37
Chapter 37
“Welcome home man!” Agad na bungad sa akin ng baliw na Eros na ‘to ng mabuksan ko ang gate. It’s weekend. Rest day ng mga katulong ko kaya wala akong choice.
“Fuck off! Your so loud.” Inis na sagot ko bago ko siya tinalikuran at pumasok sa bahay.
Ano naman kaya ang naisip ng isang ‘to. Kararating ko lang kanina galing sa business trip. I need some relax that’s why I decided na magbabad sa pool pero may isang baliw na dumating at mang-iisturbo pa yata.
“Busy ka? Can I stay for a while?”
“Ngayon ka pa talaga nagtanong kung kailan nakapasok ka na. Ang galing.” Pambabara ko pa.
“Winelcome home na nga kita eh.” Pagmamaktol niya pa bago umupo sa table sa gilid ng pool.
Hindi ko na siya pinakialaman. Tutal naman hindi niya first time dito sa bahay kaya alam na niya kung saan siya pupunta kapag may kailangan siya.
Nakailang laps na ako ng maisipan kong tingnan ang pwesto niya. Nagtaka pa ako ng hindi siya makita sa kinauupuan niya. Ngunit mas lalo pa akong nagtaka ng pagbalik niya galing sa loob, hindi lang tatlong bote ng alak ang dala-dala niya.
Ano naman kaya ang pinoproblema ng isang ‘to?
“Anong meron? Ang ganda-ganda ng panahon magwawalwal ka?” tanong ko kaagad ng makaupo sa katapat niyang upuan.
“Don’t worry. It’s not the most expensive. Babayaran na lang kita bukas.”
Mas lalo niya lang dinadagdagan ang curiosity ko sa pinoproblema niya.
Siya? Hindi pinili ang pinakamahal na alak? Imposible talaga.
“I don’t care if you drink those expensive ones. It doesn’t matter to me. Ano bang pinoproblema mo? Hindi ka naman ganiyan ka problemado kahapon sa video call.”
Tinanggap ko muna ang baso na may lamang alak na ibinigay niya sa akin bago siya uminom diretso sa bote.
Malala nga talaga ang problema ng isang ‘to.
“Actually wala sa plano ko ngayong araw ang isturbuhin ka. I planned to fetch Meryl earlier kaso hindi natuloy.”
“Meryl? ‘Yong nililigawan mo?”
Tango lang ang isinagot niya sa akin.
“Why? Does she live around here?”
“No.”
Uminom muna siya bago ako sinagot.
“Her friend lives around here. Sabi ko sa kaniya susunduin ko siya kasi may kaibigan naman ako sa area kung nasaan siya. At first she agreed. But then I texted her earlier na nakapasok na ako sa village, sinabihan niya akong huwag na lang siyang sunduin dahil kasama daw niya mga kaibigan niya. Ayaw niyang makita ako ng mga kaibigan niya.” Kwento niya.
Ininom ko na muna ang alak ko bago nagsalita. “Oh tapos? Nagmamaktol ka kasi ayaw kang ipakilala sa mga kaibigan? Man, kakakilala niyo pa lang. Malamang sa malamang walang plano ‘yon na ipakilala ka sa mga kaibigan niya.”
“Sino ba kaibigan mo at parang kinakampihan mo siya?”
Ako na ang nagbukas ng isang bote ng alak. Ayokong humingi sa boteng ininuman niya.
“Eros, I am just stating facts. Kung ikaw din sa sitwasyon niya I am one hundred percent sure hindi mo basta-basta ipapakilala sa amin ang taong recently mo lang nakilala.”
“Of course. Ano namang meron at kailangan ko siyang ipakilala? Hindi naman siya ganoon ka importante.”
“Exactly!” Pagsang-ayon ko sa kaniya.
“Hindi mo siya ipapakilala unless it’s about business. Pero kung para lang sa wala, you wouldn’t even spare a little time with that person to introduce to us. Because it’s not important. Not needed. You get me?”
“Pero pare importante si Meryl. I like her.”
“Eh ikaw ba, importante sa kaniya?” tanong ko na nakapagpatahimik sa kaniya.
Bull’s eye! ‘Yon ‘yong tanong eh. Kung importante rin ba siya.
“Kailangan talaga isampal sa akin Vulcan? Grabe ka na ha.”
Nilaklak niya ng walang preno ang isang bote ng alak bago binuksan na naman ang isa pa.
“Kung makapagsalita ka sa akin parang hindi tayo magkaibigan eh. Your hurting me.”
“Hurting my ass. Tumigil ka nga. Para kang bata.” Akala mo naman bagay sa kaniya.
“Your not important to her. I don’t want to hurt you but you should hear me out. Hindi ka importante sa—”
“Oo na pare. Hindi na importante. Kailangan talaga paulit-ulit?”
“Kaya nga makinig ka muna sa akin. Patapusin mo muna ako. Pwede ba?”
Bumuntong-hininga muna siya bago tumango. “Go ahead.”
“Hindi ka importante—hep! I’m not done. You are not important that’s why you have to be an important person in her life. You like her? Then make her like you back. Hindi ‘yong hindi ka lang pinakilala sa mga kaibigan talo pa ang babae sa pagmamaktol mo. Mag-isip ka nga.”
He heave a deep sigh before he stare on his bottle of liquor.
“Pero ang kunin pa nga ang atensyon niya mahirap na para sa akin, ano na lang kaya ang magustuhan niya?”
“That’s why you need to work harder. Kagaya ng paghihirap mo sa pagtatrabaho para tumayo sa sarili mong paa. You need to suffer first before you live a happy life.”
“Naks naman. Eh bakit ikaw tapos ng magsuffer pero nagsasuffer pa rin ngayon? Hindi pa ba sapat ang happy life na naranasan mo para maranasan mo pa ang paghihirap na ‘yan ngayon?”
Natigilan naman ako ng dahil sa sinabi niya. Tama nga naman. Hanggang kailan ako maghihirap?
“Fuck you dude. I’m not suffering anymore. I’m fine.”
“Talaga?”
“Yeah.”
“Kahit kay Venus?”
“Another topic please.”
“Not suffering pala ha.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagsalin na lang ulit ng alak.
“Do you find it weird whenever you think about that kid back in Zeus place?”
Napaisip ako sa tanong niya.
Well, I don’t feel weird. I just feel fine.
“What do you mean by weird?”
“Alam mo ‘yon? You keep saying na wala kang nadisgrasya, but that kid really looks like you man. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko ang pagkakahawig niyo. You can pass as father and son, you know.”
“Well, I’m not shocked. Pwede naman sigurong pinaglihian lang ako ng mommy niya. My face are all over the business magazines anyway.”
Pagwawalang-bahala ko na lang. I am not planning to over think about simple things.
“Ang taas ng kompyansa ha. Nakakalula.”
Walang nagbalak magsalita sa amin. Pareho kaming nakatingin sa kawalan habang nag-iisip ng malalim hanggang sa binasag iyon ng ingay galing sa cellphone niya.
“Hello?...oo nandito pa ako…no, I am with my friend…ngayon na?...sige. Wait me there.” Tumungga muna siya ng alak bago nagmamadaling umalis.
“Gotta go. Someone wants to see my handsomeness.”
Pailing-iling ko na lang na sinundan siya ng tingin. Taas ng kompyansa pala ako ha? Mahangin ka naman.
Kinuha mo lang ‘tong mga alak para may ligpitin ako eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top