39

“No…it’s just that~”

“It’s just that you are sad because I sold it? I’m sorry kung hindi ko ipinaalam sa ‘yo ang pagbenta ko. Inisip ko kasi  na baka ayaw mo ng makialam sa bahay kasi nga…ikaw naman ‘yong nang-iwan.” Huli na ng maisip ko ang huling binitawan kong salita.

Hindi talaga ako nag-iisip ng tama!

“Yeah…sorry. I didn’t mean to open up that.” I can see regret in her eyes but it easily vanish like it didn’t happen ever.

Ibinalik niya ang atensiyon niya sa pagkain. Gusto ko pa siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung bakit hanggang titig lang ang kaya kong gawin. Sa huli, itinuon ko na lang din ang atensiyon ko sa pagkain.

Nang matapos, ayoko pang mahiwalay sa kaniya kaya nag-alok na lang ako ng dessert. “Gusto mo ng dessert?”

“No. Huwag na. Masyado ka ng maraming nagastos para sa thank you dinner na ‘to.” Pagtanggi niya na hindi ko tinanggap.

Out of instinct, agad kong sinabi ang mga salitang hindi ko dapat binitawan. “I told you money is not a problem when you’re with me.”

Bakas ang pagtataka sa mukha niya ngunit huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko.

“You…told me? As far as I remember wala ka namang sinabi tungkol sa pera kanina.”

Now it’s my time to feel embarrassed about what I’ve just said.

“Oh! Sorry. Let me correct it. I told you before we separate that money is not a problem when you’re with me.” Pagtatama ko.

Pansin ko lang na habang tumatagal kami dito nagiging parang tanga na ang mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ko.

Nakakahiya!

“Ahh…so~” hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin dahil sa tawag na dumating at sumira sa usapan namin.

“May importante siguro.” Udyok ko sa kaniya para sagutin ang tawag.

“Sorry ha. Sasagutin ko lang ‘to. Excuse me.”

Akmang aalis na siya para sagutin ang tawag ng pigilan ko. “You can answer that here. I don’t mind.”

Nag-aalangan man, sinagot niya pa rin ang tawag.

Tinawag ko na lang ang waiter para humingi ng dessert kesa naman ang titigan siya ng matagal.

I don’t want her to feel uncomfortable as much as I don’t want to embarrassed myself more in front of her.

Pilit ko mang hindi makinig, hindi ko pa rin mapigilang marinig ang sinasabi niya.

“Hello Ze—ano? Ano namang ginagawa mo d'yan sa hospital? What do you mean Zeus? Anong nangyari kay Ven..”

Nagtataka man, pinilit kong kausapin si Venus dahil mukhang wala na siya sa sarili pagkatapos ng tawag na ‘yon.

Ano kaya ang sinabi ni Zeus para magkaganito siya?

“Venus what happened? Okay ka lang ba? Namumutla ka.”

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. Sa halip, nagmamadali siyang nagpaalam sa akin.

“I’m sorry Vulcan but I need to go.”

Agad ko siyang sinundan pagkaalis niya. Iniwan ko na lang ang bayad sa pagkain sa mesa.

Palinga-linga pa ako ng makalabas. Masyadong malakas ang ulan. Baka ano pang mangyari sa babaeng ‘yon.

Akmang susuungin niya na ang ulan ng pigilan ko siya sa braso.

“Ano ba! Ba't ka na—Vulcan I…”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad na binigyan ng offer.

“You look problematic. Let me give you a ride kung saan ka man pupunta. Besides, the rain is so strong kaya mababasa ka kapag sinuong mo ‘yan.” Walang alinlangang tinanggap niya ang alok ko.

Dahilan kung bakit pati ako kinakabahan sa kung anong nangyayari.

Ibinigay niya sa akin ang address ng isang hospital. I don’t know if it’s because I am worried about her o nag-o-over think lang kasi hindi ko malaman kung bakit parang kabado rin ako.

Nang makarating sa hospital, mabilis na tinakbo ni Venus ang pagitan ng parking lot at hospital. Inayos ko muna ang pagpapark bago sumunod sa loob.

I walk confidently inside the hospital but stop in the middle. Hindi ko nga pala alam kung saan pumasok si Venus. Tsh!

Sa huli, I decided na maghintay na lang sa lobby ng hospital hanggang sa may lumabas sa kanila.

I’ve been sitting for quite a while now when one of the hospital’s personnel who’s wearing a doctor’s coat approach me.

“Long time no see pare.”

“Yeah. Long time no see.”

Umupo siya sa tabi ko ng makitang wala akong balak tumayo para pantayan siya.

“C’mon dude. Hindi tayo nagkita ng ilang taon tapos ang lamig-lamig mo pa rin sakin.”

“Kasalanan ko ba?” mabagsik na tanong ko.

Baka nakakalimutan niyang kasalanan niya.

“Kaya nga nagsorry ako ‘di ba. C'mon Vulcan, it’s already five years ago. Naka move on na ang lahat. Isa pa, it’s just an accident. I just didn’t know na ikaw pala ‘yon. Madilim sa loob ng bar, magkasing laki pa ang katawan niyo. Kasalanan ko bang napagkamalan kitang siya? Kaya nga ak—”

“Oo na. Oo na. Ang dami mong sinasabi.”

“Bati na tayo?”

“Mukha mo bati. Pinatitigil lang kita. You’re blabbering nonsense.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko ng may isang nurse ang lumapit sa amin—partikular sa kaniya.

Nang matapos silang mag-usap, saka pa lang ako binalingan ng gago.

“Why are you here anyway? Your friend is here.”

“Balita ko nga. Nasaan ba siya?”

“Sumama ka na lang sakin. I’m going back.”

I stand up immediately after he turn his back on me.

Hindi man lang ako hinintay sumagot.

“Anyway, walang special elevator para sa ‘yo. Wala ka namang ambag sa hospital na ‘to eh.”

I just raise my middle finger towards him.

“Fuck you. Sa kompanya ko galing ang materyales ng hospital na ‘to.”

Baliw!

Itinaas niya rin ang gitnang daliri niya bago naunang pumasok.

“Fuck you too. Binayaran ang mga materyales. Hindi mo sponsor. Huwag kang mahangin.”

Sasagutin ko pa sana siya ng may ibang nurses at mga taong may pasyente sa hospital ang dumating kaya agad na lang akong pumasok at binigyan siya ng malakas na batok.

“Fuck you man! You’re always a bully to me.” Nanggagalaiting bulong niya.

I answered ‘your welcome' to him before I turn my back unto him and push him more to the elevator’s wall.

“Are you okay doc?” tanong ng isang nurse.

“Ah yes. I’m fine. May isip bata lang dito.”

Sisikuhin ko sana siya ulit ng pigilan niya ang dalawang siko ko. Tatapakan ko sana ang paa niya dahil hawak niya ang siko ko ng lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

“Hurt me Vulcan and I will make sure you’re going to scream my name.”

Sa narinig, agad kong binawi ang siko ko sa kaniya.

“Try it again. I will make sure I’ll kill you personally. Asshole!” bulong ko pabalik na tinawanan lang niya.

Baliw talaga. Pati kaibigan tinatalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top