45
Abala pa rin silang dalawa sa pag-iisip kung sino ang tinutukoy ko ng may taong pindot ng pindot ng doorbell. Sa inis dahil baka pinaglalaruan na naman ng mga walang magawang mga bata sa subdivision na ‘to, padabog na tinungo ni Aether ang gate. Habang ‘yong kuya niya, balisang balisa sa kinauupuan.
“Zeus! Okay ka lang?” Nag-aalala ako baka matuluyan sa pagkabaliw ang isang ‘to.
“Sinong magiging okay pare? Hindi ko yata kayang makitang bumuo ng pamilya si Claretine sa ibang lalaki. Gusto ko ako ang maging asawa niya at ama ng mga anak niya.”
“I don’t really know what’s the connection about our topic. ‘Yong girlfriend mo pinag-uusapan natin tapos napunta sa anak-anak na ‘yan? Okay ka lang?”
“Eh sino ba kasi ‘yang sinasabi mong girlfriend ko at ng hindi na ako kabahan dito. Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong nililigawang iba simula noong naghiwalay kami ni Claretine.”
“Kung ganoon nga. Sino si Ve—”
“Kuya. May naghahanap sa'yo.”
Agad kaming napatingin sa nilabasan ni Aether ng magsalita siya habang nakatayo doon.
“Please don’t tell me babae ‘yan. I think I’m going to loss my consciousness.”
“Ang oa ha! Lalaki ‘to. Don’t worry.”
“Sino ba ‘yan at nang-iisturbo?”
“Sorry to disturb your lunch but I believe someone wants my help to get my sister’s best friend’s attention again. Am I wrong?”
“Montecarlos.”
“De Vera.”
“What brings you here? Last time I check, hindi ka pumayag na tulungan ako ng kapatid mo. Ano'ng nakain mo at nagbago ang utak mo?”
“Well..I guess we can treat it as business, you know. The Del Franco’s messing with us again.”
I didn’t know who this guy is but he pick my interest when he mentioned the Del Franco’s. May bagong kalaban na naman ba sa business ‘yong pamilya nila? Perks of being a billionaire.
“Another fight with them? Kailan ba matatapos ‘yang hidwaan sa pagitan ng pamilya ninyo?”
Pumasok ang taong tinawag na Montecarlos ni Zeus at walang pasabing sumubo ng pagkain.
“Itanong mo sa mga makikitid na utak na mga taong ‘yon kung kailan nila balak malaman ang totoong dahilan ng away kuno ng mga pamilya namin.” Sagot niya ng malunok niya ang nginunguya niya.
“Louell Montecarlos nga pala pare.”
Tinanggap ko ng walang pag-aalinlangan ang kamay niya. “Vulcan Gray Natividad.”
“Oh! The famous Hephaestus owner huh. It’s a pleasure to meet you in flesh Greek god.”
Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa tinuran niya. He have the same vibes with a Del Franco. I wonder anong hidwaan nila at magkaaway ang pamilya nila. “So much for fluttering me.”
“Treat that as a compliment though.” Sagot niya bago uminom ng juice. “Mm..before I forgot my intention. Can I have your little time? Ayokong gumawa ng kahit na anong hakbang para mas lumala pa ‘yong problema sa mga pamilya namin but they already cross the line. Hindi lang sinaktan ng Del Franco na ‘yon ang pinsan ko. Binuntis pa ng gago. Ang malala pinalayas niya pa. I’m not going to sit in my place and let my cousin suffer alone. That Del Franco should have known better that pregnant woman have to be treated better than usual. He’s a dick!”
“Hey! Watch your mouth. We’re in front of the blessings.” Sita ni Aether sa kadarating na Montecarlos.
“Sorry about that.” Hingi naman ng tawad ng huli. Hindi naman pala siya walang respeto.
“Ano ba naman kayo? Ano bang meron sa araw na ‘to at buntis at mga ina ang pinag-uusapan natin?”
“Naalala ko nga pala. May balak ‘yong kapatid ko at kaibigan niyang manood ng live concert this coming weekend. Kaso nga lang, something important came up. Walang kasama si Claretine. I wonder if your free? Pwede kong ibi—”
“Let’s go to my office. We need to finish things first para free ako ngayong weekend.”
Mabilis pa sa alas kwatro ang paghila ni Zeus sa bisita niya papunta sa opisina niya sa second floor ng bahay.
Naiwan kami ni Aether na nakatunganga lang sa iniasal ng kapatid niya.
“Kapag talaga si Claretine na ang pinag-uusapan walang pagdadalawang-isip na nagaganap eh.”
“Pero aminin mo. Ang gwapo ng bisita ni kuya. Sana wala pang girlfriend ang isang ‘yon. Akala ko nga bakla siya ng sabihin niyang si kuya ang pakay niya. Mabuti na lang hindi. Madadagdagan pa ng wala sa oras ang listahan ko ng mga gwapong bakla. Hay naku!”
“Just because of a man your blabbering too much? Akala ko may something na sa inyo ni Valmond.”
Hindi niya naman naitago ang gulat niya sa narinig.
“Lower down your voice. Baka sumulpot si kuya, marinig ka pa niya bigla.”
“Your asking too much. Ang manahimik pa nga lang sa nalalaman ko, big deal na para sa akin tapos ngayon gusto mo hinaan ko ang boses ko? Isn’t it too much?” pangongonsensya ko. Hindi naman sa may balak akong ibuking siya sa kuya niya. Bahala sila ni Valmond problemahin ang kuya niya. Ang importante, makakuha ako ng impormasyon tungkol kay Venus. Siguro naman may alam din siya kahit papaano.
“Oo na. Oo na. Anong gusto mong kapalit sa pananahimik mo?”
“Venus.”
Tiningnan niya ako ng puno ng pagtataka. “I want to know everything about Venus. Everything.”
She just looked at me with her playful look. “I didn’t know na mahilig ka pala sa mga single mom. Sige. Tutal naman kilala na kita at kaibigan ka ni kuya, ibebenta ko sa'yo ang kaibigan ko. Pero!” inayos niya ang upo niya bago ako matamang tinitigan sa mata. “…sa oras na malaman kong sinaktan mo siya. Babawiin ko siya sa'yo ng walang alinlangan. Maliwanag ba?”
Napilitan akong tumango sa sinasabi niya. Gusto ko lang malaman ang tungkol sa kaniya. Bakit kailangan may pagbabanta pa?
“I’m not planning to hurt her though.” Not for the second time around.
“Sigurado ka? Hindi ko alam na fetish mo pala ang mga single mom. Well, Venus is a one hot momma kaya hindi na ako magtataka kung may mga kagaya mong luluhod para lang mapansin ng kaibigan ko.” taas-noong ani niya.
“Oo na. Oo na. Ngayon sabihin mo na at gusto ko ng makita ‘yong bata.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top