29
Nang makaalis si Vulcan, wala na akong inaksayang oras pa at umalis na sa table namin para hanapin ang bata. Okay naman na siguro ang pagpapakita ko sa kanila kahit ilang oras lang. Kailangan na naming makaalis ni Venice bago pa ako maunahan ng mga magulang ni Vulcan.
Tinunton ko ang children’s area ngunit wala akong nakitang Aether doon. Kahit si Venice wala. Saan naman nagpunta ang dalawang ‘yon?
Ilang beses din akong pabalik-balik sa paghahanap sa kanila ngunit hindi ko sila makita. Nagkakasayahan na ang mga taong dumalo sa party ngunit kabaliktaran naman ng kasiyahan nila ang nararamdaman ko. Paano kung mag nangyaring masama kay Venice? Paano pala kung nakidnap na ‘yong anak ko? Paano ko siya hahanapin?
I sat alone on the staircase outside the venue when my phone rang. I quickly answer it the moment I read Aether’s name on it.
“Ven~”
“Mabuti naman at naisipan mo akong tawagan Aether! Kanina ko pa kayo hinahanap ni Venice pero hindi ko man lang kayo mahagilap. Nasaan ba kayo? Si Venice ba nasaan na?” galit na putol ko sa kaniya.
I don’t want to get angry on her but I can’t help it. Napapangunahan ako ng takot at kaba.
“Kaya nga kita tinawagan kasi may problema.” Sa sinabi niyang ‘yon halos doble na ang kabang nararamdaman ko.
“Aether huwag mo sabihin sa aking nawawala ang anak ko. Sinisigurado ko sa ‘yo Aether pagsisisihan mo kapag naiwala mo si Venice,” banta ko sa kaniya. Narinig ko pa ang mga mahihinang kaluskos sa kabilang linya bago siya nagsalita na pinagtataka ko.
“Venus ano ka ba! Hindi nawawala si Loki. Iba ‘yong problema.”
“Aether okay ka lang? Bumubulong ka ba? Nasaan ka ba?”
“’Yon na nga ang kanina ko pang gustong sabihin sa ‘yo. Palagi mo namang pinuputol.”
“Ano nga? Nasaan nga kayo?”
“Nasa office kami Ven. Office ni Vulcan.”
Ano namang gingawa nila doon? “Bakit naman kayo nandiyan? Ang taas-taas ng office ni Vulcan tapos makakarating kayo d'yan? Ano bang nangyayari?”
“Hindi lang ‘yon ang dapat mong bigyang pansin Ven.”
Hindi na yata naalis sa pagkakasalubong ang mga kilay ko mula nang tumawag si Aether. “Ano pa ba kasi? Bakit hindi na lang ako diretsuhin.”
“Kasama namin parents ni Vulcan.”
“Ha?”
Sabihin niyong mali lang ‘yong narinig ko at hindi ‘yon nangyayari ngayon.
“Kasama namin ang parents ni Vulcan.” Pag-uulit niya pa na ayaw pa rin tanggapin ng utak ko.
“Ano ulit ‘yon?”
“Venus, paulit-ulit tayo eh ‘no? Kasama nga namin ‘yong parents. Parents, Venus, parents. Kasama namin. Hindi mo pa ba naiintindihan?” nauubusan ng pasensiyang sagot naman ni Aether.
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Bakit kayo magkasama? Bakit mo hinayaang makita nila?”
“Hindi ko hawak ‘yong panahon Venus. Nabangga sila ni Loki kanina at masyadong mabilis ‘yong mga pangyayari. Namalayan ko na lang nandito na kami sa office ni Vulcan. And guess what.”
“Meron pa?”
“Guess what nga ‘di ba?”
“Fine. What?”
“They called Vulcan earlier and I bet he’s on his way here. Bilisan mo Venus. Ayokong ibuking ka kaya ikaw dapat ang humarap sa kanila.”
Frustrated naman akong napahilamos sa mukha ko dahil sa narinig. “Gagawa-gawa ka ng problemang hindi mo kayang lusutan tapos ako pareresolbahin mo. Hindi ka na talaga nagbago Aether.”
“Sorry naman. Hindi ko kasi talaga nakita na dadaan pala ‘yong parents niya. Sige na Ven. Puntahan mo na kami.” Pagsusumamo niya na hindi ko naman pwedeng balewalain. Kahit ano pa ang sabihin ni Aether, anak ko pa rin ang pinag-uusapan namin.
“Fine. Wait for me. Huwag kang magsasalita ng kahit na ano tungkol sa bata. Nagkakaliwanagan ba tayo Edang?”
“Aether nga~”
“Malinaw ba Edang?”
“Oo. Oo, malinaw na malinaw ma’am. Bilisan mo ha.”
Pagkatapos niyang sumagot, agad kong ibinaba ang tawag at nagmamadaling pumunta sa elevator. At dahil wala ngang trabaho dahil sa party, hindi gumagana ang elevator ng mga employee kaya hindi na ako nag-inarte pa at sinubukan ang elevator na exclusive kuno para kay Vulcan.
Exclusive niya mukha niya. Kahit gaano pa kamahal ang tumapak dito wala akong pakialam makita at makuha ko lang ‘yong anak ko.
Nang pasara na ‘yong pinto, nagulat ako ng may kamay na biglang sumulpot para harangan ang pagdikit ng dalawang pinto ng elevator. Agad kong tinanggal ang sapatos na suot ko. Mabuti na lang at may heels ‘to, makakalaban pa ako sa kung sino mang kumag na ‘to.
Handa ko ng ihampas ang hawak ko sa pagmumukha niya mismo ng humarap siya sa akin na may gulat na ekspresyon.
“What…are you doing…here?”
“Psh! Akala ko kung sinong siraulo.”
“I am asking you. This is a private elevator. Anong ginagawa mo dito?”
“Ano ngayon kung private? Bawal akong gumamit?” pambabara ko sa kaniya.
“You should know what are the boundaries between us. You are not allo~”
“Ano? Not allowed? Eh kung pinagana mo ‘yong iba pang mga elevator edi sana wala ako dito. At kung ayaw mo naman pala akong makasama sa iisang elevator, maghanap ka ng iba o kung hindi naman, maghintay ka.”
“Bakit ako maghihintay?” kunot-noong tanong niya. “This is my elevator and it is exclusively mine. Kung may dapat mang maghintay, ikaw ‘yon.”
“Sino ba sa atin ang ginagawang big deal ang pagsakay sa exclusive mo kunong elevator? Ano bang pinagkaiba nito sa iba pang elevator ha at napaka-possessive mo sa bagay na ‘to?”
“It has AC. Other elevators don’t have. And it can be cost millions kapag nalaman ng mga taong ako lang ang gumagamit nito. ‘Yon ang pinagkaiba nila.”
“Well…sorry to say this mister pero bawas-bawasan mo muna ‘yang pera mo. Hindi ka naman siguro maghihirap dahil lang may ibang gumamit ng elevator na exclusive for you lang eh ‘no?” inis na ani ko bago siya tinulak papuntang likuran at pinindot ang top floor.
“Pupunta ka as office?”
“Susunduin ko si Venice.”
“Kasama nina mommy ‘yong anak mo?”
“Kakasabi ko lang ‘di ba? Pwede manahimik ka na?” mataray na sagot ko. Hindi ba niya feel na ayokong makipag-usap sa kaniya?
“Bakit ba ang taray mo? Hindi ka naman ganyan dati kapag ako ang kausap mo ha. Anong nangyari sa pasweet at pabebe way mo ng pakikipag-usap sa akin?”
Problema ng isang ‘to? Kinakalimutan na nga, binabalik pa.
“Pwede ba manahimik ka na Vulcan? Pwede naman sigurong umabot sa taas ‘tong elevator na exclusively yours ng hindi ka nagsasalita ‘di ba?” taas-kilay na saad ko bago siya inirapan at humarap ulit sa pinto ng elevator.
Ayoko ngang maging bitter, sinusubukan naman ako ng gago. Psh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top