31

Walang katok-katok akong pumasok sa loob ng opisina para makuha ang anak ko. Ang kaso, mukhang naaaliw siyang makipag-usap sa kanila kung kaya hindi niya ako napansin pagpasok. Kinailangan ko pa siyang tawagin bago niya ako mapansin.

“Mommy!”

“Hey! You seem happy. You having fun?” Panay ang tango ng bata habang may subo-subong tsokolate.

“Where’s tita ey?” Pahabol ko ng napansing wala si Aether sa kwarto.

“Dunno.” Kibit-balikat niya lang bago tinuon ulit ang pansin sa tsokolate.

Nangingiti na lang ako habang pinupunasan ang mukha niyang puno na ng tsokolate.

“Venus.” Malumanay na tawag sa akin ng mama ni Vulcan. Masyadong nakatuon ang atensiyon ko sa anak ko dahilan ng muntik ko na silang makalimutan at ang problema.

“Hi po.” I greeted them with a force smile. Sumakto namang lumabas si Aether sa isang pinto sa loob ng opisina ni Vulcan at kasabay niyang pumasok si Vulcan galing sa labas.

“Tito Vulcan!” masayang tawag ng bata na siya namang pinaunlakan ni Vulcan.

“Hey kid. You look like your enjoying your sweets.” Puna nito sa bata bago kumuha ng panyo sa bulsa niya.

Hindi ko mapigilang hindi magtaka sa nakita. Ilang panyo ba ang dala niya? Kanina binigay niya sa akin ang isa tapos ngayon may isa pa? Boy scout lang?

“Here. Let me clean you up. Eat slowly. Its all yours. No need to hurry.” Pangangaral niya habang pinupunasan ang mukha ng bata.

“Ahhh….you two looks so sweet. I’m glad that you’re already back Venus.” Emosyonal na ani ng mama niya.

“Masaya rin po akong makita ulit kayo tita.”

“Tita?” Gulat na ulit niya sa itinawag ko sa kaniya.

“Ma!” saway naman ni Vulcan sa mama niya habang binubulungan ito ng kung ano ng papa niya.

“I guess we need to exit first?” Singit ni Aether bago kinuha ang bata sa kamay ko na hindi ko naman tinutulan.

“We’ll wait outside.” Bilin niya bago lumabas.

Nanaig ang katahimikan ng makaalis sina Aether ngunit hindi rin nagtagal ng basagin iyon ni Vulcan.

Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagpaiwan at hindi na lang sumabay kina Aether palabas. Wala naman akong dapat na ipaliwanag sa kanila ‘di ba?

“Why did you call me up here ma?”

“Ow! That? Its because I found someone who looks like you when you were a child.” Masayang imporma ng ina niya sa kaniya. “I didn’t doubt who’s the mother though, the side profile of that kid shouts like yours Venus.” Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti na lang. Sabi ko na nga ba. Hindi nila pwedeng makita ang bata dahil sa ganitong dahilan.

“Ma, stop it.” Utos niya sa ina.

“Now I know why you hired a private investigator last time when we have a mother-son date together.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Private investigator?”

“I can explain Ven.”

“Explain what? I already told you a hundred times that stay away from me and my son. He’s not yours! Saan doon ang hindi mo gets? You want me to spell it to you? How dare you hire a private investigator to investigate my life Vulcan.”

“Venus it’s not because I want to investigate your life. I just want to know who’s the father of the kid.”

“Bakit nga? Para saan? Para kulitin kami lalo at guluhin ang buhay namin? Vulcan nasaktan na ako noong nalaman ko kung anong namamagitan sa inyo ni Brianna. Ayoko ng masaktan ulit kaya pwede ba, pagpahingahin mo na ang puso ko. Please lang. Matagal na tayong wala kaya huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa amin.”

“Hiwalay? You didn’t told me a thing about it Vulcan. What happen?”

“Ma..I’ll deal with you later. I am just going to talk to Venus.”

“No. Deal with your mother now. We have nothing to talk to and I don’t want to spend my time wasting talking to you.” Akma ko ng bubuksan ang pinto ng magsalita ulit siya.

“Venus I’m half way through.” Imporma niya. “I’m near Venus. Can’t you just confess to me everything para maging madali na sa atin ang lahat?”

“Huh! Confess? Confess to you everything para maging madali sa atin ang lahat o para hindi ka na mabaliw kakaisip at kakahintay sa putanginang imbestigasyon na ‘yan! Sana naisip mo ang bagay na ‘yan noon Vulcan. Sana bago mo ako pinaniwalang ako lang talaga…inamin mo man lang na may nakaraan kayo ng asawa ng kuya mo! Sana binigyan mo muna ako ng clue sa kung anong nakaraan niyo!” sita ko sa kaniya. Nagsisimula ng manubig ang mga mata ko ng maalala ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan.

“Alam mo kung ano ‘yong mas masakit? Kasi siya…kahit mahirap…kahit walang pag-asa…pinilit mong hanapin. Kahit tapakan ka na ng mga tao, wala kang pakialam makita mo lang siya…mahanap mo lang siya. Samantalang sa akin…ilang taon na tayong hiwalay Vulcan pero ni isa wala akong nabalitaang hinanap mo ako. Sa halip, heto…umasenso ka ng walang kahirap-hirap. Ngayon mo sabihing magconfess ako sa nangyari sa buhay ko. Wala kang pakialam sa akin noong tayo pa…ano na lang ngayong wala na?” tinuyo ko muna ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak bago siya hinarap ulit.

“You want to know where did I get those information? Thanks to your mother for feeding me up.” Nginitian ko naman sina tita bago nagpaalam.

“I’m sorry we’ve met in a wrong time and place tita, tito. Hope to see you next time. I don’t want you two to witness this scene but your son is to annoying and brat. He doesn’t understand the word stop and live me alone with my son. But if you hate me for what I said earlier, I will accept that no matter what.”

“No hija. We understand. You two need time and I agree to you that he’s an annoying brat~”

“Dad!”

“Shut up!” asik niya sa anak niya.

“I understand if you need time to think what’s best for you and your son. I believe you already knew what’s best for him pero napipigilan lang ng sakit na nararamdaman mo. I hope to see you soon though.”

“Dad your making her leave!”

“She wants to leave.”

“But we’re not yet done~”

“We’re done! The moment you lied to me, is the time we cut connection from each other.” Putol ko bago walang pasabing umalis. Naririnig ko siyang tinatawag ako kaya mas binilisan ko pa ang lakad-takbong ginagawa ko.

“Venus let’s talk. Hindi pa tay~” isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya ng maabutan niya ako.

“Don’t interfere with my life again. I don’t want to be linked into you and I don’t want to see you again. Stop being an annoying brat Vulcan. I am tired and I don’t want to talk to you anymore. If you still don’t  get it then get lost! For fuck sake leave me alone!” tinulak ko siya bago tumakbo papunta sa hagdan. Ayokong mag-elevator at baka maabutan niya ako kaya tumakbo na lang ako pababa sa hagdan habang bitbit ang heels ko.

Wala sina Aether sa labas kanina kaya baka nasa party sila kaya mas binilisan ko pa ang takbo para maunahan si Vulcan sa kanila.

Tagaktak na ang pawis ko at wala akong pakialam sa hitsura ko. Ang importante lang ay makaalis kami ng anak ko.

“Ven~”

“Where’s your sister?” Putol ko agad sa sasabihin ni Zeus.

“What’s happening? You look like hell. May humahabol ba sa ‘yo?”

“I’m not sure basta may tinatakbuhan ako. Where is she?”

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang cellphone ko at ng mabasa ang pangalan ni Aether at walang pasabing tinalikuran ko si Zeus.

“Where are you Aether?” tanong ko agad ng masagot ang tawag niya.

“Outside. Car.” Hindi ko na kailangan pang magtanong ulit ng makita ko si Vulcan sa mga taong nakatayo habang lumilinga-linga na para bang may hinahanap.

Nang makita niya ako, walang lingon-likod akong tumakbo palabas. Shit! Maaabutan niya ako.

“Drive Aether. Drive fast!” Utos ko ng makapasok sa kotse. Walang angal naman na sumunod si Aether na ikinaginhawa ko.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko ng makitang hindi ‘yon ang daan papunta sa bahay nila.

“Airport.”

“Pero paano ang~”

“Its all done. I book you a ticket and it’s a minute from now. I already have your baggage too. Umuwi kami kanina habang nag-uusap kayo. Thank me later.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top