23

"Why? Can't I give him some gifts para ganahan siyang magpagaling agad?"

Huh! Hindi ako makapaniwalang may lakas ng loob siyang sabihin 'yan.

"Why too Vulcan? You don't have any connection to him para bigyan siya ng mga laruan. Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo? Ha?"

"I feel like he's mine kaya k~"

"Oh! don't give me that stupid excuse Vulcan! You feel like what? He's yours? I already told you na hindi mo anak si Venice kaya stop all this nonsense Vulcan. Go back inside, get all your stupid toys, put them all in a garbage bag and throw it away from my son! At kung gusto mo, sumama ka na lang din para naman mawala ka na sa paningin ko!" pikong-pikong saad ko.

Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko. Dapat lang! Dapat niyang isipin na wala siyang kahit na anong responsibilidad sa anak ko. Ako lang ang may karapatan at may responsibilidad sa kaniya.

"Why are you so stress about it anyway? Fine sabihin na nating hindi nga siya akin, then can't I give him a gift? Para naman sa bata 'yon Venus. Pati ba naman 'yon bawal?"

"Huh! Pati ba naman 'yon bawal? Vulcan do you realize how many kids loss their life just because of a single stupid tiny toys? Ha? Tapos tatanungin mo ako kung pati ba 'yon bawal? Oo Vulcan. Bawal na bawal. Okay lang sana kung kaunti lang Vulcan, hinding-hindi ako magrereact ng ganito, pero 'yong dinala mo? Vulcan ilang libo ang winaldas mo para lang sa mga walang kwentang laruan na 'yon? Ha?"

"Ven...it's not important kung magkan~"

"You...get your fucking toys...away from my son. Throw them away at idamay mo na rin ang sarili mo. Got that?" Mataray na putol ko sa kaniya bago siya tinalikuran.

"Ven...Ven wait.." napahinto naman ako ng hawakan niya ako sa braso.

Hinarap ko siya habang nakapamewang. Ano pa ba ang gusto niya? Hindi pa ba klaro sa kaniya ang gusto ko?

"Fine kukunin ko ang mga laruan, pero pwede bang bigyan ko siya ng kahit iilan lang?"

"Bakit pa? Sinabi k~"

"Venus, hindi normal ang makakita ka ng batang kamukha mo kahit wala naman kayong koneksyon sa isa't isa. Kaya sana pagbigyan mo na ako."

Panay pa ang pagpapaawa effect niya kaya imbes na makipaglaban pa sa kaniya ng patibayan, pinagbigyan ko na lang. "Fine. Pero 'yong makabubuti lang sa kanya ang tatanggapin ko."

"Okay. It's settle. I will going to give him one hundr~"

"One hundred? Baliw ka ba?" hindi makapaniwalang putol ko sa kaniya. Pinagbigyan na nga, humihirit pa.

"Yes. Tutal ayaw mo ibigay ko lahat kaya one hundred is enough, maybe?"

"Five."

"Five?" gulat na tanong niya. "Venus sa dami ng laruang 'yon, lima lang?"

"Kung educational books sana 'yong iniregalo mo, walang magiging problema."

"Pero, Venus, lima? Sigurado ka?"

"Yeah. A hundred percent." Desididong saad ko.

"Hindi ba pwedeng tumawad?"

"Tumawad?" hindi makapaniwalang tanong ko. This time, ako naman ang nagulat. Anong tingin niya sa ginagawa namin? "Hindi ka bumibili sa palengke para tumawad Vulcan!"

"Fifty. I'm fine with it."

"Ten."

"Venus naman. Thirt~"

"Twenty. Take it or leave it. Wala ng tawad-tawad." Puno ng pinalidad na putol ko sa kaniya.

"Fine. Twenty big toy~"

"Twenty small toys."

"Akala ko ba..."

"Para kapag na-imbyerna ako, madali kong maitatapon." Putol ko bago naunang pumasok.

Pagkadating ko sa loob, agad kong kinuha si Venice para papiliin siya ng mga laruan gusto niya. Hindi pa matigil sa pag-iyak ang bata dahil ayaw pa sanang pumili. Mabuti na lang at nakuha ni manang ang loob ng bata dahil sa strawberry ice cream.

"Okay kiddo, as what your mommy said, you can choose twenty sm~"

"Twenty big toys." Putol ko.

"But the~"

"That's final. Don't talk," pigil ko bago tinungo ang anak kong nasa tabi ni manang.

"Mommy...can I have this? Also this...and this and this...and thi~"

"Loki Venice. I already said only twenty toys."

"But mommy, I can't have something like this if tito Vulcan take it back," naiiyak na naman na saad niya.

Bakit ba ang hirap-hirap kontrolin at pagsabihan ng mag-amang 'to? Sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to eh.

"Venice the reason why I don't buy so many toys because you don't need them. You understand naman 'di ba why there are more educational books than toys in our room? Right anak?" napipilitan namang tumango ang bata. Naaawa man ako, hindi ko pa rin siya pwedeng pagbigyan. Dapat ko na talagang i-alis si Venice sa Pilipinas.

"Then...mom, can I have this one? Promise...just this one. Please?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumango sa gusto niya.

Wala namang pagsidlan ang kasiyahang naramdaman ng bata dahil sa tango na 'yon. Walang humpay sa pagtatatalon ang ginawa niya bago nilapitan ang tito Z niya na natutuwa din sa nakikita.

"Now you get all your toys and get lost," bulong ko kay Vulcan bago nilapitan sina Zeus.

Pero bago pa man ako makalayo sa pwesto niya, malinaw kong narinig ang banta niya na nakapagpatibay sa desisyon kong umalis.

"Make sure that you're telling the truth Venus. Kasi kapag nalaman ko na ako ang ama ng bata, I will make sure na kukunin ko siya sa kahit na anong paraan."

Iwinaksi ko ang sinabi niya ng makalapit ako kina Zeus. All I have to do is get Venice away from Vulcan's space. I just wish na sana hindi niya na kami masundan pa sa Korea.

"Venice, let's go upstairs. You need to rest na para gumaling agad," mabilis namang lumapit ang bata sa akin bago ko kinarga paalis.

"Mommy what about my toys?" tanong niya ng makarating kami sa hagdan.

"I will bring them upstairs later kapag nakatulog ka na. Don't worry, mommy will not throw them away, okay?" pang-aalo ko na lang bago nagpatuloy sa pag-akyat.

Ilang oras lang ang itinagal ng makarating kami sa kwarto ng makatulog agad siya. Mukhang pagod na pagod talaga siya sa kung ano mang ginawa niya buong araw.

Nang masiguro kong mahimbing na siyang nakatulog, saka ko lang binalikan sa baba ang mga laruang napili niya. Wala na doon sina Vulcan at ang iba pang mga laruang na ikinaginhawa ko naman. Mahirap na nga silang kontrolin at intindihin sa sitwasyong 'to, ano pa kaya kapag nalaman nilang mag-ama sila? Paniguradong maaga akong tutubuan ng puting buhok sa stress dahil sa kanila.

Pagkatapos kong maiakyat lahat ng laruan, naisipan ko munang magpahangin sa garden. Tutal naman hindi pa rin ako makatulog kaya magpapahangin na muna ako. Nagulat pa ako ng madatnan ko doon si Aether na may katawagan. Nang makita ako, agad niyang tinapos ang tawag at pinalapit ako sa pwesto niya.

"Hindi ka makatulog?"

Tinanguan ko lang ang tanong niya bago nahiga sa tabi niya. Nakaupo kasi siya sa isang tela na nakalatag sa ilalim ng puno. Ayoko namang mangawit habang tinitingnan ang liwanag ng buwan kaya humiga na lang ako.

Pareho lang naming tahimik na nakatingin sa buwan hanggang sa basagin niya 'yon. "Ito Venus ha...sagutin mo nga ako ng totoo. Anong meron sa inyo ni Vulcan?"

Ilang segundo akong tahimik na nakatingin pa rin sa buwan hanggang sa magtanong ulit siya.

"Venus ano ba? Sagutin mo ako. Tama ang sinabi ni Vulcan na hindi normal na makakita ka ng batang kamukha mo kahit wala naman kayong relasyon. Tapos nagalit ka dahil sa dami ng laruang ibinigay ni Vulcan. Eh sa uri ng pag-uusap niyo walang maniniwalang kamakailan lang kayo nagkakilala."

Agad akong napaupo ng marinig ko ang mga sinabi niya.

"Sinundan mo ba kami?" mapanghusgang tanong ko na ikinagulat naman niya.

Akala mo naman may sinabi akong sikreto sa kaniya.

"Ano? Sinundan mo kami 'no?"

"Eh kasi naman...I know Vulcan is not a gentleman. Kaya no'ng nakita kong hinila mo siya palabas, nag-alala lang naman ako kaya ako sumunod. Sorry naman." Paliwanang niya na ikinailing ko. Tsismosa talaga kahit kailan.

"So ano nga?" Pamimilit niya pa.

"Bakit ba kasi gusto mong malaman? Concern lang naman ako sa anak ko kaya ako nagalit sa kaniya."

"Venus...akala mo talaga wala akong alam? Sige nga. Sabihin mo sa akin, ang sabi mo si Mr. Genius, in love pa sa asawa ng kapatid niya. Come to think of it Venus...Vulcan also has his share of issues with his brother's wife. Ako lang ba o talagang pareha si Mr. Genius at Vulcan ng problema?"

Tahimik pa rin akong nag-iisip ng isasagot ko sa mga sinabi niya ng pagbantaan niya ako. "Venus ayaw mo naman sigurong kay Vulcan ko malaman lahat ng katotohanan 'di ba?"

Sa sinabi niyang 'yon, agad akong napaharap sa kaniya. Kapag sinabi ni Vulcan na siya si Mr. Genius, malalaman ni Aether kung sino ang ama ng anak ko. At malaki ang porsyentong baka sabihin niya kay Vulcan na siya ang ama ni Venice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top