43
Chapter 43
"Bilisan mo Ceres. May lalakarin pa tayo pagkatapos."
"The hell man. Why didn't you tell first hand. Sana kung alam ko lang na gagawin mo pala akong tagatulak ng cart edi pinasama ko na si Eros. Can't you see how I look man? Hindi ganito ang pormahan ng taga tulak lang."
Sinuri ko naman ang hitsura niya bago siya ulit tiningnan ng walang kaemo-emosyon sa nga mata.
"Sino ba kasing nagsabi sayong magsuot ka ng Hawaiian style polo?"
Hindi ko na pinansin ang sinagot niya. Pasalamat pa nga siya at 'yan lang ang natanggap niya kahit pinaghintay niya ako.
Nandito kami ngayon sa mall naglilibot. Sa toy section to be exact. Kalahating oras na din magmula noong dumating kami at simula no'n, walang tigil na sa pagrereklamo itong kasama ko.
Nang tingnan ko ang tulak-tulak na cart ni Ceres, I decided to stop choosing any kinds of toys already. Siguro tama na ang tatlong cart ng laruan para sa batang 'yon.
I wonder what he'll look like kapag nalaman niyang sa kaniya ang lahat ng laruang binili ko.
"Happy at my misery? So much for being your girl. Tsk!"
Nauna ng maglakad ang gago sa akin habang tulak-tulak ang tatlong cart.
Pailing-iling ko siyang sinundan bago kinuha ang isa sa tatlong cart.
"Let's go to the counter. Kawawa naman 'yong isa ditong willing maging babae para sa akin."
Matalim ang tingin na iginawad niya sa akin.
"Fuck you." Saad nito bago ako iniwan na naman mag-isa.
After I pay the toys we bought, walang pasabing tinulak ni Ceres ang dalawang cart papunta sa parking bago inilagay sa likod ng sasakyan ang lahat ng pinamili namin.
"Oh! Saan na naman tayo at ng makauwi na ako. Inisturbo mo ang tulog ko para lang gawin akong alalay ngayon. Sana pala hindi na ako sumagot." Pagmamaktol niya na binalewala ko lang.
Kung makareklamo akala mo naman pera niya ang ginamit ko.
"Want to have lunch first? Hindi pa ako gutom pero baka ikaw oo." Agad lumiwanag ang mukha ng gago bago ako hinarap.
"'Yan nam-"
"Pero kung busog ka pa then it's not a pro-"
"Patapusin mo kasi muna. Sinong aayaw sa pagkain?"
"Definitely not you."
"Of course. Girls is life but food is lifer. Sakay na. May alam akong masarap na kainan. Let's try their signature dishes. Yum! Tangina, na-eexcite ako."
Mabilis pa sa alas kwatrong nakapasok siya sa drivers seat. Basta pagkain talaga ang usapan maraming naloloko eh. Ibenta ko kaya ang isang 'to?
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumakay na rin sa sasakyan. I don't kow why pero kung si Ceres excited sa pagkain, ako gusto ng makarating sa bahay ni Zeus para makita ang bata. I want to spend time with him. Kahit pa nga siguro medyo hectic ang schedule ko kapag alam kong may kailangan siya mabilis pa kay flash ang pagiging libre ko.
Ceres pulled over in front of a newly open restaurant. Kaya siguro excited ang gago kasi bago.
Pagkapasok namin, agad kaming inasikaso ng waiter. Pumwesto kami sa pinakalikod. Sa gilid ng glass wall. Pagkatapos kunin ang order namin, napansin kong panay ang silip ni Ceres sa pintong pinasukan ng waiter.
"Aray!" Reklamo niya ng sipain ko ang paa niya. "Ba't ka naninipa?"
"Sinong hinihintay mong lumabas d'yan?" seryosong tanong ko pero ang gago, umandar na naman ang pagiging mapang-asar.
"Hmm. You sound a jealous boyfriend. Don't worr-uy! Uy! Joke lang!" depensa niya sa sarili ng hawakan ko ang menu para ipamalo sa kaniya.
"I'm asking you seriously but your pissing me off. You want a piece of my mind?"
"Vulcan ang init ng ulo mo. Nag-aasar lang naman ako. Bakit ka galit?"
"Ang seryoso ng tanong ko. Bakit ka nang-aasar?"
"You sound like a jealous boyfriend."
"Paulit-ulit? You look like a maniac stalker."
"Hoy! Below the belt 'yon ha. Sa gwapo kong 'to napagkamalan mo pa akong maniac stalker?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Nabihisan ka lang kaya ka nagmukhang disente. Manyakis ka naman talaga, dati pa."
It's my time to piss him off.
"Grabe ka sa akin pare. Pasalamat ka libre mo ang pagkain. Hindi kita pwedeng gulpihin." Pagbabanta pa ng gago.
"Sigurado kang kaya mo?" panghahamon ko pa na inirapan lang niya.
"Whatever. At least you can't erase the fact that you sounded like a jealous boyfriend earlier." pag-uulit na naman ng gago habang nakangisi.
"And you can't erase the fact that you are a maniac stalker." I rebutted.
Sabay naman kaming napalingon ng may sumabat sa pag-aasaran namin. "And you two can't deny the fact that you look like a couple having an argument about little things."
"Yuck!" Sabay na sagot namin.
"What are you doing here Maven?" ako ang unang nakabawi sa sinabi niya kanina.
Nangunot naman ang noo niya habang tinuturo si Ceres. "I thought you guys are here because you know I'm the owner. Am I wrong?"
Dahil sa sinabi niya, pinaningkitan ko ng mata si Ceres ng balingan ko. "Oh! I didn't tell you? Sorry bro, I thought I already tell you earlier." Palusot ng gago.
Kaya naman pala halos paliparin niya na ang kotse kanina. 'Yon naman pala eh may gustong makita. Para pang sinilaban 'yong pwet. Akala ko gutom na gutom. 'Yon pala ibang uri ng pagkain ang gustong matikman.
"You own the place?" baling ko na lang kay Maven. The more I see Ceres' face, the more piss I am.
"Yah! So...how is it? It's a surprise kumakain ka pala sa mga ganito. I don't picture you in this kind of place. Kaya mapapalagay ang loob ko kung may comment ka sa business ko."
Ipinalibot ko ang mata ko sa lugar. Maven is one of the women I met when Venus left me. Hindi man kami ganoon kaclose, I can assure that she's a very independent woman. She's not like some other girls who's more into looks and classy stuffs. She's a simple yet complicated kind of woman. Mapapatunayan ni Ceres 'yon.
"The place is nice. Wala akong masabi. Base in your personality, you are not into classy, pricey, and shiny things so your restaurant really has a touch of your likes. I like it. The colors, not that bright to overpower the other small details. And it's a brilliant idea of you to have some Filipino hand made products in your place. So much for being a half filipina."
Natawa naman siya sa huling sinabi ko.
"Yeah. I notice also. Lately, nakukuha ng mga local products 'yong atensiyon ko. I even opened a social media account and I'm selling some Filipino made products their. Either foods or things, doesn't matter. So far...it's doing good. Umaabot na 'yong iba sa labas ng bansa. Thanks to my friends' moral support there."
Nag-eenjoy pa sana ako sa pakikipag-usap kay Maven ng mapansin kong ang tahimik na ng kaharap ko at handang-handang pumatay ang hitsura. Akala mo naman talaga aagawan.
"Ow! Sorry for taking your time. Baka busy ka. It's nice to see you again."
"Naku! Mabuti pinaalala mo. I need to help them. Sige, I'll go first. Just wait for your orders for a little while."
"Sure. Good luck in your businesses."
"Yeah thanks."
Pagkaalis niya, ang matatalim na mata ng gago ang sumalubong sa akin.
"Having fun talking to my girl?"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Your girl huh! Kailan pa?"
"Vulcan!" Bakas ang pagbabanta sa boses niya.
"Oo na. I need to go. Ayain mo na lang siyang makipaglunch kasama ka. Hindi pa naman ako gutom."
"Ayun naman pala. Umalis ka na. Hindi ka kailangan dito."
Walang pagdadalawang isip akong tumayo sa kinauupuan ko bago siya tiningnan na may ngisi sa labi. "Fuck you!"
Walang lingong-likod akong lumabas sa restaurant. Pagkapasok ko sa kotse, tinapunan ko muna ng huling tingin ang restaurant bago umalis.
"Bayaran mo lahat ng pagkain gago."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top