatawag na demonyo. Ang dalawang pamilyang ito ay kilala sa business world. At kapag hindi nila nagustuhan ang personalidad at ugali mo, asahan mong wala kang mapapala sa kanila. Isa pa, kapag ginalit mo o binangga mo ang kung sino man sa pamilya nila, asahan mong hindi lang isa ang gaganti kundi lahat sila. Kaya ingat na ingat sa kanila ang mga taong gustong makakuha ng pabor sa kanila. I wouldn't even dare to mess with them.
"Ano! Bakit hindi ka nagsasalita! Huwag mong sabihing hindi ka nagsisisi sa ginawa mo!" Galit na sigaw na naman ng nanuntok kanina.
"Tama na 'yan. Nandito tayo para mag-usap pinsan. Easyhan mo lang." Pang-aalo ng pinsan niya bago sila naupong dalawa.
Nakapalibot kami sa isang malaking round table. Hindi ko nga lam kung bakit pati kami ng mga kaibigan ko nadamay dito eh gusto lang naman namin mag-inuman.
"These two clans really are a pain in the ass." Bulong ni Wencel na katabi ko sa upuan.
"Talking like you are not part of their family."
"I am part of it. But I don't even get it why they hate each other. Noong una, nagkakasundo pa sila, ngayon naman, balik sa dati. Ewan ko ba sa kanila. May problema rin ako 'no, ayoko ng dagdagan pa 'yon." Mahabang litanya niya bago ininom ang alak na kanina pang nakahain sa harap niya.
"We are here not because we want to say sorry to you." Basag ni Allen, ang pangalawa sa magkakapatid na Del Franco.
"Anong sabi mo?" Galit na tanong naman ni Louell. Ang Montecarlos na nakilala ko sa bahay ni Zeus.
"Why? Tama naman 'di ba? My brother made a mistake, but it's not you who deserve his sorry. So until then, we are not going to apologize for what he did. Hahayaan naming si Aicelle ang magdesisyon." Paliwanag ng nauna.
"Kung ganoon lang din naman, ano pang silbi ng pagpunta namin sa meeting kuno na 'to kung pati ang humingi ng tawad ay hindi niyo kayang ibigay!" This time, 'yong nang-aalo kay Louell kanina ang galit na nagsalita.
"Watch your tone Montecarlos. I am starting to get pissed of it!" The one who's name is Raven interfered.
"Well, fuck you Del Franco. I am not here to please you!" Ivannerich rebutted.
"Okay! Enough!" Biglang sigaw ni Valmond. "Walang mangyayari sa usapang 'to kung magbabatuhan kayo ng kung anu-ano. You guys are grown up and professionals so act like one!" Sermon niya dahilan kung bakit natahimik ang lahat.
I dont know if they are friends with Valmond o ginawa niya lang 'yon bilang may-ari ng bar but who cares? Basta ba libre ang lahat ng alak bakit ko pa poproblemahin kung anong koneksiyon nila?
"Okay, we are here because...what's the purpose of this meeting again?" Baling ni Wencel sa mga pinsan. Tingnan mo ang isang 'to, problema ng pamilya nila walang kaalam-alam.
"Gusto naming patalsikin si Tito sa kompanya. He's wasting the company's money for his gambling addiction and to top it all, he's planning something against you guys. That's why we want to join hands with you para mapatalsik siya." Si Allen na Ang tumapos.
"Huh! Tingnan mo nga naman. Pati kapamilya niyo inaaway niyo na. May saltik ba sa ulo ang mga Del Franco? Bakit hindi kayo nawawalan ng problema?"
Tahimik lang sana akong makikinig sa mga pinagsasasabi nila ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa.
"Labas muna ako. Someone's calling." Paalam ko bago lumabas ng bar.
Lumanghap muna ko ng malamig at sariwang hangin ng madaling araw bago sinagot ang tumatawag.
"What?"
"I have it all."
Kung nawalan man ako ng pag-asang mabubuo ko pa ang pamilya ko noong umalis siya sa party, isang salita lang galing sa imbestigador ay muling nabuhayan ang dugo ko. I immediately went home after he said those words. Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kasama ko. Pagkarating, agad kong hinanda Ang mga kinakilangan para sa pagkikita namin ng imbestigador bukas.
Because of so much excitement, hindi ko namalayang papasikat na ang araw ay wala pa akong tulog. Kung hindi lang ako pinagalitan at sinermunan ni manang Susan hindi ako papasok sa kwarto at makakaramdam ng antok.
Ala una na ng hapon ako nagising. Nang maalalang magkikita nga pala kami ng imbestigador ni mama ay agad-agad akong pumasok sa banyo para maligo. Hindi ko pa man nasusuot ng maayos ang damit ko ay bumaba na ako at dumeretso sa kusina.
"Man—"
"Ay naku ang batang ito naman, oo! Bakit ka ba nanggugulat? Tsaka sino bang humahabol sa iyo at hindi mo man lang nasusuot ng maayos 'yang damit mo?"
"Manang good morning po. May naghahanap po ba sa akin kanina?" Pambabalewala ko sa sermon niya tungkol sa damit ko.
"Kita mo na. Kakatrabaho mo, kahit araw ng pahinga, hindi ka pa rin nagpapahinga. Imbes na ang kumain ng unang pumasok sa isip mo, mas nauuna pa kung sino man ang kikitain mo ngayon. Umupo ka nga muna d'yan at ipaghahanda kita ng tanghalian." Pambabalewala niya rin sa tanong ko.
"Manang hindi niyo pa si—"
"Kapag sinabi kong kumain ka muna at magpahinga, kakain ka at magpapahinga. Sinabi ko sa tao sa labas kanina na tulog ka pa kaya pinapabalik ko na lang siya mamayang hapon."
"Manang Naman. Impo—"
"Hay naku. Huwag ng matigas ang ulo mong bata ka. Hala, sige, upo at ipaghahain Kita."
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ni manang. Kahit naman hindi ko siya sundin wala rin naman akong magagawa kasi mamaya pa babalik ang imbestigador kaya mas mabuti na nga sigurong kumain na lang muna. Medyo kanina ko na rin kasi nararamdaman ang gutom eh.
"Ubusin mo 'yan tapos magpahinga saglit. Sumunod ka sa sala pagkatapos. Huwag matigas ang ulo Gray."
"Opo manang." Masiglang Saad ko sa mga bilin niya.
Kung si mommy mahigpit sa amin ni kuya sa pag-aaral, si manang Susan naman ay mahigpit pagdating sa pagkain. Kaya hindi sila pwedeng magsama sa iisang bahay, dahil kawawa kaming mga hinihigpitan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top