54

"Mom!" Agap ni kuya pagkatapos makita ang nangyari.

Kanina pa nagsiuwian ang mga bisita. Naiwan na lang kami ng pamilya ko na nandito sa opisina at ang mga kaibigan ko na nasa baba kasama ang utilities para magligpit.

Nakagawian na naming walang pasok kinabukasan pagkatapos ng party dahil ang iba ay lumilipat ng lugar para magsaya. 'Yong iba naman ay mas pinipiling magpahinga na lang. Nagsisilbi na rin ang araw na 'yon bilang rest day ng lahat ng empleyado ng kompanya.

"Don't you dare shout at me Vincent Graphite! Gusto mo rin bang makatikim ng sampal galing sa akin?" Mom furiously state.

"Hon, calm down." Pang-aalo naman ni dad pero maging siya ay walang magawa.

"Isa ka pa! Tatay ka pa naman ng mga batang 'yan pero nagawa mo pang maglihim sa akin Natividad!" Saway ni mommy.

Agad namang pinabulaan ni dad ang sinabi ni mommy na sana hindi na lang pala niya ginawa.

"Hon you are already a Natividad."

"And don't make me regret it for the very first time Raphaelo!"

"Ma, walang kasalanan si dad—"

"Talagang magkakampihan kayo? So sinong pagagalitan ko sa paglilihim na ito?" Taas kilay niyang baling sa akin. "All of you knows what's really happening habang ako parang tangang wala man lang kaalam-alam sa nangyayari sa buhay ng anak ko? Alam niyo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? I feel like a useless mother kasi hindi ko napapansing may problema ang anak ko. And trust me, it is not a very nice feeling."

"Mom, labas ako d'yan." Inosenteng singit ni Brianna habang nilalantakan na naman ang tsokolate.

"Love, 'wag mo naman akong iwan sa ere." Protesta ni kuya.

"Why? Sabi ko noon 'di ba na we better tell Mom what's really happening between Venus and your brother but you want me to zip my mouth and I did. But in return, talagang maghuhugas ako ng kamay. I am not planning to stress myself and our baby dahil lang sa pakikisawsaw sa problema ng dalawa."

Lahat natigilan sa sinabi ni Brianna. Maging ang hawak-hawak na baso ng alak ni dad na natapon ay walang pumansin.

"Come again love?" Tulalang tanong ni kuya.

"Nah. Not going to repeat it. Let's go home. I'm sleepy." Saad na lang nito bago dahan-dahang tumayo sa swivel chair ko at lumapit sa mga magulang ko para nagpaalam.

"I didn't plan to make it a secret but...well, I admit that I want to surprise you guys kaso nga lang, I am not so sure until yesterday so yeah. You guys are going to have a grandchild soon." Masayang saad niya sa mga magulang ko na aligagang inaalalayan siyang paupuin ulit.

I am happy for them. But at the same time, there's something inside me that I can't name right now.

Mukha namang nabaling na kay Brianna ang atensyon ng lahat kaya aalis na sana ako ng hindi ko namalayang napansin pala ni mommy ang pagbukas ko ng pinto.

"We're not yet done Vulcan Gray. We may entertain Brianna's pregnancy but expect that I will going to put you in a hot seat." Banta ng nanay ko.

"I know ma. For now, iuwi niyo na muna si Brianna. She needs rest. Also you guys. Ichecheck ko lang sila sa baba. Good night mom." Paalam ko bago siya hinalikan sa noo.

"Congratulations to the both of you. I am happy for your family." Baling ko naman sa mag-asawa bago ko tinapik ang balikat ng kapatid ko. Hindi man sinasabi ni kuya pero alam kong nagseselos siya kapag sobrang lapit namin ng asawa niya. Of course, sino ba namang hindi? Kahit na sino man ang nasa posisyon niya, ganoon din ang mararamdaman.

"Thank you bro." Tango ang sinagot ko bago nilapitan si dad na nakatingin lang sa amin sa gilid.

"Safe drive, old man."

"Fix your problem, young man."

"Yeah, yeah. Sonner or later, my family is complete again. Just wait for it." Ngiti ang naging pabaon sa akin ng ama ko bago sinara ang pinto.

Nang makapasok sa elevator, nanghihina akong napasandal sa dingding ng elevator. Kung hindi lang sana kami nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ni Venus, baka may mga maliliit na tao ng nagsisitakbuhan  sa kompanya ko.

Ipipikit ko pa lang sana ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi niya kanina.

Samantalang sa akin...ilang taon na tayong hiwalay Vulcan pero ni isa wala akong nabalitaang hinanap mo ako. Sa halip, heto...umasenso ka ng walang kahirap-hirap.

Wala kang pakialam sa akin noong tayo pa...ano na lang ngayong wala na?

"Aaargh!!" Inis na sigaw ko habang ginugulo ang sariling buhok.

Akala niya ba ganoon kadaling palaguin ang kompanya? Kung sana lang nanatili siya para pakinggan ako, masasabi kong oo. Pero hindi! Pinili kong ibuhos lahat ng atensyon ko sa kompanya dahil ayokong isipin niya na panalo siya dahil hindi ko kayang magpatuloy sa buhay ng wala siya.

Well...it's true na para akong dumadaan sa butas ng karayom araw-araw dahil wala siya pero para rin naman sa kaniya ang pagpapalago ko sa kompanya! I want her to be proud of me. Not because I am free from her but because I love her!

"Tititigan mo lang ba ang nakabukas na pinto?" I snapped back again to my reality when someone spoke in front of me.

"What are you doing standing there?" I ask with a furrowed eyebrows.

"I think I should be the one asking you that. What are you doing standing there looking so lost? Problems?" Taas kilay na balik tanong niya.

"Nothing. Ano bang ginagawa mo sa labas ng elevator?" Pag-iiba ko na lang sa topic. I don't want to stress myself more.

"Val invited us to his bar. Ikaw na nga lang hinihintay. Kung hindi ko pa naisipang umihi muna baka kanina pa kami naghihintay sa 'yo habang ikaw tulala lang dito. Parang ewan lang." Natatawang saad niya.

I decided to dismiss my thoughts right now. Ayokong idamay sila sa kamiserablehan ng buhay ko na ako lang din ang may gawa.

"Tinatawa-tawa mo pa d'yan. Gusto mong maiwan?" Banta ko na naging hudyat para tahakin niya ang daan patungong restroom.

"Hoy hintayin niyo ako ha! Iniwan ako ng pinsan ko kaya ihatid niyo ako pauwi!" Sigaw pa ng gago bago tuluyang pumasok sa c.r.

Damn Del Franco. Walang maniniwala panigurado kapag may nagsabing baliw ang mga Del Franco.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top