47

“Anong meron at mukhang may children party dito sa loob?”

Walang nakasagot ni isa sa amin ni Zeus.

“Mommy!” Sigaw ng bata bago dali-daling lumapit sa ina niya kahit pa nga nahihirapan.

“Careful baby. Baka masubsob ka.” awat ng ina niya ng muntik na siyang mabuwal.

“Look mommy, tito Vulcan bought all of this. He said this is his gift for me.” Habang nagsasalita, hindi mawala-wala ang ngiting kanina pa nakadikit sa mukha ng bata.

Hindi man lang niya inisip na baka magalit ang mommy niya sa mga sinasabi niya.

Umalis si Venice sa kandungan ng nanay niya para pulutin ang isang laruang maingat niyang itinabi kanina.

“Look mommy, isn’t it awesome? I really wanted this toy car but I know you have to save money first that’s why I didn’t tell you. But look, tito Vulcan bought this for me and he said it’s for free. Isn’t he’s an amazing person mom? I want to have a father like him.”

Halatang natigilan si Venus sa sinabi ng anak niya at ganoon din ako. Naniniwala akong may koneksiyon ako sa bata pero hindi ko inaasahang gugustuhin niyang maging ama ang isang taong tulad ko na sinaktan ang nanay niya noon.

“Sweetheart? Go to your tito Z first okay? Mommy and tito Vulcan are going to talk first. Okay?” agad na tumungo ang bata sa pwesto ng tito Z niya habang ako, heto at nagsisimula ng bumagsak ang butil-butil na pawis ko.

When Venice said that his mommy is a monster when it comes to his studies, I believe him. Little did I know that his mother will going to be a human version of Godzilla the moment her eyes found mine.

Wala na siyang oras na sinayang at agad akong hinila segundo lang ang lumipas pagkatapos siyang sundin ng anak.

“What do you think your doing? Why are you giving my son so many toys na hindi niya naman kailangan?” bulyaw niya agad pagkatapos niyang bitawan ng pabalibag ang kamay na hinila niya.

“Venus its just a gift for him. He is still in a recovery kaya hindi siya pwedeng gumalaw-galaw.” Paliwanag ko.

“And who ask you to buy him that stupid toys? I didn’t ask anything from you.” Galit na ani niya.

Heto siguro ang sinasabi ng bata ng sabihin niyang halimaw ang mama niya pagdating sa studies niya. Kasi naman, ano bang kasalanan ng mga laruan para tawagin niyang stupid?

“Why? Can’t I give him some gifts para ganahan siyang magpagaling agad?”

“Why too Vulcan? You don’t have any connection to him para bigyan siya ng mga laruan. Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo? Ha?”

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko ang sinabi ko.

“I feel like his mine k—”

“Oh! Don’t give me that stupid excuse Vulcan! You feel like what? He’s yours? I already told you na hindi mo anak si Venice kaya stop all this nonsense Vulcan. Go back inside, get all your stupid toys, put them all in a garbage bag and throw it away from my son! At kung gusto mo, sumama ka na lang din para naman mawala ka na sa paningin ko!” napipikong putol niya sa akin.

“Why are you so stress about it anyway? Fine sabihin na nating hindi nga siya akin, then can’t I give him a gift? Para naman sa bata ‘yon Venus. Pati ba naman ‘yon bawal?”

“Huh? Pati ba naman ‘yon bawal? Vulcan do you realize how many kids loss their life just because of a single stupid tiny toy? Ha? Tapos tatanungin mo ako kung pati ‘yon bawal? Oo Vulcan. Bawal na bawal. Okay lang sana kung kaunti lang Vulcan, hinding-hindi ako magrereact ng ganito, pero ‘yong dinala mo? Vulcan ilang libo ang winaldas mo para lang sa walang kwentang laruan na ‘yon? Ha?”

Hindi ko naman sinabing balak kong patayin ‘yong anak niya gamit ang mga laruan. Tsaka isa pa, hindi naman umabot sa kalahating milyon ang nagastos ko kaya okay pa rin naman ‘yon.

“Ven…it’s not important kung magkan—”

Hindi na niya ako pintapos magsalita dahil sa pagpipigil niyang sumabog sa harap ko.

“You…get your fucking toys…away from my son. Throw them away at idamay mo na rin ang sarili mo. Got that?”

Agad niya akong tinalikuran pero hindi ganoon kablis para hindi ko siya maabutan.

 “Ven…Ven wait.”

Pagharap niya, bumalik sa alaala ko ang galit niyang mukha ng malaman niya kung ano si Brianna sa akin. Naging dahilan kung bakit hindi ko na siya pinilit na tanggapin lahat ng laruan na binili ko.

“Fine kukunin ko ang mga laruan, pero pwede bang bigyan ko siya kahit iilan lang?

Pero dahil siya nga si Venus, kailangan ko pang tumawad bago niya tanggapin ang alok ko.

“Bakit pa? Sinabi k—”

“Venus, hindi normal ang makakita ka ng batang kamukha mo kahit wala naman kayong koneksiyon sa isa't isa.” Wala nga ba? “Kaya sana pagbigyan mo na ako.”

Mabuti na lang at tumalab pa ‘yong pagpapaawa ko dahil kung hindi, panigurado sa charity ni mommy mapupunta ‘yong mga laruan na para sana kay Venice.

“Fine. Pero ‘yong makabubuti lang sa kaniya ‘yong tatanggapin ko.”

Walang paglagyan ang saya ko ng payagan niya ako.

“Okay. It’s settle. I will going to give him one hundr—”

“One hundred? Baliw ka ba?” putol na naman niya sa akin.

Bakit? Anong problema sa one hundred? Eh para namang mababawasan no'n ng malala ang mga laruang nakakalat sa loob.

“Yes. Tutal ayaw mo ibigay ko lahat kaya one hundred is enough, maybe?”

“Five.”

Now it’s my turn to be shock.

“Five? Venus sa dami ng laruang ‘yon, lima lang?”

“Kung educational books sana ‘yong iniregalo mo, walang magiging problema.”

Oo. Kasi hindi mo nakikitang nasistress ‘yong anak mo kakaharap doon sa mga walang kwentang libro. Mas mabuti pa nga ‘yong realidad marami kang natututuhang leksiyon kaysa sa pagbabasa lang eh.

Pero siyempre, hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ‘yon. Baka imbes na lima maging wala na ‘yan.

“Pero, Venus, lima? Sigurado ka?”

“Yeah. A hundred percent.” Hindi man lang nag-alinlangan.

“Hindi ba pwedeng tumawad?”

“Tumawad? Hindi ka bumibili sa palengke para tumawad Vulcan!” Eh hindi ko naman alam paano bumili sa palengke eh.

“Fifty. I’m fine with it.” Pamumursige ko pa rin.

“Ten.” Grabe naman! Ganito ba kahirap tumawad?

“Venus naman. Thirt—”

“Twenty. Take it or leave it. Wala ng tawad-tawad.” Aangal pa sana ako pero mukhang seryoso na talaga siya kaya I just settle down with her decision.

“Fine. Twenty big toy—”

“Twenty small toys.” Putol niya na naman.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Akala ko ba..?”

“Para kapag naimbyerna ako, madali kong maitatapon.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, nauna na siyang pumasok sa loob.

Siguro sinabi niya na sa bata dahil pagpasok ko, hindi na matigil sa pag-iyak si Venice. Mabuti na lang at nagawan ng paraan ni nay Helen.

Humugot muna ako ng maraming lakas ng loob para sabihin sa bata ang napag-usapan namin ng nanay niya. Sana nga lang hindi na siya umiyak ulit.

“Okay kiddo, as what your mommy said, you can choose twenty sm—”

“Twenty big toys.”

“But the—”

“That’s final. Don’t talk.” Hindi na lang ako kumibo pa at baka wala na talaga siyang tanggapin sa mga dala ko.

Nang mahimasmasan ang bata, agad nitong kinuha ang mga laruang gusto niya.

“Mommy….can I have this? Also this…and this and this…and thi—”

“Loki Venice.” Hindi lang ang bata ang natigilan ng tawagin siya ng ina niya. Maging ako. “I already said only twenty toys.”

“But mommy, I can’t have something like this if tito Vulcan take it back.” Angal na ng anak niya.

“Venice the reason why I don’t buy so many toys because you don’t need them. You understand naman ‘di ba why there are more educational books than toys in our room? Right anak?”

Walang nagawa ang bata kundi ang mapilitang suman-ayon sa nanay niya. Naaawa man, wala pa rin akong magawa. Ayokong mapagbalingan ng galit ni Venus. Nakakatakot.

“Then…mom, can I have this one? Promise….just this one please?” Sa huli, walang nagawa si Venus kundi ang pagbigyan ang gusto ng anak niya.

Kahit injured, hindi napigilan ng bendahe niya sa paa ang pagtalon ng bata dahil sa kasiyahang nararamdaman bago tinungo ang pwesto ng tito Zeus niya.

I feel jealous but I can’t compare our closeness to his closeness with his tito Zeus.

“Now you get all your toys and get lost.” Bulong ni Venus na nagpabalik sa akin sa realidad.

Paalis na siya sa pwesto niya ng paalalahanan ko siya ulit.

“Make sure that you’re telling the truth Venus. Kasi kapag nalaman ko na ako ang ama ng bata, I will make sure na kukunin ko siya sa kahit na anong paraan.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top