4
Venus' POV
I am sitting inside the car for almost two minutes at hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik si Zeus. "Ano ba kasing ginagawa niya sa loob at bakit ang tagal niyang bumalik? Nakalimutan niya bang may kasama siyang naghihintay dito?" Inis na bulong ko sa sarili.
Hindi pa rin natatapos sa pag-aaway ang mga tao sa 'di kalayuan. Kanina pa sila nag-aaway ilang oras pagkapasok ni Zeus hanggang ngayon hindi pa din sila tapos? Ang tibay.
Pilit nilalapitan ng lalaki ang babae pero hindi siya hinahayaan nitong makalapit.
Teka, bakit parang pamilyar ang eksenang 'to?
"Honey I—"
"Don't. Please...just..just don't. Don't call me with that name. I have my own. Let's not make things much more complicated Vulcan. I'm done with this. I.. I d-don't want to be with you. I'm ...breaking u-up with you Mr. Genius. Let's forget each other. Treat me as a s-stranger," I can clearly see the pain in his eyes. Tears are starting to build up, I want to comfort him, I want to take back my words but I can't. Kung hindi ko gagawin 'to, masasanay ako, masasanay akong masaktan. And I don't want to live my life being a martyr. I am not born to be one.
"Honey please let me explain. It's not what you think it is. It's my—"
"It's not what I think it is? Bakit Vulcan? Ano ba ang dapat kong isipin? Two years of being married pero hindi mo sinabi. You have all the time para sabihin sa akin pero hindi mo ginawa. Am I even worth your attention? Am I even worth for your love? F-for the past years... I didn't think anything, I don't plan my dream Vulcan, because I want to do it with you. In fact, I don't have a dream, being a professional is not on my mind. I just want to be...your w-wife. And you made it possible. Akala ko talaga mahal mo ako, pero...pero h-hindi eh. You..you just use me. You use me to..to..to f-forget her, aren't you?" Putol ko sa kanya. Tears are starting to roll down on my cheeks. I can't keep it anymore. The pain, it's eating me slowly. Seeing him make it worst.
"No you don't understand Venus. That's my past. She belongs to my past. She's... She's my brother's wife now and —"
"And you still love her." Putol ko ulit.
"Of course not!" Naiinis na tugon niya rin.
"You still do Vulcan. I can see it. Crystal clear. You loved her in the past, you love her still right now, and who knows? Maybe you're still going to love her in the future. Saan ako doon Vulcan? Your past, present and even your future, siya ang nilalaman. W-where should I put myself? Kailangan mo lang ba ako 'pag nasa eksena na ang kuya mo? —"
"Of course not Venus! Bakit ba ayaw mong maniwala? I love you okay? Oo una ko siyang minahal pero ikaw na ang mahal ko ngayon. How many times should I say I love you for you to believe me? I love you, I love you, I love you, I love you, I love you. Ano? Kulang pa ba? If I have to say it again and again every seconds passes then so be it. I don't care kung rinding-rindi ka na sa paulit-ulit na I love you ko, kung 'yon naman ang paraan para hindi ka mawala sa akin then so be it. I don't care. I don't give a fucking care as long as I won't lose you. Then it's fine...it's always fine Venus, just please..please don't do this to me. I'm beg..ging you. I.. I c-can't afford to lose you honey. Not now, not tomorrow, not forever." No! I need to be strong. I can't be with the man who's still chain on his past.
"I'm sorry Mr. Genius but I'm afraid I can't. I..I have already decided. You know...it's not easy for me to do t-this but I need to. I have to. Sana kung kaya lang burahin ng marami mong I love you ang sakit, ang insecurities, may pag-asa pa siguro. I know you love me, I can feel it. And I love you too, to the point na..na kaya kong pakawalan ka. To find yourself. To contemplate things..to think if you really love me because I am me, I am Venus Grace Vesta and not because you should love me because it's your job as my husband. Kaya please lang Vulcan. P-pirmahan mo na. For you to be free. Besides, okay lang naman sa akin kung hindi mo 'yan pipirmahan, I am still going to leave you behind. Good bye Mr. Genius," that's the end. The end of the miseries, the end of our journey.
Hanggang ngayon masakit pa rin sa dibdib. Just by reminiscing our moments together makes me want to cry again. Bakit ba kasi may nauna pa? Bakit hindi na lang ibuhos sa akin lahat?
Agad naman nabalik sa huwisyo ang utak ko ng may malakas na katok galing sa bintanang katabi ko.
"Ano ba! Bakit hindi ka pa pumasok? May pakatok-katok pang nalalaman eh" inis na tugon ko habang binababa ang bintana ng kotse. Moment ko na 'yon eh, sinira pa.
"Ako pa talaga may kasalanan? Capital F.Y.I. chef, kanina pa ako katok ng katok dito sa labas pero hindi ka man lang natinag sa kakatingin mo sa kawalan. Namamaga na nga 'tong mga kamay ko eh, mabuti na lang hindi umabot sa puntong tubo na ipangkakatok ko." Saad nito pagkapasok.
"Subukan mo lang. Baka gusto mo sayo ko ipukpok ang tubo?" Mataray na tugon ko bago pinaandar ang kotse.
"Bakit ka nga ba lutang kanina?" Tanong niya pagkalabas namin ng parking lot.
"Ang tagal mo kasi. Tsaka hindi ako lutang 'no, may tinitingnan akong nag-aaway kanina, mukha ngang fan mo 'yon eh, magkakulay kayo ng buhok," agad namang napalitan ng pilit na ngiti ang ngiti niya kanina.
"Talaga ba? Mabuti hindi mo napagkamalang ako," tugon nito.
"Oo nga eh, bubugbugin ko pa sana 'yon, mabuti na lang at may kausap. Teka, bakit ba ang tagal mo sa loob? Ang sabi mo mabilis ka lang," panay naman ang sulyap ko sa kaniya dahil ramdam ko ang pag-iiba ng hangin.
"Okay ka lang? May..nangyari bang hindi maganda?" Untag ko na nakakuha ng pansin niya.
"Sinong maganda?" Kinunutan ko naman siya ng noo bago pailing-iling na nagmaneho.
Ano kayang nangyari sa loob?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top