2

Venus' POV

Shit! Ang super late ko na. Kasalanan to ni Eding eh. Hindi niya kasi ako ginising.

Nagmamadali akong naglalakad sa hallway nitong school para makaabot pa ako. May two minutes pa akong natitira, sana naman maunahan ko pa yung prof namin papasok.

Sinamahan ko na ng dasal ang pagmamadali ko pero kapag namimiss ka talaga ni kamalasan hindi ka makakatakas.

"Sorry...sorry hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh," ano ba yan! Ang laki-laki ng daan dito pa talaga naisipang dumaan. Pwede namang sa kaliwa!

"Can your sorry change the fact that you ruin my uniform and now I'm late for my class? Tss." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mabuti nga nag sorry pa ako eh.

"Is that my fau—at talagang ang bastos ng bwisit na mister na 'yon. HOY! HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKITA ULIT SA AKIN HAMBOG!"

"Ms. Vesta! Matuto ka naman sanang rumespeto ng klase ng iba. It's class hours, ano pang ginagawa mo dito sa labas at talagang nagsisisigaw ka pa aber?" Bakit ba gustong-gusto ako ng kamalasan?

"Pasensiya na po ma'am, hindi na po mauulit," mahinang saad ko. Nakataas naman ang isang kilay ni Ms. Roxas. Palibhasa kasi matandang dalaga kaya napakastrikta.

"Hala sige! Pumasok ka na sa klase mo bago pa kita bigyan ng detention slip," pagkatapos kong magpasalamat ay sumibat agad ako. Mahirap na. Nakadikit pa naman si kamalasan.

'Yon 'yong pinakaunang engkwentro namin. Hindi ko naman inaakala na magiging magkaklase pala kami. Sa bawat group project na ginagawa sa room, nagiging magkaribal kami. Advantage naman sa akin 'yon dahil dagdag points na nga, nalalandi ko pa siya. Akala niya siguro nakalimutan ko 'yong kabastusan niya noong first encounter namin.

"Rococo art is originated in early eighteenth century and one of it's example is Paris. It is characterized by whimsical, curvy lines and elaborately decorative style of art. It's name derives from French word rocaille," report nito.

"Yes Ms. Vesta? I hope your question is not senseless," nagtawanan naman ang mga kaklase namin sa sinabi niya. Ang lakas talaga ng loob nitong ipahiya ako.

"Anong ibig sabihin ng rocaille Vulcan," panggagaya ko sa boses niya. Ang gwapo niya talaga kahit nakapoker face pa.

"Rocaille means rock work after the forms of sea shell," sagot naman nito.

"Let's continue. Gothic art. Gothic art is the st—"

"Teka lang naman, hindi pa ako tapos magtanong eh. Ang bastos mo naman," putol ko sa kaniya. Nakita ko namang umigting saglit ang panga niya bago ako tinanong kung ano ang hindi ko maintindihan sa explanation niya.

"Ang hindi ko maintindihan? Sa explanation mo wala naman. Pero ikaw mismo ang hindi ko maintindihan," dagdag ko. Humarap naman siya sa amin bago ako tinanong ulit kung ano ang hindi ko naintindihan.

"Again Ms. Vesta, saan d—"

"Wala nga akong hindi naintindihan sa mga sinabi mo. Pero may tanong ako," putol ko ulit. Alam ko manipis lang pasensiya ng isang ito eh.

"Kung ganoon, ano yang tanong mo Ms. Vesta at kanina mo pa ako iniisturbo sa report ko?" Tanong nito na nakataas na ang kilay.

Binigyan ko naman siya ng isang napakagandang ngiti bago siya sinagot. "Ang tanong ko?...hmm...pwede ka bang yayaing lumabas?"

Agad namang nagsigawan ang mga kaklase namin, 'yong iba may pahampas hampas pa sa lamesa nila. 'Yong iba naman todo bigay ng suporta sa akin. Paano kasi, ako lang ang may lakas ng loob para harap-harapang yayain ang napakasungit na Mr. Genius ng room namin eh.

"I'm not interested," tugon nito bago muling humarap sa projector para ituloy ang report. Sinong mag-aakalang mapapansin din ako ni Mr. Genius di kalaunan.

"Masaya naman siyang kasama. Aakalain mong lumaki kang prinsesa talaga sa paraan niya ng pagtrato sayo. Ayun tuloy, pagkatapos namin ng college, nagpakasal agad kami. Two years of being married, masaya naman, pero hindi ko alam na may isang napakalaking sikreto pala siyang tinatago sa akin. Kaya ayun, heto ako ngayon nag-iisa.... Joke lang, siyempre kasama ko baby ko kaya masaya pa rin ako." Pagtatapos ko sa kwento.

"Sino ba kasi yang Mr. Genius na 'yan at ano ba 'yong sikreto niya bakit kayo naghiwalay?" Usisa naman ni Aether. (Pronounce as eyder)

"For once Aether, stop sticking your nose on my business. Mas mabuti pa, bantayan mo ng mabuti 'yong anak ko dahil kapag may nangyari sa kaniya ako mismo kakatay sayo. Naiintindihan mo?" Kinuha ko na ang mga gamit ko at aalis na sana ng wala akong narinig na tugon niya kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Yes chef! Gusto pa talaga marinig eh," bulong nito.

"Syempre naman. Gotta go, bye." Paalam ko bago pumasok sa kotse at umalis papunta sa trabaho.

Five years ago, hindi ko aakalaing kaya kong buhayin ang anak ko. Hindi ko na ipinaalam sa kaniya. Para saan pa? Mahal niya pa rin naman ang asawa ng kuya niya. Ayokong makihati sa puso ng taong may mahal ng iba. Aksaya lang sa oras 'yon.

Pagkapasok ko, hindi na muna ako dumeretso sa kusina para tumulong. Hindi naman gaanong marami ang tao dito kaya 'yong ibang chef na ang bahala doon. Mabuti nalang talaga at tinulungan ako nina Aether at Zeus eh. Kung hindi dahil sa tulong nila, hindi ako makakabangon.

"Ma'am, may mga orders po na dumating kani-kanina lang. Nandoon po sila sa office niyo po. Tsaka, si sir Zeus po nandoon din," imporma sa akin ni Lyka, isa sa mga waitress dito.

"Sige salamat," bakit nandito ang isang 'yon? Wala naman siyang sinabing pupunta siya dito ha.

"Himala at napadpad ka dito? Anong atin?" Tanong ko agad sa kaniya pagkapasok ko.

"Wala man lang good morning? Ang aga naman ng pagtataray mo."

"Hindi nga. Lately hindi ka napapadpad dito kaya nakapagtatakang nandito ka." Saad ko habang binubuklat ang mga listahan ng orders. Ang dami namang umorder ngayon.

"Wala lang. Namiss lang kita," agad ko naman siyang binigyan ng mapang-asar na ngiti. "Ako? Namiss mo? Mukhang may nakain ka atang hindi maganda."

"Ang sama naman...ano ba 'yan? Kararating mo lang, 'yan na agad inaatupag mo. Magtatampo na ako sayo niyan," saad nito.

"Orders. Nakakapressure nga eh. Ang daming nagrequest, this month lahat. Mababawasan tuloy ang bonding time namin ni Venice," pagmamaktol ko.

"May alam ako, mag unwind ka na muna ngayon tapos bukas mo na simulan 'yang hawak mo. Para naman makapagpaalam ka rin kay Venice," suhestiyon niya.

"Okay." Tugon ko nalang bago inilagay sa dala kong bag ang listahan. Dumaan muna ako sa kusina bago tuluyang lumabas. Naabutan ko naman si Zeus na nakaharang sa may pinto habang may kaharap na babae.

"Claretine—"

"Hoy! May papasok na customer oh, huwag mo ngang gawing tambayan 'tong pinto," sita ko sa kaniya sabay hila. Binalingan ko naman ang babaeng kaharap ni Zeus, "sorry miss, may masamang pagkain kasing nakain ang isang ito kaya pati utak apektado."

"It's okay," tugon niya bago dere-deretsong pumasok.

"Ano ba! Pwede umayos ka? Hindi ka security guard para tumambay sa pinto okay. 'Yong sekyu nga dito nasa gilid nakapwesto tapos ikaw nakaharang talaga sa gitna. Baka isipin ng iba ang pangit ng service namin dito kasi walang matinong lugar ang mga sekyu. Ang pangit mo pa naman para maging mukha ng restaurant ko."

"Wow naman, nahiya ako sa pagiging maganda mo. Halika na nga, mali atang nagsuggest ako eh, nilalait mo lang naman ako," nagpatiuna na ito papunta sa sasakyan ko.

"Asan sasakyan mo?" Tanong ko agad pagkalapit ko.

"Na tow," tinawanan ko lang ang sagot niya na inirapan niya lang din. "'Yan kasi, nakakalimot pag may naespatang maganda."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top