5
Venus' POV
"Oo nga pala. Naghahanap ng catering ang kaibigan ko para sa anniversary ng kompanya nila," saad ni Zeus pagkalipas ng ilang oras na katahimikan.
"Oh! May nahanap ka na?" Tanong ko ng hindi niya tinuloy ang sinasabi niya.
"Ikaw ang nirekomenda ko," sagot niya habang nakatingin sa akin.
Ako? Paano ko naman isisingit ang kaibigan niya sa schedule ko?
"Bakit naman ako?" Alam na nga niyang ang dami kong listahan ng pending orders tapos nirekomenda pa niya.
"Bakit naman hindi? Ayaw mo no'n? Sikat ang kompanya ng isang 'yon. I'm sure maraming bigating bisita doon. Baka magustuhan nila ang luto mo, edi instant famous ka na," saad nito.
"Paano kung hindi? Napahiya pa ako at ang staff. Tsaka, alam mo namang bago pa ako sa pagluluto. Two years pa lang ang resto isasabak mo na ako sa bigating tao?" Tinawanan lang niya ang mga explanation ko.
Hindi naman sa takot akong sunggaban ang chance pero alam naman naming may iba pang restaurant dyan na mas sikat kesa sa akin kaya mas nakakapressure. Baka mapahiya lang kami.
"Hindi ko alam na magrereklamo ka Venus. Akala ko ba gusto mong magkaroon ng pangalan sa larangan ng pagluluto?" Ipinark ko muna ang sasakyan bago siya binalingan.
"Hindi ako nagrereklamo okay? Ang akin lang, for sure hindi kilala ng kaibigan mo ang resto ko kaya paniguradong naghahanap na 'yon ngayon ng sikat na restaurant na pwedeng mag-cater para sa party niya."
"Ikaw naman, hindi ganoon ang kaibigan ko 'no. May tiwala 'yon sa akin kaya hindi 'yon maghahanap ng iba. Tsaka, huwag mo ngang ituring na mababa ang restaurant mo. Batukan kita eh!" Napaiwas naman ako sa kamay niya ng iangat niya 'yon. Baliw pa naman ang isang ito. Masakit din kung mambatok.
Kanina pa pindot ng pindot si Zeus sa elevator ngunit hindi pa rin ito bumubukas.
"Sira na naman ba ito? Lumipat na nga lang kayo ng condo Ven, sa tuwing pumupunta ako dito palagi nalang sira ang elevator eh," reklamo niya.
"Malas ka kasi. Nadamay pa tuloy ako. Sana pinauna nalang kita eh. Baka sakaling gumana pa sa akin ang bagay na 'yon," I state while walking on the stairs with him.
"Wow naman. Aminin mo nalang kasing low class 'tong condominium na napili mo," lait niya. Palibhasa kasi mayaman.
"Sorry naman sir. Wala pa kasi akong ipon sa ngayon eh. Kaya huwag ka muna puro reklamo ha," I said full of sarcasm na tinawanan lang niya.
"Ano ba naman 'tong si Edang! Tulog na naman siguro," litanya ko habang hinahanap ang susi sa bag ko. Kanina pa ako katok ng katok sa pinto. Masisira ko pa nga yata ang pinto pati na ang doorbell hindi pa rin ako maririnig ng isang 'yon. Kahit kailan talaga ang hilig-hilig matulog buong araw. Kaya napakahirap patulugin ni Venice sa gabi eh.
"Umalis ka na nga dito! Araw-araw ka umaalis wala ka namang dalang pera 'pag umuuwi! Parati ka na lang nandoon sa labas! Siguro binubusog mo 'yong bago mo 'no!" Napatingin na lang ako sa mag-asawang nagsisigawan sa katabi naming unit. Napakapit naman si Zeus sa akin ng matamaan siya ng mga damit na binabato ng kapit-bahay.
"Maming, hinaan mo nga boses mo. Nakakahiya sa kapit-bahay natin," sita ng asawa niyang nagpupulot ng damit.
"Aba'y bakit? Binibigyan ba nila ako ng pera para mahiya ako? At tsaka ang kapal ng mukha mong mahiya sa kanila! Hindi ka man lang nahiya sa akin na asawa mong bwisit ka! Ang lakas pa talaga ng loob mong humanap ng kabit!" Sigaw ulit ng asawa nito.
"Huwag mong tingnan Zeus. Baka sa atin mabaling atensyon niyan," bulong ko ng makitang naestatwa na ang kasama ko habang nakatingin sa nangyayari sa harapan niya.
"Ano! Gusto mong sumali? Bakit titingin-tingin ka dyan!" Hinila ko na lang siya papasok para hindi na siya pagtuunan ng pansin no'ng mag-asawa.
"Araw-araw ba ganito ang eksena dito sa unit mo?" Tanong niya ng mahimasmasan.
"Minsan," sagot ko bago hinubad ang sapatos.
"Ibig sabihin palagi," saad naman niya bago ginaya ang ginawa ko.
Kilala niya talaga ako. Ano namang magagawa ko kung palagi silang magbangayan dyan sa labas? Ang importante naman hindi kami madamay ni Venice.
"Nasaan sila? Akala ko ba nandito ang magaling kong kapatid?" Saad niya ulit ng walang makitang tao sa sala.
"Alam mo naman ang isang 'yon. Kung pwede nga lang na mamalagi 'yon sa kwarto niya buong buhay niya, ginawa na niya eh," sagot ko. Ibinaba ko muna ang dala kong bag sa sofa bago dumeretso sa kusina.
"Anong gusto mong inumin?" Tanong ko sa kaniya. Malapit na ring magtanghalian. Ipagluluto ko na muna si Venice bago gisingin.
"Ano bang meron?" Tanong naman niya pabalik pagkapasok niya sa kusina.
"Tubig lang," sagot ko at kinuha ang isang pitsel ng tubig sa ref at inilagay sa harap niya.
"Psh! Nagtanong ka pa," aba! Mabuti nga inalok ko pa siya ng maiinom eh.
"Anong gagawin mo?" Hindi pa ba obvious na magluluto?
"Ipagluluto ko muna si Venice bago ko gisingin," sagot ko na lang habang hinahanda ang lulutuin.
"Mmm..sa wakas may maganda ring nangyari ngayong araw. Damihan mo ha. Makikikain ako," saad nito habang may nakakalokong ngiti sa labi.
"Ano pa nga bang aasahan ko? Basta pagkain hindi mo pinapalampas," pang-aasar ko sa kaniya na naging dahilan ng pagngiwi niya.
"Hindi naman! Si Venice kaya pinunta ko dito," sus! Palusot pa!
"Talaga? Malugi man kompanya mo?" Pangungulit ko pa.
"Medyo lang naman. Hindi kasi ako pinagluluto no'ng magaling kong kapatid eh," suko niya. Sabi ko na.
Nakafocus ako sa pagluluto ng bigla na lang siyang tumayo sa kinauupuan niya.
"Anong problema mo?" Tanong ko ng makitang wala namang kung anong reaksiyon ang mukha niya. Bigla-bigla nalang tatayo parang tanga. Bored na siguro 'to kahihintay kailan ako matatapos.
"Gigisingin ko na anak mo. Mamamatay ako sa boredom dito eh," sabi ko na. Hindi pa nga hinintay ng gago ang magiging sagot ko nilayasan na agad ako.
"Bakit kasi ayaw pang maghanap ng mapapangasawa at ng hindi ma-bored," bulong ko na lang sa sarili ko bago ipinagpatuloy ang niluluto.
Ano kayang mabuting gawin mamaya pagkatapos nito? Ayoko namang masanay si Venice sa presensiya ni Zeus kaya papauwiin ko 'yon pagkatapos kumain. Baka kasi masanay pa ang batang 'yon at hanapin ang daddy niya. Mahirap na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top