42
Late na akong nagising kinabukasan kaya hindi na lang ako pumasok sa opisina. Tutal naman preparation na lang ang tinatrabaho nila, kayang-kaya na nila ‘yon.
Wala akong ibang magawa sa bahay dahil nagsibalikan na ang mga katulong ko kaya nagrelax na lang ako sa veranda ng kwarto. Tatawagan ko na lang ‘yong investigator na inirekomenda ni mama.
After exchanging some information, I decided to have some work out. I need to maintain my physical figure for Venus to drool again over me. Tingnan natin kung hindi ka magkandarapa pabalik sa akin.
Pagkatapos mag work out naisipan kong dalawin ang bata sa bahay ni Zeus.
BH pala ha. Hindi ka talaga marunong magtago ng sikreto Venus. Once I found out that Loki is mine, you two are going to pack your things and live with me. That’s a promise.
“Ceres?”
“Pare ang aga-aga mo namang mangisturbo? Ano na namang sadya mo?” mababakasan ng pagkainis ang boses niya.
“Maaga? Its almost eleven in the morning. Anong maaga doon?”
“Ala una ng madaling araw na akong nakauwi pare. Give me some break.”
“Give me some break. Sipain kita d'yan eh. Inutusan ba kitang magpaabot ka ng hatinggabi sa labas? Bakit ako sinisisi mo?”
“Oo na. Oo na. Gising na. Ano ba'ng kailangan mo para matapos na at makatulog ako ulit?”
“Samahan mo ako.”
“Saan?”
“Basta! Magbihis ka na d'yan. I’ll be there in five.” Utos ko.
“Okay love. I’ll wait for you then.” pang-aasar pa ng gago na hindi ko na lang pinatulan. Baliw din.
Pagkatapos ng tawag, dumeretso agad ako sa banyo para maligo. Hindi na ako nagtagal pa dahil pangalawang beses ko naman ng naligo.
Isang simpleng v-neck white shirt at shorts lang ang suot ko bago pinaresan ng black rubber shoes na kapapadala ng nanay ko sa akin noong isang araw.
After spraying some amount of my body perfume, I snatch my car keys at my study table then ready to fetch Ceres.
Kumuha muna ako ng hinandang sandwich ni manang Susan at inubos ito habang patungo sa garahe.
Before the five minutes end, I already pull over in Ceres front yard pero ang gago, ayun at kumakain ng agahan sa veranda niya habang nakaupo ng komportableng-komportable. To top it all, hindi pa nakakaligo ang gago na panay ang ngiti sa akin.
“Love! Good morning.” Sigaw pa ng gago habang kumakaway. “Come eat with me.”
Walang pag-aalinlangan kong pinasok ang bahay niya at tinahak ang daan patungo sa kwarto niya.
Humanda ka sa aking gago ka. Sinabi kong maghanda ka dahil sasama ka sa akin pero prenteng nakaupo ka lang d'yan na parang babae. Paghihintayin mo pa talaga ako!
I barge in his room without knocking then go straight to his way. Babatukan ko na sana siya ng iumang niya sa akin ang sandwich na may strawberry jam sa loob.
“Eat up love. Nangangayayat ka na.”
I look at him fiercely. “Gusto mo matuluyan? Sabi ko sa'yo maghanda ka dahil darating ako after five minutes. Ano ‘to?”
“Pagkain?”
“Gusto mo mabatukan?”
“Relax dude. I just feel like I need to be a girl for you. You called me earlier kasi gusto mong magpasama. Then you want me to get ready because your going to pick me up. Right?”
“Alam mo naman pala. Bakit hindi ka pa nakaligo?”
“Base on experience pare. Pinaghihintay ang lalaki. Kaya kailangan mo akong hintayin.”
Iniisip ko na lang na matalik na kaibigan ko ang hayop na ‘to para hindi maputol ang pasensiya ko. Ginaya niya pa ako sa kaniya eh hindi naman ako nagyayaya ng date sa kung sinu-sinong babae lang.
Dahan-dahan kong tinawid ang pagitan namin habang dahan-dahan din siyang umaatras.
“Ahh…pare. May dumi ba sa mukha ko?”
Alanganing tanong niya ng mapansing malapit na siyang makorner.
“Pinaghihintay pala Ceres?”
“Hehehe. Ganoon naman kasi dapat love.”
“Gusto mo itapon kita pababa mula dito?” banta ko sa kaniya ng wala na siyang maaatrasan.
“Pare naman. Hindi pa nga ako sinasagot, pinatay mo na ako.”
“Sabi ko sa'yo maghanda ka. Gusto mo maging babae para sa akin? Fine. Now, paliliguan kita. Gusto mo ‘yon?” Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iling niya.
“Yeah you like it. Kaya halika na. Huwag ka ng magpahard to get d'yan. Paliliguan kita LOVE!” diniinan ko talaga ang salitang love dahilan ng pag ngiwi niya.
“Pare kaya ko namang maligo mag-isa eh. You can stay here and wait for me. Promise mabilis lang ako. Wait…Vulcan! Vulcan I’m begging you. Ako na magpapaligo sa sarili ko.”
Panay ang sigaw niya sa inaakalang paliliguan ko siya. Ang swerte ng gago kapag nangyari ‘yon.
Padaskol ko siyang ipinasok sa loob ng banyo niya at pinagbantaan.
“Finish within ten. Kapag lumagpas ka pa sa ten minutes na ‘yan, asahan mong hindi ka na papansinin ng kinababaliwan mo.”
“Yes boss!” nagsalute pa ang gago bago sinara ang pinto.
Pailing-iling akong pumalit sa pwesto niya kanina at masayang kinain lahat ng natirang sandwiches sa plato.
Kasalanan ‘to ni Venus. Ng dahil sa kaniya nahilig na ako sa mga pagkaing may strawberry.
Limang minuto na akong naghihintay ngunit hindi pa rin lumalabas ang gago.
Ang tagal makaligo akala mo naman babae.
Ibabalik ko na sana ang atensiyon ko sa pagkain ng walang anu-anong lumabas ang gago galing sa banyo ng walang kahit na anong saplot sa katawan. Kahit tuwalya wala.
“Napakawalang-hiya mo talagang hayop ka!” saway ko bago siya binato ng prutas na hindi pa nababalatan.
“Man! Nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Pinilit mo kasi akong maligo agad eh.”
“Kahit kailan talaga ang baboy mo. Magkatulad lang kayo ni Eros.”
“Pare, mas gwapo ako kay Eros at isa pa, pareho tayong lalaki. Alam ko namang you don’t sway that way.”
“Talagang I don’t sway that way. Pero kunting respeto naman sa aking hayop ka. Hindi katawan mo ang gusto kong makita.”
“Aish! Heto na nga oh! Magbibihis na po.”
“Walang hiya talaga. Sa baba na ako maghihintay. Bilisan mong magbihis kung ayaw mong makatikim ng batok.”
Tango lang ang sinagot niya sa pagbabanta ko. Pailing-iling naman ako habang pababa papunta sa kusina ng bahay niya.
Ang baboy talaga ng isang ‘yon. Akala ko nagbago na ang mga hayop. Pero mukhang lumala pa. Hindi na nagbago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top