44
“Magandang tanghali po nay Helen.” Bungad ko kaagad ng pagbuksan niya ako ng gate.
“Magandang tanghali rin po sir Vulcan.” Sagot niya.
Ipinasok ko muna ang sasakyan sa gate bago ko pinuna ang sinagot niya pagkalabas ko.
“Nay, sabi ko naman sa inyo na huwag niyo na akong tawaging sir. Para ko na kayong ina kapag nandito ako dahil hindi niyo ako pinapabayaan.”
“Hay naku. Pagpasensyahan mo na. Nasanay lang sa trabaho. Ala—”
“Nay,” putol ko sa sasabihin niya. “Ano pong palagi kong sinasabi kapag nandito ako?”
“Hindi ka trabaho.”
“Ayun! Naalala mo naman pala nay eh. Huwag ng matigas ang ulo.” Paglalambing ko.
Nay Helen is one of the few people who cared for me when I was down. Noong nakilala ko si Zeus, tinatambayan ko na itong bahay niya kapag ayokong mag-isa. Kaya siguro ganoon na lang din ang respeto ko kay nanay Helen. She never let me lay on the floor wasted. Kung sa bahay may manang Susan ako, dito may nanay Helen ako, then I have mommy on our main house. I am lucky to have three mother in one lifetime.
“Hala sige. Pasok na. Napakainit dito sa labas.” Pinauna ko ng pumasok si nay Helen bago ako sumunod. Kinuha ko muna ang trolley ng pagkain na nakita ko sa gilid ng gate. Hindi ko alam kung kanino ‘to pero thank you na lang sa trolley niya.
“Ano namang balak mong gawin sa bagay na ‘yang bata ka.” Sigaw ni nay Helen habang nakatayo sa pinto at hinihintay ako.
“Sige na nay. Mauna ka na. Ipapasok ko pa ‘to.”
“Siguraduhin mo lang na papasok ka. Bilisan mo at ng makakain ka ng pananghalian.”
“Opo nay!” sigaw ko pabalik sa kaniya.
Inayos ko pa ang mga laruan sa trolley bago ako pumasok. I wonder if he likes all of them. Sana lang parehas kami ng hilig pagdating sa collection at mga laruan. Siguradong magkakasundo kami ‘pag gano'n.
Iniwan ko ang trolley pagkarating ko sa sala ng bahay at dumeretso sa dining table.
“Umupo ka na at kumain.” Bungad agad sa akin ni nay Helen.
“Kayo nay?”
“’Yan, sige pilitin mo. Ayaw magpapilit sa akin eh.” Utos naman ni Zeus sa akin. Talagang inutusan pa ako.
“Na—”
“Hay naku! Tigilan niyo akong dalawa. Kumain na kayo riyan at aakyat na ako para pakainin ‘yong bata.”
“Pero manang, huwag niyong kalimutang kumain din ha.”
“Oo na. Sasabayan ko ‘yong bata. Sige na.”
Pagkaalis ni nay Helen, kung anu-anong klase ng pagkain ang inilapit ni Zeus sa pinggan ko.
“Hala kain. Ako mapapagalitan kapag nakita niyang hindi kita pinakain.”
“Nagrereklamo ka?”
“Hindi. Masama lang loob ko dahil ngayon ka pa talaga dumating. Kung kailan kumakain ako.”
“Walang hiya.” Sagot ko na lang sa kaniya bago kumain.
Kanina pa talaga ako nagugutom. Bwisit kasi ang Ceres na ‘yon, gagawin ang lahat makita at makasama lang ang babaeng gusto. Sarap batukan. Mabuti na lang at hindi pa ako nakabayad. Sobrang mahal pa naman ng pinili ng gago.
“So…what brought you here?” putol ni Zeus sa katahimikan.
“I thought I am allowed to stay here. Bakit tinatanong mo pa ako?”
“You don’t have the two with you. So?”
Kinain ko muna ‘yong nasa kutsara ko bago siya sinagot.
“So I’m here because I want to. Not because they want to.”
“Ahuh! Talaga lang ha. Pupusta akong may kasama kang isa sa kanila kanina.”
I heave a deep sigh bago inayos ang kutsara sa plato.
“Ayun, ‘yong kaibigan mo, nagpalusot pang nagugutom. Gusto lang naman palang lumandi.”
“He tr—”
“Someone sounds jealous.” Napabaling kaming dalawa ng magsalita ang kapapasok lang na kapatid ni Zeus.
“Hai. You don’t have work?” Bati ko sa kaniya.
“I wonder if she’s working though. Ano ‘yan palaging out of the country ang trabaho niya this past few weeks? Okay lang sana kung alam ko kung sino ang kasama. Minsan nahuhuli kong may tigdadalawang ticket sa gamit niya. Sino nga kaya ang katrabaho niya?”
Aether just rolled her eyes because of his brother’s rants. Being a father again to his sister. I envy him having a sister but I am one hundred percent sure that Aether hates his brother when it comes to some things. Especially when it comes to her love life.
“I already told you countless times na kung gusto mong sumama just tell me. It’s work kuya. And as much as I want to rest and imprison myself in my room everyday, I need to do a living. I can’t depend on you forever.”
“I already know that reason. I am just wondering why I didn’t even know who is the owner of the other ticket your holding. It’s other may tinatago ka sa akin o may ayaw kang malaman ko.”
“Isn’t it the same?” singit ko.
“Shut up bud. It’s a siblings talk.”
“Oh! Fine.” Sagot ko bago bumalik sa pagkain.
“Ano ba kuya? You want me to eat with you or not? Palagi na lang ganito ‘yong usapan tuwing sasabay ako sa'yo. Tapos magtatampo ka naman kapag pinili kong kumain mag-isa. Nakakasawa na ang pabalik-balik na usapan na ‘to.”
“Relax. Sabi ko nga hindi na. Galit kaagad?”
“Let’s just eat. Gutom na ako.” Walang nagawa si Zeus kundi ang kumain din. ‘Yan kasi. Gustong maging cool hindi naman kayang kalabanin ang kapatid.
“So…where’s your girlfriend?”
Nabitin sa ere ang kamay ni Aether na may hawak na kutsarang may pagkain habang nabilaukan naman si Zeus sa iniinom na juice. What’s with them? Para namang hindi pa nila alam ang tinutukoy ko.
“Girl…friend? As in girlfriend? ‘Yong jowa? Kasintahan?” dahan-dahan akong tumatango sa lahat ng sinabi ni Aether.
“Who’s your girlfriend kuya? Akala ko ba mahal mo pa si ate Claretine. Bakit may girlfriend ka na ngayon?”
“Me? I have a girlfriend? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Hindi naman siguro ako nagkalat noong nalasing ako ‘di ba? Sino ba ‘yang tinutukoy mo pare? Kinabahan naman ako bigla. Baka mamaya niyan may darating na babae dito tapos sabihing tatay na ako? No way dude! I’m not ready to be a father yet! Not going to happen if it’s not Claretine. The fuck! What am I going to do? What to do?”
“Kuya calm down!”
“Calm down? How? Hindi ko na makukuha ulit si Claretine kapag nalaman niyang may nabuntis ako!”
“Kumalma ka nga muna, okay! Isipin mo ‘to kuya. You make yourself wasted for so many times tapos ngayon pa lang may magso-show up na pregnant woman or mother. Is that even possible?”
Nalilito naman akong pabaling-baling sa kanilang dalawa. We’re talking about Venus, bakit umabot na sila kay Clare at sa mga buntis at ina?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top