3

Claretine's POV

"Oh! 'Yan na 'yong kape niyo. Bwisit!" Pahamak kasi talaga ang kape na 'to eh. Pati ang may ari. May secretary naman siya bakit kailangang ako pa ang bumili? Wala sa plano kong makita siya, ngayon hindi lang siya ang nakita ko, pati na bago niya. Kapal ng mukha niyang sabihin sa aking walang iba eh dalawang taon palang noong naghiwalay kami may bago na. Asar!

"Teka, bakit parang galit ka?" Tanong niya bago kinuha ang kapeng iniabot sa kaniya ni Eros.

"Hindi ako galit. Pwede ba, pirmahan mo na 'yan at ng matapos na ako dito. Napapahamak ako ng dahil sayo eh," bwisit talaga. Kung alam ko lang na nandoon siya edi sana hindi na ako doon bumili.

"High blood ka ata ngayong araw. May nakaaway ka ba sa baba?" Singit ni Eros.

"Pwede ba Eros huwag maraming tanong. Naaasar ako at gusto kong manapak. Kasalanan mo kasi Vulcan at ng mga kapeng 'yan. Kung hindi dahil dyan, maganda pa sana simula ng araw ko," huminga naman ako ng malalim bago umupo.

"Bakit? Ano bang nangyari sayo a—"

"Anong nangyari? Tinatanong niyo pa talaga! Nakita ko lang naman ang walang hiyang kaibigan niyo sa restaurant kung saan ako bumili ng kape. Ang gagong 'yon! May pasabi-sabi pa siya dati na kahit ilang taon pa ang dumaan hinding-hindi mawawala ang nararamdaman niya sa akin. Na ako lang. Tapos ngayon? Ngayon makikita ko siyang may kasamang iba? Ang kapal! Kung alam ko lang na singungaling talaga ang gagong 'yon, noon pa sana ako naghanap ng iba pagkatapos naming mag break!" Putol ko kay Vulcan.

Ano ba 'yan! Nakakasira naman ng ganda ang stress na 'to. Bakit ba ako nag-aalburoto? Ano bang paki ko sa kaniya? Sa kanila? Kung tuluyan niya na akong kinalimutan edi sige, magkalimutan na kung magkalimutan. Kaya ko namang mabuhay ng wala siya eh. Piste.

"Ahh...gets ko na. Nakita mo si Zeus na may kasamang iba kaya ka nagkakaganyan. Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Eh bakit ngayon parang handang-handa kang pumatay?" Hindi naman maalis ang nakakalokong ngiti sa labi ng bwisit na Vulcan na 'to.

"Talaga ba Vulcan? Paano nalang pala kong 'yong ex-wife mo 'yong kasama ng gagong 'yon? Panigurado papunta pa lang ako pabalik ka na," kapal ng mukhang maaliw sa kamiserablehan ko.

"Malaki kompyansa ni Vulcan na hindi siya ipagpapalit ni Venus sa kung sinu-sino lang Clare. Lalong-lalo na kay Zeus. Hindi type ni Venus ang mga lalaking kagaya ni Zeus kaya talo ka pa rin. Hahaha." Bwisit na Eros to. Sige magkampihan kayo.

"Ah ganun? Edi sige, iba nalang. Paano pala kung...si..Brianna pala 'yon? Hindi ka pinili ni Brianna pero napili niya si Zeus? Ang laking sampal no'n Vulcan, ano ngayon ang mararamdaman mo? What are you going to d—"

"Claretine that's enough. Your out of the line." Sita naman ni Eros.

"Ganun? Kung siya okay lang? Tapos kung ako lampas na sa linya? Si Vulcan lang ba kaibigan mo Eros? Wag ka ngang bias! Kung ayaw niyang marinig ang mga ganoong bagay edi sana hindi niya sinimulan. Wala akong say sa kung ano ang naging resulta ng love life ni Vulcan, wala akong paki kahit pa umabot sa sampu babae niya. Ang akin lang, don't hit the bull's eye kung ayaw mong mabull's eye din." Ano tingin nila sa akin? Hindi nasasaktan? Matapang lang ako sa labas pero malambot ako sa loob. Ang lakas ng loob nilang pagkatuwaan ako pero kapag ginantihan sila out of the line? Tss!

Natahimik naman silang dalawa ng dahil sa sinabi ko. "Ano? Natamaan kayo? 'Yan kasi, ang hilig niyong maghanap ng mali sa iba pero 'pag sarili niyong mali ang nabisto magagalit kayo."

"Sorry okay. I didn't mean to insult you or hurt you. Wala akong mahahanap na rason doon, kaya sorry na." Saad ni Eros bago uminom ng kape. Tiningnan ko naman si Vulcan para ipahiwatig na kailangan niya ring humingi ng sorry.

"Ako? Bakit kailangan kong magsorry eh hindi naman ako nagalit sa mga pinagsasasabi mo? Si Eros ang pagalitan mo," tugon naman nito bago humarap ulit sa laptop niya.

Ang tibay talaga ng isang ito. Kahit kailan simula ng makilala ko sila nabibilang ko lang sa daliri ko ang paghingi niya ng tawad.

"Ang daya naman. Bakit ako lang ang kaila—"

"What's up! Mukhang busy kayo dito ha. Anong meron?" Agad naman kaming napalingon sa napakapamilyar na boses na 'yon. Bakit nandito ang isang ito.

"Zeus pare, mabuti naman at nandito ka na. Pinag-uusapan ka kasi namin eh." bati naman ni Eros na may ngisi na sa labi ngayon. Talaga namang napakasarap bigwasan ng bwisit na 'to. Kanina lang parang maamong tupa eh.

"Kaya naman pala malas ang araw ko," sagot naman nito bago ako dinaanan ng tingin.

Anong ibig niyang sabihin doon? Na ako ang dahilan ng malas niya?

"Ano na namang pinagkakalat niyong fake news tungkol sa akin? Ikaw Eros? Walanghiya ka rin minsan eh. Siraan ba naman ako sa assistant manager ng banko niya. Parang hindi magkaibigan eh," dagdag pa nito habang prenteng nakaupo sa sofa.

Tingnan mo 'to. Ang landi! May girlfriend na nga, may tinatarget na naman. Kawawa naman ang mga babaeng nahuhulog sa kanya ngayon. Hindi nila alam kung anong tunay na ugali ng kinababaliwan nila.

"Yes? May sasabihin ka?" Agad ko namang kinuha ang mga papel na napirmahan na ni Vulcan. Sinamaan ko naman ng tingin si Eros ng marinig ko ang pinipigilan niyang hagikhik.

"Mabulunan ka sana!" Saad ko bago tumalikod. Aalis na sana ako ng magsalita si Eros na nakapagpadagdag lang sa init ng ulo ko.

"Alam mo pare, sinabi ni Clare kanina, miss ka na daw niya." Eros.

"Talaga? Kaya ba tinititigan mo ako kanina?" Hindi naman maalis ang nakakabwisit na ngiti sa mukha ng gagong playboy na 'to.

"Hanggang ngayon uto-uto ka pa rin? Tsk! Asa kang mamimiss ko ang tulad mong gago!" Asik ko bago tuluyang umalis sa kwartong 'yon. Bwisit na Eros 'yon. Mapektusan nga mamaya.              

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top