41
Kinagabihan, paikot-ikot lang ako sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip kung sino talaga ang totoong ama ng bata at sa pag-iisip ng paraan para mapaamin si Venus. Pero kahit anong gawin ko, wala talagang pumapasok sa utak ko.
“Aishh!” Padaskol akong umupo sa kama habang kinakamot ang ulo. “Bakit ba kasi ayaw niyang aminin ‘yong totoo? Kung bakit ba kasi ayaw niyang pakinggan mga explanations ko!”
Tiningnan ko ang portrait niya na nakalagay sa side table.
“Bakit ba kasi ayaw mong makinig sa akin? Paano mo ako maiintindihan kung sarado ang tenga mo sa paliwanag ko? How can we be together again if you don’t want to have a connection with me? Ano ba Venus? Gusto mo ba talagang mabaliw ako ng tuluyan?”
Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong hininga dahil wala naman akong mapapala sa pagkausap sa litrato niya.
“Baliw na nga siguro ako. Pati walang buhay na litrato kinakausap ko na. Aish!”
Napagdesisyun ko na lang na tumambay sa sala kesa naman maburyong ako kakaikot sa kama ngunit hindi naman dinadalaw ng antok.
While heading to the stairs, tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni mama na nakaregister.
Hay! Another sakit na naman ng ulo. Hindi na nga ako makatulog kakaisip kay Venus, dadagdagan na naman ng pamimressure ni mama.
Wala akong nagawa kundi ang sagutin ang tawag niya. Baka sugurin pa ako bigla dito kapag hindi ko siya sinagot.
“Hello mom?”
“Mabuti naman at may balak ka pa palang sagutin ang tawag ko.”
“I’m in the toilet ng tumawag ka mom. Sorry.” Nakangiwing palusot ko.
Kita mo na. Ilang buwan na ba akong hindi umuuwi sa kanila tapos ito pa ‘yong bungad niya? I feel love.
“Sus. Palusot mo bulok. Anyway, nasaan ka ngayon?”
“Bahay po. Bakit?”
“Tinatanong mo talaga? Kailan ka uuwi dito? Ilang buwan ka ng walang paramdam sa amin ng daddy mo. Kung hindi pa kita tatawagan hindi ko malalamang buhay ka pa pala. Ano ba Vulcan Gray, may balak ka bang magpakita sa amin ng daddy mo o wala na?”
Pikit mata ko na lang na inilayo sa tenga ko ang cellphone ng magsimula na siyang magsalita ng walang preno.
Mommy will never be my mom kung hindi talak ang unang bubungad sa ‘yo kapag nag phone call kayo.
“Sorry ma. I have been so busy lately. Alam mo namang malapit na ang annual party ng kompanya. I handle it personally kaya wala pa akong free time. Don’t worry, after the party uuwi ako sa inyo. That’s a promise.”
Akala ko binabaan niya na ako ng tawag ng ilang segundong walang ingay akong naririnig sa kabilang linya. Ngunit ng tingnan ko ang cellphone ko, nakakonekta pa rin naman ako.
“Ma? Are you still there? Okay ka lang ba?”
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya nagsalita.
“You’re giving yourself a tight schedule anak. Kumakain ka pa ba? Nakakapagpahinga ka pa ba? Natutulog ka pa ba? As much as I want you to succeed, I also want you to rest Vulcan Gray. Take a break. Having a vacation for a month will not damage your company. I’m worried about your health.”
Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako habang nakapwesto sa dining table na may kaharap na isang bowl ng strawberries.
Aside from being the most fierce mother I know, mommy never fails to make me smile in my not so good days. Kahit hindi siya mapigilan sa pagsermon niya, hindi niya naman ako kinakalimutan at pinapabayaan. I’m lucky to have her as a mother. She never fails to take good care of me kahit na minsan na lang ako kung umuwi sa bahay.
“Ma, don’t worry about me. After the party, I am going to definitely have my vacation. Buhay pa rin naman ako kaya siguradong hindi ka pa iiyak.”
Binuntutan ko ng tawa ang huling sinabi ko pero mukhang hindi natuwa ‘yong nanay ko dahil doon.
“Do you really think it’s funny Vulcan Gray? Ayokong mas mauna pang mawala ‘yong anak ko kesa sa ‘kin kaya huwag kang magbiro ng ganiyan. It’s not funny.”
“Sorry ma.”
Hingi ko na lang ng tawad.
“Anyway, bakit nga pala kayo napatawag? Hindi ka na ba natutuwa kay dad?”
“Hay naku! ‘Yong daddy mo? Ayun at nanonood ng football sa tv. Mas importante pa nga ‘yong football niya kesa sa akin eh. Tingnan lang natin kung sino ang matutulog sa labas mamaya.”
Natawa na lang ako sa sagot niya. Hindi nga nambababae si dad, karibal naman ni mommy ang football pagdating sa atensiyon ni daddy.
“At isa pa, I just miss you. Matagal ka ng hindi dumadalaw kaya tinawagan na kita. You’re worrying me.”
“Don’t worry too much mom. One of these days dadalaw ako d'yan promise.”
“Sabi mo ‘yan ha. Dala mo na ba ang asawa mo pagbalik mo dito?”
Agad akong natahimik sa tanong niya. Akala ko nakalimutan niya na eh.
“Malapit na mom, makakasama niyo na rin siya soon.”
“Siguraduhin mo lang ‘yang soon na sinasabi mo Vulcan Gray dahil kapag nalaman kong nagloko ka kaya ka nilayasan makakatikim ka sa aking bata ka.”
“Ma, I’m not a cheater kaya relax. It’s just a misunderstanding. Napakahirap makuha ng oo at mapaamo ang babaeng ‘yon tapos maiisipan ko pang magloko? Hindi ako mababaliw ng ganito kung hindi ko siya mahal ma. Kaya relax. I am not a boy. I am a man.”
“Hmm. Ang hangin.”
Napangiti na lang ako dahil sa komento niya.
“Siya nga pala ma, may kilala kang private investigator?”
“Huh? Bakit mo naitanong?”
“May ipapahanap lang po ako ma. Wala akong kilala eh.”
“Sa tingin ko meron. Sino naman ang ipapahanap mo?”
“It’s a secret for now ma. You will know later on.”
“Sus! Pasecret-secret pa. Sige na. Nandito na daddy mo. Ibababa ko na ‘to. Itetext ko na lang sa ‘yo ‘yong number ng investigator.”
“Okay ma. Thank you.”
“Your welcome. I love you son. Take care of yourself.”
“Yes po ma. I love you too. Bye.”
Narinig ko pa ang mga katok ni daddy sa pinto ng kwarto nila bago tuluyang binaba ni mommy ang tawag.
Private investigator ha.
Tingnan natin kung hanggang saan mo kayang itago ang katotohanan Venus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top